Nakatingin si Andrew sa katulong niyang si Akie Lyn Pangilinan na abala sa pagtitipa sa keyboard ng cellphone nito na kanina pa tunog nang tunog. Bente singko anyos ito, pamangkin ng mayordoma niyang si Melba. Taga Pangasinan ito, graduate ng high school. Hindi na nakapag-aral pa ng kolehiyo dahil hindi kayang tustusan ng ina nito ang pagpapaaral sa dalaga. Limang magkakapatid ang dalaga, ito ang panganay sa magkakapatid at nag-iisang babae. Dahil hindi ito kayang pagpaaralin ng nanay nila ay naki-usap ito sa tiyahin na si Melba na hanapan ito ng trabaho, kahit katulong lang dahil gusto nitong tulungan ang ina sa pagpapaaral sa mga kapatid nito. Wala ng ama si Akie, matagal nang namatay kaya ang ina na lang nito ang naghahanap-buhay.
Kaya tamang-tama dahil ng mga panahon na naki-usap ito kay Melba ay sakto namang pabalik sila ni Jenny sa America, kaya sinabi niya kay Melba na si Akie na lang ang kukunin na makakasama ni Jenny sa condo nito.Kinuha ni Andrew ang kape niyang umuusok pa na pinatong ng dalaga kanina sa ibabaw ng lamesa niya, dinala niya iyon sa bibig upang higopin.Napapikit siya ng mga mata nang matikman ito sapagkat tamang-tama ang lasa ng kape na tinimpla ni Akie. Nang magmulat ay muli niyang binalingan si Akie. Nakaupo ito sa isang sofa at nakatutok ang cellphone sa mukha nito. Pareho lang silang nasa sala. Dahil hindi pa tapos ang bakasyon niya sa Pilipinas at sa mga susunod na araw pa siya babalik ng America ay nakiusap ang Daddy niya na dito na muna sila mag-i-stay sa mansion ng Greyson. Dahil may sarili ng bahay si Damien sa tabi nitong mansion ay dalawang matanda lang at mga katulong ang narito sa mansion. Napa-ismid si Andrew sabay lapag ng kape sa lamesa.'Sino kaya ang ka-text niya?' Tumikhim siya para kunin ang atensyon ni Akie. Pero ang babae ay mukhang may sariling mundo, parang walang naririnig. Kaya sa inis ay malakas siyang umubo kahit na hindi naman siya inuubo.Napabaling naman sa kaniya ang dalaga. Tumayo pa nga ito.'Gotcha!'"Okay ka lang po, sir?" tanong nito sa kaniya."I'm fine," tipid niyang tugon. Sa isip-isip ay tuwang-tuwa siya dahil pinansin siya nito.Simula nang makilala niya si Akie ay hindi na niya magawang tumingin sa ibang babae. Iyon bang kapag tumitingin siya sa iba ay si Akie ang nakikita niya.Ang dalaga ay napaka-simple, at iyon talaga ang tipo niya sa isang babae. Simple manamit, hindi naglalagay ng kolorete sa mukha, o kahit pampakulay sa labi dahil likas na mamula-mula na talaga ang labi nito. Matangkad din ito, balingkinitan ang katawan at maliit ang bewang. Chinita rin ito. Mga bagay na ikinahanga niya sa dalaga. Sa katunayan ay crush na niya ito. Sa tuwing nakikita niya si Akie ay parang may tumutusok-tusok sa tagiliran niya dahilan para makiliti siya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nagkaroon ng pagkahumaling sa dalaga at kay Akie iyon.Naalala ni Andrew si Trina, ang asawa ng kapatid niyang si Damien. Kahit ilang taon silang nagsama ng dalaga ay wala siyang naramdaman dito, para bang kapatid niya lang ito kung ituring. Ang mga nagawa niya sa dalaga noon ay dala lamang ng galit niya sa mga taong inakala niyang tinalikuran siya. Pero talagang dugong Greyson siya dahil konting haplos lang ng mga salita na galing sa mga magulang niya ay natatanggal ang kung ano mang bara sa dibdib niya. Iyon ang dugong Greyson, hindi bitter, malawak ang pang unawa at nagpapasalamat siya dahil may dugong Greyson na nananalaytay sa ugat niya.Kung may isa rin babae na nagpatibok ng puso niya ay si Jenny iyon—asawa ng pinsan niyang si Lyzander. Ang totoo niyan ay unang kita niya pa lang kay Jenny noon ay nagkagusto na siya sa dalaga, kahit pa buntis ito ng mga panahon na magkakilala sila'y wala siyang pakialam dahil tumibok talaga ang puso niya kay Jenny to the point na gusto niya itong pakasalanan. Si Jenny ang tipo ng babae na gustong-gusto niya. Morena, singkit ang mga mata, matangkad, maganda. At higit sa lahat sexy at mabait. Pero nang malaman niya na ang pinsan pala niyang baliw ang mahal nito ay dumistansya na siya. Akala niya ay wala ng katulad ni Jenny, pero dumating si Akie. Ang nararamdaman niya kay Jenny ay nagmistulang naglaho dahil muling tumibok ang puso niya kay Akie, at malala pa iyon sa nararamdaman niya kay Jenny. Hindi lingid sa kaalaman nito na may lihim siyang pagtingin para rito."Kala ko po nabulunan na kayo ng kape, eh." Komento ng dalaga na ikinabalik ni Andrew sa kasalukuyan.Tumikhim siya at nagkibit ng balikat. "Ano ngayon ang plano mo, Akie? Ngayong may sarili ng pamilya si Jenny at dito na siya maninirahan sa Pilipinas ay tapos na ang trabaho mo sa kaniya sa America. Ano na ang balak mo?" aniya.Kaya lang niya ito pinapasok sa trabaho noon dahil kailangan niya ng makakasama ni Jenny, pero dahil hindi na babalik si Jenny sa America ay tapos na rin ang trabaho ni Akie. Nakita niya ang paglungkot ng awra ng dalaga sa itinanong niya. Alam niyang kailangan nito ng trabaho para sa pamilya nito sa Pangasinan."I-Iyon na nga po, sir. G-Gusto ko nga sanang sabihin sa inyo na. . . kung puwede po ay huwag niyo akong tanggalin sa trabaho? Kailangan ko po talaga ng trabaho sa ngayon dahil magha-high school na po ang dalawa kong kapatid," pahayag ng dalaga sa malungkot na tinig.Tumango-tango si Andrew. Muli niyang kinuha ang kape at hinigop. Napatingin pa siya sa cellphone ng dalaga ng sunod-sunod na naman itong tumunog."Sino ang ka-chat mo riyan?" tanong niya sabay nguso ng bibig sa cellphone na hawak ni Akie. Imbes na sagutin niya ang pahayag nito ay iba ang sinabi niya.Napakamot sa ulo ang dalaga at tiningnan nito ang cellphone na panay ang pagtunog ng ringtone."Si nanay po, sir. Gusto niya po kasing umuwi muna ako sa Pangasinan dahil miss na raw nila ako," saad ng dalaga."Bakit hindi ka umuwi?" wika niya."B-Baka po kasi. . . hindi niyo na ako pabalikin sa trabaho?"Mahinang natawa si Andrew sa sinabi ng dalaga. Hindi naman niya ito tatanggalin sa trabaho dahil kailangan nito iyon para sa pamilya nito. Naisip niyang mas makakasama niya si Akie kung sa bahay na niya ito magtatrabaho kasama ng Nanay Melba niya."Puwede ka namang umuwi kung gusto mo," giit niya."Hindi niyo po ba ako tatanggalin sa trabaho, sir?" naninigurong saad nito."Bakit, gusto mo?" "Naku hindi, sir!" Mabilis na tugon ng dalaga sa malakas na tono, "kailangan ko po ng trabaho, sir!""Okay. So, sasama ka sa akin sa pagbalik ko sa America?" paniniguro niya."Opo, sir!""Good. Sasamahan kita sa pag-uwi sa Pangasinan kung kailan mo gusto," walang paliguy-ligoy niyang sabi.Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa sinabi niya."Po? Bakit po? Puwede naman po na ako na lang ang uuwi. Maiistorbo pa po kayo, sir." May himig taranta na komento ng dalaga.Napasimangot si Andrew sa tinuran ng dalaga.'Ayaw niya akong isama?'"Kung hindi mo ako isasama, hindi din kita isasama pabalik ng America," masungit na wika niya sabay tumayo at tumalikod upang maglakad."Sir! Sandali, sir!" Hinabol siya ng dalaga at napangiti naman siya. "Sige po, sir! Sama ka po para makilala mo rin po ang pamilya ko at makita mo rin po ang sira-sira naming bahay!" Lalong napangisi si Andrew. Binalingan niya si Akie. Namulsa siya at pinagkatitigan ng mabuti ang itsura ng dalaga, partikyular sa mga labi nito. Tila gusto niyang sunggaban ng halik ang mga labi nito pero pinigil niya ang sarili at baka matakot ito sa kaniya."Good. Get ready dahil aalis tayo ng maaga sa Martes." Siya na lang ang nagbigay ng schedule dahil ilang araw na lang ang natitira niyang bakasyon dito sa bansa. Marami kasing trabaho na naghihintay sa kaniya sa kompanya niya sa America.Tumango ang dalaga, "Opo, sir. Salamat po." Tinanguan niya rin ito at muli na siyang tumalikod na nakangiti.Gusto niyang sumama dahil nais niyang makilala ang pamilya nito, at kung ano man ang sitwasyon ng buhay nito sa Pangasinan. At higit sa lahat, gusto niyang sumama para malaman niya kung may lalaki bang umaaligid sa dalaga sa lugar na nilisan nito.'At kung mayroon man. Dumistansya na siya ng maaga pa bago ko mabasag ang pagmumukha niya.'Hindi na mabilang ni Akie kung ilang beses na siyang pinatawag ng amo sa silid nito. May uutusan siyang ipagtimpla ito ng kape, may ipapalinis ito na kung ano at pati ang pagtutupi ng brief nito ay pinapagawa pa sa kaniya. Wala naman siyang karapatang magreklamo dahil unang-una sa lahat ay kailangan niya ang trabahong ito, kaya heto siya at tahimik na lang na sinusunod ang inuutos ng amo. "Are you done, Akie?" tanong ng amo niya. Nakaupo ito sa isang couch habang nakatingin sa ginagawa niyang pagtutupi sa mga briefs nito. Nakaupo siya sa kama nito at doon tinutupi ang mga bagay na iyon."Yes po, sir," sambit niya. Hindi siya makatingin sa amo dahil namumula ang pisngi niya. Ikaw ba naman kasi ang pagtupiin ng maraming briefs na ito at ang lalaki pa! Natatawa na nga lang siya sa isipan."Okay, good. Pagkatapos mo riyan ay masahihin mo ang balikat ko. Medyo masakit kasi."Sa sinabi ng amo ay napaangat ng tingin si Akie. Nagsalubong ang mga mata nila ng amo, napangiwi siya na wala sa lo
"Faster, Akie! You are going to waste my precious time!"Nanggagalaiting sigaw niya sa babae. Kanina pa ito sa loob ng silid nito pero hindi pa rin lumalabas. Naiinis na siya. Ano ba kasi ang ginagawa nito sa loob?Kulang na lang ay tadyakan niya ang pintoan ng silid nito para lang bumukas iyon."I hate late! Fuck it!" inis pa niyang bulong.Hindi nagtagal ay narinig niya ang pag-click ng lock mula sa loob.Aba't naglo-lock pa talaga! Hiyaw ng isipan niya.Pero hinintay niyang bumukas iyon, ngunit lumipas lang ang ilang segundo ay hindi pa rin iyon nagbubukas. Sa inis niya ay muli niyang tinangka na katokin ang pinto, pero muntikan pa siyang mapabuwal sa kinatatayuan ng bumukas iyon at bumungad sa kaniya ang pawis na pawis na dalaga."Damn it!" hawak ang dibdib na wika niya dahil sa pagkagulat."Pasensya na, Sir, natagalan. Nagbanyo pa kasi ako!" anang dalaga na pawisan.Napabuga ng hangin si Andrew at mabilis itong tinalikuran."Let's go!" masungit na turan niya. Naramdaman niyang su
Panay ang pabaling-baling ni Andrew sa dalagang nakabukas ang bibig habang mahimbing na natutulog. Sakay sila ng kotse papunta sa Pangasinan. Naiinis siya sapagkat tinulugan siya nito kaya wala siyang makausap ngayon. Pakiramdam niya tuloy ay napanis na ang laway niya. Hindi niya napigilan ang sarili at napapairap siya sa hangin habang nagkandahaba-haba pa ang nguso.Napabulong na rin siya at bakas sa tono ng pananalita ang pagkainis."Wala man lang makausap! Mabuti pa ang iba diyan ang sarap ng tulog, samantalang ako? Panis na ang laway ko!" Panay ang irap niya sa hangin. Pero matutuluyan na lang yata lahat-lahat ang mga mata niya sa pagtirik ay walang pakialam ang dalaga. Hanggang sa bigla na lamang niya itinigil ang kotse sa isang tabi dahilan upang mapasubsob ang dalaga sa unahan. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat, hawak-hawak rin nito ang sariling dibdib."Anong nangyari?!" tila wala pa sa sarili na tanong nito sabay tingin sa kaniya.Napangisi si Andrew. Nagdiriwang ang isipan
Pagkatapos ng mahaba-habang biyahe ay nakarating rin sa wakas sina Andrew at Akie sa Bolinao, Pangasinan. Ipinarada ni Andrew ang kotse niya sa ilalim ng isang malaking puno dahil hindi iyon makapasok sa daan na patungo sa bahay ni Akie. The place is breathtakingly beautiful, tahimik at buhay na buhay dahil sa luntiang paligid, at sagana ito sa magagandang tanawin. Preska rin ang hangin. Well, isa lang naman ang Pangasinan sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas."Ando!"Napabaling si Andrew sa lalaking tinawag ni Akie. Nakangiti ito at patakbong sinalubong ang dalaga. Magkamukha ang dalawa kaya sa tantiya ni Andrew ay kapatid ito ng dalaga."Ading!" Nagyakapan ang dalawa at bakas ang pagka-miss sa isa't isa. "Tara sa bahay, Ading. Kanina ka pa hinihintay ni Inang!" anang lalaki at inakbayan si Akie. Tumalikod ang mga ito at naglakad. Naiwan si Andrew na napasimangot, mukhang nakalimutan yata ng dalaga na kasama siyang pumunta sa lugar na ito. Tiningnan na lang niya ang mga ito na mas
Bolinao falls,Nakasuot ng trunk shorts na kulay blue si Andrew at walang pang-itaas na damit habang palangoy-langoy sa malamig na tubig na nanggagaling sa falls. Ang lamig ng tubig at ang linaw niyon kaya naman maraming turista ang pumapasyal sa lugar. May mga naliligo rin gaya niya, may iba na abala naman sa pagkuha ng mga litrato sa paligid. Mahilig siya sa dagat, mahilig lumangoy. Sa katunayan nga ay pabalik-balik siya sa Palawan noon dahil iyon talaga ang paborito niyang lugar sa Pilipinas. Mayroon siyang rest house doon na pinamana sa kaniya ng amang si Romano, doon rin siya nagpapalamig ng ulo kapag medyo stressed siya sa trabaho.Pero ngayon, mukhang magiging paborito na rin niyang lugar ang Bolinao. Marami kasing magagandang tourist spot sa lugar, marami kang mapapasyalan."Kuya Andrew!" napabaling siya sa batang lalaki. Kapatid ito ni Akie. Nasa gilid ito ng pampang at naglalaro ng mga bato."Hey," nakangiti niyang tugon sa batang si Alexis. Ito iyong bunso sa lahat na magka
"Tagay pa, Mang Isko!" Kinuha ni Andrew ang isang puting gallon na may laman na lambanog at sinalinan niya ang baso ni Mang Isko at pati na rin ang kaniya. Gusto niya lang sana magpahangin kanina pero nakita niya itong kubo na may karatola na 'Lambanog for sale'. Nang una ay hindi siya pamilyar sa inomin na ito, pero nang maka-usap niya ang may ari at pinatikim sa kaniya ang lasa nito ay kaagad siyang um-order ng dalawang gallon. At heto siya ngayon, nakalahati na niya ang laman ng isang gallon and he wants more of it. Ang matanda ay naiiling na lang habang nakatitig sa binata. Kung si Mang Isko ay sanay na sa lambanog, pero ang binata ay sa tingin nito ay hindi sanay sa ganoong inomin.Ayaw niya sana itong pagbigyan kanina dahil ang lambanog na stocks niya ngayon ay medyo may katagalan na at malakas na ang tama niyon kapag iinomin at tiyak na iikot talaga ang mundo mo kapag tinamaan ka ng ganitong inumin. Hindi katulad ng bagong ani na medyo matamis pa ang lasa at hindi ganoon kat
Habang nasa biyahe pabalik ng Manila ay walang imikan sina Andrew at Akie. May pagkakataon na hinuhuli ni Andrew ang mga mata ng dalaga sa pamamagitan ng kaniyang mga titig ngunit masyado itong naging mailap. Napabuntonghininga siya ng malalim. Alam niya kung bakit naging mailap si Akie sa kaniya, iyon ay dahil sa nangyari nakaraang araw. "Galit ka ba?" tanong niya sa dalaga na hindi ito binalingan. Sa kalsada kasi ang atensyon niya habang ito naman ay nakatingin sa labas ng bintana, nakatulala. Magmula nang umusad ang sasakyan ay wala na itong imik hindi katulad ng magpaalam ito sa ina at mga kapatid na todo ito sa pag-ngiti at pagsasalita bagay na siyang ikinaiinis niya. Kung umakto kasi ito ay parang hindi siya nakikita.Muli siyang napabuga ng hangin nang hindi man lang ito nagsalita. Nagsimula na siyang mairita."Will you please talk to me, Akie?" mariin at may pagbabanta niyang untag dito.Subalit katulad kanina ay wala siyang natanggap na sagot."Fuck!" Galit niyang hinampas an
Pumunta si Andrew sa bahay ng kapatid na si Damien upang magpaalam na bukas na ng umaga ang alis nila pabalik ng America. Wala nang nagawa ang ina niya o maging ang ama dahil sa pinal niyang desisyon. Hindi siya pumayag sa paki-usap ng ina na iwan si Akie sa mansion ng Greyson, at ang dalaga rin ay hindi pumayag sa nais ng ginang bagay na pinasasalamat niya. Pero ang hindi alam ng dalaga ay ang binabalak niyang mangyari.Pinapasok siya ng guard sa gate nang makilala siya nito.Kumatok siya sa pinto ng bahay ng kapatid, katabi lang ng bahay ng kapatid ang bahay ng ina. Ilang dipa lamang ang layo niyon sa isa't isa. Nang lumabas kanina ng library ang ina ay kaagad rin siyang sumunod rito. Nakita niya pa ito na papasok sa silid ni Akie. Naalala niya ang dalaga ngunit naagaw ang atensyon niya nang bumukas ang pinto at sumungaw si Trina. Ang dati at peke niyang asawa."Hi!" bati niya rito.Bumakas ang pagkailang sa itsura nito, ngunit nginitian pa rin siya. "K-Kuya." utal nitong sabi.Nap