Share

CHAPTER 6

RAFFY"

Sa labas pa lang ng pinto, naulinigan

na ng dalaga ang pagtawag ni Brix sa

kanyang pangalan.

Kasalukuyang naglilinis ng mga

kalat si Raffy sa desk nya. Kakatapos

nya lang sa isang scheme at dahil

experimental ang dalaga, nakagawa

sya ng panibagong design ng sasakyan.

Sobrang saya nya pa dahil sa naisip

nyang bagong konsepto.

Balak nyang sabihin ito sa boss nya na

wala ngayon buong araw sa trabaho

dahil may pinuntahan daw ito ayon

sa pinsan nitong si Brix, na ngayon

naman ay malakas na ang boses na

kumakatok sa pinto ng opisina nila.

"RAFFY!!!"

"Oo, sandalee." Tugon ng dalaga.

Ano ba naman itong si Brix, kung

makatawag parang may nadisgrasya.

Sa isip nya habang nagmamadaling

itinapon ang mga papel sa basurahan.

Agad nyang binuksan ang pinto na

ini-lock nya dahil ayaw nya sanang

maistorbo.

"Bakit?"" Kunot-noong tanong nya rito.

Nagtataka nyang tinitigan ang binata

na ang itsura ay hindi na maipinta.

Bakas dito ang itsura ng pag-aalala at

pagkaawa.

"Ano bang problema, Brix?"

Paglilinaw nya sa tanong.

Humugot ng malalim na hininga si Brix

bago nagsalita.

"R-Raffy.. You should leave now.

P-pumunta ka sa hospital.. Kailangan

ka ng pinsan mo doon.."

Pagkarinig nya sa sinabi ni Brix, agad

na nanlamig ang mga kamay nya at

nagsimula nang lumakas ang tibok ng

kanyang puso.

"H-ha?? A-anong nangyari sa pinsan

k-ko?"

Hindi na sumagot si Brix, bagkus ay

iginiya sya nito patungong elevator.

Don't worry, ako na bahala rito. Just

stay calm, okay?"

Naguguluhan ang dalagang pumasok

nalang din sa elevator.

Bago pa magsara ang pinto, muling

nagsalita si Brix.

"Raffy, I'm sorry.."

"A--"

Hindi na naituloy ng dalaga ang

sasabihin dahil tuluyan nang nagsara

ang pinto ng elevator.

Ano bang nangyayari?? Bakit ganun si

Brix?? Bakit sya nagsosorry??

Hindi napigilan ng dalaga na hawakan

ang dibdib. Pakiramdam nya ay

sasabog ito dahil sa sobrang lakas ng

tibok ng kanyang kaibuturan.

Ilang sandali pa, ay nakababa na sya

sa basement. Wala sa sariling lumabas

sya ng gusali at pmara ng taxi.

Makalipas ang ilang minuto, hindi nya

namalayang nakarating na pala sya sa

ospital.

Hindi napigilan ng dalaga na hawakan

ang dibdib. Pakiramdam nya ay

sasabog ito dahil sa sobrang lakas ng

tibok ng kanyang kaibuturan.

Ilang sandali pa, ay nakababa na sya

sa basement. Wala sa sariling lumabas

sya ng gusali at pumara ng taxi.

Makalipas ang ilang minuto, hindi nya

namalayang nakarating na pala sya sa

ospital.

"Ma'am? Bayad po, nakalimutan

nyo."

Nagising ang dalaga sa pag-iisip nang

tawagin sya ng taxi driver.

"S-sorry po manong, eto po. Sorry po

talaga.."

"Ok lang po ma'amn. Sige po."

Blangko ang isipan nyang hinatid ng

tingin ang papalayong taxi.

Ilang sandali pa, may tumawag sa

kanya mula sa loob ng ospital.

RAPHAELLE!"

Mabilis na nakalingon ang dalaga

sa taong tumawag sa buo nyang

pangalan.

Ang pinsan nyang si Jennica..

Agad na tumakbo sya papalapit rito at

niyakap ng mahigpit.

"Jennica!? Naku! Buti naman at

ayos ka lang!! Jusko! Akala ko ano

nang nangyari sayo!! Pa'no na ako?

Hindi ko kakayanin Jennica pag

may nangyaring masama sa'yo.

Paano ko aalagaan si itay habang

nagtatrabaho. Pa'no ko mababaya--"

"Wala na sya Raffy."

Ang malaking ngiti ng dalaga ay

unti-unting kumupas. Ang kabang

naramdaman kanina lang na

napalitan na sana ng saya ay muling

nanumbalik.

Nawalan na ng lakas ang dalaga

at dahan-dahang kumalas sa

pagkakayakap nya sa pinsan.

Ngayon nya nakita ang pamamaga ng

mga mata ni Jennica. Halatang galing

ito sa matinding pag-iyak.

"S-s-sabihin mong n-nag b-bibiro ka

lang, Jennica."

Tinitigan sya nito ng puno ng

pagdadalamhati.

Umiling ito. Tsaka, yumuko.

"S-sorry Raffy... Wala akong nagawa..

Hindi ko akalain na mangyayari ito...

Sorry..

Garalgal na ang boses nito habang

umiyak.

Hindi.. Hindi totoo ito. Buhay pa

si Itay. Hindi ako makakapayag na

mawala sya sa akin.

Hindi nag atubiling iniwanan nya ang

pinsan at tumakbo papuntang silid ng

kanyang ama.

Ngunit, bigo syang makita ito.

"Raffy..."

Naghahabol ng hiningang sambit ni

Jennica sa likuran nya. Sumunod pala

ito sa kanya.

"Nasan sya Jennica? Bakit wala sya

rito? Gising na ba sya? Nasa banyo

ba sya? NASAN SYA!?"

Hinalughog nya ang buong silid. Pati

ilalim ng kama ay tiningnan nya.

Hindi nya matanggap ang masaklap

na nangyari sa kanyang ama. Ito na

lamang ang meron sya. Sa kanyang isip

at puso, hindi nya makakayanan ang

mabuhay pa kung mawawala na ito sa

kanya.

"R-raffy... S-sa morgue.. N-nasa

morgue na si tiyong..

"Hindi.. Hindi totoo yan."

Raffy... Hindi na kinaya ni tiyong..

May namuo palang dugo sa utak

ni tiyong. At nagkaroon sya ng

hyperthermia pagkatapos ng

therapy nya Raffy.. Ginawa na ni Doc

ang lahat.. Raffy, sorry."

"Kung ginawa nila ang lahat... DI

SANA, BUHAY PA SYA NGAYON!"

Muli ay iniwanan nya ang pinsan at

dumiretso sa sinabi nitong silid.

Doon ay nakita nya ang isang katawan

ng tao na nakahiga at nakabalot sa

puting tela. Hindi pa man nya ito

nabubuksan, parang ipinako na ang

mga paa niya sa kinatatayuan.

Labag man sa loob, hindi nya napigilan

ang sarili na lumapit dito. Gusto nya pa

ring malaman ang katotohanan.

Dahan-dahan nyang ibinaba ang telang

naka lukob sa mukha nito.

Itay...

Halos walang boses na sambit nya

sa taong nakita sa likod ng telang

nakatakip rito.

Ang galit, lungkot at panghihinayang

na nararamdaman sa puso ay sumidhi.

Tila bomba ito na nagbabadyang

sumabog anumang oras. Ngayon

naman ay hindi nya mawari ang sarili

kung ano ang dapat maramdaman sa

mga oras na ito.

Galit sya, dahil hindi nailigtas

ang kanyang ama sa tiyak na

kapahamakan. Malungkot dahil wala

na ang kaisa-isang tao na naniwala,

nagmahal at sumuporta sa kanya. At

panghihinayang.. Sayang ang mga oras

na dapat nakita nito na nakapagtapos

sya ng pag-aaral at nakapagtrabaho

dahil na rin sa dugo't pawis na inilaan

nito para sa kanya. Hindi man lamang

nito masisilayan ang kinabukasan

niya.. At ang pinaka malungkot sa

lahat, hindi na nya ito makakasama. pa

Niyakap nya ito ng mahigpit. Gusto

nyang magpasalamat rito, humingi ng

tawad, at magpaalam... ngunit tila wala

syang mahanap na mga salita para

masabi ang mga ito.

Ang tanging naiisip nya ngayon ay ang

kinabukasan.. Kung kakayanin nya pa

ang bukas na wala na ito sa tabi nya.

Ipinikit ni Raffy ang kanyang mga

mata. At kasabay ng pagbuhos ng

kanyang mga luha, ipinangako nya

sa sarili na hindi nya bibiguin ito sa

gusto nitong mangyari noong ito'y

nabubuhay pa.

"Gagawin ko ang lahat upang

magkaroon tayo ng sarili nating

kompanya ng mga sasakyan itay.

Balang araw.. Mangyayari rin iyon.

Pinapangako ko. At.. Hindi ko

hahayaan na hindi lumabas ang

katotohanan. Kailangan managot sa

batas ang sinumang gumawa sa'yo

nito."

muli pa ay sinulyapan Niya Ang mukha ng kanyang ama. Ang mapait na sinapit nito Ang

nagtanim ng Galit sa kanyang puso. SIMULA sa araw na ito Hindi na Siya titigil upang mahanap

Ang salarin sa pagkamatay nito.

"Pagbabayaran mo Ang ginawa mo"

UNANG araw ng burol ni Mang Paeng.

Si Jennica na abala sa mga bisita

ay umup0 muna saglit upang

makapagpahinga.

Habang si Raffy, hindi pa rin umaalis

sa tabi ng kanyang ama.

"Raffy.. Magpahinga ka muna.

Ako na muna ang bahala rito.

Tutal, konti lang naman ang tao

ngayon. Wala naman kasi tayong

masyadong kakilala rito sa Maynila.

Kung nailuwas natin si Tiyong

sa probinsya, tiyak marami ang

pupunta sa unang araw ng burol

nya. Kas0, wala na tayong pera..

Sorry Raffy ha? Hindi man lang kita

natulungan."

Sa Mortuary nila ito ibinurol dahil

bukod sa walang espasyo ang kanilang

tinutuluyan ni Jennica, ayaw din

naman ng tenant nila na doon ilamay

si Mang Paeng.

"Pasensya ka na rin sa akin Jennica.

Ikaw pa tuloy itong nagpapagod ng

ganyan. Kung tutuusin, sobra-sobra

na nga ang naitulong mo sa amin.

Salamat talaga dahil nandyan ka. "

Sus! Syempre, nandito lang akO

para sa inyo. Pamilya ko rin kayo.

Tsaka, ngayon pa na mas kailangan

mo ako? Syempre, hindi kita iiwan."

"Salamat.. Tsaka, tama ka.. Kung

nakaluwas lang sana tayo ng

probinsya, di sana nakita rin ng mga

kamag-anak natin si itay.. Kahit sa

huling sandali nalang nya.."

Hinawakan sya ni Jennica sa balikat.

"I can help you with that."

Pareho slang nabigla ni Jennica sa

biglang pagsabat ng pamilyar na boses

sa usapan nila.

Hinarap nila ito. At hindi

makapaniwalang nandito nga ito

ngayon sa harapan nila. Kasama ang

pinsan nitong si Brix.

Muling nanumbalik sa isipan ni Raffy

ang tỉnuran ni Brix kahapon. Kaya pala

ganun na lamang ito makipag-usap sa

kanya dahil sa nalaman nito. Sinabi ni

Jennica na tinawagan nya ang opisina

nila at si Brix nga ang nakatanggap ng

tawag na iyon.

Nginitian sya nito.

"We're here to personally express

our sincere condolences to the both

of you."

Si Grand na pormal na pormal sa suot

nitong terno.

Ilang sandali pa ay may sinenyasan si

Brix sa lalbas. Pumasok ang dalawang

lalaki dala ang isang malaki at

eleganteng tungkos ng bulaklak para

sa kanyang itay.

Galing mismo sa Yvcaz Empire.

"S-salamat po s-sir.."

Utal na pasasalamat nya rito.

Tumango lang ito. Pagkuwa'y

tiningnan nito si Jennica.

Jennica, right?"

"A-ahh.. 0-opo."

Tarantang sagot nito kay Grand.

Mahahalatang di makapaniwala ang

pinsan ni Raffy na kinakausap sya

ngayon ni Grand Yvcaz.

"Can you please, give Brix something

to drink? I'm sure he's parching

because of heat."

Nangingiti pa nitong sinulyapan si Brix

na prenteng nakapamulsa sa tabi nito.

Aalma na sana ito sa sinabi ni Grand,

ngunit nang maintindihan ang ibig

nyang sabihin, sumakay nalang din ito

sa gusto nyang mangyari.

"Oh! Yeah, I almost forgot. Nauuhaw

nga pala ako.. Ano bang pwede

nating mainom dyan?"

Iginiya na ni Jennica si Brix sa isang

upuan. Kaya, naiwan si Raffy at Grand.

Lumapit sya kay Raffy at hinawakan

ang balikat nito.

"I'm sorry for your loss."

Hindi na sya nakapagsalita pa nung

kinausap na sya nito. Parang gusto

nalang nyang umiyak ng malakas sa

harapan nito. Hindi nya alam ngunit

parang gusto nyang isumbong ang

lahat ng mga hinanakit nya at hingin

ang payo nito para sa kanya.

Nabigla nalang sya nang inabutan

sya nito ng panyo. Hindi nya pala

namalayan na umiiyak na sya sa

harapan nito.

Ano ba Raffy. Wag ka ngang

magpaawa. Nakakahiya ka.

"S-sorry po sir.."

Kinuha nya ang panyo na inabot nito.

"No, it's okay."

Pagsisimula ni Grand. Lumapit sya sa

ataul ng ama ni Raffy at tahimik na

tiningnan ito.

"CRYING because of losing someone

who's very important in your life

doesn't need an apology. It's natural.

It's merely worthy."

Tiningnan nya si Raffy.

"I understand your pain, Ms.

Pastrana. It's not easy to concede. I

was also there once and just like you,

I experienced harrowing thoughts,

deep sorrow, even hatred..""

Hindi nya mapigilan ang sarili na

tumigil sa panghuling salita na nasabi

nya. May bigla syang naalala..

"S-sir? O-okay lang po ba k-kayo?"

Pukaw ni Raffy sa kanya.

"Oh! I'm sorry. I just remember

something."

Huminga sya ng napakalalim bago

muling nagsalita.

"Anyway, I just want you to know

that you're not alone. We're here,

and I'm here. You can cry and lean

Tila namamangha si Raffy sa

sinabi nya rito. Parang hindi ito

makapaniwala sa sinabi nya dahil

hindi man lamang ito nakapagsalita.

By the way, is it true that you wish

to bring him back to your province?

Gusto mno sya iuwi?"

"A-ahh. -opo s-sir. Kaya lang.."

"Okay just like I've said, I can help

with that. Ako na ang bahala sa

mga bayarin, lahat. Iuuwi natin ang

papa mo sa probinsya nyo."

"Pe---."

"Walang pero pero, I insist kaya

tanggapin mo nalang. "

Matigas na utos nya rito.

Walang nagawa ang dalaga kundi ang

pumayag nalang sa gusto nya. Gusto

rin naman ni Raffy na makauwi sila ng

ama sa probinsya at nang makita man

lang ng mga kapamilya nila ang tatay

niya kahit sa huling sandali.

Kinabukasan ay kaagad na nakauwi

sila Raffy sa probinsya nila.

Grabe no? Ang yaman talaga ni

Sir Grand. Sa isang pitik lang ng

mga daliri nya, napauwi nya agad

tayo rito.. Sinagot nya pa lahat pati

pagbayad sa lote na paglilibingan ni

Tiyong.

"Jennica.. Kahit tulong ang sinabi

nya, kailangan ko pa ring bayaran

yun. Idadagdag kO yun sa utang

ko sa kanya. Tsaka, may utang pa

ako sa ospital. Ang balanse natin

dun. Nagpapasalamat nga ako

dahil umintindi nalang din sila sa

sitwasyon natin."

Nagtataka naman sya sa reaksyon

ng pinsan nya. Nakangiti lang ito na

parang hindi narinig ang hinaing nya.

"Bakit?"m

"H-ha? Ah! Wala! Eh.. Kasi Raffy.

Pati yun ay binayaran nya na rin.

Ibig sabihin, wala na tayong balanse

sa ospital, edi wala na tayong

problema sa mga bayarin natin..

Solve na lahat dahil kay sir Grand."

"Ha!? Bakit di mo sinabi sa akin?"

Raffy, hindi ko na naalala yun. Sa

dami ba naman ng problema natin..

Magpasalamat nalang tayo na may

taos-pusong nag offer ng tulong sa

atin. Ang laking tulong nun tsaka,

pag hindi ka ba pumayag? May

pera tayong pwede nating gamiting

pambayad? Di ba, wala rin?? Kaya,

wag ka nang magalit Raffy.."

Tama si Jennica.. Labag man sa loob ko

ang ginawa ng boss ko, wala rin naman

akong choice kundi tanggapin nalang

din ang offer nya.. Baon na ako sa

utang. Mababayaran ko pa kaya sya?

HANGGANG sa dumating na ang araw

ng libing..

Sa eulogy, ang mga kakilala at pinaka

malapit sa kanyang itay ay nagbigay

ng mensahe at parangal para rito.

Nagbalik-tanaw sila sa kabutihang

nagawa ni Mang Paeng para sa kanila.

Huling nagbigay ng mensahe si

Raphaelle.

"Si Raphael Pastrana ay ehemplo ng

isang dakilang ama."

Pagsisimula nya. Hindi pa man nya

natatapos ang unang pangungusap ay

di na nya napigilang tumulo ang luha.

"Lahat.. Lahat ng meron ako ngayon

ay dahil sa kanya.. Ginawa nya

ang lahat upang makapagtapos

ako ng pag-aaral kahit pa sa hirap

ng buhay.. Hindi nya ininda ang

hirap at pagod na naranasan nya

sa pagtatrabaho buong araw at

ngayon ko lang nalaman na kahit

hanggang gabi ay nagtatrabaho

parin pala sya para sa akin. Itay,

ikaw ang nag-iisang tao na naniwala

sa akin. Ikaw ang nagbibigay lakas

sa akin upang bumangon at sumaya

araw-araw.. Ngayong wala ka na,

paano ko haharapin ang bagong

umaga?? Itay... Mahal na mahal

kita."

Hindi na nya napigilang humagulhol sa

pag-iyak. Agad namang dinaluhan sya

ng pinsan nya.

Natapos ang libing nang hindi na

nagsasalita si Raffy. Nakauwi na ang

mga naghatid sa huling hantungan ng

kanyang ama ngunit, narito pa rin sya

sa harap ng puntod nito.. Nakatayo at

tulala.

"Raffy.. Nandito si Sir Grand.. "

Tila walang narinig si Raffy mula sa

pinsan.

Patuloy pa rin syang nag-iisip kung

okay lang ba ang ama sa kinaroroonan

nito..

Ilang sandali pa..

"He's okay. Wag ka ng mag-alala."

Parang may kuryenteng pumukaw sa

lumilipad nyang isip nang magsalita si

Grand na nasa tabi na pala nya.

"S-sir Grand!"

Bigla nyang niyakap ito. Hindi na nya

alam kung bakit tila nawala ng bigla

ang sakit na nararamdaman nya nang

makita ito.

Sir.. Salamat at nandito ka.. Mahal

na mahal ko po ang itay ko.. Bakit

nya ako nagawang iwan???"

Gulat man dahil sa ginawang pagyakap

ni Rapahelle sa kanya, hinayaan na

lamang ni Grand ito.

"Lahat naman tayo, lilisanin din

ang mundong ito. Nauna lang talaga

ang itay mo. But, I'm sure that he's

happy wherever he is right now.

You just have to believe that you are

not alone. He will always be by your

side, watching and guiding you every

single day."

Mas humigpit ang pagkakayap ni Raffy

sa kanya.

Hindi na ito sumagot pa. Tahimik lang

itong umiiyak sa dibdib nya.

Bago man sa mga ganito.. hindi nya

maintindihan kung bakit gusto nyang

damayan si Raffy mula sa pagluluksa

nito. Malamang dahil naranasan nya

rin ang maiwan ng mga mahal sa

buhay.

Go on.. liyak mo lang yan. I know

mahirap at masakit tanggapin

na iniwanan na tayo ng mahal

natin sa buhay. But, eventually

makakalimutan mo rin yan as time

will surely heal your agony. I'm just

here."

Itinaas nya ang kanang kamay at

nagdadalawang isip pa kung ilalagay

ba sa likod ni Raffy. Hinaplos nya ang

likod nito upang ipaalam na okay

lang na iyakan sya nito at para na rin

tumahan na ito.

Sa isip ni Raffy, malaking bagay para sa

kanya ang presensya ng boss nya dahil

bukod sa pakikiramay nito, handa

itong tumulong sa kanya.

Gusto nya sana itong iwasan at

kalimutan ang anumang namagitan sa

kanila, ngunit hindi nya kayang gawin

ito ngayon. Si Grand ang tanging tao na

pwede nyang kapitan ngayon.

Pakiramdam ng dalaga, nakayakap

sya ngayon sa isang anghel. Sa anghel

na pinadala ng kanyang ama upang

damayan sya.

Sir Grand.

"Oh? How is she?"

Bungad ni Brix kay Grand.

Kadarating lang ni Grand sa opisina

nila galing sa probinsya nina Raffy.

Mahigit isang oras din ang binyahe nya

pabalik ng Maynila.

"Well of course, what do you expect?

Syempre, nahihirapan pa rin sya."

"Tama naman. Pero, di ba? Pumunta

ka dun to assure her that she can

rely on you? What happened?"

Bumuntong-hininga si Grand bago

umupo sa isang silya na nasa harap ng

pupitre ni Brix.

"Actually.. I kinda feel na sumaya

sya kahit papano nung makita nya

ako."

"Talaga? Teka.. Bakit mo nga ba

gustong tulungan si Raffy? Kung

iisipin, sya naman ang may malaking

utang sa'yo? Di kaya...??"

"BRIX."

Putol nya sa anumang iniisip nito.

"Sorry... B-bakit nga ba? Pwede ko

bang malaman?"n

Halatang nagsisisi ito sa gustong

sabihin nya kay Grand. Alam na ni Brix

ang tungkol sa pagkakautang ni Raffy

kay Grand. Si Brix ang una at huling

taong makakaalam ng mga sekreto ni

Grand dahil ito lamang ang tanging tao

na kahit papaano'y pinagkakatiwalaan

nya. Hindi pa kailanman binigo ni Brix

si Grand sa mga gusto nyang mangyari.

"It's just a matter of sympathy."

Tumango nalang si Brix bilang

pagsang-ayon. Ayaw na rin nyang

biruin pa si Grand dahil alam nya kung

ano ang kahihinatnan kapag nangahas

syang gawin ito sa pinsan.

Hindi nya gugustuhin ang mangyayari

pag nagkataon.

"Nga pala, ano na ang plano mo

kay Raffy? Papapasukin mo ba sya

bukas? Or what?"

Binigyan ko sya ng leave. Indefinite

leave to be exact. Sya na ang mag

dedecide whether babalik na sya or

hindi pa. Basta pag okay na syang

bumalik sa trabaho. Alam mo Brix

kung gaano sya ka importante sa

kompanya, kaya dapat lang siguro

na magpahinga muna sya at mag

relax para hindi maapektuhan ang

trabaho nya."

"Tama yun Grand. I was expecting

you to do that, buti hindi mo

nakalimutan."

Nginitian sya ni Brix kaya napailing

nalang si Grand.

Ilang sandali pa ay may tumawag sa

telepono ng opisina.

Agad na kinuha ni Brix ang pulang

telepono na katabi ng puti namang

telepono na nakapatong sa ibabaw ng

mesa mya.

"Speak to me."

Sagot ni Brix sa kabilang linya.

Oh, Raffy? Ikaw pala ito.. Yeah..

He's here na.. Kani-kanina lang.. Yes,

yes.. Wait, but why? Kaya mo na ba?..

Okay.. Sige sasabihin ko.. Bye."

Inilapag na nito ang telepono at

umayos ng upo.

"Grand, papasok na raw sya bukas."

"Ha?"

"Yes. Kaya naman daw nya. Tsaka

hindi naman daw nya dadalhin sa

trabaho ang anumang problema

meron sya. Tapos. Nakakahiya raw

sayo. Well, kung ako sya, mahihiya

rin namnan talaga ako sayo."

"I gave her the opportunity para

makapagpahinga sana sya but she

refused to accept it. Okay, bahala

sya."

Tumayo na si Grand at pumasok na sa

opisina nya.

Naiwan si Brix na nagtataka kung bakit

nagkaganun bigla si Grand.

Posible kayang kaya na nito?

Ngunit para sa kanya, parang

imposible namang mangyari iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status