Share

Chapter 6 - Vance found Ashton

Pagdating nila sa tapat ng elevator. Namataan niya ang isang bata, nakatalikod ito sa kanila at halatang umiiyak. Napatingin siya kay Tim. Agad naman nitong na-gets ang ibig niyang sabihin. Nilapitan ni Tim ang bata. Nagulat si Tim at saka napatingin sa kanya. Isang kibit-balikat lang ang sagot niya rito.

"Ask him, what happened." saad niya. Nagtaka siya nang tumayo ito at lumapit sa kanya.

"Mr. Enriquez, may anak po ba kayo na hindi n'yo alam?" napatingin siya bigla rito.

"What are you talking about?! Paano ako magkakaanak ni girlfriend nga wala!" sagot niya rito. Sumenyas si Tim at itinuro ang batang umiiyak.

Napailing na nilapitan niya ang bata.

"Kid!"

Tumingala ang bata sa kanya habang hilam ang mga mata sa luha. Bigla siyang napaatras mula sa kanyang kinatatayuan. Napalingon siya sa paligid. Mabuti nalang at walang nakapansin na mainstream media sa kinaroroonan nila. Dahil kung mangyari mang meron, malaking pasabog na naman nila ito. Ang ayaw n'ya sa lahat ay ang pagpiyestahan ang kanyang pribadong buhay ng mga media. Baka isipin pa ng mga ito na anak n'ya ang bata.

Nahalata naman ni Tim ang kanyang inaalala. Agad nitong kinausap ang mga nasa paligid na security.

Muli niyang binalingan ang umiiyak na bata. Maging siya ay nagulat. He look exactly like him, when he was young. Ang kilay, ilong at ang hugis ng mukha, maging ang mga mata nito na matalas kung tumingin at hugis almond. Tumingin siya kay Tim dahil hindi siya makapaniwala sa nakita. Maging ito ay blangko rin ang reaction.

Para bang may kung anong pakiramdam ang bumalot sa kanya. Parang gusto niya itong yakapin dahil sa nakakaawang mukha nito.

"Little boy, what happened? Where is your mom?" marahan niyang tanong sa bata nang bumalik siya sa sariling katinuan.

"I am lost, mister! Hindi ko po mahanap si mama, sigurado ako nag-aalala na siya." umiiyak na sumbong nito sa kanya.

Parang hinaplos ang kanyang puso ng marinig ang malambing nitong boses.

"Okay, you need my help?"

Umiling ang bata. Nagulat siya sa sagot nito.

"Why?"

Tinitigan siya ng bata bago ito sumagot.

"I'm scared."

Napabuntong-hininga siya.

"Kung iiyak kalang dito walang mangyayari sa'yo. Sumama ka sa akin sa office para madali mong makita ang iyong ina." malumanay n'yang saad sabay lahad ng kanyang kamay. Napatingin ang bata sa kanyang kamay. Mayamaya tinanggap niya rin ito. Nagulat siya sa kanyang naramdaman nang magkadaop ang kanilang mga palad. Parang ang sarap sa pakiramdam habang hawak niya ang maliit na kamay ng bata. Aakayin na sana niya ito, ngunit bahagya nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa daliri n'ya.

"What's wrong?"

"Mister! My mama said, hindi raw po ako sasama sa strangers. Baka ibenta raw po ako at hindi na ako makakabalik sa kanya." malungkot na saad nito. Ngayon niya naintindihan ang pag-aalinlangan ng bata.

Lumapit si Tim sa kanila.

"Kiddo, don't worry. We aren't bad people. Actually, he is the owner of this very huge building." nakangiting sagot ni Tim sa bata habang nakaturo sa kanya ang kamay nito.

Napamulagat ang bata sa narinig.

"Really? Wow! You are so amazing, mister!" Natuwa naman sina Vance at Tim sa naging reaction nito.

"Thank you! So, you wanna join us upstairs?"

"Okay!" masaya nitong sagot.

Inakay niya ang bata papasok sa elevator. Napansin naman niya ang lihim na ngiting sumilay sa labi ni Tim."What?!" anas niyang tanong.

"Bagay po sa inyo!"

He smirked and trying to ignore his assistant. Pagdating nila sa 15th floor kung nasaan naroon ang kanyang opisina agad silang sinalubong ni Vincent.

"Thanks God, you're finally here." wika nito sabay yakap sa kanya.

"Why? Wala ka bang tiwala sa sarili mo? How many years mo nang pinapatakbo itong Eries ngayon ka pa kakabahan?" nakataas ang kilay na saad niya. Ngunit nabaling ang tingin nito sa hawak niyang bata.

"Bro! You have a son?" bulalas nito.

Pagak siyang tumawa.

"Are you insane? Ni girlfriend nga wala anak pa kaya!" sagot niya rito. Napatingin naman ang bata sa aming dalawa habang nakahawak ito sa kamay niya.

"Seriously, bro! He really looks like you!" seryosong saad nito saka binalingan ang bata. "Hey, little kiddo. What's your name?"

"I'm Ashton Sevilla."

"O, nice name ha!"

"Thanks!" sagot nito sa seryosong tono.

Napatingin si Vincent sa kanya. "Saan mo siya natagpuan? Bro! Kahit ang tono ng pananalita niya parang ikaw, is this kind a coincidence?" nalilitong bulong nito sa kanya.

"He is lost by his parents, I don't really know him personally. Ask Tim if you want. Kaya paki-inform ng mga security na may nawawalang bata rito." sagot niya saka humakbang patungo sa loob ng opisina. Sumunod naman si Ashton sa kanya.

Vincent lost his words.

"Kid, please sit down here, and wait for your mother to come, okay?" paliwanag niya sa bata.

"Okay mister. Thank you for your help."

Kahit naman siya ay napabilib sa bata. Dahil sa murang edad nito, matured na kung makipag-usap. Magaling ang pagpapalaki ng mga magulang nito. Sa isip niya.

"Bro, meron nga raw babaeng naghahanap ng bata sa baba. I will let her come?" pagbabalita ni Vincent sa kanya.

"Yes!"

Curiosity ang nag-udyok sa kanya kung bakit nais niyang makaharap ang ina nito. Dahil kahit siya ay hindi makapaniwala kung bakit kamukhang-kamukha niya ang bata.

Samantala, masaya si Anastasia nang makita niyang parating ang kanyang kaibigan. Niyakap siya nito nang mahigpit.

"What happened to Ash?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Habang kausap kita kanina. Hindi ko napansin na umalis siya sa tabi namin." umiiyak na saad niya.

"Wait, don't panic, okay? Mahahanap natin siya. Napapalibutan ng cctv ang building na'to. Halika humingi tayo nang tulong sa security." lumapit sila sa security na nakatayo sa bungad ng malaking glass door.

"Can we seek your help, Sir? Nawawala po kasi ang pamangkin ko. Can you help us, please?" nagsusumamong wika ni Joyce sa security guard.

"No problem po." sagot nito sa kanila. Nabuhayan naman ng loob si Anastasia. Kanina pa siya nanghihina. Narinig nilang may kausap ang security. Dahil sa mga makabagong technology ngayon mabilis ang naging aksyon ng mga ito. Mayamaya binalingan sila nito.

"Di ba kayo po ang secretary ni Mr. Enriquez?" tanong ng poging security kay Joyce. Napansin naman ni Anastasia ang nakatagong kilig sa mga mata ng kanyang kaibigan. Paano naman kasi ang tikas ng katawan nito at maaliwalas ang mukha. May matangos na ilong at medyo kasingkitan ang mata.

"Yes, bakit po sir?" patay-malisyang sagot ng kanyang kaibigan.

"Puntahan po ninyo ang bata nasa taas kasama si Mr. Enriquez." pagbabalita nito.

Nanlaki ang mga mata ni Joyce.

"Oh my goodness beshie. Sa kadami-daming tao na makakita kay Ash si Mr. Enriquez pa!" bulalas nito. Nalilito man ngunit hindi na siya nag-atubili pa dahil gusto na niyang makasiguro kung ang kanyang anak nga ba iyon.

"Kung sino man yang sinasabi mo, wala na akong pakialam. Basta ang gusto ko lang puntahan na natin ang anak ko. Please Joyce para na akong mamatay sa pag-aalala." malungkot niyang wika sa kaibigan.

"Okay, let's go. Mamaya na tayo magchika sa bahay." nagmamadaling inakay nila si Jeremy patungo sa elevator. Dahil napakaraming tao natagalan silang naghintay bago makapasok sa elevator. Hindi na nila iniisip kung nag-umpisa na ba ang event. Dahil sa ngayon ang isip ni Anastasia ay nasa kanyang anak lang. Mayamaya nakahinga siya ng maluwang pagtunog ng elevator. Nasa 15th floor na sila. Dali-dali siyang sumunod kay Joyce. Bigla nalang siyang binalingan nito na ikinagulat niya.

"Teka nga muna, ayusin mo muna ang sarili mo. Mga executives ang andito sa floor na'to. Kaya ayusin mo ang sarili mo, okay?" dahil sa magandang mukha hindi na siya nahirapan pang ayusan ang sarili. Nakasuot siya ng skinny-jeans at nakatuck-in na black loose t-shirt at saka pinarisan ng white sneaker shoes. Pero angat na angat pa rin ang kanyang ganda at kaputian sa kabila ng simpleng kasuotan.

Namangha si Anastasia sa kagandahan ng building. Kung gaano ka ganda ang building na'to sa labas mas doble ang ganda nito sa loob. Napalibutan ito ng tinted na salamin. Maraming nakasabit na malalaking picture ng mga sikat na artistang under sa Eries. Karamihan dito ay mga paborito niyang artista

"Halika ka na, mamaya na yan alam kong naglalaway ka na naman d'yan sa mga crush mo! Mas gwapo pa sa mga yan ang boss ko!" biro sa kanya ni Joyce. Hindi niya napansin napahinto na pala siya sa paghakbang. Hinila siya nito paliko sa may pasilyo na sa tantiya niya ay opisina ng mga bigating tao. Dahil nakahilira ang mga security at mayroon ding secretary na nasa labas nakaupo. Tumayo ang secretary nang makita sila.

"Miss. Joyce!" bati nito sa kanyang kaibigan.

"Nandito ba si Mr. Enriquez?" tanong ni Joyce sa secretary.

"Oo nasa loob, may dala s'yang bata pagdating niya kanina." sagot nito.

"Ah okay. Thank you Lea!"

She's hoping na si Tonton nga iyon.

Komen (12)
goodnovel comment avatar
Bea Nuelan Venerable
next episode po .ganda ng storya pls ...
goodnovel comment avatar
Anna Lissa Meniano Almendarez
e delete nyo nalang kasi nag pabayad pla
goodnovel comment avatar
Anna Lissa Meniano Almendarez
hindi pla to mababasa e delete nlang
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status