Share

Chapter 5 - Ashton got lost at the event

Alas-sais nang magising si Anastasia. Agad siyang naghanda ng agahan nila. Habang abala sa kusina, napangiti siya nang maalala ang nangyari kagabi.

"Ohh, mukhang maganda ang gising natin ah!" biro ni Joyce sa kanya. Umupo ito sa upuan na nasa kanyang harapan. Agad naman n'yang kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling huwag tumawa.

"Ano ka ba may naalala lang ako." sagot niya rito. Dali-dali n'ya itong tinalikuran ngunit hindi pa rin siya nakawala dahil sinundan siya nito kahit saan siya magtungo. "Joyce, ano ba! Nahihilo ako sa kakasunod mo!" reklamo niya sabay kurot sa tagiliran nito.

"Kukulitin talaga kita, hangga't hindi ka magkwento!" nakangising sagot nito. Sarap talagang paluin ng sandok na hawak niya itong mapang-asar n'yang kaibigan. Wala siyang choice kundi ikwento rito ang nangyari kagabi.

Tumitili naman si Joyce sa kilig.

"Ano ka ba! Akala mo naman nanalo sa lotto, e!" inirapan niya ito.

"Ito naman, siyempre masaya ako kasi sa edad mong biente-sais minsan ka lang nagkaroon ng lalaki sa buhay mo, ligwak pa. Hindi naman masama na mangarap, na sana matagpuan muna si 'The One', hindi ba?" sagot nito sa kanya.

Napailing s'ya habang tinitigan ang kaibigan.

"Alam mo bes, bago ako ang pagdiskitahan mo, sarili mo muna, okay?! Tingnan mo nga ang sarili mo! Eight years kanang walang love life. Pitong taon na si Jeremy, pero ikaw wala ng inatupag kundi yang mga files ng boss mo. Mapuntahan nga yang boss mo't masermunan. Akalain mo, okay lang sa kanya na habang-buhay na tigang ang secretary n'ya?" mahabang sermon n'ya rito na may halong biro makaganti man lang sa kaibigan n'ya.

Bigla nalang humalakhak ng tawa si Joyce na ikinagulat nila. Alas-sais palang ng umaga ngunit napakaingay na nilang dalawa.

"Naku bes, kapag makita mo sa personal ang boss ko, ewan ko nalang kung magawa mo pang sermunan. Ang boss ko lang naman ang pinakamagaling at sikat na businessman dito sa buong Pilipinas. Hindi lang iyon napakagwapo pa." pagmamalaki ni Joyce sa kanya.

Pinandilatan niya ang kaibigan.

"Ewan ko saiyo! Maligo kana't baka ma-late ka pa!" aniya at tinalikuran ito na tawa ng tawa.

Halos isang dekada na si Joyce na nagtatrabaho bilang secretary sa VM Group. Nabuntis ito ng isa sa mga kasamahan nito na na-a sign sa Accounting Department at iniwanan ng iresponsableng lalaking iyon ang kanyang kaibigan at sumama sa ibang babae. Kaya malaki ang kanyang respeto sa kaibigan dahil sa pagiging positibo nito sa lahat ng bagay sa kabila ng pinagdaanan nito. Matanda si Joyce sa kanya ng pitong taon. Sa edad na beinte-uno maituturing na n'ya itong successful dahil sa mga achievement nito. Lalo na sa pagpapalaki sa anak nitong si Jeremy na mag-isa. Kaya ang kaibigan ang isa sa kanyang inspirasyon sa buhay. Nagpursige sya upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang anak. Hindi rason ang pagiging isang single-mother upang magpabaya at mawalan ng pag-asa. Dapat matuto rin s'yang mangarap para sa kanyang anak.

Habang nakatayo sa malaking glass wall ng opisina niya. Hinihigop ni Vance ang kape na

ginawa ng kanyang secretary na si Joyce. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang

nangyari kagabi. Ni hindi niya naisipang hingiin ang cellphone number ni Anastasia. Habang abala sa pahihigop ng kape, biglang tumunog ang telepono sa kanyang mesa.

Agad siyang lumapit doon upang sagutin ito.

"Bro, anong oras ka ba pupunta rito, marami ng tao. The board of directors are waiting. They expect you to be here." bungad ng kanyang kapatid. Wala sana siyang balak pumunta kasi marami pa siyang nakatambak na trabaho.

"Okay!" matipid niyang sagot.

Tinawagan niya si Tim pati na rin ang kanyang secretary na si Joyce upang maghanda.

"Hello! Nasaan ka? Andito na kami sa entrance ng Eries Building. Maraming tao bes baka maligaw kami, nako ang laki pala nitong company na'to lalo na sa loob!" namangha si Anastasia nang makapasok na sila sa loob ng Eries.

Kasama niya ang kanyang anak na si Ashton at Jeremy ang anak ng kaibigan niyang si Joyce. Hawak niya ang dalawang kamay ng mga bata. Maraming nakapansin sa kanila lalo na sa dalawang bata. Ang iba ay napapalingon sa gawi nila. Meron ding nais mag-pa-picture sa dalawang bata.

Nakatayo sila sa tabi ng malaking screen na may naka-play na video ng mga batang artista.

Binitawan muna ni Anastasia ang kamay ng kanyang anak dahil kausap niya si

Joyce.

"Ikaw talaga, malaki talaga 'yan pero mas malaki at magara ang building

namin no!" pagmamalaki nito sa kanya.

Proud siya sa kanyang kaibigan dahil

maganda ang trabaho nito sa pinakasikat na kompanya sa buong Pilipinas.

"Oo na, kasi yang kompanya ninyo ang isa sa pinaka-memorable place ko. Dahil d'yan kita unang nakilala." nakangiti niyang saad.

"Oo na, s'ya sige na at baka magka-dramahan pa tayo rito. Papunta na rin kami riyan, buti nga naisipan ni boss pumunta. Ayaw sana nitong pumunta dahil tambak ang trabaho niya. See you!" paalam nito sa kabilang linya.

"Okay, hintayin ka namin dito."

Pinatay na niya ang cellphone saka inilagay

sa kanyang bag.

"Son, hintay.. - " Napalingon si Anastasia sa kanyang paligid.

Ngunit hindi niya makita ang kanyang anak. Binalingan niya si Jeremy na abala

sa panonood ng mga mascots na nasa kanilang harapan.

"Jeremy nak, nakita mo ba si Ashton?" tanong niya sa bata.

"No tita, hindi ko po napansin." para

siyang binuhusan ng malamig na tubig. Napakaraming tao sa loob paano niya

mahanap ang kanyang anak. Bigla nalang tumulo ang kanyang mga luha.

"Let's go, hanapin natin siya!" sumunod naman ito sa kanya na nag-aalala ang mukha.

Lakad-takbo ang ginawa nilang dalawa ngunit hindi pa rin nila mahanap ang kanyang

anak. Sinisi niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang kapabayaan.

"Don't worry po tita, makikita rin po natin si Tonton." mabining saad ni Jeremy.

"Yes, nak!" umiiyak niyang sagot.

Napakalaking building saan ba niya ito hahanapin. Nagtanong-tanong siya sa mga nakakasalubong na mga tao ngunit walang nakakita sa kanyang anak. Lumabas sila sa entrance ngunit wala silang makitang mukha ni Ashton. Pakiramdam niya hihimatayin siya sa sobrang pag-aalala. Naramdaman niya ang malamig na kamay ni Jeremy.

"Sana hindi nalang ako nagpumilit pumunta rito tita. Hindi sana nawala si Tonton." tumutulo ang luha na saad ng bata. Niyakap ito ni Anastasia nang mahigpit.

"No! It's not your fault. Kasalanan ko dahil naging pabaya ako." sagot niya habang walang humpay ang pagtulo ng kanyang mga luha. Muli s'yang napatingn sa loob. Paroo't parito ang mga tao, nagkalat rin ang mga bata na nag-enjoy sa panonood sa mga mascots. Pakiramdam ni Anastasia para s'yang lantang-gulay dahil wala ng lakas ang kanyang mga tuhod ng mga oras na iyon.

"Anak! Tonton, anak asan kana ba?!"

Bulong n'ya habang ginalugad ng tingin ang paligid nila.

Samakatuwid, pagbaba ni Vance ng sasakyan sa harapan ng Eries Building. Agad s'yang namataan ng mga reporters, kaya nagsilapitan ang mga ito. Inayos niya muna ang suot na suit at necktie saka humakbang papasok sa entrance. Wala s'ya sa mood na sumagot sa mga sari-saring tanong ng mga reporters. Nabungaran nila ang nagkalat na mga tao sa malaking bulwagan ng building. Isa ito sa malaking event na gaganapin para sa nalalapit na anniversary ng kompanya. Ang lahat ng malilikom na pera mula sa event at sa auction ngayong araw ay ilalagak sa foundation ng VM Group. May event din na gaganapin para sa mga kabataan na libre.

"Excuse me, Mr. Enriquez!" biglang nagsalita ang kanyang secretary habang naglalakad sila patungo sa private elevator. Siya at ang kanyang kapatid lang ang dapat gumamit sa elevator na iyon.

"Yes, Joyce?"

"Pwede po bang sumaglit muna ako sandali sa lobby? Nandito kasi ang kaibigan ko at ang anak ko a-attend ng event para sa mga bata." paalam nito sa kanya.

"No problem, kasama ko naman si Tim." sagot niya.

"Thank you, Mr. Enriquez."

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anne Marie
exciting part
goodnovel comment avatar
Amy Pandaan
what a mystey going on
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status