Share

Chapter 2

GOOD MORNING!"

Puno ng siglang bati ni Raffy sa

receptionist ng opisina nila.

"Good morning."

Binati naman sya nito pabalik at

nginitian.

Ang babait talaga ng mga empleado

dito.. Parang hindi ako mahihirapan na

makipagkaibigan sa kanila.

Umupo na muna sya sa gilid.

Ilang sandali pa ay dumating na ang

lalaking nakausap nya kahapon.

"Good morning Sir Brix!"

Sabay na bati ng dalawang clerk sa

lalaki.

Tango lang ang itinugon nito sa kanila.

Brix.. So, Brix pala ang pangalan niya.

Ang sungit nya talaga. Tango lang

ang sinagot. Wala man lang pa "good

morning too" sa mga katrabaho nya.

Tsk tsk. Pareho lang naman kaming

mga trabahante rito.

"Miss Pastrana, what are you doing

there? Are you gonna sit there all

day?"

Masungit na tanong nito sa kanya.

Agad syang tumayo at lumapit kay

Brix.

"A-ahh. Sorry Sir. H-hindi ko pa po

kasi alam kung saan ang magiging

pwesto ko po rito."

"Come inside. I'll show you where."

Binuksan na nito ang nakalock na

pinto at pumasok na sila sa loob.

Inilagay na muna ni Brix ang dalang

attache case sa mesa nito. At naglakad

papuntang opisina ng BOSS nila.

"T-teka s-sir.. Bakit po tayo papasok

dyan? Hindi po ba magagalit si

Boss?"

"Look, Miss Pastrana. Di, ba engineer

ka?"

"Ahh. 0-opo."

Naguguluhan na sagot ng dalaga.

"Oh? Edi, pumasok ka na. And start

working.? This empire didn't hired

you to sit there all day. Yan ang

magiging mesa mo."

Kalmado ngunit halatang nainis na

utos nito sa kanya.

Nagmadali naman syang pumunta

Sa mesa na itinuro ni Brix dala ang

container box na may laman ng mnga

gamit nya.

"Be sure to maintain your distance to

the Boss' table. And keep your focus

on WORK. Understood?"

"A-ahh.. Yes s-sir."

Nagtataka man sa habilin ni Brix,

Sumang-ayon na lamang sya sa utos

nito.

Sinimulan na nyang ayusin ang mga

gamit sa bagong mesa nya.

Ang ganda naman ng mesa ko.. Teka?

Bakit kaya dito ang magiging pwesto

ko? Tsaka.. Bakit sa opisina pa talaga

ng Boss namin? Dadalawa lang kami

dito. Hindi kaya maging awkward ang

buong lugar na ito maghapon? Sus!

Iniisip ko palang, parang ayoko na

dito.. Nakakatakot. Baka bigla nalang

akong palayasin ng Boss namin dahil

hindi kami magkasundo.. Naku! Hindi

naman ako papayag. Kailangan na

makuha ko ang loob nila. Lalo na

ng Boss namin dahil bukod sa sya

ang nagsasahod sa amin, sya pa ang

magiging kasama ko. Hindi naman

siguro malhirap makipagkaibigan

kay Boss, mabait naman ang itsura

nya.. Kahit na sobrang articulate

nyang magsalita, at nakakailang

syang tumingin.. Maamo naman ang

mukha nya. Kaya. Di imposibleng

magkasundo kami.

Hayy. Hindi ko na alam kung swerte

ba ako dahil ang may-ari mismo ng

kompanya ang makakatrabaho ko? 0

magiging malas. God, ikaw na bahala.

Umupo na sya pagkatapos nyang ayusin Ang mga gamit Niya.kinuha Niya Ang envelope na naglalaman ng sample designs Niya ng mga auto

.Siguradong ma iimpress si Sir Yvcaz

nito. Pinagpuyatan ko kaya to.. Tsaka,

pinag-aralan ko ng mabuti ang distinct

details ng mga design ng mga kotse nila

rito.

Kumuha sya ng lapis at nagsimulang

lagyan ng mga label ang iginuhit nya

kagabi.

Hindi nya namalayan ang biglang

pagbukas ng pinto.

"Early bird."

Naulinigan ni Raffy ang lumay na

boses ng nagsalita.

Agad syang tumayo at nagbigay-galang

sa taong pumasok.

"Magandang araw po sa inyo Sir

Yvcaz."

"Good morning."

Hindi sya nito tiningnan at umupo

sa upuan nito. Abala na naman ito sa

paglagok ng kape nya.

Hindi po ba kayo nininerbyos sa

kape nyo, sir?"

Pagsisimula nya.

Tila hindi inaasahan ni Grand ang

itatanong ni Raffy kaya napangiti ito.

"Mas ninerbyosin ako sa'yo pag

ganyan ka palagi. Yung bigla ka

nalang magsasalita. Anyway.. Did

you brought your designs?"

"Ah, Yes! I did, sir!"

Agad nyang kinuha ang mga naka

pile na papel sa mesa nya. Hindi nya

namalayan bunga ng excitement na

nasa unahan na pala ang design na

nlalagyan nya ng label kanina.

Proud na inilahad nya ang mga ito sa

harap ng boss nya.

"Ito sir.. Siguradong magugustuhan

nyo po ito."

Inisa-isa nyang inilapag ang mga ito.

Pagkatapos nyang ilapag ay tumingin

sya sa Boss nya.

Nakita nya ang pagkunot ng noo nito

habang tinitingnan ang mga papel sa

mesa.

Ibinalik nya ang tingin sa mga papel.

"Ah! Hindi po ito kasali."

Agad nyang kinuha ang isang papel at

itinago sa likod.

"'So, as you can see sir. I have these

new and mo-"

"No. Can I have that?"

Pinutol ni Grand ang sasabihin pa sana

nya at bagkus, hiniling na ibigay ang

papel na kinuha at tinago nya.

"Ngunit, hindi po talaga ito kasali

sir. "

"Akin na."

Matigas na utos nito sa kanya.

Dahil sa paghahangad na ma impress

ang am0 nya sa unang araw nya rito,

ibinigay nalang nya arng papel.

Pinasadahan agad ni Grand ang

kabuuan ng gawa nya.

You're designing Airplanes, too?"

"Ah.. Hihi. Practice lang po yan sir.

Frustrated Pilot po kasi yung tatay

ko. Kaya, sa kanya po ako natutong

dumisenyo ng mga eroplano at

helicopter. Pero, wala po yan sir.

Itong mga sasakyan ang tingnan nyo

po!"

"What do you mean by Frustrated

pilot? He didn't got his license?"

Puno ng kuryusidad na tanong nito sa

kanya.

"Ay hindi po! Hihi. Pero, naging

piloto naman po sya. Kaya lang.. Sa

puno ng niyog ang flight nya."

"Huh?"

"Ibig ko pong sabihin.. Manunuba

po kasi ang tatay ko. Yung tuba

po? Yung nakakalasing? Palm o

coconut wine kumbaga. Yun po kasi

ang trabaho nya nung hindi pa sya

nadisgrasya."

Mas lalong kumunot Ang noo ng binata.

Tumayo ito at nakapamulsang kumuha

ng tubig mula sa dispenser at uminom.

Napako ang paningin ng dalaga sa

kanya. Namamanghang sumunod ang

tingin ni Raffy dito.

Grabe, ang tangkad pala ni Sir. Para

syang basketball player.. Tsaka.

Ngayon ko lang sya nakita sa

malapitan. Ang GWAPO nya pala at

NAPAKABANGO.. Kaya lang, para

talaga syang model ng jacket. Ni hindi

sya nagsusuot ng formal sa opisina nya.

Tsk.

"Nadisgrasya? Nahulog sya sa

niyog?"

Patuloy na usisa nya kay Raffy.

Nagising ang dalaga sa pag-iisip.

"S-ana nga po, sa niyog nalang sya

nahulog. May posibilidad pa po sana

syang makaligtas. Eh, kabisado na

po kasi ng tatay ko ang mga niyog

na inaakyat nya. Kaya lang, walang

konekta sa niyog ang nangyari sa

kanya. Na hit-and-run po kasi sya.

How is he?"

"Ah, okay naman po."

Nilakasan nya ang loob na ngumiti.

Ayaw nya na kaawaan sya ng bosS nya.

Baka isipin nito na nagpapaawa lang

sya para mabigyan ng ayuda.

Nakita nya na umupo muli ang boss

nya sa upuan nito at nagsimla nang

tingnan ang mga papel sa mesa.

"That's sad to hear. Anyway, pwede

ka bang mag design ng helicopter

promptly? Like, ngayon na? Coz I

really want to see your capacity as a

designer. Para may kasama naman

ako sa paggawa ng mga bagong

sasakyan. Nang makapag release na

rin tayO ng neW models sa market.

Malapit na maging outdated ang mga

units natin, and my clients demand

is to have a more detailed, unique,

automated and at the same time,

safe from accidents na mga vehicles.

I am expecting a lot from you Miss

Pastrana. So I assume you CAN help

me with this."

Ayan na naman sya sa "expecting a lot

om me" nakakapressure pakinggan.

"Okay sir. I will do my best. And I

will do what I can. Pero hindi ko

maipapangako na lumampas pa sa

ini expect nyo po ang magagawa ko.

Nga pala sir, asan po ba ang ibang

engineers nyo?"

"Nandito."

Tipid na sagot nito habang abala sa

paglikot ng laptop.

"Ha? Asan po?"

Tumigil ang binata sa ginagawa at

tumingin sa kanya.

"Ikaw."

Prenteng sagot nito. Tsaka bumalik sa

ginagawa.

"H-ha? Ang ibig nyo po sabihin, ako?

Ako lang ang engineer nyo?"

"Behind the limelights, and the

flickering of cameras wherever I

went, is a delicate and hard work

from a single person in the empire."

"S-sino po sir?"

Biglang sumiklab ang kuryusidad ng

dalaga.

"Me."

"Ha!?....."

Huminto si Grand sa pagkalikot ng

laptop at gulat na tiningnan si Raffy sa

naging reaksyon nito.

"Ah. S-sorry sir. Ibig nyo po

sabihin, TAYO lang dalawa ang

magtutulungan na gumawa ng new

designs? At.. kayo lang mag-isa ang

gumawa ng lahat ng designs ng mga

ato at sasakyang panghimpapawid

nyo? Bago ako nag-apply dito? As in,

KAYO LANG?"

"No need for help. Except this

new era, where there are lots of

car manufacturers appearing out

of nowhere and claiming they

discovered the designs first where in

fact, they are just trying to copy the

distinctive design of Yvcaz Empire."

Dire-diretso nitong pahayag.

Halatang ang matunog na bagong

kompanya ng mga sasakyan ang ibig

nyang sabihin.

"Oo nga po sir. Nabalitaan ko nga po

na sila raw ang unang naka design

ng auto self-shifting transmission

sa gear. Eh, alam ko po naman na

nauna ang YE sa pag release ng

automated vehicles at bago pa nag

palabas ng mga sasakyan ang Henx,

halos na sold-out na ang mga unit na

gawa mo sir sa market. Kaya, hindi

ako naniniwala sa kanila. Mga copy

Cats. "

Nakita ng dalaga ang tipid na pagngiti

nito.

"Not bad. You talk with sense though

you're so outspoken. That's why we

need to come up with a new chopper

model. If we can do that within this

year, we can finally compete to the

distinguished car makers globally.

That's our target by the end of this

Halata sa boses ng binata ang pagka

excite sa isiping iyon. Bumalik na

naman ito sa ginagawa.

Pumunta na rin si Raffy sa table nya at

nagsimulang gumawa ng draft.

"Pero ang amazing nyo lang po

talaga sir no? Ilang taon na rin pong

namamayagpag ang pangalan ng

kompanya nyo. Teka, ilang taon na

po ba kayo?"

Siya naman itong huminto muna sa

"22"

Payak na sagot nito.

"Ha? 22 ka palang!? Wow! Amazing

talaga.. Siguro, bata pa lang po

kayo, nagdedesign na kayo ng mga

sasakyan. Grabe naman.

Napatitig ang dalaga kay Grand.

Grabe si Sir halos magkaedad lang

pala kami ngunit namamayagpag na

ang pangalan nya sa business world.

Pero, family business naman ito siguro

at mayaman na ang pamilya nila dati

pa.. Pero the fact na mag-isa syang

nagdedesign ng mga produkto nila.

Nakakahanga...

Nagpatuloy na sya sa pagguhit.

Lingid sa kaalaman ni Raffy, tahimik

na tinitingnan rin sya ni Grand mula sa

kanyang mesa.

My intuition is right.. She is more of

being an engineer.. She's outspoken tho

but I kinda like her confidence. Mas

maigi nang kausap ito kesa kay Brix na

panay remind lang ng schedule ko.

Biglang nagtaas ng ulo si Raffy, kaya

ibinalik agad ni Grand ang paningin sa

monitor ng laptop nya.

"Sir? Bakit hindi kayo kumuha ng

ibang engineer? Hindi po ba kayo

napapagod?"

"No. I'm a literal hands-on

businesman. Kung kaya ko, ako

nalang ang gagawa and besides,

I want to keep the mark of this

company. That's why I did all of my

car models alone."

"Ahh.. Ganun?? E bakit nyo po ako

tinanggap agad?"

Tumigil sya at tiningnan si Raffy.

Miss Pastrana, never doubt

yourself. It's amazing that your

plans are close to my grandfather's.

Kaya hindi na ako nagdalawang isip

na tanggapin ka."

Oo nga. Nakita kO nga ang mga

larawan ng mga units nila dati. Hindi

maipagkakaila na magkahawig ang

mga gawa ko sa gawa nila.

Siguro, destined na mapunta ako rito.

"Sir? One more thing.. Can you

please call me RAFFY? Raffy nalang

po sir. Masyado naman pong formal

ang Miss Pastrana. Eh, pareho

han po tayong engineer dito.

Tsaka, goods naman na tayo, di ba

po? Hehe.. "

Matamis na ngiti ang ipinakita nya kay

Grand.

"I'm sorry, but I can't. Please

continue your work, MISS

PASTRANA."

Kuh! Wrong move ka dun ghorl. Bakit

nag assume ka na close na kay0? Huhu

Hindi pala ganun ka easy makuha ang

loob ni boss. Pero bahala na, at least,

nakakausap ko sya.

Itinuon nalang nya ang atensyon sa

ginagawa.

Ilang sandali pa ay tumunog ang

intercom ni Grand.

"Sige."

Sagot nito sa kausap.

"Ah, Miss Pastrana. I have a meeting

today. Can you finish your draft until

three? I want to present that to the

shareholders. Maybe we can use that

as a basis to come up with a new plan

for a chopper model."

"A-ahh.. T-talaga po?? Sige po!

Tatapusin ko po ito."

"Okay, aalis muna ako. I will be back

at three."

"S-sige po sir.."

Lumabas na si Grand sa opisina at

naiwang mag-isa ang dalaga.

Gagamitin nya raw ang gawa ko para

maka imbento ng bagong sasakyan?

Wow. Nakaka proud naman!

Biglang napako ang tingin ng dalaga sa

table ng boss nya.

"Hayy.. Nakakalungkot talaga ang

mag-isa.. Wala kang inspirasyon.

Char! Hahaha. "

"Para kang baliw Miss Pastrana."

"Ay JUSKO PO!!!!"

Nabitawan ni Raffy ang lapis na

hawak nya sa draft nya at bahagyang

nadumihan ito.

"Sir Brix naman?.. Wag nyo po

ako gulatin ng ganyan. Naku! Pag

nagkataon na may sakit ako sa puso,

patay na ako ngayon. Hindi ko na to

maibibigay kay sir Yvcaz mamaya..

Wika ng dalaga habang binubura ang

dumi sa draft niya.

"Edi ako ang magbibigay sa kanya.

Tapos na ba 'yan? Tsaka kung maka

sir Yvcaz ka, parang teacher mo lang

si Grand, ah?"

Teka? Totoo ba 'to? Nakikipag-usap si

Sir Brix sa akin?? Wow naman!

Tumigil si Raffy nang makita na

malinis na ang ginagawa. At tumingin

kay Brix. Hindi ito nakangiti at

seryosong nakatingin sa kanya.

"Ahh.. Sir Brix? B-bakit po kayo

nandito?"

Ahh.. Sir Brix?? Bakit anggwapo nyo

po?

Singkit si Brix dahil sa lahi nya na half

Chinese.

"I thought nabaliw ka na sa

ginagawa mo. Is the pressure

high? Kaya ka tumatawa mag-isa?"

"A-ahh.. Hindi naman po."

"Really?"

Kinabahan si Raffy nang lumapit ito sa

kanya.

Wow! Gawa mo yan?"

"Ang galing mo naman pala Miss

Pastrana. Keep it up! Siguradong

magugustuhan yan ni Grand. That's

a legit gem."

Nakapamulsang bumalik ito sa bukana

ng pintuan.

"Please don't make unnecessary

noise c0z I can't focus sa work."

"A-ahh.. O-opo sir."

Sinara na ni BrixX ang pinto.

Bumalik na rin si Raffy sa ginagawa.

Malapit na mag alas dose at

nangangalahati pa sya sa ginagawa.

Natagalan ang dalaga sa pag-iisip kung

ano ang magiging disenyo ng bagong

modelo ng sasakyan.

Hindi nya namalayan na bumukas

muli ang pinto.

Dahil nakayuko at abalang-abala

sa pagguhit, nagulat sya nang may

inilapag ang kung sinuman sa mesa

nya.

Isang packed lunch.

Tumingala ang dalaga.

"S-sir Brix.. N-nag abala pa po

kayo."

My God! Pag ganito ka gwapo

ang magdadala sa'yo ng pagkain,

siguradong mabubusog ka talaga!

"Grand requested me to buy lunch

for you. Don't worry, that will be

deducted on your salary."

Ay mali! Si Sir Grand pala ang nag-utos

sa kanya. Grabe naman magsalita itong

si Sir Brix.. Awas agad?

"A-ahh.. Thank you parin po."

"Okay. Take your time Miss

Pastrana."

Umalis na ito.

Ang thoughtful naman pala ng isang

Grand Tmothy Yvcaz.

Ilang saglit pa, ay nag ring ang

telepono na nasa mesa nya.

Kinuha nya ito at sinagot.

"Ahh, hello?"

"Kumain ka na ba? Did Brix brought

you lunch?"

Si Sir Grand!

Bigla syang kinabahan.

T-teka? Bakit ako kinakabahan?

"A-ahh. O-opo s-sir.."

Nauutal na tugon nya sa binata.

"Okay, I'l be back sooner so that I

can help you finish that thing. But,

make sure you'll eat your lunch. It's

hard to focus ifyour empty."

"S-sure s-sir!"

"K. Bye."

Narinig ni Raffy ang pagkaputol ng

kabilang linya.

Hindi nya maibaba ang telepono dahil

sa mangha.

Napaka maalalahanin niya.

Hindi ko ini-expect na pabibilhan nya

ako ng tanghalian.. Tapos, tatawag pa

sya para kamustahin kung nakakain na

ako. Ganun ba sya sa mga tauhan nya

dito? O baka naman. Sa akin lang??

Grabe! Hindi talaga ako makapaniwala

na nakakasalamuha ko na ang sikat,

napakayaman at napaka gwapong si

Grand Yvcaz.

Buti nalang talaga at nagmana ako kay

tatay.. Kahit hindi sya naging piloto,

magaling naman sya sa pagkabisa ng

mga detalye sa isang eroplano. Kaya

nga ako natuto eh, dahil sa kanya.

Matalino rin kasi ang tatay ko. At,

mahal na mahal ko iyon. Kaya gagawin

ko ang lahat para sa kanya.

Isang malalim na buntong-hininga ang

pinakawalan ng dalaga sa isiping iyon.

Lumipas ang buong maghapon, ngunit

ni-anino ni Grand Yvcaz ay hindi

makita ng dalaga sa loob at labas ng

opisina nila.

Nariyan pa't nagkukunwari syang may

bibilhin sa canteen upang pasimpleng

hanapin si Grand baka may meeting

lang ito sa madadaanan nyang mga

silid. Ngunit, wala.

Nagdesisyon nalang syang bumalik sa

opisina nila.

"Oh! There you are Ms. Pastrana!

I forgot to tell you that Grand

cannot make it here anymore. The

meeting was postponed. It will

reset tomorrow morning. So, I'm

sure tap0s na ang draft mo bukas.

Maaasahan ko ba yan?"

Ahh.. Kaya pala.

Tila nadismaya ang dalaga sa narinig.

"Ah, o-o0 sir Brix. Tatapusin ko po

mamaya."

"Ok, tapos na ang office hours.

Pwede ka nang umuwi."

Kinuha na nito ang attache case na

palaging bitbit nito.

"Uh, one more thing.."

May kinuha si Brix sa bulsa nito at

inihagis sa kanya.

Agad naman niyang nasalo ang bagay

na iyon.

"Duplicate keys for the office. Make

sure to lock the doors before you

leave. Copy?"

"Y-yes sir."

At tuluyan nang umalis ito. Naiwan na

man syang mag-isa sa opisina.

Tinitigan nya ang papel.

"Hayy.. Kung alam ko lang na

hindi na si sir makakabalik dito,

di sana tapos ka na ngayon. Tsk.

Sige na nga.. Mamaya nalang kita

tatapusin."

Iniligpit na nya ang mga gamit at

inilock ang pinto bago umalis.

RAP! RAP! buti naman at dumating

ka na! Ano? Kumusta ang unang

araw sa YVCAZ EMPIRE... Ayos ba?"

Maingay na salubong sa kanya ng

pinsan nyang si Jennica. Iminuwestra

pa nito ang kamay sa ere sa pagbanggit

ng YVCAZ EMPIRE.

"Ikang, maayos ba sayo na kayo

lang dalawa ng boss mo sa iisang

kwarto?"

"ANO!?"

Nanlaki pa ang mga mata nito sa sinabi

nya.

"Teka, IISA KAYO NG OPISINA NG

BOSS MO?? Ibig sabihin.. KASAMA

MO PALAGI ANG TANYAG NA SI

GRAND YVCAZ???"

"Haha. Alam mo? Ang OA mo talaga.

Oo."

"HALA! WOW! ANG GALING MO

TALAGA RAP! NAKAKA PROUD KA!

Achievement na yun!"

Tsk! Pwede ba, wag mo na akong

tawaging Raprap? Nakakawala ng

ganda eh."

"Wow! As if naman na maganda

ka. Buti nga at tinanggap ka ng

kompanya kahit na para kang

manang sa mga damitan mo."

Natatawang tudyo nito sa kanya.

Hindi gaya nya kahit kapos sa pera,

nakakagawa pa rin ng paraan ang

pinsan nya na makabili ng mga usong

style ng damit ngayon. Isang free

lance model ang pinsan nya. Maganda

ito at matangkad. Idagdag pa ang

balingkinitang katawan na bagay na

bagay sa morenang kutis nito.

Pinipilahan nga ito ng mga kalalakihan

upang umakyat ng ligaw sa baryo nila.

Sanggang-dikit nya ito. Kaya nong

nagdesisyon syang lumuwas ng

Maynila para mag-aral, sumama ito sa

kanya at dito na rin naghanap-buhay.

Alam mo ghorl, kung mag-aayos ka

lang.. Magugustuhan ka ng boss mo!

Konting make-up lang ang kailangan

mo at magandang taste sa damit,

instant glow up na!"

"Pwede ba Jennica? Mag hunos-dili

ka nga! Di kami bagay ng boss ko.

Masyado syang mataas para abutin.

"Naku! Alam mo Raffy, ang dami

ng nangyayaring ganyan sa totoong

buhay. Kahit na langit sya at ikaw,

burak.."

"Grabe ka naman sa Burak!"

"Haha! Oh sige, LUPA. o ayan?

Happy? Di nga, kasi may

nababalitaan akong nagkatuluyan

na mga mahirap at mayaman

sa totoong buhay. Kaya, hindi

imposibleng magkagusto sya sa'yo.

Naku! Kung nagkataon lang na ako

ang may talento ng sayo, wala na..

Unang araw pa lang, manliligaw na

yun sa akin."

Confident na sabi nito.

"Hindi naman kasi ako maganda,

sexy at matangkad kagaya mo."

"Naku! Naku! Naku! Yan ang wag na

wag mong sasabihin. Walang PANGIT

sa lahi ng mga Pastrana Raffy. Ikaw,

hindi ka lang nag-aayos kaya walang

masyadong nanliligaw sa'yo. Tsaka,

sexy ka naman ah? Ang liit nga ng

bewang mo at ang laki ng pwet mo.

Jusko! Ang kinis at ang puti mo pa!

Naiingit nga ako sa'yo eh."

"Wag mo nga ako bulahin ng ganyan

Jennica, baka maniwala ako."

"Bukas.. Gumising ka ng maaga. Ako

ang bahala sa'yo.. Tingnan natin

kung hindi luluwa ang mga mata

nila sa'yo. Oh sya, sige na maligo ka

na para mapuntahan na natin ang

tatay mo."

Biglang naexcite si Raffy sa plano ng

pinsan Niya.

Parang makukuha ko Ang atensyon nila

kung magpapaganda ako. Well, wala

namang mawawala kung susubukan.

Pero kailangan ko munang tapusin ang

pinapagawa ni Sir Grand sa akin para

matuwa sya sa akin bukas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status