Share

19.2: Preparation

JOHN CARL

Ilang araw nang napapansin ni John Carl ang unti-unting pagbabago kay Bea simula noong araw na ibinigay niya ang cellphone rito. Lalo na ang pagbabago sa ayos at pananamit nito, marunong na itong mag-ayos ng sarili at pumili ng nababagay na mga suot base sa okasyon o panahon kahit na wala pang isang lingo ang nakakalipas.

Kaya hindi maitatangging litaw na litaw na ang kagandahang taglay nito at kahit pa morena ay pantay ang kulay ng kutis nito na tila kumikintab sa tuwing tinatamaan ng liwanag at kahit hindi niya hawakan ay alam niyang makinis iyon.

At dahil sa nakikitang unti-unting pagbabago sa pinsan ay mas lalong tumindi ang nadarama niyang atraksyon para dito at isipin pa lang niya na makikita na ng iba ang gandang taglay nito sa oras na magsimula na ang pasukan ay umiinit na agad ang ulo niya.

Nakikita niyang masaya ang mommy at kapatid niya sa nangyayaring pagbabago sa pinsan at inaamin niyang nagugustuhan rin niya iyon ay hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng ini
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status