Share

Chapter 3

Buong pag-iingat at dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Ang lahat ng aking mga pandama ay aktibo sa sandaling ito. Kung sakaling ang taong ito na pumasok sa aking bakuran ay magdadala sa akin ng panganib ay kailangan kong maging maingat at alerto.

Kung sa labas ng pintuan ang scanner ay ang hininga ko na tumatama sa scanner ang kanang palad ko naman ang susi para makalabas.

Nang itinapat ko ang palad ko sa scanner ay awtomatikong bumukas ang pintuan. Ngunit bago pa man ako makalabas ng pinto ay biglang sinugod ako ng isang lalaking may hawak na kutsilyo at nagtatago lang pala sa gilid ng pintuan ko. Pero alerto na ako kaya naiwasan ko ang kanyang pag-atake. Ngunit kung hindi ako nakaiwas ng mabilis ay nasaksak na sana niya ako ng kutsilyo sa dibdib.

Kasabay ng matagumpay kong pag-iwas sa katawan ko sa pag-atake niya, mabilis kong hinawakan ang likod ng kamay niya at binaliti ng mahigpit ang braso niya para mabitawan niya ang kutsilyo. Iniuntog ko ng malakas ang ulo niya sa konkretong dingding ng bahay ko. Hindi pa man siya nakaka-recover sa sakit na kanyang natamo ay sinundan ko ang aking pag-atake ng malakas na sipa sa kanyang tiyan. Tumilapon siya sa aking maliliit na paso na may mga nakatanim na mansiteras. Mabilis akong lumapit sa kanya at sumakay sa likuran niya saka hinila ang buhok niya't binigyan siya ng malakas na suntok sa mukha ng maraming beses. Kinuha ko ang kutsilyo sa tabi niya at itinutok sa leeg niya.

"Sinong nag-utos sa'yo na patayin ako?" malamig ang bose na kong tanong ko sa kanya sa mapanganib at sa mapanganib na tono.

Ngumisi ang lalaki kahit umaagos na ang dugo sa bibig at ilong niya. "Patayin mo na lang ako kung gusto mo dahil wala kang mapapala sa akin."

"What a loyal dog," walang emosyon kong sabi tapos bigla kong sinaksak ng kutsilyo ang kanang kamay niya. Napasigaw ngalakas dahil sa sobrang sakit. "Hindi mo ba sasabihin sa akin o gusto mong tusukin ko rin ang kabilang kamay mo ng kutsilyong ito?"

"Hindi ka isang tao! Isa kang demonyong walang puso!" sigaw niya sa'kin at pagkatapos ay biglang tumawa ng malakas kahit na nasasaktan. "Nakakaawa ka. Hindi mo alam na nasa tabi mo lang pala ang kalaban mo."

Lalo akong nawalan ng awa dahil sa narinig ko. Wala akong awa sa mga taong may masamang balak sa akin. Lalo na ang mga taong may inililihim sa akin at ayaw magsabi ng totoo kaya tinusok ko ulit ang kamay

niya pero this time ay tinarget k. The man shouted at the top of his lungs while coughing bloods. Ngunit wala akong awa na naramdaman para sa taong katulad niya.

"You bitch!" galit na sigaw sa akin na halos lumabas na ang ugat sa kanyang mukha sa sobrang sakit na kanyang nararamdamn. If he is not my enemy I will give him a thumbs up dahil kahit anong gawin ko sa kanya ay ayaw pa rin niyang sabihin sa akin kung sino ang utak sa pag-atake niya sa akin. Pero dahil ayaw niyang magsalita kaya wala akong choice kundi pahirapan siya.

Wala akong pakialam kahit mukha siyang nakakaawa. Hindi dapat kaawaan ang mga tulad niya. Dahil sa mga taong katulad niya kaya ako naulila at para akong isang taong buhay na patay. Gumagalaw ngunit patay at malamig ang puso.

'Di ba katulad ka rin ng mga taong kinaiinisan mo Shanra? Sa bawat taong pinapatay mo ay may mga bata na nawawalan at nauulila sa magulang. Napailing ako nang biglang may nagsalita na maliit na boses at bumulong sa tainga ko. Hindi. Iba ako sa kanila. Hindi ako pumapatay ng mga inosenteng tao. Ang tanging mga taong pinapatay ko ay ang mga taong maituturing na salot sa lipunan.

"Ayaw mo kasi magsalita kaya matulog ka na muna," sabi ko saka kinuha ang karayom ​​ko na nakatago sa gilid ng baywang ko at itinusok ko sa batok niya. Nagbilang lang ako ng isa hanggang tatlong segundo bago tuluyang nahiga ang lalaki sa semento at nakatulog.

Ang karayom ​​na ginamit ko sa kanya ay pampatulog lamang. Hindi pa ako tapos magtanong sa kanya kaya hindi pa siya mamatay.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa likuran niya nang masigurado kong wala na siyang malay. Akmang hihilahin ko na lalaki nang marinig ko ang malakas tunog ng landline ko sa sala. Iniwan ko na lamang ang lalaking nakahandusay sa sahig at walang pagmamadali, pumasok ako sa bahay ko para sagutin ang telepono. Hindi naman siya makakatakas dahil ngayon ay nasa nananaginip pa siya.

"Hello, Shanra? Kamusta?" tanong agad sa akin ng nasa kabilang linya kahit hindi ko pa nasasabi ang salitang 'hello' sa kanya.

"Tinitingnan mo ba kung buhay pa ako?" prangka kong tanong sa lalaking tumatawag na walang iba kundi ang isa sa aming BAS member, si Henry. At alam kong isa siya sa mga taong lihim na na asar sa akin.

"Woah! I'm just asking if you're okay. Balita ko may bagong mission na ibibigay from above and since you just finished your mission baka hindi ka na makatanggap ng panibagong mission," paliwanag niya na may kahalong inis sa tono ng boses.

"Ganun ba? Akala ko tinawagan mo ako para masigurado kung matagumpay ba akong napatay ng assassin na pumasok sa bakuran ko," nakangising sabi ko kahit hindi niya ako nakikita. Hindi ako naniniwala na hindi siya ang nagpadala sa lalaking nagtangkang pumatay sa akin kanina lang.

"Oh? Kamusta naman ang taong nagtangkang pumatay sa iyo?" tanong nito na kunwari ay hindi interesado ang boses at kaswal lamang na nagtatanong.

"He's half-dead at nakahandusay sa sahig sa labas ng bahay ko ngayon. Mahina ang taong pinadala ng taong pumatay sa akin. Madali siyang nakatulog. Hindi man lang ako pinagpawisan ng konti," mayabang ang tono ng aking boses na sabi ko sa kanya. Sinadya ko talagang magyabang dahil gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko.

Isang malakas na tawa ang narinig ko sa kabilang linya. "Mukhang okay ka na, Shanra. And I think you can accept another mission too," sabi ni Henry pagkatapos tumawa ng malakas ngunit hindi siya nagkomento sa sinabi ko. Parang nagkakamali ako sa pag-iisip na ang lalaking ito ang nagpadala sa lalaking nagtangkang pumatay sa akin.

"Kaya kong gawin ang kahit anong misyon-Damn!" Laking gulat ko ng marinig ko ang malakas na tunog ng motorsiklo sa labas ng gate ng bahay ko. Basta ko na lamang binitawan ang landline at tumakbo palabas ng bahay ko.

Napasipa ako sa ere nang makita kong wala na sa sahig ang walang malay na lalaking assassin. Malamang niligtas siya ng rider habang kausap ko si Henry sa telepono.

Muli akong napasipa sa hangin sa sobrang inis. Bakit hindi ko naisip na baka may back up siyang kasama? Naging careless ako sa pagkakataong ito.

Napatingin ako sa gate ko at napailing. No wonder madali nilang nailigtas ang lalaking nahuli ko dahil gumagamit pala ng laser ang assassin na nahuli ko makapasok sa loob ng aking bakuran. Malaki tuloy ang butas ng gate ko. Hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga ng malalim. Paano ko malalaman ngayon kung sino ang taong nag-utos sa lalaking iyon na patayin ako?

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko ulit bago ako nagpasyang pumasok sa loob ng aking bahay. Pero bago pa man ako makalapit sa pinto, biglang may humintong motorsiklo sa tapat ng gate ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang tumutok sa akin ng baril ng rider ng motorsiklo. Oh, shi! Not this one!

KASABAY ng sunod-sunod na putok ng baril ay gumulong ako sa papunta sa poste ng aking garahe para magtago. Kahit kailan ay ayoko sa baril. Naaalala ko lang kasi ang trahedya na dinanas ng pamilya ko sa kamay ng mga armadong tao na pumatay sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako mahilig gumamit ng baril para pumatay. Ayoko ng dugo. Ayokong makakita ng dugo. Ang paggamit ng aking mga karayom ​​para pumatay ay ang pinakamagandang paraan para hindi ko makita ang kahit isang patak ng dugo mula sa taong pinatay ko.

"Hindi mo siya tinamaan., Tanga!"narinig ko ang galit na boses ng driver ng motor na iyon habank Kausap ang lalaking nasa likod nit na siya namang bumaril sa akin.

"It's not my fault that she is too quick to hide," galit na tugon ng lalaki sa kanyang driver.

Sinamantala ko ang pagtatalo ng dalawang lalaki. Lumabas ako sa aking pinagtataguan at hinugot ko ang dalawang pampatulog na karayom ​​at ibinato sa dalawang lalaki sa labas ng aking gate na para lamang akong naghahagis lamang ng dart sa dart board. Napangiti ako nang makita kong mabilis na nakatulog ang lalaking bumaril sa akin nang matusok siya ng mga karayom ​​ko.

"Damn! You are such a loser and a burden to me," galit na kausap ng driver sa kasama kahit natutulog na iti sa likuran niya. Hinugot nito ang baril at saka ako pinaputukan. Hindi niya ako tinamaan dahil mabilis akong nakapagtago ulit sa poste.

Nang makita ng lalaki na hindi niya ako tinamaan ng baril ay mabilis niyang pinaandar ang kanyang motorsiklo para tumakas. Nagmamadali akong lumabas sa pinagtataguan ko at saka siya hinabol at hinagisan ng ang aking mga karayom. Bigla iting natumba nang tamaan siya ng mga karayom ​​ko sa kanyang likuran.

"Bingo! Akala mo makakatakas ka sa akin? In your dreams!" May bahagyang ngiti sa aking mga labi na naglakad ako palabas ng gate. isiguraduhin kong sasabihin sa akin ng dalawang lalaking ito kung sino ang may pakana ng kanilang mga aksyon.

Pero bago ko pa malapitan ang dalawang lalaking nakahandusay sa kalsada ay biglang may sumulpot na motorsiklo sa harapan ko. Tumakbo ako pabalik sa loob ng gate nang tinutukan niya ako ng baril at pinaputukan.

"Damn!" mahina kong mura nang makarinig ulit ako ng putok ng baril pagkatapos niya akong barilin. Paglabas ko ulit sa gate ay nakita ko ang dalawang lalaki na nakahandusay sa kalsada na may tama ng baril sa ulo. Siniguro ng lalaking nakatakas na hindi magsasalita ang dalawang lalaking ito pagkatapos kong mahuli at pahirapan. Galit kong sinipa ang isang bato sa harapan ko.

Great! Ngayon, wala na akong lead. Nasa dilim ako habang nasa liwanag ang mga kalaban ko at nakatingin lang sa akin.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Pagkatapos ay bumalik ako sa loob ng aking bahay. Kailangan kong tawagan ang aking ninong bago dumating ang mga pulis at mag-imbestiga sa nangyaring putukan at patayan.

Pagbalik ko sa sala ay napansin kong nakabitin pa ang landline ko. Naalala ko na basta ko na lamang pinutol ang usapan namin ni Henry ng walang paalam. Pag-angat ko ng telepono ay wala na si Henry. Nagkibit-balikat na lamang ako at saka nag-dial ng number ng bahay ni Ninong Eddie. Kaibigan siya ng tatay ko, ninong ko at benefactor ko pa siya. Siya ang nagligtas sa buhay ko noon kaya buhay pa ako ngayon.

"Hello, Ninong Eddie. Can you please let your people take care of the dead body of the assassins, na sumalakay sa akin ngayon-ngayon lang? Nakahandusay sila sa kalsada sa labas ng bahay ko," pagkukuwento ko. Agad kong sinabi sa kanya ang problema ko bago niya ako mabati. Lagi namang siya ang tagalinis kapag minsan ay nagkakalat ako.

"Okay. I will send my men faster. Don't go out in case may pulis na mauna bago ang mga tauhan ko, okay?" utos niya sa akin. Hindi niya ako tinanong kung bakit ako humingi ng tulong sa kanya. Nahuhulaan na yata niya ang nangyari. Sa mundong ginagalawan ko kasi ay hindi na nakapagtataka ang ganitong eksena. At alam ko na ilang beses pa itong mauulit kaya dapat ko nang ihanda ang aking sarili ngayon pa lang.

Pagkatapos kong kausapin si Ninong ay bumalik ako sa kwarto ko at humiga na parang walang nangyari. Hindi ko mapigilang isipin kung sinong tao ang nasa likod ng tangkang pagpatay sa akin? Walang ano-ano ay biglang pumasok sa isip ko ang lalaking umatake sa akin sa loob ng bakuran ko kanina. Ang sabi niya ay nasa tabi ko lamang ang aking kaaway. Nagsasabi kaya siya ng totoo? Ngunit wala naman siyang motibo para magsinungaling sa akin. Ang tanong ay sino? Sino ang aking kaaway na nagtatago sa liwanag at hindi sa dilim at nasa tabi ko lamang? Sino?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status