Two months later
Reen
NAPANGIWI ako nang maamoy ang isang matapang na pabango mula sa aking katabi.
Badtrip! Ang sama-sama pa naman ng pakiramdam ko buhat kanina nang magising ako. Pinilit ko lang talagang pumasok, 'pagkat kailangan na kailangan ako rito sa opisina ngayong araw. Wala kasing nais pagkatiwalaan ang kaibigan ko kundi ako lang.
Nandito ako ngayon sa isang conference room, kasama ang ilang board of directors at ang boss ko— si Morgan. Katatapos lang ng meeting nila pero hindi pa rin sila nagsisikalasan!
My goodness, kalalaki nilang tao mga tsismoso.
Sumama ako kay Morgan nang lumuwas ito sa Manila. Ginawa
Reen "Zabi, tama na ang paglalaro. We're going to eat," sabi ko habang nag-aayos ng mga kasangkapan na aming gagamitin para sa 'ming tanghalian. Napangiti ako nang maramdaman na huminto ang anak ko mula sa paglalaro. I am blessed to have an obedient and submissive child. Ewan ko, pero tila natutunaw ang puso ko habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin. "Mommy, where's Daddy? Hindi ba siya magla-lunch kasabay natin?" mahinang tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. "No, baby. Hindi natin makakasama si Daddy sa araw na ito, marami kasi siyang aasikasuhin dahil ilang linggo na 'yon hindi nagpapakita sa kumpanya nila, marami siyang kailangan
"ANG GANDA NG SUNSET." Pinilit ko ang ngumiti sa harapan nito, matapos niyang sabihin iyon. “Sayang nga lang, dahil walang permanente sa mundo. Nawawala rin ang kagandahan nito, sa tuwing sasapit ang gabi,” Bahagya akong yumuko nang sandali siyang huminto sa pagsasalita. “Parang buhay ng tao. Mayroong hangganan," Agad kong hinanap ang kanyang mga mata, nang mag-angat ako nang tingin dahil sa kanyang sinabi. Pinagmasdan ko siya. Matagal. Pagkaraa’y muli akong tumingin sa takipsilim na kanina pa namin pinagmamasdan. Huminga ako nang malalim, saka pilit na nagsalita. "Alam mo, simula nang mawala si Papa sa buhay namin, natuto akong mahalin at pahalagahan ang takipsilim," Nagbaba ako nang mukha.
Reen Cruz"Sure ka na ba talaga sa desisyon mo?"Napaigtad ako nang biglang magsalita si Kuya Marv mula sa tabi ng pinto nang kwarto namin ni Maro. Agad akong nag-angat nang tingin sa kanya, saka inilagay ang huling damit na tiniklop ko sa bag na dadalhin ko."Kuya naman, eh! Ang hilig-hilig mo talaga manggulat,” Umirap ako rito. “Para ka d’yang kabute, basta-basta ka na lang sumusulpot. Uso kaya kumatok,” Napabuntong hininga ako dahil sa inis. “So discusting,” dagdag ko pa.Natigilan ako nang marinig ang mahina niyang pagtikhim."Disgusting kasi 'yon," tugon niya sa sinabi ko.
Reen"Dito na po 'yung sinasabi mo na address, Ma'am," Tumingin ako sa labas mula sa 'king inuupuang tricycle nang magsalita ang driver na nasa gilid ko.Agad kong hinanap ang kanyang mukha, matapos kong tanawin ang paligid kung saan kami huminto nito.Bumaba ako, nagbayad, saka nagpasalamat sa kanya.Muli kong pinasadahan nang tingin ang lugar na binabaan ko, pagkatapos ay inilapag ko muna ang bag na dala-dala ko.Ewan ko ba, wala naman akong masyadong dinala na kung ano man na gamit maliban sa mga damit at family picture namin, pero pakiramdam ko ay bigat na bigat at hinang-hina ako. Siguro ay wala lang talaga ako sa mood, dahil ito ang unang pagkakataon
Reen "ANO? ITO ANG ISUSUOT KO?" gulat na gulat kong tanong kay Liller, habang nakatingin sa pulang pampormal na sleeveless na kanyang inabot sa akin. "Bakit? Ano ba'ng masama sa dress na 'yan?" balik tanong nito sa akin. "Anong masama? Eh, baka kapag sinuot ko na 'to lumuwa na ang—" "Kailangan, Reen," mabilis na tugon ni Liller sa akin. Napaawang ang labi ko sa sinabi nito. "Ano? Seryoso ka ba? Okay lang sa 'yo na may lumuwa—" "Ano ba'ng sinasabi mo riyan?" natatawa-tawa nitong sambit. "Syempre, hindi!" pagpapatuloy niya. Bahagya akong napaatras, nang makita siya na mas lalapit pa sa gawi kung saan ako nakatayo. "S-sandali nga lang!" hindi ko na napigilang magprotesta pa, maging bahagyang maitaas ang aking tinig dahil sa pinaghalo-halong emosyon na
Reen“Kumusta ang unang gabi? Na-enjoy mo ba?” bungad na tanong ni Lillier sa akin habang naglalakad palabas ng bar na aming pinanggalingan.Tumingin muna ako sa kanya bago ko ito sinagot.“Okay naman. Okay lang pala ro’n. Buong akala ko kasi ay may pahawak-hawak na magaganap, eh! Saka akala ko rin babastusin tayo ro’n. Bar kasi, ‘di ba? ‘Yon ang unang impresyon ko.”Tumango-tango lamang siya sa ‘kin.“Alam mo, medyo nahirapan lang ako sa . . .” Huminto sa paglalakad, pagkaraa’y napakamot ako sa aking ulo.“Sa—&rd
Reen Habang patanda nang patanda ang tao, ay palungkot nang palungkot ang buhay nito. Well, gano'n nga siguro talaga. Dahil tulad ng takipsilim, sa tuwing sasapit ang dapit-hapon, unti-unti ay nawawala ito— dahil walang permanente sa mundo. Parang sa buhay ng tao. Habang tumatagal ito'y tila nagiging isang babasagin— babasagin na dapat ingatan, sapagkat hindi natin hawak ang ating buhay. Maaring ngayon ay masaya, bukas ay malungkot na. Maaring ngayon, kumpleto ang pamilya, kaibigan, o sino mang mahahalaga sa ating buhay, maaring bukas ay wala na rin sila. 'Yan ang buhay. Hindi man pantay-pantay sa estado, iba-iba man ng layunin, maging ng katayuan— isa lang ang ating uuwian, lahat ay mawawala. Dahillahat ay hiram lamang. Narito ako ngayon sa dagat, kung saan, tanaw
ReenALAS-DOS ng hapon nang maalimpungan ako mula sa 'king pagkakahimbing. Tumayo ako at hindi na bumalik pa sa pagtulog, alam ko na kapag ginawa ko iyon ay baka gabi na ako muling magising. As usual, Oh, naks! Englesh spokening dollar— malamang ay hindi na ako makakapasok sa trabaho. Sayang ang dapat na kikitain.Napailing ako nang maisip ang bagay na iyon. No'ng unang pasok ko kasi sa bar kung saan kami nagtatrabaho ni Liller, halos kasuklaman ko ang mundo. Lalo nang sabihin niya na mag i-intertweyn— intertamed— hay nako! Basta, 'yung may customer!Hindi ko halos alam ang gagawin ko no'n, pero ngayon, kulang na lang ay hindi na ako matulog sa tuwing iisipin ko ang maari kon