Share

16.1: Kilig-Bonding

Hindi alam ni Bea kung gaano katagal na silang bumabyahe at ang tanging nagsasalita ay si Anne Marie na kinukuwentuhan ang mommy nito ng kung ano-ano. Pero ramdam niya ang tension sa dalawang lalaki na magkatabi sa kanan niya na parehong walang kibo.

Kaya hindi niya malaman kung ano’ng gagawin niya sa sitwasyong kinasasadlakan lalo pa at hindi lang ang tension sa mga katabi ang nararamdaman niya kundi maging ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib sa tuwing magdidikit ang mga balat nila ni JC.

Idadag pa na hindi pa rin siya sanay sa pagbyahe at pagsakay sa mga sasakyan ay lalong tumindi ang hilong nararamdaman niya. Kaya mas pinili na lang niyang sumandal at pumikit habang paulit-ulit na lumulunok dahil sa naiipong laway sa loob ng kanyang bibig.

“Okay ka lang ba, Bea?” Narinig niyang tanong ni JC sa tabi niya kaya saglit siyang dumilat para tingnan ito bago muling pumikit.

“Medyo nahihilo lang ako. Hindi pa rin kasi ako sanay sa pagsakay sa kotse at pagbyahe,” sagot niya sa mahinan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status