Reen
HINDI ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa harapan nito. Kahit mahal ko pa siya, gusto ko na lang umalis ngayon dahil sa tuwing nakikita ko siya'y nasasaktan lang ako lalo.
Huminga ako't nilakasan ang aking loob. Buong tapang kong pinutol ang pakikipagtinginan sa kanya. Bahagya akong yumuko saka pilit na hinakbang ang aking isang paa. Bibilisan ko sana ang paglalakad nang makalagpas sa kanya, pero bigla na lamang akong natigilan dahil sa paghawak nito sa 'king braso.
Agad na namilog ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa. Lalo, nang buong lakas ako nitong ibalik kung saan ako kanina nakatayo.
Napalunok ako nang muling magtama ang aming mga mata. Magsasalita sana ako pero hindi ko na tinuloy
Reen RAMDAM na ramdam ko ang tensyon at hiya habang inaanunsyo ng Daddy ni Morgan na ako ang nais nitong maging sekretarya ng anak niya para sa kumpanya na pamamahalaan nito. Hindi ko maiwasang makaramdam nang takot at pagkabahala habang iniisip ang tungkol doon. Una sa lahat, wala akong alam sa pagtatrabaho sa mga kumpanya o opisina dahil wala pa naman talaga akong tinatapos kundi highschool. Pangalawa, masyadong mayaman ang magiging amo ko samantalang ako ay isang hamak lamang. Pangatlo, baka hindi ko iyon mapanindigan. Ma-disappoint ko sila. Hindi ko yata kakayanin ang kahihiyan na iyon! Sa sobrang kaba ay napabuga ako nang hangin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, para akong nilalamig na naiinitan na ewan. Hindi ako mapakali mula sa 'king inuupuan. Hanggang sa m
ReenInis na inis ako sa sarili ko dahil kahit gusto ko siyang awatin ay wala akong magawa. Hindi ako makalaban, lalo nang maramdaman ko ang halik nito sa aking leeg, hanggang sa bumaba iyon sa 'king dibdib. Hindi ko alam pero tila napako ang aking atensyon sa mga ginagawa niya sa akin.Pinagmasdan ko siya habang ginagawa ang kanyang ibig sa 'king katawan. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong alalahanin ang mga nangyari sa amin noon. Lalo na, ang unang gabi na pinadama niya sa akin ang kaligayahang tulad nang pinararamdam niya sa 'kin ngayon.Napatalon ang aking puso dahil sa galak, nang maramdaman ko ang pamilyar na kanyang malalim na halik nang muli niya 'kong halikan sa 'king mga labi.Aminado ako na mayroo
Two months later Reen NAPANGIWI ako nang maamoy ang isang matapang na pabango mula sa aking katabi. Badtrip! Ang sama-sama pa naman ng pakiramdam ko buhat kanina nang magising ako. Pinilit ko lang talagang pumasok, 'pagkat kailangan na kailangan ako rito sa opisina ngayong araw. Wala kasing nais pagkatiwalaan ang kaibigan ko kundi ako lang. Nandito ako ngayon sa isang conference room, kasama ang ilang board of directors at ang boss ko— si Morgan. Katatapos lang ng meeting nila pero hindi pa rin sila nagsisikalasan! My goodness, kalalaki nilang tao mga tsismoso. Sumama ako kay Morgan nang lumuwas ito sa Manila. Ginawa
Reen "Zabi, tama na ang paglalaro. We're going to eat," sabi ko habang nag-aayos ng mga kasangkapan na aming gagamitin para sa 'ming tanghalian. Napangiti ako nang maramdaman na huminto ang anak ko mula sa paglalaro. I am blessed to have an obedient and submissive child. Ewan ko, pero tila natutunaw ang puso ko habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin. "Mommy, where's Daddy? Hindi ba siya magla-lunch kasabay natin?" mahinang tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. "No, baby. Hindi natin makakasama si Daddy sa araw na ito, marami kasi siyang aasikasuhin dahil ilang linggo na 'yon hindi nagpapakita sa kumpanya nila, marami siyang kailangan
"ANG GANDA NG SUNSET." Pinilit ko ang ngumiti sa harapan nito, matapos niyang sabihin iyon. “Sayang nga lang, dahil walang permanente sa mundo. Nawawala rin ang kagandahan nito, sa tuwing sasapit ang gabi,” Bahagya akong yumuko nang sandali siyang huminto sa pagsasalita. “Parang buhay ng tao. Mayroong hangganan," Agad kong hinanap ang kanyang mga mata, nang mag-angat ako nang tingin dahil sa kanyang sinabi. Pinagmasdan ko siya. Matagal. Pagkaraa’y muli akong tumingin sa takipsilim na kanina pa namin pinagmamasdan. Huminga ako nang malalim, saka pilit na nagsalita. "Alam mo, simula nang mawala si Papa sa buhay namin, natuto akong mahalin at pahalagahan ang takipsilim," Nagbaba ako nang mukha.
Reen Cruz"Sure ka na ba talaga sa desisyon mo?"Napaigtad ako nang biglang magsalita si Kuya Marv mula sa tabi ng pinto nang kwarto namin ni Maro. Agad akong nag-angat nang tingin sa kanya, saka inilagay ang huling damit na tiniklop ko sa bag na dadalhin ko."Kuya naman, eh! Ang hilig-hilig mo talaga manggulat,” Umirap ako rito. “Para ka d’yang kabute, basta-basta ka na lang sumusulpot. Uso kaya kumatok,” Napabuntong hininga ako dahil sa inis. “So discusting,” dagdag ko pa.Natigilan ako nang marinig ang mahina niyang pagtikhim."Disgusting kasi 'yon," tugon niya sa sinabi ko.
Reen"Dito na po 'yung sinasabi mo na address, Ma'am," Tumingin ako sa labas mula sa 'king inuupuang tricycle nang magsalita ang driver na nasa gilid ko.Agad kong hinanap ang kanyang mukha, matapos kong tanawin ang paligid kung saan kami huminto nito.Bumaba ako, nagbayad, saka nagpasalamat sa kanya.Muli kong pinasadahan nang tingin ang lugar na binabaan ko, pagkatapos ay inilapag ko muna ang bag na dala-dala ko.Ewan ko ba, wala naman akong masyadong dinala na kung ano man na gamit maliban sa mga damit at family picture namin, pero pakiramdam ko ay bigat na bigat at hinang-hina ako. Siguro ay wala lang talaga ako sa mood, dahil ito ang unang pagkakataon
Reen "ANO? ITO ANG ISUSUOT KO?" gulat na gulat kong tanong kay Liller, habang nakatingin sa pulang pampormal na sleeveless na kanyang inabot sa akin. "Bakit? Ano ba'ng masama sa dress na 'yan?" balik tanong nito sa akin. "Anong masama? Eh, baka kapag sinuot ko na 'to lumuwa na ang—" "Kailangan, Reen," mabilis na tugon ni Liller sa akin. Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. "Ano? Seryoso ka ba? Okay lang sa 'yo na may lumuwa—" "Ano ba'ng sinasabi mo riyan?" natatawa-tawa nitong sambit. "Syempre, hindi!" pagpapatuloy niya. Bahagya akong napaatras, nang makita siya na mas lalapit pa sa gawi kung saan ako nakatayo. "S-sandali nga lang!" hindi ko na napigilang magprotesta pa, maging bahagyang maitaas ang aking tinig dahil sa pinaghalo-halong emosyon na