Share

03: Unos

Dahil nakahanap na siya ng bagong dahilan para palakasin at muling buhayin ang nanamlay niyang paligid nang nahinto ng pag-aaral ay naging mabilis para kay Bea ang paglipas ng mga araw.

Hindi na siya gaanong nakakaramdam ng pagkainip sa tuwing naiiwan siya sa bahay nila kapag wala silang labada o handahang pupuntahan ng kanyang nanay. At hindi na niya nararamdaman ang lungkot kapag natatapos siya sa mga gawaing-bahay dahil nauubos na ang oras niya sa pagpapantasya na isa na siyang sikat na artista at pinagkakaguluhan ng mga tao naa maging sa gabi ay nakakatulugan na niya. Ngunit ang inakala niyang magaang pakiramdam na dala ng kanyang pangarap ay nalambungan dahil sa isang malaking pagsubok na biglang dumating sa kanilang buhay. 

Isang malakas na kulog ang gumulantang sa kanilang lahat habang nahihimbing sa pagtulog isang madaling araw kasunod ang malakas at tuloy-tuloy na pagbuhos ng napakalakas na ulan. Kaya kahit inaantok ay napilitan na silang bumangon lalo pa at tila tinatangay ng napakalakas na hangin ang bubong ng kanilang kubo at tumutulo na rin kung saan sila natutulog. Mabilis siyang napatayo ng biglang sumigaw ang kanyang nanay dahilan para tuluyang magising ang diwa niya.

"Bea! Magsilid ka ng mga damit ninyo sa malaking bayong!" sigaw ng nanay niya habang sinusuotan ng pangginaw ang kamabal na halos nakapikit pa.

Dali-dali naman siyang bumaba at nagtungo sa may kusina para kunin ang bayong na nakasabit sa dingding malapit sa pinto. At halos magkandadapa siya sa pagmamadaling makabalik dahil sa dilim ng paligid.

"Bilis-bilisan mo ang kilos at baka mabasa na ang mga damit!" Hindi magkadaugangang sita nito sa kanya habang kinukuha sa loob ng aparador ang isang malapad na supot kung saan nakalagay ang ilang mahahalagang dokumento. Pagkatapos ay inaabot sa kanya na agad naman niyang ipinasok sa dalang bayong. Habang abala sila ng nanay niya sa pagsisilid ng ilang mga damit sa bayong ay lumabas naman ang kanyang tatay para alamin kung ano na ang nangyayari.

Katatapos lang nila sa pagsisilid ng mga damit nang sabay silang mapasigaw ng kanyang nanay dahil biglang umangat ang kalahati ng kanilang bubong kaya napabalik sa loob ang kanyang tatay.

"Tsk! Nakakainis naman 'tong pesteng bagyo na 'to! Pati 'yong nagbalita sa radyo mali-mali! Sabi lumihis na raw! Pati 'yong mga pananim hindi na mapapakinabangan!" Narinig niyang reklamo ng tatay niya na basang-basa ng ulan. "Bilisan n'yo at naisigaw ni Ka Bert na may nagre-rescue daw doon sa may bukana. Italukbong nyo na iyang banig para 'di kayo gaanong mabasa ng ulan at tatakbuhin na natin doon."

Matapos iyong sabihin ng kanyang tatay ay ito na ang nagdala sa dalawang malaking bayong na binalutan ng kumot para hindi gaanong mabasa habang sila naman ng nanay niya ay hinawakan sa magkabilang gilid ang malapad na banig at itinaas sa kanilang ulunan. Pagkatapos ay pinagitnaan nila ng kanyang nanay ang mga kapatid niya.

Eksaktong paglabas nila ng bahay ay ang paglipad ng kanilang bubong pero wala na silang oras na intindihin pa iyon dahil lalong lumalakas ang ulan at hangin kaya dali-dali nilang binaybay ang may kahabaang daan at hindi na inalinta ang paglubog ng kanilang mga paa sa makapal na putik.

Halos magkatisod-tisod na sila sa pagmamadali dahil may kadiliman pa rin ang paligid at ramdam na rin niya ang pangangalay ng nakataas na mga braso ay hindi pa rin niya matanaw ang  dulo ng daan.

Kaya halos mapatakbo na siya ng may masilip na liwanag na alam niyang nagmumula sa sasakyan ng mga rescuer na tanda na malapit na sila sa kinaroronan ngmga iyon. Napigilan lang siya ng kamay na nakakapit sa suot niyang damit.

Pero nang makalapit sila ay halos manlumo siya dahil paalis na ang huling sasakyan kaya kailangan pa nilang maghimtay sa gitna ng malakas na ulan kasama ang iba pang kalugar nila. Kabi-kabila ang naririnig niyang reklamo mula sa mga ito pero binalewala na lang at saglit na pinahawak kay Cristina ang bumibigat nang banig para alug-alugin ang namamanhid nang mga braso.

Habang ginagawa niya iyon ay doon niya naramdaman ang pagsigid ng lamig sa kanyang kalamnan dahil hindi naging sapat ang banig para maprotesyunan sila laban sa malakas na ulan. Wala sa sariling nayakap niya ang sarili para mabawasan ang lamig kasabay ng paggala ng kanyang paningin para hanapin ang tatay niya na natanaw niyang kausap ang isang nakakapote. Na ilang sandali pa ang bumaling na rin sa karamihan.

"'Wag ho kayong mag-alala dahil babalikan namin kayong lahat. Kaya sana konting pasensya lang sa paghihintay dahil sa dami ng lugar na kailangang puntahan ay isang sasakyan lang naipagamit ng barangay," paliwanang nglalaki na nakasuot ng kapote at halos mukha at mga kamay lang ang kita dahil marami na ang nagagalit at nagrereklamo na sinabayan pa ng palahaw ng ilaw mga batang basang-basa na rin.

Wala na silang magawa dahil kahit gustuhin nilang lakarin ay napakalayo ng barangay hall sa kinaroroonan nila at siguradong bukod sa may baha na sa dadaanan ay makapal na rin ang putik.

Mabuti na lang at nagtakip sila ng banig kaya kahit papaano ay hindi sila direktang nauulanan. Pero hindi rin iyon sapat para hindi sila tuluyang mabasa at dahil patuloy pa rin ang malakas na ulan ay na sinasabahan ng malakas na hampas ng hangin ay muling nanganog ang kanyang katawan.

"Ate, ikaw na ulit humawak nito nangangalay na ako," reklamo ng kapatid niya kaya napilitan na ulit siyang kunim iyon

Habang nakatayo at naghihintay sila sa gitna ng ulanan ay inabala na lang niya ang sarili sa pangangarap ng gising para hindi gaanong matuon ang pansin sa ginaw na nararamdaman at hinayaang maglakbay ang isip sa kanyang sariling mundo.

Naputol lang kanyang pangangarap nang makarinig ng mga ingay at doon lang niya namalayang nag-uunahan na ang mga naroon sa paglapit sa sasakyang hindi pa man nagagawang huminto ay kanya-kanyang sampa na ang ilang kalalakihan at kasama na doon ang tatay niyang panay ang kaway sa kanila na bilisan.

Muntik pa siyang mawalan ng balanse dahil sa pagtulak ng nanay niya para makipagsiksikan at para hindi mahirapan ay binitiwan na nila ang hawak na banig at kapit-brasong pnilit na sumiksik sa nagtutulakang mga tao hanggang maramdaman na lang niyang may humihila sa suot niyang damit pataas. Mabilis niya iyong nilingon para sungitan nang makilalang braso iyon ng kanyang tatay. Kaya agad niya iyong hinawakan para mas madali siyang mahila.

Siniguro naman niyang mahigpit ang hawak niya sa braso ng kapatid para hindi mahiwalay. At ilang sandali pa ay nagawa na nyang makasampa sa sasakyan kasama ang mga kapatid pero hindi na nakasama ang nanay nila dahil hindi naito makasiksik kaya bumaba ulit ang kanilang tatay para samahan ito.

"Bantayan mo 'yang mga kapatid mo pagdating ninyo doon. Susunod din kami agad," bilin ng nanay niya na tinanguan na lang niya dahil nagsisimula nang umandar ang sasakyan.

At dahil siksikan na ang loob ng sasakyan ay sa lapag na lang sila tumalungko ng kanyang mga kapatid. Yakap niya ang kambal na nangangatog sa lamig habang nakakapit sa magkabilng braso ang tatlo pa niyang kapatid. Halos hindi na niya namalayan ang lugar na dinaraanan nila dahil wala siyang makita pero dinig na dinig pa rin ang malakas at walang patid na buhos ng ulan at maging ang lagaslas ng umaagos na tubig. At dahil hindi nakasilong na sila ay doon niya naramdaman ang antok at pagod idagdag pa ang pakiramdam na tila siya idinuduyan.

Kaya hindi na niya namalayang iginupo na siya ng antok habak mahigpit pa ring yakap ang kambal na mga kapatid.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status