Share

08: Pagpipilian (Part 2)

Napapikit na lang siya habang hinihintay ang pagbagsak niya sa maputik na lupa pero ang sakit na inaasahan niya ay hindi nangyari dahil naramdaman niya na lang na tumama siya sa kung saan kasabay ng pagpulupot ng kung ano sa baywang niya.

Dahan-dahan siyang dumilat para alamin kung ano iyon. At nang makita ang mukha ni JC na ilang pulgada lang ang layo mula sa mukha niya ay wala sa sariling napatitig siya sa mga ito.

Pakiramdam niya ay bumagal ang oras habang magkahinang ang kanilang mga mata pero ng marinig niya ang tinig ng iba pang kapatid na bumababa sa hagdan ay doon lang siya natauhan at mabilis na napatuwid ng tayo.

At ang mga kamay niyang nahawak sa matipuno nitong dibdib ay mabilis niya binawi.

"Sorry, hindi ko sinasadya," nahihiyang sabi niya habang hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin.

"Ayos lang. Tara, kumain na tayo," yaya nito at tila walang nangyaring hinawakan siya sa kanang braso bago marahang hinila patungo sa direksyon ng mesa at dahil nauna ng maupo si Cri
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status