HINDI ko alam na gusto niya palang dumiretso ako sa front seat. Humugot ako ng malalim na hininga at umikot para sa front seat. Naka itim na bandage skirt ako at puting sleeveless shirt. Nilapag ko ang bag sa likod ng kanyang sasakyan. He waited till I fasten my seatbelts bago siya tumulak palabas ng parking."Nandoon na ba ang kapatid mo?" tanong niya.There! Kung paano niya nalaman ang mga tungkol doon ay hindi ko na ipagtataka,"Wala pa si Kier doon ngayon. Papunta pa lang din siya," I said.Tumango siya at nanatili ang kanyang mga mata sa kalsada."Wala ka ba talagang hina-hire na imbestigador?" hindi ko na napigilan."Your family is not very private. Kilala ko ng ilang kaibigan ko. I don't think I need to hire someone to know things about you, Gwen."Hindi ako nakapagsalita. By now... he probably knows everything about my family.Si Kier Ignacio at Maja Ignacio ay kapatid ko sa ama. They are both younger than me. Si Katelyn Cayetano naman ay kapatid ko sa ina, mas bata rin iyon n
WALANG imik si André nang hinatid niya ako sa aking condo. Umuwi rin siya kaagad. He's busy after all. So I did my daily routines again at home. Maaga nga lang akong natulog dahil kailangan naming pumasok kinaumagahan kahit na Sabado para sa proyekto.Tumunog ang cellphone ko sa tawag ni mommy habang abala kami sa pag de-design. Sinagot ko kaagad ito. Hindi ko alam kung bakit masaya ako at mabilis ang pintig ng puso ko."Hello?""Gwen, kamusta?" ani mommy."I'm fine, mom. Ikaw? Nasa opisina po ako ngayon.""I'm fine too. May trabaho ka pa kahit Sabado?" tanong niya."Opo. Busy po kami ngayon." Binitiwan ko ang computer mouse at bumaling sa dingding."Na send na kaya ni André iyong invites? I'm worried at wala pang nag co-confirm.Humugot ako ng malalim na hininga at minasahe ang aking sentido. It's about Katelyn's exhibit. "Next month PO, mom, 'di ba? I'm gonna send it personally sa Trion, Samonte, at kay Mr. Coleman.""No. No... ask him muna if naibigay niya na ba. Baka mamaya dodobl
PINILI ko iyong kulay itim na backless long gown na isa sa mga disenyo ni Mindy Torres. This is a very formal event kaya kailangang pormal din ang aking susuutin.Binigay na rin ni daddy ang cheke sa akin bago siya nangibang bansa. I texted Clyde at sinabi niyang naghahanda na raw siya. Nag hintay ako sa aking condo kasama si Jane at Trina. Kaaalis lang ni Chris, iyong make up artist ko. Bahagyang niretouch ni Jane ang aking blush on para maibalik ang kulay.Light make up lang ang gusto ko ngunit nang nalaman ni Chris na may media at maaaring mailathala ang event na ito sa mga newspaper o magazine ay kinapalan niya ang eye shadow ko."Gwendolyn Merculio, wearing a Mindy Torres gown, HMUA Chris Guevarra!" aniya sabay tili.Though I must admit... nagustuhan ko parin ang ginawa niya kaya hindi na ako nagreklamo.Nang sinundo ako ni Clyde sa aking condo ay kitang kita ko ang reaksyon ng dalawa kong kaibigan. They loved Clyde way back in college. Pero simula nang nagtaksil siya sa akin, tu
"WHY do you want to donate three million po?" I asked.Sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang pag upo ni André at noong kanyang babaeng dala. Pinilit kong manatili ang titig sa matanda. I don't want to look at him. Lalo na dahil binabati siya ng mga businessman din sa mesa namin."Well, to help the children. My son died when he was still very young. May sakit siya sa puso. Wala na akong anak. I always like foundations for children so I donate tuwing may ganito.'iTumango ako. "That's good. Most businessmen donate for pride and ego. Seldom na lang ang nag dodonate for the real cause...""So you're saying that you're donating for the real cause then, Miss Ignacio?"Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko nang kausapin ako ni André. Bumaling ang matandang direktor sa kanya. Ganoon din si Clyde na biglang umakbay sa aking upuan."Well..." sumulyap ako sa babaeng kasama niya. Her nose is pretty and her eyebrows are on point. I give her that. NIf I have the money, I would donate it for th
KUNG hindi lang naghirap si Chris para sa make up ko ay kanina pa ako naghilamos sa loob ng bathroom. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Namumula ang aking leeg at kahit hindi ko kita ay nakasisiguro akong pati ang aking dibdib ay pulang pula. Mabilis din ang aking paghinga. Kinalma ko ang aking sarili. I don't know what to freaking do. With André watching me like that, hindi na ako makahagilap ng tamang oxygen para lang makahinga ng tama. Nang sa wakas ay medyo maayos na ang paghinga ko ay lumabas ako ng bathroom. Hindi pa ako nakakahakbang ay natigilan na ako. Nakita ko si André na nakaigting ang panga habang naghihintay sa labas. "What are you doing here?" tanong ko sa kanya. "Let's go somewhere else.. aniya. Nagulat ako sa biglaan niyang pagkalma. Hindi ko alam na kaya niyang kumalma. He looked so pissed kanina. Hindi ko inasahan na ganito ka kalmado ang magiging tungo niya. "Where? What about the event? Your date?" tanong ko. 'Marina can go home by herself. Let's go..
SOBRANG aga ko sa opisina nang nag Lunes. Muntik ko nang maunahan ang mga janitor at janitress sa sobrang aga ko doon. Nagtimpla kaagad ako ng kape.Hindi ko alam pero hindi ako makatulog kagabi. I can't help but think about what happened the night before. Hindi matanggal sa isip ko kung paano ako pinawisan at napagod ng husto sa mga nangyari. Thinking about it sent shivers down my spine but I couldn't help it...Sa sobrang pagod ko sa nangyari sa amin ni André ay nakatulog ako pagkatapos. I woke up with his body covering mine. Mga nag-aalalang text galing kay Clyde, sa mga kaibigan ko, at kahit galing kay Kier.In the end, I told them all na may inasikaso ako sa opisina. Pinagalitan pa ako ni Kier dahil umalis ako sa event nang hindi nagpapaalam kay Clyde. He was worried sick. Well, at least he's worried sick. Clyde got pissed kaya hindi niya na ako nireplyan ulit."Ang aga natin, ha?" puna ng kasama kong pangalawa lamang sa akin.Umiling ako at ngumiti. "May tatapusin lang kaya napa
"SAAN TAYO?" tanong ko."I'm hungry so let's dine somewhere."Tumango ako. Nag drive naman siya palabas ng basement. Nagkasundo na kami ng sarili ko na tumahimik na lang tuwing ganito pero hindi ko pa rin maiwasan."Do you always dine to expensive restaurants tuwing dinner? Or tuwing inaaya mo ang mga babae mo." tanong ko.Nanatilig ang mga mata ni André sa kalsada. I'm not even sure if he'll answer me. Kumibot ang kanyang labi."Not always. I cook. Most of the time sa condo lang. Why?" sumulyap siya sa akin, kumunot kaagad ang noo,His thick eyebrows accentuated his strange-colored eyes. I can't help but stare at him,"Gaano ka "not always"? You know people like you dine to places that sells food ten times the average cost of the food most Filipinos eat. Nagsasayang lamang ng pera. And to think na maraming gutom sa Pilipinas..." Kinagat ko ang labi ko. Why do I always fail to shut my mouth?"People like me?" Natawa siya. Rinig ko ang sarcasm doon. "Do you expect me to eat on fastfood
ILANG beses pang naulit ang dinner sa linggong iyon. Hindi na ako tinatantanan nina Trina at Jane dahil ilang beses na rin nilang nakitang pumapasyal si André sa building.Kaya naman kahit hindi ko ginusto ang mga pinaggagagawa nila noong breaktime namin, wala na rin akong nagawa.Kung anu-ano ang tinitingnan nila sa iPad ni Jane. Hinanap nila sa social networking sites si André. Nahanap nila ito sa Facebook at tiningnan ang wall nito."What's the name of the girl he brought noong event?" tanong ni Jane sa akin, nagtutunog imbestigador."Marina.. ' sagot ko naman.Hindi pa nag iisang minuto ay nahanap nila kaagad ang account ng babaeng tinutukoy ko. Kumakain lang ako ng yogurt habang halos magka untugan na ang dalawa sa kaka tingin sa iPad."You can also Google her pala." ani Trina.Nagkibit ako ng balikat. Seryoso, kahit na medyo nagulantang ako na dala ni André ang babaeng iyon sa event... kalaunan ay napagtanto kong wala na akong karapatang kumwestyon noon. Wala kaming relasyon. I