Share

Chapter 4 - Gotta Be Lucky

Nakamasid lang si Hudge habang pinagmamasdan ang pulubing dinala niya sa kaniyang bahay. Makikita ang paghanga sa mga mata ng babaeng pulubi habang inililibot ang paningin sa loob ng kaniyang malaking bahay.

"Sige na, maligo at magbihis ka na muna. Saka ko sasabihin sa 'yo iyong offer kapag okay ka na. Just remember, puwede kang tumanggi at wala akong hihingiing kapalit para riyan sa mga pinamili ko sa 'yong mga damit, bag, at sapatos," untag ni Hudge sa babae.

Mahinang tumango ang babae habang hawak ang ilang paper bags na iniabot sa kaniya ni Hudge.

"Wait, kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko pa pala naitatanong ang pangalan mo," nakangiting ani Hudge.

Nahihiya namang sumagot ang babae, "P-Pamela..."

"Hmm... Not a bad name, Pamela..." Komento ni Hudge. "Sige na, doon ang banyo," pagkuwa'y turo nito sa direksiyon kung nasaan ang banyo.

Naglakad na nga si Pamela papunta sa direksiyong itinuro ni Hudge.

Nang makapasok na sa banyo si Pamela ay kaagad na inilabas ni Hudge ang kaniyang cellphone at tinawagan si Vin.

"Hello, Vin, baka bukas na kita balikan ng kung anong balita... Kakausapin ko pa munang mabuti ito," saad ni Hudge sa kaibigan.

"Ulol! Ako pang niloloko mo, ang sabihin mo, tatrabahuhin mo muna riyan sa kama mo!" Sigaw ni Vin sa kabilang linya na may halong pagtawa.

Napahalakhak na lang din naman si Hudge.

"Hindi ito basta-basta matatrabaho, maniwala ka man o hindi, usap lang talaga ang mangyayari sa aming dalawa rito ngayon," tumatawa pa ring sagot ni Hudge.

"Whatever, Hudge. Basta't ang masasabi ko lang, I'm counting on you. Siguraduhin mo lang talagang all out ang kayang ibigay niyan hindi gaya ni Emerald. Nauungusan na tayo ng kalaban pagdating sa mga ipinalalabas nila. Trabahuhin mong mabuti iyan kung ayaw mong langawin yang mga itlog ninyo nina Divino!" May halong birong pahayag ni Vin sa kabilang linya.

"O, siya, sige na, sige na! Basta bukas na lang," pagtatapos na ni Hudge.

Matapos makipag usap kay Vin ay nilingon pa muna niya ang direksiyon kung saan nagpunta si Pamela. Nagkibit balikat siya at saka nagpasyang umakyat muna sa kaniyang kuwarto dahil tiyak siyang matatagalan pang lumabas si Pamela.

Sa banyo naman kung nasaan si Pamela, titig na titig ito sa repleksiyon sa salamin. Tila hindi siya makapaniwala sa nakikita. Tapos na kasi siyang makaligo ngunit hindi pa siya nakakapagpunas at bihis dahil nga sa pagkakatitig niya sa salamin. Malinis na ang kaniyang mukha at maging siya ay napahanga sa gandang lumitaw. Pati ang kaniyang katawan ay pinilit niyang tingnan sa salamin. Ngumiti siya bago nagpasyang magpunas na at makapagbihis na rin.

Makalipas ang kalahating oras ay saka nagpasyang bumaba si Hudge at bahagya pa siyang nagulat dahil nakita niyang nakahiga at natutulog na sa sofa si Pamela. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa babae upang gisingin sana ito ngunit tila nabatubalani siya sa maamong mukha ng babae. Hindi maputi at hindi rin ito maitim ngunit sa tingin niya ay puputi ang babae kapag naaraw-araw ang pagligo nito. Hanggang balikat ang hindi nito kakapalang buhok. Halos naaral niya nang mabuti ang kabuuan ng mukha nito hanggang sa dumapo na ang mga mata niya sa katawan nito. Isang hapit na bestidang kulay krema kasi ang napiling isuot ni Pamela at bagay na bagay ito rito. Above the knee ang bestidang iyon at kita niya ang ganda ng korte ng mga binti ng babae.

Nang biglang gumalaw si Pamela ay saka pa lamang napaiwas ng tingin si Hudge at upang hindi siya abutan sa ganoong senaryo, kaagad niya ng niyugyog sa balikat ang babae upang kunwari ay ginigising niya ito.

"Pamela..."

Bigla namang napabalikwas ng bangon si Pamela at tila hiyang-hiya na nakatulog pala ito.

"Huwag kang mag-alala, ayos lang naman na nakatulog ka para nakapagpahinga ka. Mukhang hindi ka nakakatulog nang ayos sa buong buhay mo, eh," saad ni Hudge.

Pilit namang ngumiti si Pamela. "M-Mahirap din talagang makatulog sa gilid ng kalsada pero kapag nasanay ka na ayos naman na. Minsan lang talaga ay may mga nagpapaalis sa amin lalo na kapag mag-uumaga na."

"Tutal ay nakapagkuwento ka na rin niyan, dederetsahin na kita. Iyong iniaalok ko sa 'yo, hindi basta-basta. Puwedeng hindi mo magustuhan. Pero pangungunahan na kita na sana, huwag sumama ang tingin mo sa akin. Ito lang din naman kasi ang nakita kong puwedeng makatulong sa 'yo. Natiyempuhan lang naman kita sa kalsada at maaaring ito ang mas mabilis na paraan para kumita ka kaagad ng malaki. Isa pa ay may mga kagaya mo rin naman sa trabahong iaalok ko at higit sa lahat, legal naman ito," mahaba ng paliwanag ni Hudge.

"K-Kung ganoon ay baka naman kaya ko..." Sagot ni Pamela.

"Well, pagiging sexy actress ang iniaalok ko sa 'yo," saad na ni Hudge.

"Sexy actress?"

"Yes. Ewan ko kung pamilyar ka o kung may ideya ka tungkol dito," inuunti-unti lang ni Hudge ang pagpapaliwanag kay Pamela.

"Parang medyo may alam naman ako sa ibig sabihin ng sexy actress," sagot ni Pamela.

"Pero matindi ito, ha? Hindi lang basta sexy actress... Gagawa ka kasi rito ng mga pelikula na iaalok sa 'yo ng Shining Stars. Kapag mas tinanggap mo rin ang mga roles nang walang mga kondisyon, mas malaki ang perang kikitain mo. Pero... Ang hinahanap kasi talaga ng Shining Stars ngayon, iyong mga kayang mag all-out..." Paliwanag ni Hudge.

"All out?" Takang tanong ni Pamela.

Tumayo si Hudge at binuksan ang telebisyon. May isinalang si Hudge sa CD player at kaagad iyong nagplay sa monitor ng malaking telebisyon.

Napalunok si Pamela habang tumatagal ang pinapanood nila dahil sa mga eksenang ipinapakita roon. Hindi niya rin naman maialis ang mga mata roon dahil para bang nagugustuhan niya rin ang napapanood.

Mayamaya ay biglang na-pause ang palabas at napatingin si Pamela kay Hudge.

"Iyan ang sinasabing kong gagawin mo pero mas matindi riyan ang hinahanap ng boss ng Shining Stars ngayon. Iyon ang sinasabi kong iaalok ko sa 'yo kung kaya mo at kung gusto mo... Pero gaya nga ng sabi ko, puwede ka namang tumanggi kung sa tingin mo ay hindi mo kayang gawin..."

Matagal na nawalan ng imik si Pamela at muli itong napatingin sa telebisyon kung saan ay nakapause sa eksenang hawak-hawak ng aktor ang hindi kalakihang mga dibdib ng aktress na hubo't hubad...

Titig na titig din si Pamela sa aktor na walang iba kung ‘di si Hudge...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status