Share

Chapter 7

Shanra

Napapikit ako at lihim na napamura nang marinig ko ang malakas na sinabi ng katabi kong lalaki. Holdaper pala ito. Hindi ko nahalata dahil nakatingin ako sa labas ng bintana nang may umupo sa tabi ko. Tapos hindi pa nga umiinit ang puwit niya sa upuan ay nagdeklara na agad ng holdap. Ang malas lamang niya dahil sa tabi ko pa pinili niyang maupo.

Tinatamad akong magmaneho ng sasakyan kaya pinili kong mag-bus pauwi sa bahay ko. Kagagaling ko pa lamang sa BAS Headquarter dahil doon agad ako dumiretso pagkatapos kong matagumpay na na-accomplished ang aking misyon. Dumiretso agad ako sa headquarter ibalitang mission accomplish ang aking ginawa at para personal na tanggapin ang tseke na nagkakahalaga ng ilang milyones. At hawak ko pa ngayon ang tseke dahil tinatamad akong magpunta sa bangko na nasa ilalim din ng pamahahala ng BAS. Ang suwerte naman ng dalawang holdaper na ito sakaling makuha nila sa akin ito.

"Huwag ninyo kaming sasaktan. Ibibigay namin ang gusto ninyo," narinig ko na pakiusap ng isang babaeng buntis na nasa unahan ng kinauupuan ko.

Isa-isang inilabas ng mga pasahero ang kanilang mga cellphone, wallet at alahas samantalang ako ay nanatiling nakaupo lamang sa aking upuan habang nakapikit ang mga mata. Hihintayin ko na lamang ang holdaper na kunin niya ang cellphone ko at pagkatapos ay saka ko siya tutusukin ng aking karayom na may pampatulog.

"Ikaw? Bakit hindi ka pa kumikilos? Gusto mo bang barilin kita?" narinig kong kausap sa akin ng lalaking holdaper.

Doon ko na iminulat ang aking mga mata. Kunwari ay dinudukot ko ang aking cellphone sa bag ko. Nakita kong tumingin ang holdaper sa unahan ng bus dahil biglang nagkaroon ng komosyon sa unahan. Mukhang may taong malakas ang loob maliban sa akin ang kayang lumaban sa dalawang holdaper na ito. Sinamantala ko ang saglit na pagkawala ng atensiyon niya sa akin. Hinawakan ko ang pulsuhan ng kamay niyang nakahawak ng baril at pagkatapos at binaliti ko ng malakas. Napasigaw sa sakit ang holdaper ngunit hindi ko na siya hinayaan pang makabawi. Humiga ako sa upuan at malakas ko siyang sinipa sa harapan ng kanyang pagkalalaki at sinundan ko pa ng isang malakas na sipa sa kanyang sikmura. Napatili ang ilang pasahero nang matumba sa kanila ang holdaper. Agad akong tumayo sa pagkakahiga sa upuan at dinampot sa lapag ang nabitiwan niyang baril pagkatapos ay malakas na pinukpok ko siya sa kanyang bato gamit ang puluhan ng baril. Walang malay na bumagsak ito sa kandungan ng babaeng pasahero na lalong napatili ng malakas pagkatapos ay inalis nito ang holdaper sa kandungan nito at itinulak sa masikip na daanan ng mga tao sa gitna ng bus.

"Maraming salamat sa tulong mo, Miss," kausap sa akin ng tinig nang isang lalaki. Malamang ay siya ang nagpatumba sa isang holdaper na unang nagdeklara ng holdap.

Hindi ako sumagot sa kanya sa halip ay hinarap ko siya. Muntik na akong mapanganga nang makita ko kung sino ang lalaking kumausap sa akin. Mabuti na lamang at mabilis kong naitago ang pagkagulat na lumarawan sa mukha ko.

"Shanra? Is it really you?" gulat din na tanong sa akin ng lalaking kumausap sa akin na walang iba kundi si Craig De Silva. Tiningnan ko lamang siya at pagkatapos ay muli akong naupo sa aking puwesto. Nilagyan muna nito ng posas ang mga kamay ng dalawang holdaper na parehong tulog bago siya tumabi sa bakanteng upuan sa tabi ko. "How are you, Shanra? It's been a long time since the last time I saw you. I'm sorry about what happened to your family back then."

"Okay lang ako. Matagal na 'yon kaya kinalimutan ko na," malamig ang boses na sagot ko sa kanya pagkatapos ay itinuon ko ang aking mga paningin sa labas.

"Sir, pulis po ba kayo? Maraming salamat sa ginawa ninyong pagtulong sa amin. Kung hindi dahil sa inyo ay baka na-holdap na kami ng mga holdaper na iyan," kausap ng isang ginang kay Craig kaya saglit na nawala ang atensiyon niya sa akin

"Yes. I am a police. I'm Captain Craig De Silva. At tungkulin naming mga pulis na protektahan ang mga mamamayan na katulad ninyo sa mga taong katulad naman ng dalawang holdaper na iyan," sagot ni Craig sa ginang.

So, isa na pala siyang pulis. Magkaaway pala kami kaya dapat ko siyang iwasan.

"Oo nga po, Sir. Ang galing ninyo pati na rin ang kasama mong babae. Pulis din ba siya?" tanong naman ng isang lalaki kay Craig pagkatapos ay tiningnan ako.

"No. I'm not. I'm just a self-defense instructor," mabilis kong sagot sa lalaking nagtanong.

"Shanra, can I get—"

"Excuse me, bababa na ako," putol ko sa sasabihin niya sa akin. Kahit hindi pa ito ang bababaan ko ay pinili ko na lamang bumaba para maiwasan ko ang mga tanong ni Craig. Nang huminto ang bus dahil hindi lamang ako ang bababa ay tumayo si Craig para padaanin ako. "I gotta go," sabi ko sa kanya. Mabilis ko na siyang tinalikuran at hindi ko na hinintay ang kanyang sagot.

Pagkababa ko ng bus ay nakita ko si Craig na nakatingin sa akin habang papaalis ang bus. Alam ko na marami siyang nais na itanong sa akin kaya ako bumaba na agad. Hindi ko alam kung ano ang mga isasagot ko sa kanya sa oras na magtanong siya sa akin about my personal life. Alangan namang sabihin ko sa kanya na isa na akong assassin ngayon at ako si Silent Assassin na hinahanap ng mga pulis. Siguradong bibitbitin niya ako papungang kulungan kapag nalaman niya ang sekreto kung ito. At isa pa ay hindi na ako ang dating si Shanra na sa tuwing nakikita siya ay ngumingito agad sa kanya at nakikipagkamustahan kahit na halos araw-araw naman kaming nagkikita sa school. Iba na ako ngayon. Kaya mas mabuting iwasan ko na lamang siya para less complication.

HINDI ko na napigilan ang pagsimangot habang nakatayong mag-isa sa tabi ng mesang kinalalagyan ng mga alak. Kumuha ako ng isang basong may laman na alak at sinimsim ng mabagal. Kanina pa ako bored sa party na pinuntahan namin ni Ninong Eddie. Isang fund-raising party. Ang malilikom na pera ay ido-donate sa Bahay-Kalinga. Isang non-government organization na kumakalinga sa mga matatanda na pinabayaan na ng kanilang mga anak. Isa si Ninong Eddie sa promoter ng nasabing event kaya ito naroon at isinama naman ako dahil wala raw itong puwedeng maisama sa party. Napilitan akong sumama sa kanya dahil hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ko siya pinagbibigyan sa kanyang kahilingan na samahan ko sa party. And finally, he won. That's why I'm here and bored to death. Pinagsisihan ko tuloy na napilit niya akong sumama sa kanya.

Dahil kanina ko pa gustong umuwi ay nagpasya akong umalis na lamang. Magsi-send na lamang ako ng text kay Ninong Eddie na nauna na akong umuwi sa kanya. Hindi na siya makakatutol dahil wala na ako rito. Inilapag ko sa mesa ang hawak kong wine glass. Pagharap ko para umalis ay bigla na lamang may bumangga sa akin na isang babaeng maganda na kasing-tangkad ko lamang.

"Bakit hindi ka nag-iingat? Tanga ka ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa nilalakaran mo?" galit na sita sa akin ng babae sabay pagpag sa damit nito na tila ba may dumi na kumapit sa damit nito nang mapadikit sa akin. Wala sana akong balak na patulan siya kung hindi lamang niya ako tinawag na "tanga".

"Miss, sino ba sa atin ang naglalakad? Ikaw o ako? Kaya sinong tanga sa ating dalawa?" nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya. Huwag niya akong kakantiin at baka mapagtripan ko siya ganitong bored ako.

"How dare you talk back to me!" biglang nanlisik ang mga matang sighal niya sa akin. "Hindi mo ba ako kilala?"

Nakataas pa rin ang kilay na sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay nang-iknis na umiling ako sa kanya. Ang totoo ay kilala ko siya. The woman in front of me is none other than the famous actress Veron D'Vila. Sikat ito hindi lamang dahil magaling itong umarte kundi dahil na rin sa balitang hindi maganda ang ugali nito kapag walang camerang nakatutok sa kanya. At ngayon ko napatunayan na totoo ang mga balitang iyon at hindi paninira lamang.

"Then who are you?" nang-iinis pa rin na tanong ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pangdilim ng kanyang mukha at panlilisik lalo ng kanyang mga mata na tila nainsulto dahil hindi ko siya kilala. Napailing na lamang ako pagkatapos ay walang salitang tinalikuran ko siya para tuluyang umalis sa party. Ngunit nakakadalawang hakbang pa lamang ako nang maramdaman ko ang kamay niya na humila sa aking mahabang buhok.

"Where are you going, Bitch? Hindi pa tayo tapos mag-usap. Sa tingin mo ay hahayaan kitang umalis?" galit na sabi niya sa akin habang hinihila ang buhok ko.

Naitikom ko ng mahigpit ang aking mga labi dahil sa naramdaman kong sakit sa aking anit. Nagbilang ako ng hanggang tatlo pagkatapos ay bigla kong hinawakan ang kamay niyang humihila sa buhok ko at pagkatapos ay binaliti ko ng malakas. Napatili siya ng malakas kasabay pagbitaw ng pagkakahawak niya sa buhok ko.

"Next time you pulled someone's hair make sure that person has no ability to fights with you," mariing sabi ko sa kanya pagkatapos ay pabigla ko siyang binitiwan. At kung hindi lamang maagap ang taong nakasalo sa kanya ay siguradong sa sahig siya pupulutin ng lalaking tumulong sa kanya na walang iba kundi si Craig.

"Craig, help me. She hurts me. Gusto ko lang naman siyang mag-sorry sa akin dahil nabangga niya ako," umiiyak na sumbong ni Veron kay Craig na nakatitig sa akin.

"Nice acting," komento ko nang makita ko ang ginawa niyang pag-arte sa harap ni Craig. "Here's your knight in shinning armour. So, bye for now."

Akmang tatalikod na ako para iwanan sila ngunit hindi natuloy dahil bigla na lamang hinawakan ni Craig ang aking isang kamay at hinila niya ako palapit sa kanya. Hindi ako nakagalaw nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. It's been a long time since the last time someone hugs me with care. Hindi ko inaasahan ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ko kaya hindi ako makakilos.

"Puwede bang huwag mo na ulit akong basta na lamang iwanan, Shanra? Gusto kong malaman ang mga nangyari sa'yo for these past few years. Gusto kong malaman ang address ng bahay mo, kung saan ka nagtatrabaho at kung single ka pa ba?" sabi ni Craig habang nakayakap siya sa akin ng mahigpit.

"Craig! What the heck are you doing? Why are you hugging that woman?" tili ni Veron nang makita na sa halip na kampihan siya ay niyakap lamang ako ni Craig ng mahigpit.

Tila naman nagising ako sa saglit na pagkatulala nang marinig ko ang tili ni Veron. Agad akong kumawala sa pagkakayakap niya sa akin.

"Don't hug another woman in front of your girlfriend," inis kong sabi sa kanya. May girlfriend na nga siya pero may guts pa rin siyang mangyakap ng ibang babae.

"She's not my girlfriend," mabilis na sagot ni Craig. Nakikiusap ang mukha nito na sana ay kausapin ko siya ng matagal at huwag iwasan. Ngunit hindi puwede. Hindi puwedeng makipaglapit ako sa kanya.

"She's not your girlfriend?" tanong ko kay Craig pagkatapos ay tinapunan ko ng tingin si Veron na halos patayin na ako sa sobrang talim ng pagkakatingin niya sa akin. "But I bet that she wants to be your girlfriend. Sorry, but I have to go," dugtong ko nang ibalik ko sa kanya ang aking paningin. Hindi ko na hinintay na magsalita pa siyang muli at mabilis ko na siyang tinalikuran. For the second time, I walk out on him.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
mymy kho
Nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status