Share

Chapter 3

NAKAPASOK kaagad ako sa elevator na punong puno ng tao. Siniksik ko talaga ang sarili ko kahit na ngumingiwi na sa akin ang mga katabi ko.

Nang nakita iyon ni Roble ay dumiretso siya sa kabilang elevator. Nagsara ang pintuan at umangat na iyon. Mabilis ang takbo ng puso ko. What does he want? Why does he have to follow me? Well, obvious na ako ang hinahabol niya.

Nang nasa tamang palapag na ay agad kong itinulak ang pintuan para makapasok sa aming opisina. Taas noo akong nagmartsa patungo sa aking mesa. Kahit na kabado ay nagkunwari akong hindi.

Ilang saglit lang pagkatapos kong maupo ay nakita ko kaagad ang pagpasok ni Roble. Nahanap niya kaagad ako at patungo na siya sa akin ngayon.

Naghuhuramentado na ang dibdib ko sa kaba pero hindi ko parin ipinapahalata. Nagawa ko pang humikab at tumitig sa aking monitor. Wala akong magawa sa furnitures na nakikita ko sa software. Hindi pumapasok ang artistic side ko.

Palapit na siya, nakikita ko sa gilid ng aking mga mata. Tumigil siya sa harap ng aking lamesa. Nakapamulsa at tinatanaw ako.

"Pretending to be busy, huh?" may bahid na panunuya sa kanyang boses.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at humilig ako sa aking swivel chair. Nangingiti siya. Ang kurba ng kanyang labi ay nakakaakit. 'Wag papaakit, Gwendolyn. Tama na ang isang gabi! Alam kong mali iyon, lyon talaga ang iniiwasan ko! Pero ano na ang nangyari ngayon?

"I'm busy, Mr. Coleman. What brings you here?" tinaas ko ang isang kilay ko.

Nagtaas din siya ng isang kilay. Mas lalong kumurba ang labi. "You left me that night. That was surprising!"

Luminga kaagad ako sa paligid. Dahil lunch break ay abala ang mga tao sa pagkain sa cafeteria. Pero may iba paring nasa kani-kanilang mga cubicles lang. Hindi kalayuan ay may nagtatrabaho at nakatitig sa kanyang monitor! If this man won't shut his mouth, everyone's gonna hear about my dirty.

"Why are you surprised? Hindi ba ay ganoon naman talaga iyon? Are you not used to it? O baka naman ay nagmamalinis ka."

He groaned, Mas Ialo siyang lumapit sa akin.

Ngayon ay napatuwid ako sa pag-upo. I am no comfortable that he's this near to me!

"For a virgin to not ask for commitment after that steamy night, iyon ang nagpagulat sa akin.

Sa lahat ng tao ay ako pa talaga ang mababato ng sinabi niya?

"Why would I? Alam ko namang iyon lang ang habol mo sa akin sa gabing iyon. I'm not blind or stupid, Mr. Coleman-"

"Andre na lang itawag mo sa akin, please. Gwen."

Paano niya ako nakilala? Imbes na magtanong ay nagpatuloy ako.

"I know your type. You're the one-night-stand type. You don't do commitments and you only fuck. You don't have to lecture me."

Humalakhak siya. Nakikita ko ang pag angat-baba ng kanyang balikat dahil sa pagtawa. He thinks I'm ridiculous now?

"What a mouth for a virgin like you?" nagtaas siya ng kilay.

"Oh right! You're ain't Virgin anymore. You lost it to me."

Fuck! Luminga ulit ako sa paligid. Kabado na may makarinig sa sinasabi niya. Luminga din siya at nagtaas ang kilay niya sa akin. Para bang alam niya ang iniisip ko.

Ang malalim niyang mga mata ay mapaglaro nang itinuon niyang muli ang pansin niya sa akin. Bahagya siyang lumapit ulit at hininaan na ang boses ngayon.

"Oh, you want to keep this, huh?'

Suminghap ako. Ano ang gusto ng taong ito?

"I believe you don't know me yet..." naglahad siya ng kamay. "I'm Andre Roble Coleman."

Tiningnan ko lang ang kamay niya. Binaba niya kaagad ito.

"What do you want?" tanong ko, iritado na sa lalaking mayabang at makulit.

"l want an arrangement with you," parang usapang negosyo ang tunog niya. "l want you most nights. I know you want that. Besides, you lost your virginity to me. Wala nang mawawala this time."

"What?" napasigaw ako sa gusto niyang mangyari.

Yes, I have been to bars but I have never been offered this kinds of arrangement! Hindi ako bobo. Alam kong nangyayari talaga ito! Hindi rin ako nagmamalinis. Hindi ko lang matanggap na ang taong pinagbigyan ko noon ay ganitong klaseng lalaki! What an ass!

"I'm sorry, Andre Roble Coleman, pero nagkamali ka ng niyayaya. I have a boyfriend, you see," sabi ko, confidently.

"A boyfriend who's always spotted kissing different girls,

"How do you know me?" gulat kong tanong para sa huli niyang sinabi.

"Clyde Prieto is a client of mine, Gwen. Your father is, too."

Oo nga pala. Ang mga Coleman ay may security agency. Ito siguro ang dahilan kung bakit kilala niya ako. Dad's a very high profiled businessman and Coleman's family is too! Hindi ako makapaniwala na kilala ako ng Ialaking ito!

"So you're still insisting that he's your boyfriend, huh?" Humalakhak siya.

"Shut up!" tumayo ako para makalayo sa kanya.

Kinuha ko ang aking mug at luminga muli para sa mga taong naroon. Abala parin sila sa pagtingin sa monitor. Huminga ako ng malalim at tinalikuran ang binata sa aking harap.

"Then break up with him." Sumunod siya sa akin isang silid kung saan namin nilalagay ang mga blue prints at iba pang mga papeles.

Break up with him? Para saan? Para sa kanya?

"I would rather put up with Clyde than have some monster like you, Roble!" sabi ko nang di siya nililingon.

"Really?" lumambing ang boses niya.

Naramdaman kong gumapang ang kanyang kamay sa aking baywang. Napapikit ako ng mariin nang naramdaman ko ang agarang pagkagising ng damdaming noong nakaraang gabi ko pa lang naramdaman.

"Well, Gwen... how can a monster like me make you feel this way, then?"

Dalawang kamay niya na ang humahaplos sa aking baywang.

Ang mainit niyang hininga ay bumubuga sa aking leeg. Nakakahilo ang bawat haplos niya. Nakakahalina.

"How can a virgin like you give in that night? Why? Ilang taon kayo ni Clyde at hindi ka niya nakuha, Gwen? Are you fucking kidding me?"

Hinawakan ko ang palapulsuhan niya ngunit hindi ito naging sapat para hawiin ito nang gumapang iyon sa aking dibdib. My blouse suddenly felt rough under my skin.

Pabalik-balik niyang inikot ang kanyang daliri sa umbok ng aking dibdib.

Nagmura ako at tinulak ko siya palayo. Hinahabol ko ang hininga ko nang hinarap ko siya. Nagkagat siya ng pang ibabang labi at kitang kita ko ang iritasyon at pagnanasa sa kanyang mga mata.

"Why don't you find a sport girl, Roble? I'm not sport! I am committed! I am not the ideal girl for this. It would be easier if you find someone else!"

Halos napatalon ako sa biglaang pagtunog ng aking cellphone. Kaming dalawa lang sa silid na ito at pakiramdam ko ay napakaliit nito para sa aming dalawa!

"Gwen..." narinig ko sa cellphone ang boses ni Clyde.

"C-Clyde..." napatingin ako kay Roble.

His jaw tensed. Humalukipkip siya at nanatili ang titig niya sa akin.

"I'm here. Nasa office mo ako. Please, come and see me? Please, Gwen..

Halos nakalimutan ko kung ano ang posibleng sadya niya sa pag parito. Ano ang kailangan niya sa akin? Ah! He cheated for the third time and now he's here for what?

Nilagpasan ko si Roble at lumabas na ako sa silid na iyon. Sa malayo pa lang ay kitang kita ko ang pulang mga rosas sa kamay ni Clyde. Naka itim na t shirt at bigong-bigo ang kanyang mga mata.

Nakatingin na ang mga kasamahan ko sa trabaho sa kanya. Nangingiti sila at kinikilig pa. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Nanatili ang utak ko sa kay Roble na nasa loob parin ng silid na iyon.

Naglakad ako patungo kay Clyde pero kabado dahil nandoon si Roble sa silid.

"I'm sorry, Gwen. I'm sorry for being a jerk. I'm really sorry!" sabay yakap niya sa akin.

Tumili ang mga kasamahan ko para sa kanya. And all I did was let him hug me. All I did was stand still.

Noon ay gustong-gusto ko si Clyde. We used to be best friends. Pero simula nang nagtaksil siya sa akin ay unti-unti na akong nawalan ng gana sa kanya. I fell out of love. But then I can't get out of our relationship.

Kumalas siya sa kanyang yakap. Nangingiti na si Clyde pero ang tanging ekspresyon ko ay pagod. Pinilit kong ngumiti sa mga kasamahan kong nag eexpect. Mabuti na lang at hindi pa nakakaakyat ang mga kaibigan ko.

"Clyde," tinanggap ko ang mga bulaklak at nilapag ko sa aking mesa. "Let's talk later."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako paalis sa aking lamesa.

"Nag-usap kami ng supervisor mo. You're free to go now. Please, come with me? Please, Gwen?" aniya.

Ang mga pilikmata niya ay makurba at ang mga mata niyang itim na itim ay nanunuyo sa akin. Ginulo niya ang kanyang buhok sa frustration at muli ay nagmakaawa.

"Please, Gwen."

"Where are we going, Clyde?" tanong ko.

"We'll date. Please, Gwen."

Hindi na ako makangiti. Ayaw ko. Kahit pa sinabi ng aming supervisor ay ayos lang, ayaw ko. Ngunit... wala akong magagawa.

"Magliligpit lang ako ng gamit."

"Thank you!" hinalikan niya ako sa pisngi.

Umilag ako pero ngumiti lamang si Clyde. Huminga ako ng malalim at nagsimulang magligpit ng mga gamit. Sumulyap ako sa silid kung nasaan si Roble at nakita ko siya na nakatayo sa tabi ng pintuan. Nakahalukipkip siya at matalim ang mga mata.

"Let's go..." sabi ko bago bumaling kay Clyde na nasa tabi ko.

Sa layo ni Roble ay hindi na siya mapapansin. Huminga ako ng malalim at nilingon ulit siya na naroon parin at iritado ang mata. Lumabas kami ni Roble sa opisina at dumiretso na sa elevator.

Hinawakan agad ako ni Roble sa baywang nang nasa elevator na kami. Hinawi ko ang kamay niya.

"Gwen, come on..."

"Clyde! You cheated again! Anong gusto mong gawin ko sa'yo, ha? Tatanggapin kita kaagad? With arms wide open, ha?" I spat.

"Come on! Last year you told me you don't care what I do anymore!"

"Because I am so tired of us! I am so tired of you!" sigaw ko sa kanya.

Tumunog ang elevator at lumabas kaagad ako sa basement. Sumunod siya sa akin habang nag-eexplain.

"You don't even want to be touched! Ano? Boyfriend mo ako sa lagay na iyan? You really can't blame me, Gwen! You can't! Kasi hindi ganito ang mag boyfriend!"

Sumigaw si Clyde at sinipa niya ang gulong ng kanyang Impreza.

"You said you love me! May mga pangangailangan ako bilang lalaki, Gwen! Ayaw mong ibigay! I respect you kaya hindi kita pinilit! Kaakibat noon ay ang pagkakamali ko sa isang babae! And you forgave me! pero ngayon?" sigaw niya sa akin.

"You cheated the third time, Clyde! What do you expect?" sigaw ko pabalik sa kanya.

"I cheated again for that same reason! We're not kids anymore, Gwen! We're not kids anymore..." lumambing ang boses niya habang lumalapit sa akin.

Natulala ako. Hindi dahil sa realization na hindi na nga kami mga bata, kundi sa realization na kagabi ay isinuko ko ng buong buo at walang kahirap hirap ang aking sarili para sa kay Andre Roble Coleman! What the hell was that, Gwen? And for Clyde, hindi mo magawa?

I slowly reached for his lips. Trying to taste it. Trying so hard to awaken the same feelings Roble gave me last night. Trying to find that same electricity...

Sinuklian ni Clyde ang aking mga halik. Tumunog ang kanyang sasakyan at pinasok niya ako sa loob. Mabilis ang hininga ko dahil sa kanyang mga halik.

Trying to find that same feeling... but I couldn't.

Pagkasakay ni Clyde sa kanyang sasakyan ay pinaharurot niya kaagad ito.

"Clyde, saan tayo?" tanong ko.

"Which hotel do you want? Just tell me," aniya, nananatili ang mga mata sa kalsada.Trying to find that same feeling... but I couldn't.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status