Share

Chapter 2 - Just Wanna Be Lucky

Napaatras si Pamela palayo sa lalaking nasa harapan niya.

"Paano ka nakapasok dito? Sa itsura mo pa lang, alam ko ng isa kang..." hindi na itinuloy ng lalaki ang nais sabihin.

"H-hindi ko sinasadyang mapunta rito..." paglunok ni Pamela. Malikot na rin ang isipan nito kung paano makakatakas sa lalaki nang hindi nababawi ang mga nakuha niya roon.

"That's my friend's bag..." kunot-noong saad ng lalaki habang nakatingin sa bag na yakap-yakap ni Pamela.

Mas lalong naalarma si Pamela. Hindi puwedeng mawala sa kaniya ang napagplanuhan niya na. Gagamitin niya iyon upang tuluyan na silang mawala sa lansangan.

"Give it back, miss," may awtorisasyon sa boses na wika ng lalaki.

Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ni Pamela. Iyon na nga ang ikinatatakot niya. Ang mabawi sa kaniya ang mga iyon.

Bumuntonghininga ang lalaki. "Ibalik mo na sa akin ang mga iyan, miss, at palalabasin kita rito nang hindi isinusumbong doon sa ninakawan mong kaibigan ko," mahinahon nitong sabi.

"Ayoko!" tigas namang sagot ni Pamela.

"I'm calling the police. It's okay that you are a beggar, what's not is that you are a stubborn thief," wika ng lalaki kay Pamela at kinuha na nga nito ang cellphone sa kaniyang bulsa at nagsimulang tawagan ang kakilala nitong pulis.

Hindi nakaramdam ng takot si Pamela sa pulis. Mas laman ng utak niya ang mga bagay na nakuha sa mansiyon na iyon. Ayaw niyang mawala pa iyon sa kaniya. Iyon ang mag-aayos at tutupad sa mga pangarap niya sa buhay.

Kaya naman sa matinding takot na nararamdaman ni Pamela para sa mga ninakaw niya, hindi na siya nakapag-isip nang ayos. Pinulot niya ang may kalakihang bato malapit sa kaniyang paanan at walang pag-aalinlangan niya iyong inihampas sa ulo ng lalaking may kausap ng pulis sa cellphone nito.

Nang bumagsak ang lalaki ay doon nahimasmasan si Pamela. Napatitig siya sa batong hawak na may bahid ng dugo. Nanginginig niya iyong nabitiwan at napaatras sa lalaking sa tingin niya ay wala ng buhay.

Mangiyak-ngiyak na naglakad si Pamela. Hindi niya napansin na pabalik ang lakad na ginawa niya. Parang wala sa sariling nakapasok siyang muli sa mansiyon at litong-lito.

"H-hindi k-ko s-sinasadya..." Lumuluhang sambit ni Pamela habang nakasabunot sa sariling buhok at mahigpit pa rin ang kapit sa bag na hawak-hawak.

Nasa ganoon siyang posisyon nang may isang lalaki na namang lumitaw sa kaniyang harapan.

"Hey! Mas maganda ang attire mo kaysa sa mga kasamahan mo, ah!" nakangiting wika ng lalaki at halata kaagad ni Pamela na lasing ang lalaki base sa boses at kilos nito.

"A-anong..." Napalunok si Pamela habang lumuluha.

"Okay. Ikaw na lang. I want you. Mas gusto ko ang pulubi attire kaysa sa mga student, stewardess at mga yayamanin kunong attire ng mga kasamahan mo," sambit ng lalaki.

Magsasalita sana si Pamela ngunit basta na lamang siyang hinatak ng lalaki. Hindi kaagad siya nakahuma at natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa loob ng isang napakagandang kuwarto kasama ang lalaki.

"Okay, now, start to act," ngisi ng lalaki na nahiga sa kama at titig na titig sa kaniya.

Wala pa ring ideya si Pamela sa kung ano ang sinasabi ng lalaki.

"Come on, call me daddy and say palimos ng katas mo daddy," nakatawang saad ng lalaki.

"H-hindi k-ko p-po sinasadya... P-pero baka matulungan niyo pa siya... B-baka puwede pa siyang itakbo sa ospital at baka b-buhay pa siya..." Sa halip ay iyon ang sinabi ni Pamela dahil nga wala talaga siyang ka-ide-ideya sa mga sinasabi ng lalaki at naalala niya ang lalaking nahampas ng bato kanina. Ngayon niya lang naisip na baka mahuli o mahanap din siya ng mga pulis kaya dapat ay hindi siya magtago o magsinungaling. Kailangan lang sigurong maitakbo sa ospital ang lalaki kaya kailangan niyang humingi ng tulong dito sa lalaking nasa harapan niya ngayon.

Noong una ay napakunot noo ang lalaki kay Pamela ngunit bigla itong humalakhak.

"I like that better! You are a good actress! I really want you now!" Bulalas ng lalaki at tumayo ito sa kama saka sinunggaban ng halik si Pamela.

Sinubukang itulak ni Pamela ang lalaki ngunit malakas ito.

Ang mga sumunod na nangyari ay halos hindi na matandaan ni Pamela. Basta't ang tanging maaalala niya lang ay hindi talaga masuwerte o jackpot ang gabing iyon sa kaniya...

** ** **

Nagising si Vin sa sunod-sunod na kalabog sa kaniyang pinto. Pupungas-pungas siyang tumayo at binuksan ang pinto.

"Vin! Shit!" Ang bungad ng lalaki kay Vin.

"What is it, Divino!" Vin shouted.

"I-it's H-Hugo..." may takot sa mga mata ni Divino habang nagsasalita.

"What about Hugo?" Inis na tanong ni Vin.

"H-Hugo... S-Si H-Hugo..." pinagpapawisan ng malapit si Divino at tila hirap na hirap sabihin ang nais sabihin.

"Fuck you, Divino! What is it!" Bulyaw ng tuluyan ni Vin.

"Hugo's dead," isang lalaking mas matangkad at mas maputi kay Hugo ang dumating at siyang sumagot kay Vin.

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Vin sa narinig.

"What did you say?" Tuluyang lumabas ng kuwarto si Vin at lumapit kay Gerdon, ang lalaking nagsabing patay na si Hugo.

"Did I see something last night or I'm just drunk..." bulong naman ni Divino sa sarili na hindi narinig nina Vin at Gerdon.

"Vin, kailangan daw nating pumunta sa police station para kuhaan ng statement. Anong gagawin natin? Paano kung isa nga sa atin ang nakapatay kay Hugo?" Isa pang lalaki ang nagsalita habang paakyat sa hagdanan na kita naman kaagad nina Vin.

"Are you crazy, Hudge!" Malakas na saad ni Gerdon. "Why would you say that? At bakit naman natin papatayin si Hugo?"

Napapikit si Vin at napasabunot sa sarili niyang buhok.

"Wendell will help us," wika naman ni Divino na tila takot na takot pa rin at nakasandal sa dingding sa labas ng kuwarto ni Vin. Ang Wendell na binanggit nito ay ang kakilala nilang pulis.

"Guys."

Sabay-sabay silang napatingin sa kaaakyat lang na pulis. Si Wendell.

"We need to talk to you. Hugo was murdered," ang sabi ni Wendell.

Nagpunta nga silang lahat sa police station kasama na rin ang lahat ng kasamahan nila sa mansiyon na iyon.

"Fuck! I'm sure Kyla will know about this! I'm done!" Sunod-sunod ang pagtampal ni Vin sa kaniyang noo habang nasa loob ng police station.

"Iyan pa talaga ang iniintindi mo ngayon, Vin? Hugo died. I'm sure Kyla will understand for now," saad naman ni Gerdon.

"How, Gerdon? Malalaman niyang may mga babae palang kasama sa stag party ko and worst, we all sleep with them!" Pigil ang galit na wika ni Vin.

"What I'm most worried about is, my career. Kapag nalaman ng media ito, tiyak na pagpipiyestahan tayo at madadamay talaga ang Shining Stars," seryoso namang wika ni Hudge.

"Why are you so quiet, Sergio? May alam ka ba o nakita kagabi?" baling naman ni Divino kay Sergio na tahimik sa gilid.

"Shut up, Divino..." Matalim ang tinging ibinigay ni Sergio kay Divino.

Mayamaya ay lumabas na ang kakausap sa kanila.

"Tapos na naming makausap lahat ng babaeng kasama ninyo kagabi. Kayo na lang," wika ng pulis na babae.

Unang tinawag si Sergio sa interrogation room.

"Nasaan ka ng bandang alas dos ng madaling araw hanggang alas tres ng madaling araw at anong ginagawa mo?"

"Sa—"

"Alam kong nasa mansiyon ni Mr. Vin Walton kayong lahat kagabi. I want specific answer, Mr. Bailey."

"I'm with one of those girls. I slept after that. We all went to our rooms at exactly two AM," sagot ni Sergio.

Pagkalabas ni Sergio ay si Hudge naman ang tinawag kasunod ang iba pa.

"Bago pa mag alas dos ay nagkanya-kanya na kaming kuha ng makakatabi namin. Sigurado akong lahat kami ay nasa kuwarto ng eksakto o bago pa mag alas dos," wika ni Hudge.

"I went to the room with that blonde hair girl. Wala kaming ginawa kasi lasing at nakatulog talaga kaagad ako. You can ask the girl, umaga na ako lumabas ng kuwartong iyon," - Gerdon

"Hindi ako natulog magdamag dahil gusto kong sulitin iyong babae... Pero wala talaga akong alam, nasa kuwarto lang kami magdamag kahit tanungin niyo pa iyong babae," - Divino.

"Ako ang may-ari ng Shining Stars at akin ang mansiyon. Bukod doon, akin ang stag party na iyon kaya wala akong alam sa nangyari kay Hugo. Kung mayroon man akong napansin na kakaiba, hindi ko hahayaang mangyari iyon dahil ako ang unang apektado sa lahat," - Vin.

Matapos silang makausap na lima ay pinauwi na rin sila ng pulis.

"Under investigation pa rin kayong lima at lahat ng nakasama niyo kagabi hangga't hindi pa nalalaman ang nangyari kay Hugo Ramirez. Basta ang malinaw, hindi aksidente. Pinukpok siya ng isang matigas na bagay ngunit hindi nakita ang bagay na iyon. Ibig sabihin, itinago o itinapon ang murder weapon ng mismong pumatay kay Mr. Ramirez," paliwanag ng pulis sa kanila.

Pare-parehong walang imik ang magkakaibigan nang lumabas sila roon.

"Sino ang pumatay kay Hugo?" Stress at hindi makapaniwalang saad ni Vin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status