Share

Chapter 26 - Who is Jocelyn Garcia

Napakunot ang noo ni Amber dahil sa reaksiyon ng babae sa kanyang harapan. Parang pamilyar ito sa kanya kaya napaisip s'ya. Para kasing nakita na n'ya ang babaeng ‘to hindi lang niya maalala kung saan. Ngunit mas nagulat siya sa reaksyon nito dahil para itong ipinako sa kinatatayuan habang titig na titig sa kanya.

“Miss?” untag n'ya sa babaeng nakatitig sa kanya. Hula n'ya manager ito ng gallery.

“Huh! Ah.. Hmm.. Sorry.” nauutal nitong sagot sa kanya.

Ngumiti s'ya rito.

“Nais ko lang kasi na malaman kung bakit kakaunti na lang ang mga naka-display na painting.” paliwanag n'ya.

Napanganga naman ang babae sa tanong n'ya.

“Ah, kasi pinapaubos na lang namin ang mga natirang ubra ni Madam Jho. Sayang din kasi malaking tulong na rin sa foundation n'ya ang perang malilikom namin d'yan. Lahat ng napagbintahan ng mga ubra n'ya ay napupunta sa kanyang foundation. Iyon kasi ang tagubilin n'ya.” tugon ng babae.

“Napakabait naman po talaga ni Ms. Jocelyn. Saan po ba siya pwedeng mak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status