Share

CHAPTER 4

RAFFY

Hanggang ngayon ay hindi pa rin

matanggal-tanggal sa isip ni Raffy ang

naging kasunduan nila ni Grand.

Matapos syang pumayag sa gusto nito,

ay kaagad na nag issue ito ng cheque

sa kanya. Eksaktong tatlong milyon

sana ang ibibigay nito, ngunit pinilit

nyang kalahati lang ang uutangin nya.

"o di ba? Sabi sa'yo eh. Barya lang

sa boss mo ang isa't kalahating

milyon."

Si Jennica na naghihintay sa counter

para sa resibo.

Tumayo sya at lumapit dito.

"Jennica.. Pa'no kung.."

Kumunot ang noo nitong naghihintay

sa karugtong ng itatanong nya.

"Pa'no kung?? Pa'no kung ano?"

"A-ah... Wala."

Naku Raffy, ayan ka na naman sa

mga kuro-kuro mo. Wag mo nang

isipin ang utang mno. Mababayaran

mo naman yan eventually nang hindi

mo namamalayan. Tsaka, malaki

naman ang sahod mo di, ba? Madali

lang yan.."

Ngunit, pano kung.. Hindi naman

pala pera ang gusto nyang maging

kabayaran? Pa'no kung...

"Raffy, wag na muna natin

alalahanin kung pa'no natin

babayaran yan. Ang importante,

nakapag down na tayo. Secre pa rin

ang kwarto natin dito sa ospital.

Tama nga si Jennica. Ang importante ay

hindi kami pinaalis dito.

Nakuha na nila ang resibo kaya

bumalik na sila sa kwarto kung saan

naroon ang tatay ni Raffy.

Nagpaalam muna si Jennica na lalabas.

Naiwan silang dalawa ng kanyang

tatay.

Taimtim nyang tinitigan ang

amang nakapikit sa higaan habang

kinakabitan ng maraming aparato sa

katawan.

Mag-iisang taon na rin simula nung

mangyari ang aksidenteng nagpabago

sa buhay ni Raffy.

Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa

isip nya ang gabing iyon.

Finals week na nila sa huling taon nya

sa kolehiyo. At dahil magtatapos na,

puspusan ang ginawa nyang pag-aaral

para sa napipintong pagsusulit.

Sa gitna ng pagbabasa nya ng makapal

na libro, may biglang kumatok sa pinto

ng dormitoryo nila.

Ang pinsan nya na si Jennica ang

napasugod upang ibalita ang masaklap

na nangyari sa kanyang tatay.

Hindi pa rin nya malimutan kung

gaanong halos mabaliw sya sa

pag-aalala sa tatay nya kung ano na

ang kalagayan nito. Kinabukasan ay

nagpaalam sya sa ekswelahan upang

umuwi muna ng probinsya.

Napag-alaman niya na nahit-and-run

nga ang tatay nya bunga ng pagbalik

nito sa kalsada upang kunin ang

nahulog na lumang pitaka nito.

Nakakapanlumong isipin dahil ayon

sa rumesponde rito, kahit duguan at

nanghihina ay sya pa rin ang inisip

nito. Ibigay raw sa kanya ang laman ng

pitaka. Nalaman nyang allowance nya

pala ang pera sa susunod na linggo.

Alam nyang pinaghirapan ito ng ama.

Nag eextra pa nga ito bilang karpintero

at mekaniko upang matugunan lang

ang kanyang pangangailangan.

Walang nakakita sa nakabundol

rito. At kahit ganun na lamang ang

pagnanais nya na makilala ang salarin,

at makasuhan upang makulong, wala

syang sapat na pera at ebidensya

upang magawa ito. Kulang na kulang

pa nga ang kinikita nya ngayon sa

pagbayad ng mga kakailanganin ng

kanyang ama sa ospital.

Umupo sya sa gilid ng kama at kinuha

ang kamay ng ama.

Tay.. Gumising na po kayo.. Di, ba

po? Sabi nyo. Sasakay pa tayong

dalawa ng eroplano? Tay.. Wag po

kayong mawalan ng pag-asa ha?

Nandito lang po ako, maghihintay na

darating ang araw, magigising rin po

kayo. Ipinapangako ko, pag nangyari

yun lalabas tayo ng bansa. Ikaw, ako

at si Jennica.. Tay."

Hindi nya namalayan ang biglang

pagpatakng kanyang luha.

"...gagawin ko po ang lahat para

sa inyo.. Kahit ano pa po yan basta

magising lang po kayo. Bahala na

kung pagalitan nyo ako, basta para

sa'yo tay.. Kaya, gumising na po

kayo.."

pinatong nya ang ulo sa dibdib ng

kanyang ama at patuloy na umiiyak.

Sana, sa akin nalang nangyari yun

at hindi kay tatay. Kung alam ko

lang na magkakaganito ang lahat, di

sana hindi nalang ako lumuwas ng

Maynila at nag-aral para makasama at

mabantayan ko nalang sya.

Kasalanan ko 'to.

Kinaumagahan, matamlay na pumasok

si Raffy sa trabaho.

Sa bigat ng problemang nakaatang sa

kanya ngayon ay hindi na sya halos

maka focus sa ginagawa.

Kasalukuyan syang gumagawa ng

blueprint ng isang auto.

Gagawa nalang ako ng marami nito,

baka sakaling hindi na matuloy ang

gustong mangyari ni sir Grand.

Ibibigay ko sa kanya ang lahat ng

naidisenyo ko.

Mabigat ang loob nyang patuloy sa

pagguhit. At dahil dito, nabutas ang

papel sa sobrang diin ng lapis nya,

dahilan din upang nalapirot nya ito at

naitapon sa ere.

Dismayado nyang sinapo ang mukha.

"Raffy... Ano ba..."

Bulong nya sa sarili.

Kung ganito palagi ang magagawa

mo, mas mabuti pang mag resign ka

na lang ENGINEER PASTRANA."

Diniinan nito ang huling dalawang

salita.

Nagulat si Raffy sa presensya ni Grand.

Halata sa mukha nito ang pagkainis.

Wala sa sarili syang tumayo at binawi

ang papel sa kamay ni Grand.

"S-sorry sir."

Bumuntong-hininga ito.

"Kung ano man ang problema

mo, wag mong dalhin yan sa

trabaho. That will affect your

performance. You should learn how

to be professional Miss Pastrana.

Naturingan ka pa man ding

ENGINEER."

Sa tono ng pananalita, na

malayong-malayo sa dati nitong boses

sa 'twing kausap nya, halata na

rin maganda ang lagay ng loob nito.

Umupo ito sa sariling upuan a

nagsimulang buksan ang laptop.

Sya man din ay bumalik na sa pwesto.

Pinilit nyang pakalmahin ang sarili

dahil pakiramdam nya ay malalagutan

sya ng hininga dahil sa boss nya.

Gumawa sya ulit ng panibagong draft.

Habang gumuguhit, hindi nya

maiwasang sulyapan ang kunot-noo

nyang boss.

Napansin nyang bagong-gupit ito.

Kapansin-pansin rin ang pagsusuot

nito ng pormal. Lutang na lutang na

ang angking kabikasan ng binata. Ang

kaguwapohang taglay ay hindi na

maikakaila pa. At hindi nya napigilang

isipin kung ano ang nakikita nya

ngayon.

Bakit habang lumilipas ang mga

araw, parang mas lalo kang nagiging

misteryoso? Kahapon lang ay hindi kita

maintindihan. Kung ano ang alok na

ibinigay mo sa akin.

Ngayon naman, bigla-bigla kang

nagnanakaw ng pansin. Bakit ka ba

ganyan Grand?? Bakit sobrang hirap

mong abutin?

Tumingin si Grand sa kanya, kaya

mabilis pa sa alas kwatro nyang binawi

ang tingin dito.

Nagkunwari syang abala sa ginagawa.

"About my offer.."

Natigilan si Raffy sa narinig. Bigla-bigla

nalang nitong binuksan ang paksa na

pinakaiiwasan nya.

Nanlaki ang mga mata nya. Ni hindi

sya nag-abalang iangat ang ulo.

"Bukas ng gabi, samahan mno ako. I

have something to do. I want you to

be there."

"A-ano po &-ang gagawin nyo, sir?"

Kinakabahan man, ay sinunod pa rin

ni Raffy ang utos ni Grand ng araw na

iyon.

Papunta na sya sa isang restaurant

kung saan magkikita sila nito.

Bakit kaya sa restaurant kami

magkikita?"

Takang tanong nya sa sarili.

Ang totoo nyan, ay inihanda na nya

ang sarili sa posibleng mangyari

ngayong gabi kung kaya't nagtataka

sya sa lugar na sinabi nito.

Ilang sandali pa ay nakita nya ang

pagparada ng magarang kotse ng amo

nya.

Andito na sya.

Nakita nya na bumaba ito kaya,

tumawid na sya ng kalsada.

"Buti at nandito ka na. "

Tumango nalang ang dalaga at

pumasok na silang dalawa sa loob.

Kapansin-pansin na walang halos tao

sa loob nito.

"Dito nalang tayo, let's wait him

here." Anya nito.

Umupo sya katabi ni Grand.

Sino kaya ang hihintayin namin?

Kahit malayo naman ang agwat nila sa

upuan, hindi mapigilan ng dalaga na

samyuhin ang gamit na pabango nito.

Napakabango nya. Tsaka, ang kisig

nya sa suot nya ngayon. Kung üsipin,

hindi bagay sa isang Grand Yvcaz na

mag-alok ng ganun sa isang babae na

kagaya ko. Kung tutuusin, kahit wala

syang gawin, magmamakaawa pa

ang mga babae na pansinin at kahit

mahawakan man lang sya.

Biglang tumayo si Grand.

"He's here."

Pagbibigay-alam nito sa kanya.

Tumayo nalang din sya kahit walang

ideya kung sino ang dumating at kung

ano ang totoong gagawin nila.

"Good evening Mr. Saelao."

Nakipagkamay si Grand sa singkit

na lalaking dumating. Mga nasa 50

pataas ang edad nito. Halatang may

tungkulin ito sa lipunan dahil sa itsura

ng pananamit nito.

Good evening Mr. Yvcaz."

Tinanggap naman nito ang kamay ng

boss nya.

"Have a seat."

Alok nito sa lalaki. Umupo naman ang

lalaki at hindi na nagpaligoy-ligoy pa

sa pakay nito.

"So, the Prime Minister is excited for

his car. He wants to have a fine, new

though peculiar station wagon type. I

know you can do it for him Mr. Yvcaz

and I trust your service that's why I

chose you."

Prime Minister???

"Oh, I can assure you that Mr.

Saelao. Anyway, meet Engineer

Pastrana. She is very good in

designing cars. She's also helping me

with this, I can guarantee that the

Prime Minister will love his new car.

"Oh, is she the one who designed the

latest models of YE?"

"Yes Mr. Saelao."

Great. I saw them and they're

way too elegant and unique. It's

impressive that in spite of being a

pioneer of new car designs, your

company offers a quite lesser

amount than those of the other

car manufacturers out there, Mr.

Yvcaz."

"Thank you, Mr. Saelao. The

company is just living it's oath, to

help and be more consumer friendly.

On the other hand, how long is

the timetable for this pleasurable

project, Mr. Saelao?"

"He will give you two weeks. That's

enough for planning and building

the car, right Mr. Yvcaz?"

"Way too long Mr. Saelao."

"Okay, I think that would be all.

Don't worry about the payment. I

will just come here again for it. So, I

will leave it to you, Mr. Yvcaz. I still

have a meeting with the President. I

gotta go."

Nakipag-kamay muli ang lalaki kay

Grand.

Kop khun-krub, Mr. Saelao. You can

rely to our service, Thank you again

for trusting us."

At dahil yumuko si Grand, napayuko

rin si Raffy.

Sinundan ng tingin ni Raffy ang lalaki

hanggang sa nakalabas na ito.

Pinagbuksan ito ng pinto ng kotse ng

lalaking sa tingin nya ay body guard

nito.

"A-ah.. Sir? S-sino po sya"

"Private secretary ng Prime Minister

ng Indonesia."

"H-ha???? Ang galing.. Sa atin sya

magpapagawa ng sasakyan?"

"Yeah, and you heard him, right?

The Prime Minister wants

station wagon. Ikaw na bahala sa

interior and exterior designs. Ako

nalang sa makina. Let's help each

other. Malaking recognition ito sa

konpanya pag nagkataon. We are

starting to reach our goal this year

dahil unti-unti na tayong nakakapag

compete sa global market."

Nakakabilib ka talaga.

Kuhang-kuha mo pa rin ang kiliti ng

mga dayuhang customer mo.

Iba ka nga talaga Mr. Yvcaz.

Tiningnan nito ang suot na relos.

"Umuwi ka na. May pupuntahan pa

ako."

Ganun lang yun? Sabi nya di, ba? About

his offer ito?? Bakit. Ito lang???

Aalis na sana sya.. Ngunit, hindi nya

mapigilang magtanong sa boss niya.

"Ah, s-sir?"

Nagtatakang tiningnan sya nito.

"What?""

"E-eto na po ba yung... S-sinasabi

nyong offer??"

Halatang nagulat ito sa tanong nya.

Manghang tiniigan sya nito.

"Yes."

Tila hindi maipaliwanag ni Raffy ang

naramdaman sa narinig nya.

Dapat lang na maging masaya sya

dahil mali pala ang iniüsip nya. Ngunit,

may kung anong pumipigil sa kanya

para maramdaman ito.

Bakit ako nagkakaganito??? Di, ba

dapat nabunutan na ako ng tinik

ngayon?? Mali pala ang iniisip ko.

Ngunit, bakit parang hindi naman ako

kontento?? Parang.. Hindi naman ito

ang ibig nyang sabihin sa inalok nya??

Teka, ano bang nangyayari sayo

Raffy???? Jusko! Masyado bang

mabango ang gamit nyang perfume

ngayon? Kaya ka nagkakaganyan?

"Miss Pastrana?"

Pukaw nito sa kanya.

"A-ahh.. B-bakit p0 sir?"

"I said, I forgot to tell you na

sumama ka sa akin bukas ng gabi.

May pupuntahan uli tayo."

"A-ahh.. 0-opo."

Tuluyan na nyang nilisan ang lugar

na iyon. Habang lulan ng kotse, hindi

nya maalis sa isipan ang kakaibang

nararamdaman.

Mali pala ako. Hindi ko dapat

pinag-isipan ng masama si Sir. Taliwas

pala ang gusto nya sa naisip ko.

Angjudgmental mo dun, Raffy.

Napakabait nya pala.

Lumipas ang isang linggo na panay

trabaho nalang ang inaatupag

nila ni Grand. Abalang-abala ito

sa pag-monitor ng kasalukuyang

ginagawa na importanteng sasakyan.

Samantalang sya, ay nakasunod lang

palagi sa boss nya.

Aakalain mo tuloy na sya ang

sekretarya nito.

"Miss Pastrana, isn't it better

na palitan nalang natin ng satin

ang cover ng seats? I think mas

comfortable ito."

Suhestiyon nito habang abala sa pag

eeksamin ng loob ng sasakyan.

A-ahh.. 0-opo, sige po..."

"Mamaya, sumama ka sa akin.

May meeting ako with a private

company."

Utos nito sa kanya.

Tagumpay nilang natapos ang

sasakyan ng lider ng Thailand.

Nagpaabot ito ng pasasalamat sa

kompanya at napuno ng papuri si

Grand.

Unti-unting nawala ang pagdududa

nya sa boss nya dahil sa kabaitan nito

sa mga empleado. Ngunit, hindi nya pa

rin matanggal sa isip kung bakit ganun

lang kadali ang ipinapagawa nito,

gayong kay laki ng inutang nya rito.

Idagdag pa ang interpretasyon nya sa

inalok nito sa kanya.

Ilang gabi na ring sumasama si Raffy

sa mga meetings ng boss nya, kasabay

nito ay ang ilang gabi ring hindi sya

nakakatulog dahil ginagambala sya ng

sariling pag-iisip.

Hanggang isang gabi, matap0s ang

isang meeting nila sa isang pribadong

kompanya, hindi na napigilan ng

dalaga na tanungin ito ng diretsahan

tungkol sa alok nito.

"Sir.. M-may gusto lang p0 sana

akong malaman."

"Ano yun?"

Humugot muna ng malalim na hininga

ang dalaga bago muling binuksan ang

bibig.

"T-tungkol sa a-alok nyo sir Grand.."

"Yes? What about that?"

Kunot-no0 nitong tanong pabalik sa

kanya.

"T-totoo po ba na hanggang dito lang

ang ipapagawa nyo sa akin?? D-di

ba po.. Isang gabi lang ang hiniling

nyo?? T-tsaka, bakit ganun lang

po kadali ang pinapagawa nyo?

K-kung tutuusin, kulang po ito bilang

kabayaran sa malaking utang ko sa

inyo."

Tiningnan sya nito ng puno ng

pagkamangha. Ang pagkunot ng noo

nito'y unti-unting nawala.

"Ah sir, don't get me wrong..

C-curious lang po ako.."

"No. It's okay."

Bigla itong tumayo.

"Come on Miss Pastrana. We have

something to do."

At nagpatiuna ito sa paglabas ng cafe

kung saan sila nagpulong ng bagong

kliyente.

Ha?? Di ba, tapos na ang meeting?? Ano

naman ang gagawin namin? At saan

naman kami pupunta?

Puno ng katanungan syang sumunod

rito.

"Hop in."

Nakaupo na ito sa driver's se

A-ano?? S-sasakay ako sa kotse nya.

T-totoo ba ito??? O nananaginip lang

ako?

"Bilisan mo Miss Pastrana. It's

getting late."

"A-ahh. O-opo."

Sa likod sya sumakay.

Pinaandar na ni Grand ang sasakyan at

lumisan na sila sa nasabing lugar .

Sa kalagitnaan ng pagbabaybay nila sa

pribadong kalsada, nagtanong si Grand

sa kanya.

"You told me that your father is okay,

don't you?"

Sinulyapan sya nito sa rearview na

salamin habang nagmamaneho.

"A-ah.. O-opo."

"You lied. He's not okay. In fact,

comatose sya ngayon di ba? Kaya

ganun nalang kalaki ang hospital bill

nyo."

Dahil sa gulat, nalunok nya ang

sariling laway dahilan upang mapaubo

sya.

Pano nya nalaman yun???

Malamang. Pina imbestigahan nya

ako. O di kaya, pinasundan. Sa laki ba

naman ng inutang ko.

"S-sir.."

Muli sya nitong sinulyapan sa salamin.

"You'rea bad liar Miss Pastrana, I

hate it being that worst. You should

learn how to be a good deceit."

Nangingiting sabi nito.

Ano ba ang sinasabi nya??

O0, alam ko. Napakahirap para sa akin

na mangumbinse ng tao lalo na kung

hindi naman toto0 ang sinasabi ko.

Hindi ako magaling magsinungaling at

kung ano ang nasa isip ko, sinasabi ko

ito.

Nawala sa isip nya ang sinabing iyon ni

Grand nang napansin nyang pumasok

ang kotse nito sa isang pribadong flat

Automatic na bumukas at sumara ang

gate sa pagpasok nila. Ipinarada ni

Grand ang kotse sa maliit na garahe.

Nasaan kami? Tsaka, bahay nya ba ito?

Bakit hindi naman ganun kalaki? Eh

ang yaman yaman nya?

Bumaba na ito ng kotse.

At dumiretso sa pintuan ng bahay.

Sya naman ay napuno sa kuryusidad,

kaya naman sumunod din sya rito.

"Ah, sir? Bahay nyo po ba ito?"

Hindi ito sumagot. Bagkus, may

pinindot ito sa pader at awtomatik

na may lumabas na built-in device

rito. Itinapat nito ang kanang mata at

nagbukas agad ang pinto.

"Welcome to my humble abode, Miss

Pastrana.

Bati nito sa kanya.

Napansin agad ng dalaga ang kabuuan

ng bungalow na bahay. Hindi nga ito

masyadong malaki. May mga speakers

na nakakabit sa makapal na dingding.

Nakaw-pansin rin ang mga maliliit na

ilaw sa paligid. Iba't-ibang kulay meron

nito. May malaking couch, mga silya at

ang pinaka kumuha sa atensyon nya.

Ang isang poste sa gitna.

A-anong klaseng lugar ito??

Nilagay ni Grand sa backrest ng

sofa ang hinubad na jacket. Habang

kasalukuyang tinatanggal ang tatlong

butones sa suot na long-sleeved shirt.

Nanlalaki ang mga mata ni Raffy

habang pinagmamasdan ang boss sa

ginagawa.

Bahagyang napaatras pa sya nang

lumingon ito at tumingin sa kanya.

"What?"

Takang tanong nito.

"A-ano p-po b-bang gagawin natin

dito?"

Are you kidding me? You asked for

it, remember?"

Ano bang ibig nyang sabihin???

"H-hindi ko po kayo maintindihan."

Nailing na ito sa naging reaksyon nya.

"Di ba, tinatanong mo pa ako

kanina? You're asking me about my

offer? This is it Miss Pastrana. You

know what?.."

Nagsimula na itong kumilos ng

kakaiba. Panay ang suklay nito sa

sariling buhok. Habang papaupo sa

sofa.

"Sinubukan ko namang tantiyahin

kung papayag ka coz I thought

natatakot kang sumama sa akin. I

tried to convert your attention. I let

you focused on work but."

Sadyang binitin nito ang sunod na

sasabihin. Dahan-dahang gumuhit ang

nakakalokong ngiti nito sa mga labi.

Sa halip na si Raffy ang magulat, mas

nagulat ang nakaupong si Grand sa

ginawa ng dalaga.

Lumapit ito sa kanya at buong tapang

na hinarap ang binata.

"May girlfriend ka ba sir Grand?"

Buong tapang na tanong nya.

Ibinaba ni Grand ang nakakrus na

binti.

"Wala." Manghang sagot nito sa kanya.

"Kung ganun, gawin mo na sa akin

kung anong gusto mong gawin."

Matapang na pahayag ni Raffy.

Tumayo si Grand at may kinuha sa

mesa.

"Im just slowly digging the hole, but

you're asking me to send you right

away in to your grave, Miss Pastrana.

Take a shower and wear this after.

I'll be waiting here for you. Don't

take too long.."

Seryosong utos nito sa kanya.

Itinuro ni Grand kung nasaan ang

banyo. Binuksan na nya ang shower.

At itinapat ang hubad na katawan sa

lagaslas ng tubig.

Kailangan kong tapangan ang sarili

ko. Isang gabi lang naman ito. Nakuha

ko na ang perang kailangan ko.. Kaya,

ibibigay ko sa kanya kung ano ang

gusto nya.

Ang totoo nyan, hindi na nagulat

si Raffy dahil inaasahan na nyang

mangyari ito. Pero ang pinagtataka

nya, kung bakit pinatagal pa ng boss

nya ang gustong gawin nito sa kanya.

Kung bakit sinubukan pa sya nitong

lituhin..

Ilang sandali pa. Tapos na syang

maligo. Kinuha nya ang supot na

ibinigay sa kanya ni Grand.

Binuksan nya ito at nagulat sya sa

laman nito. Isang puting peynuwa at

pares ng damit panloob.

Negligee?

Takang tanong nya sa sarili.

Nakakahiya naman kung isusuot ko

to. Bakit hindi nalang nya diretsahang

gawin sa akin yun? Bakit may pa ganito

pa??? Ano bang balak nya??

Kahit ayaw nya sa damit, napilitan

nalang syang isuot ito.

Dahan-dahan syang lumabas banyo.

Hindi pa man sya tuluyang nakalabas,

rinig na rinig na nya ang malamyos

na musika na nanggagaling sa salas ng

bahay na ito.

Paglabas nya mula sa koridor, nagulat

sya sa mga makulay at patay-sindi na

ilaw na tila nagsasayaw sa loob ng

bahay.

Ano 'to??? Bakit ganito??

"There you go. I'm glad it suits you.

By the way.. I want you to promise

me four simple things."

Pinahinaan nito ang nakakairitang

tugtog.

Prenteng nakaupo lang si Grand

sa isang silya at kahit na malayo

ito sa kanya, nakikita pa rin nito

ang kabuuan nya kaya nahihiyang

tinakpan nya ang mga pribadong

parte ng katawan gamit ang

kamay. Kitang-kita pa rin ang mga

damit-panloob nya dahil sa suot na

peynuwa.

First, whatever happens tonight,

keep that between you and me and

leave it here in the four corners of

this house. Also, do not forget the

word SIR everytime you mention my

name before, during and especially

after we made it. Third, remain

Professional after this. And last but

definitely not the least, I want you

to keep in mind that I am still your

boss, so you have to obey whatever

I want you to do. Are those clear to

you, Miss Pastrana?"

Nagsimula nang manginig ang tuhod

nya dahil sa sinabi ni Grand. Iba pa

rin talaga kung gagawin mo na ang

kinakatakutan mo kahit gaano ka pa

kahanda para rito.

Tumango na lamang sya upang

ipabatid na nauunawaan nya ang ibig

sabihin nito.

Hindi pa rin ito tumatayo sa

kinauupuan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status