Share

Chapter 11- His the dark plan

Kahit anong pagpigil ang gawin ni Elizabeth kay Andrew na huwag isama ng binata si Akie pabalik ng America, ay sa huli walang nagawa si Elizabeth dahil sa katigasan ng ulo ni Andrew. Kulang na lamang ay maglumpasay ang binata sa sahig nang tangkain ng ginang na ilayo si Akie at dalhin sa Baguio; sa pinsan ni Damien na si Drix, nang araw rin na pumunta si Andrew sa bahay ng kapatid nito.

Ang nangyari pa ay nagkasamaan ng loob ang binata at ang ginang. Pero dahil desido si Akie na sumama sa amo ay iyon rin ang pinanghahawakan ni Andrew kaya hindi siya pumayag sa gustong mangyari ng madrasta.

Sakay ng private airplane pabalik ng America, ay hindi maiwasang isipin ni Andrew ang ginang. Alam niyang nagkasamaan sila ng loob dahil kay Akie pero may sarili na siyang desisyon at katulad nga ng sinabi niya sa ginang, hindi siya sanay na may nangunguna sa mga desisyon niya sa buhay.

Napabuntonghininga na lamang si Andrew, kapagkuwan ay binalingan ang dalaga sa kabilang upuan, mahimbing itong na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status