Share

Chapter 16- Jealous and popcorn

Sakay sa kotse pabalik ng condo ay totoong ice cream na ang kinakain ni Akie habang wala itong tigil sa pagluha. Hindi pa rin maalis-alis ang anghang at init na nararamdaman nito at hanggang ngayon ay pulang-pula pa rin ang mukha kahit nakadalawang tub na ng ice cream ang naubos nito.

Si Andrew naman ay napapailing na lang habang panay ang sulyap sa babae na ngayon ay kaawa-awa ang sinapit. Hindi rin mapigilan mapatawa ni Andrew sa tuwing sinasamaan siya ng tingin ng dalaga. Malamang pa sa alamang na siya na naman ang sinisisi nito.

"Hindi na ako ulit sasama sayo!" angil ng dalaga bago sumubo muli ng ice cream.

Nagkibit ng balikat si Andrew. Binigyan niya ng tingin ang dalaga. Tingin na hindi siya apektado sa tinuran nito. "Wala kang magagawa sa gusto ko, Akie. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo," aniya.

"Bahala ka!" nagdadabog na sambit nito.

"Maanghang pa rin ba?" untag niya rito ng tumahimik ito.

Masamang tingin na naman ang ipinukol nito sa kaniya. "Oo. Sa sobrang anghang ay
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status