Share

Chapter 4

Shanra Pov

Ipinarada ko ang kotse ko sa tapat ng building na may mahigit na tatlong palapag. Pagkatapos kong maiparada  ng maayos ang kotse ay agad na akong naglakad papasok sa building. 

"Good morning, Ma'am," nakangiting bati sa akin ni Mae na member din ng Black Assassin's Squad. Ngunit hindi siya katulad ko o ni Henry na pumapatay ng tao. Naging member lamang siya ng BAS dahil siya ang lady guard na nagbabantay sa ibaba ng building. Ngunit kahit isa lamang siyang guard ay may kakayahan din siyang makipaglaban. Lahat kasi ng BAS members maski ang pinakamababang miyembro ay dumaan din sa matinding training.

"Good morning," hindi ngumingiting bati ko sa kanya. Sanay na siya sa pagiging seryoso ng aking mukha sa tuwing dadaan ako kaya hindi siya nangingilag na bumati sa akin sa tuwing papasok at lalabas ako ng building.

Pagdating ko sa elevator ay agad kong pinindot ang third floor kung saan naroon ang sa pinakahuling floor ang headquarter ng BAS. Front lamang ang coffeeshop na nasa first floor at pati na rin ang clinic nasa second floor. Ang totoo ay isang lab ang clinic. Doon ako kumukuha ng gamot na ibinabababad ko ng matagal sa aking mga karayom kapag wala na akong karayom na may gamot. Matagal kong ibinabababad ang aking mga karayom dahil mas matagal ang pagbabad ay mas mabilis umipekto ang gamot pagkat kumapit na masyado sa karayom.

"Hi, Sha. Ipinatawag ka rin pala ng right BAS?" tanong sa akin ni Tom nang makita niya akong lumabas sa elevator. Mukhang kagagaling lamang niya sa lab. Tom is a doctor. Ito ang front niyang propesyon habang ako naman ay ang pagiging self-defense instructor ng mga batang may edad na ten years old hanggang fifthten years old.

"Ipinatawag ka rin?" simpleng sagot ko sa kanya. Sa lahat ng members ng BAS ay siya lamang ang masasabi kong ka-close ko. Puwede ko na rin siyang matawag na kaibigan. Tanging siya lamang yata kasi ang hindi ko nakikitaan ng inggit sa akin sa tuwing may naa-accomplish akong mission.

"Yes. New mission, I think," kibit-balikat na sagot niya sa akin pagkatapos ay sabay na kaming naglakad papunta sa opisina ng Right BAS.

Ang Right BAS and Left BAS ay ang dalawang tao na malapit sa pinakapinuno ng BAS maliban siyempre sa mga officers ng BAS. Ang Left BAS ang tumatanggap ng trabaho mula sa client habang ang Right BAS naman ang pumipili kung sinong assassin ang gagawa sa pinapatrabaho ng client.

Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng opisina ni Ninong Eddie na siyang Right BAS ay ay kumatok ako ng tatlong beses.

"Come in," tinig mula sa loob ng opisina.

Saka ko lamang binuksan ang pintuan nang marinig ko ang boses ni Ninong Eddie. Agad itong ngumiti nang makita kaming dalawa ni Tom na siyang pumasok sa loob ng opisina.

"My two best assassins. Sit down," nakangiting bati ni Ninong sa amin sabay turo sa dalawang upyan na nasa harapan ng mesa nito kung saan ito nakaupo.

"Another mission?" blangko ang expression ng aking mukha na tanong ko kay Ninong Eddie. 

"Puwedeng ngumiti ka naman kahit minsan lang, Shanra? Parang kang laging galit kaya hindi mo makasundo ang ibang mga katrabaho mo," puna sa akin ni Ninong habang napapailing. It's because he notices that he was smiling while my face is serious.

"There's no reason for me to smile, Ninong. And you know the reason why. I will not smile until I didn't kill the person behind my family's assassination," seryoso ang anyo na sagot ko sa kanya.

Biglang naglaho ang ngiti niya nang marinig ang sinabi ko. Napailing na lamang siya habang binubuklat ang isang folder.

"I just want you to get along with them because maybe someday, you will need their help or you will need to cooperate with them for a mission," sagot ni Ninong habang patuloy na binubuklat ang puting folder sa harapan.

"I don't need their help. I didn't joined the BAS just to be friends with those heartless assassin. If they doesn't want to help me, then don't. As if I care," matapang kong sagot sa kanya. Saglit niyang inihinto ang pagbuklat sa folder at matiim akong tinitigan. Hindi ako nagbaba ng tingin sa halip ay nakataas ang noo na sinalubong ko pa ang kanyang tingin hanggang sa siya na lamang ang sumuko.

"Alright, alright. I will not force you to get along with them instead I will warn you to be cautious with them, especially, Henry. Anyway, it's good that you still have Tom as your one and only friend here in Bas "

Wala sa loob na napatingin ako kay Tom na nakatingin din sa akin. Am I really considered him as my friend? I think yes.

"Anong mission ang ibibigay ninyo sa amin ni Shanra, Sir? Magkasama ba kami sa iisang mission?" tanong ni Tom nang ibinaling kay Ninong Eddie ang kanyang paningin pagkatapos akong bigyan ng isang sincere ngunit matipid na ngiti.

"Nope. Magkaiba kayo ng mission," mabilis na sagot ni Ninong Eddie. Kinuha nito ang isang folder at iniabot kay Tom samantalang ang folder na binubuklat nito kanina ay ibinigay naman sa akin. "Nasa loob ang details nila kaya sa bahay na ninyo tingnan. And same rules. Accomplish the mission to get the payment. At dapat ay hindi kayo sumabit."

"Yes, Sir," sagot ni Tom samantalang tango lamang ang isinagot ko sa kanya. Pagkatapos ay sabay naa kaming naglakad ni Tom palabas ng opisina ni Ninong. Tamang-tama na nakalabas na kami nang dumaan si Henry na masama ang tingin sa amin. Or should I say, masa ang tingin sa akin.

"What a luck dog," pasaring niya sa akin bago kami tuluyang nilagpasan. Siguro ay sa mini gym na nasa third floor din ito pupunta para mag-ensayo.

"Mag-ingat ka sa daan pag-uwi mo, Henry. Baka kagatin ka ng asong malakas ang rabbies," pahabol ko sa kanya aa seryosong mukha. Tinignan lamang ako ni Henry ng masama ngunit hindi naman nagsalita. Pagkatapos ay binuksan na nito ang pintuan pagungo sa mini gym.

"Be careful of Henry, Shanra. Kilala natin siya. Masamang tao siya," babala sa akin ni Tom habang nakasakay na kami sa elevator.

"I'm not scared of him. Ang besides, sa ginagawa natin ba ay hindi pa ba tayo matatawag na masama?"

Bahagyang natawa si Tom sa aking sinabi. "You're right. Sa ginagawa natin ay masamang tao na rin tayo. And I hope someday I will see you not like this. Gusto kong makita na nakangiti ka kasama ang pamilya mo. Not like this. You're colder than ice."

"It won't happen because I don't have family anymore," mabilis kong sagot sa kanya bago ako lumabas sa bumukas na elevator at iniwan ko siya na napapabuntong-hininga na lamang. Totoo naman kasi ang sinabi ko sa kanya. Hindi mangyayari na makita niya akong nakangiti kasama ang aking pamilya dahil wala na akong pamilya at hindi ako magkakaroon ng pamilya hangga't hindi ako nakakapaghiganti. And besides, sino bang lalaki ang magmamahal sa akin para ako magawa ng bagong family. Walang lalaking magmamahal sa katulad kong assassin kundi katulad kong assassin lamang.

MASUSI kong pinag-aralan ang aking bagong misyon. Tiningnan ko ang larawan na nakalagay sa folder. Ito si James Mondragon. Thirty years old, single, negosyante at may-ari ng sikat na tatlong five star hotel bansa. Hindi ito kaguwapuhan ngunit maganda ang ngiti na tila nakaka-engganyong makipagkaibigan dito. Kaya hindi pagkatiwalaan ito ng ibang mga kababaihan dahil mukhang mabait ang bukas ng mukha nito. Ngunit sa likod ng magandang ngiti at mabait na bukas ng mukha ay nagtatago ang isang demonyong rapist na sadista. Ilang beses na itong sinampahan ng kasong rape at illegal detention at physical injury ngunit agad na nadi-dismiss ang kaso. Umaatras kasi ang mga nagiging biktima dahil nababayaran ng malaking halaga o di kaya ay tinatakot ng panig nito. Ngunit malas ito dahil isang anak-mayaman din ang pang-huling naging biktima nito na guest ng hotel nito. Althoug hindi na natuloy ang demanda nang pamilya ng biktima dahil tinakot ay nagbayad naman malaking halaga sa BAS para iligpit ang rapist ang mga magulang ng biktima. Well, hula ko lang na mga magulang ng biktima ang nagbayad para ipaligpit ang rapist. Confidential kasi ang files ng mga nagbabayad at tanging ang Right and Left BAS lamang ang nakakaalam ng kanilang impormasyon. Ang ginagawa lang namin ay ang sundin ang iniuutos sa amin. Ngunit sino nga ba ang magbabayad para patayin ang rapist na ito kundi ang mga magulang ng biktima mismo?

"Ang mga ganitong klaseng tao na salot sa lipunan ang hindi nakapanghihinayang na patayin," galit na kausap ko sa aking sarili habang tinititigan ko ang litrato ni James. Pagkatapos ay ang mga litrato naman ng babaeng huling biktima ang kanyang tiningnan na kalakip din sa folder. Isang seventeen years old na si Ayumi Mizaki, half-Filipino-half-Japanese. Matangkad, maputi, makinis ang balat at mahaba ang itim na buhok. In other short, maganda. Kaya siguro napagtripan ito ng rapist na gahasain.

Sunod na tiningnan ko ang litrato ni Mizaki na iba't iba ang kuha. Maraming pasa ito sa katawan putok ang mga labi, malalaking pasa sa mukha at halos hindi na maimulat ang mga mata sa sobrang tinamo na pagto-tortured dito ng rapist. 

Damn you, James Mondragon! Mahinang napamura ako sa aking isip nang makita ko ang kalunus-lunos na sinapit ni Ayumi sa kamay ni James. Dapat na talagang mabura sa mundo ang ganitong klaseng tao.

James Mondragon was my fourth mission since I started to be an official BAS member after my long hard training. I need to assassinates ten people to be able to speaks with the head of BAS. Kailangan kong pumatay ng tao para mabigyan ko naman ng katarungan ang pagkamatay ng aking pamilya. Mabuti na lamang at puro masasamang tao ang pinapatay ko kaya hindi ako nagi-guilty. Nararapat lang naman kasi sa kanila ang mawala sa mundo dahil sila ang mga latak ng lipunan na hindi kayang linisin ng batas. Kaya ang mga katulad ko na lamang ang maglilinis at mag-aalis sa mga latak na ito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Zenaida Galvan Cruz
paganda ng paganda ang kwento exciting...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status