January 22, 2024 The Garden Wedding Sebastian's Mansion It was a wonderful and glorious day for a wedding. Ang paligid ay puno ng magagandang tanawin— sa hardin na pagdarausan ng kasal nina Andrew at Akie. It's simple yet breathtakingly beautiful. A venue that has a long and expansive table with a different kind of flowers on the top and side of it, at sa itaas ay mayroong ilang chandelier papunta sa pinakadulong bahagi ng lamesa na nakasabit sa luntiang halaman na sinet-up ng magaling na organizer. Mayroon na rin plate and glasses na nakahanda sa ibabaw niyon. Ang pahabang table ay sapat para sa bilang ng pamilya Greyson mula sa asawa hanggang sa mga anak. Sa kabilang banda naman ay may isa pang pahabang lamesa na para naman sa mga ninong, ninang at ilang bisita. Everything is ready. Lahat ay nasasabik na masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Akie at Andrew. Naroon na silang lahat at nakahanda nang lumakad sa red carpet na nakalatag sa bermuda grass patungo sa altar. Mayroon din
Tuloy ang kasiyahan sa mansion Sebastian—sa venue kung saan naroon ang mga bisita. Naghagis na rin ng bouquet si Akie at sa lahat ng mga babaeng sumali ay si Suzette ang mapalad na nakasalo sa bouquet, syempre naghiyawan ang mga tao, at hindi lang iyon dahil mas malakas humiyaw at tumili si Suzette. Nang maghagis naman ng garter si Andrew, syempre hindi si Enton ang nakasalo dahil hindi naman ito sumali. Ibang bisitang lalaki ang nakasalo, pero dahil ipinanganak nga talagang pilya itong babaeng si Suzette, inagaw nito sa lalaki ang garter at pinilit iyon kay Enton."Kami ang susunod na ikakasal!" malakas na tili ni Suzette sabay na tumakbo papunta kay Enton na umakmang aatras nang napagtanto ang gagawin ng babae, pero huli na ang lahat dahil para ng tuko na lumambitin ang dalaga sa katawan nito."Oh, bebe, tayo na ang ikakasal!""Shut up! Umalis ka nga sa katawan ko!" pilit na pinaalis ni Enton ang dalaga sa katawan nito, pero para na yatang magnet ang babaeng dumikit sa katawan niya.
Panay ang tingin ni Carla sa isang gwapong lalaki na kakapasok lang sa loob ng bar na pinagtatrabahuhan niya. Matikas ang pangangatawan nito, matangkad at sobrang guwapo. Alam niya rin na mayaman ito. Pero wala siyang pakialam sa kung ano man ang estado nito sa buhay—kung mayanan ito o mahirap, basta ang alam niya, crush niya ito. Tinatawag niya ito kanina pa at tinatanong ng kung anu-ano pero hindi siya nito pinapansin."Kahit anakan mo na lang ako," pilyang bulong niya sa sarili. Ang ganitong klase ng lalaki ang gusto niyang maging tatay ng anak niya. Anak lang naman ang gusto niya. Wala siyang balak na guluhin ang buhay nito o ano pa man. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak pero wala siyang lalaki na napipili na bigyan ng kanyang pagka-birhen."Tangina, eh. Trenta na ako pero birhen pa rin. Hindi kaya ang kunat ko na? Por dios, ayaw kong mamatay na hindi nakakatikim ng malaking hotdog!" Napasampal siya sa noo sa naiisip.Tinawag siya ng amo nila kaya kaagad siyang napalap
Palakad-lakad si Andrew at hindi malaman kung uupo pa ba o mananatili na lang sa ganoong gawain. Hindi siya mapakali habang hinihintay ang resulta ng DNA test na isinagawa ng Doctor nang nakaraang buwan pa. Hindi lang nila naalala ang tungkol doon dahil naging abala sila sa sunod-sunod na okasyon na naganap. Una, ang kasal ng kapatid niya, at sumunod naman ay kasal ng kaibigan at pinsan niya.Kung hindi pa siya nangalkal ng email ay hindi pa niya mababasa ang email na pinadala ni Doctor Romulo. Ang Doctor na nagsagawa ng DNA sample nilang mag-ama. Pinapasabi ng Doctor na kailangan nilang mag-ama na pumunta sa opisina nito.Hindi naman sa pinagdududahan siya ni Daniel na anak siya talaga nito, pero dahil siya talaga ang may gusto niyon. Gusto niyang magpa-test nang sa gano'n ay hindi na niya pagdudahan pa ang sarili. Wala naman kasi talagang nakakaalam ng nangyari nang gabing makilala ng nanay niya si Daniel. Hindi niya rin alam kung nagsasabi ba talaga ito ng totoo, kaya para matapos
Nakatingin si Andrew sa katulong niyang si Akie Lyn Pangilinan na abala sa pagtitipa sa keyboard ng cellphone nito na kanina pa tunog nang tunog. Bente singko anyos ito, pamangkin ng mayordoma niyang si Melba. Taga Pangasinan ito, graduate ng high school. Hindi na nakapag-aral pa ng kolehiyo dahil hindi kayang tustusan ng ina nito ang pagpapaaral sa dalaga. Limang magkakapatid ang dalaga, ito ang panganay sa magkakapatid at nag-iisang babae. Dahil hindi ito kayang pagpaaralin ng nanay nila ay naki-usap ito sa tiyahin na si Melba na hanapan ito ng trabaho, kahit katulong lang dahil gusto nitong tulungan ang ina sa pagpapaaral sa mga kapatid nito. Wala ng ama si Akie, matagal nang namatay kaya ang ina na lang nito ang naghahanap-buhay.Kaya tamang-tama dahil ng mga panahon na naki-usap ito kay Melba ay sakto namang pabalik sila ni Jenny sa America, kaya sinabi niya kay Melba na si Akie na lang ang kukunin na makakasama ni Jenny sa condo nito.Kinuha ni Andrew ang kape niyang umuusok pa
Hindi na mabilang ni Akie kung ilang beses na siyang pinatawag ng amo sa silid nito. May uutusan siyang ipagtimpla ito ng kape, may ipapalinis ito na kung ano at pati ang pagtutupi ng brief nito ay pinapagawa pa sa kaniya. Wala naman siyang karapatang magreklamo dahil unang-una sa lahat ay kailangan niya ang trabahong ito, kaya heto siya at tahimik na lang na sinusunod ang inuutos ng amo. "Are you done, Akie?" tanong ng amo niya. Nakaupo ito sa isang couch habang nakatingin sa ginagawa niyang pagtutupi sa mga briefs nito. Nakaupo siya sa kama nito at doon tinutupi ang mga bagay na iyon."Yes po, sir," sambit niya. Hindi siya makatingin sa amo dahil namumula ang pisngi niya. Ikaw ba naman kasi ang pagtupiin ng maraming briefs na ito at ang lalaki pa! Natatawa na nga lang siya sa isipan."Okay, good. Pagkatapos mo riyan ay masahihin mo ang balikat ko. Medyo masakit kasi."Sa sinabi ng amo ay napaangat ng tingin si Akie. Nagsalubong ang mga mata nila ng amo, napangiwi siya na wala sa lo
"Faster, Akie! You are going to waste my precious time!"Nanggagalaiting sigaw niya sa babae. Kanina pa ito sa loob ng silid nito pero hindi pa rin lumalabas. Naiinis na siya. Ano ba kasi ang ginagawa nito sa loob?Kulang na lang ay tadyakan niya ang pintoan ng silid nito para lang bumukas iyon."I hate late! Fuck it!" inis pa niyang bulong.Hindi nagtagal ay narinig niya ang pag-click ng lock mula sa loob.Aba't naglo-lock pa talaga! Hiyaw ng isipan niya.Pero hinintay niyang bumukas iyon, ngunit lumipas lang ang ilang segundo ay hindi pa rin iyon nagbubukas. Sa inis niya ay muli niyang tinangka na katokin ang pinto, pero muntikan pa siyang mapabuwal sa kinatatayuan ng bumukas iyon at bumungad sa kaniya ang pawis na pawis na dalaga."Damn it!" hawak ang dibdib na wika niya dahil sa pagkagulat."Pasensya na, Sir, natagalan. Nagbanyo pa kasi ako!" anang dalaga na pawisan.Napabuga ng hangin si Andrew at mabilis itong tinalikuran."Let's go!" masungit na turan niya. Naramdaman niyang su
Panay ang pabaling-baling ni Andrew sa dalagang nakabukas ang bibig habang mahimbing na natutulog. Sakay sila ng kotse papunta sa Pangasinan. Naiinis siya sapagkat tinulugan siya nito kaya wala siyang makausap ngayon. Pakiramdam niya tuloy ay napanis na ang laway niya. Hindi niya napigilan ang sarili at napapairap siya sa hangin habang nagkandahaba-haba pa ang nguso.Napabulong na rin siya at bakas sa tono ng pananalita ang pagkainis."Wala man lang makausap! Mabuti pa ang iba diyan ang sarap ng tulog, samantalang ako? Panis na ang laway ko!" Panay ang irap niya sa hangin. Pero matutuluyan na lang yata lahat-lahat ang mga mata niya sa pagtirik ay walang pakialam ang dalaga. Hanggang sa bigla na lamang niya itinigil ang kotse sa isang tabi dahilan upang mapasubsob ang dalaga sa unahan. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat, hawak-hawak rin nito ang sariling dibdib."Anong nangyari?!" tila wala pa sa sarili na tanong nito sabay tingin sa kaniya.Napangisi si Andrew. Nagdiriwang ang isipan