PROLOGUE
A sound of waves. A chirping of birds. Naririnig ni Patricia ang mga ingay na iyon. She could hear someone calling her.
“Aurora…”
Hindi siya si Aurora. But she is Maria Patricia. Hindi niya matandaan na may ganoong ngalan sa pangalan niya. But that voice? Kilala niya. Madilim ang paligid at wala siyang nakikita, ang tanging liwanag na gusto niyang abutin ay tila landas ng kahapon na kay hirap abutin. Sinubukan niyang i-angat ang kamay at abutin ang talang tila gustong tumanglaw sa kanya ngunit ang pangalang iyon pa rin ang naririnig niya.
“Aurora…”
Hindi niya alam kung ano na nga ba ang nangyayari sa paligid niya. Kung bakit siya naroroon sa kadilimang iyon at tila siya nagmula sa malayong baybayin. Pinilit niya ang sarili na abutin ang liwanag nang maramdaman niya ang mga palad na pumigil doon. Kasunod ay ang bawat hagulgol sa paligid.
“Patricia!”
Mom? That’s her mom. Alam niya na tinatawag siya nito. Pero bakit hindi niya ito makita? Naririnig niya ang magulong paligid bago sumunod ang tinig ng mga taong hindi niya kilala. Naramdaman ni Pat ang tila paghila ng kung anong bagay sa dibdib niya. That people arounds her zapped her with cold paddle before she heard them shouts, Clear!
Isa, dalawa hanggang sa naging tatlo. Hagulgol at kanya-kanyang pagtangis ang naririnig niya. Mga panaghoy ng mga taong hindi niya alam ang dahilan kung bakit nila ginagawa iyon. Samantala siya ay heto, pilit pa ring nilalandas ang daan na tinatahak ng nag-iisang talang nakita niya sa dilim. Takot siyang mag isa sa dilim. Kaya nga hindi niya pinapatay ang ilaw sa kanyang silid sa tuwing natutulog siya. Hindi niya kayang pumikit gayong alam niyang madilim ang paligid niya. Ilaw?
Natatandaan niya iyon. Sa labas ng bahay nila may poste ng ilaw at nakita niyang katayo doon si Max. ang lalaking iyon.
“What are you doing here?” Tanong ni Patricia sa lalaki nang matanawan niya itong nakatayo sa posteng nasa tapat ng gate nila. Nakapamulsa ito at nakasuot ng maong na pantalon at puting t-shirt na pang-ibabaw. Sa balikat nito ay itim na jacket habang nakalugay ang mahaba nitong buhok.
“Gusto kitang makausap, Pat.” Hinithit nito ang sigarilyo pagkatapos ay basta na lamang initsa sa lupa at inapakan hanggang sa mapulbos iyon.
Nakasunod lamang siya ng tingin sa bawat gawin nito. Max is always an opposite of a guy na gusto niya para sa kanyang sarili. At alam niyang tama siya na ‘wag itong piliin dahil alam niyang wala itong idudulot sa kanya kung hindi gulo. Tinanaw niya ang maingay at mailaw nilang bakuran. Today is her Grandmother’s centenarian birthday. At hindi niya gustong masira ang masayang okasyong iyon dahil lamang sa makikita siya ng pamilya niya na kausap si Max.
“Mabuti pa umalis ka na bago pa may makakita sa ‘yo.” Pagtataboy niya sa lalaki.
Ngunit matiim lang itong nakatitig sa kanya. “Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin na hindi mo nga ako gusto.” Doon namilog ang mga mata niya.
“A-Ano bang pinagsasabi mo?” Gusto na lamang niyang makalayo sa binata at iwan ito. Ngunit huli na dahil hawak na nito ang kamay niya.
“That kiss, Pat. Alam kong may ibig sabihin din sa ‘yo ‘yon.”
Binawi niya ang kamay niya na hawka nito. “That was nothing, Max. kung ano-ano lang ang ini-imagine mo.”
“Talaga ba? Nag-i-imagine nga lang ba ako? The way how you respond to my kisses. Ini-imagine ko nga lang ba iyon?” alam niyang hindi panunukso iyon dahil nababasa niya ang kaseryosohan sa mga mata nito.
“Umuwi kana. Hindi ko gustong makita ka ng parents ko ditto,” aniya sa binata.
But Max grabbed her hand once again. Napatitig siya doon. Kabaliktaran ito ng lahat ng katangian ng lalaking gusto niya. Hindi niya alam kung bakit dumating ito sa buhay niya at isa-isa nitong sinisira ang mga bagay na mayroon siya. Max is her schoolmate. Kaklase niya ito sa isang subject niya noong freshmen siya at magmula nang araw na iyon ay hindi na siya nito tinantanan. Napakalayo ng agriculture building sa college of nursing pero hindi naging hadlang iyon para araw-araw siyang sundan ng lalaki. He almost her stalker na nakasunod sa kanya saan man siya magpunta.
“Ano? Tama ako hindi ba? Na hindi lang iyon imahinasyon ko,” sabi nito.
That fated kiss. Hindi niya sinasadya iyon. Nadala lang siya. “You better go now, Max. Bago ka pa nila makita.”
Alam niya kung gaano kaayaw ng mga magulang niya sa lalaki particular na ang kanyang ama. Dahil hindi ito chinese. Not a single drop of chinese blood that runs in his veins.
“I love you, Pat. Ano ba ang kailangan kong gawin para maniwala ka sa ‘kin?” may pagsusumamo sa tinig nito. “I can change if you want. Bigyan mo lang ako ng chance.”
“Hindi ganoon kadali iyon, Max. We are two opposite people na hindi dapat nagkakasama.”
“Dahil ano? Chinese ka? Ano bang pakialam ko sa bagay na iyan? Lahi lang ‘yan!” ani nito na tila may inis na s atinig.
Kumalas siya sa pagkakahawak nito sa kamay niya. “I’m sorry, Max but—.”
Naputol ang sinasabi niya nang marinig niya ang kanya-kanyang sigawan sa loob ng bakuran nila. Maya-maya’y iyakan na.
“Mama!”
Narinig niya ang pagtawag na iyon ng ama niya. Tinambol ng kaba ang kanyang dibdib. Walang lingong tinawid niya ang kalsada. “L-Lola…”
Pero huli na, bago pa man humakbang ang paa niya sa gitnang kalsada ay narinig niya ang pagsigaw ni Max sa pangalan niya at ang pagsalubong sa kanya ng nakakasilaw na liwanag na siyang kumain sa kanya sa kadiliman.
“Patricia!”
That voice again. Naririnig na niya ang mga taong tinatawag ang pangalan niya. She almost reach the light nang may tinig na pumigil mula sa likuran niya.
“Aurora?”
CHAPTER ONEDahan-dahan itinulak ni Patricia ang pintuan pabukas. Maaga siyang gumising ngayong araw at sinadya niya iyon para maghanda ng breakfast. Usually, nagigising siya pasado alas-onse na ng tanghali kapag wala siyang pasok. Madalas kasi ay napupuyat siya sa pagre-review niya. Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo at isang taon na lang ay magtatapos na siya sa kursong nursing. Ang gusto ng mga magulang niya ay maging isa siyang doktor kagaya ng mga ito at ng iba pang miyembro ng pamilya nila. Pero napag isip- isip niya na hindi dapat siya magmadali. Kailangan niya muna pag-isipan mabuti ang bagay na iyon kung ganoon nga din ba ang gusto niya para sa sarili.Hindi niya kasi nanaisin na sa huli ay aatras siya kung kailan nasa kalagitnaan na siya at alam niya na ilang hakbang na lamang ay matatapos na siya. Bukod pa doon ay, gusto niyang siguraduhin na iyon nga ang para sa kanya. That to become a doctor is her calling. &ldq
CHAPTER TWOVintage ang theme ng lugar. Ang malaking bakuran ng mga Zhou ay na-de-dekorasyonan ng samo’t saring mga bulaklak. Sa gilid naman ng entablado ay ang mahabang buffet kung saan nakahain ang maraming klase ng pagkain. Ang iba doon ay ang ina ni Patricia mismo ang naghanda. “Sweetheart, bakit hindi ka pa nag-aayos? Mamaya lang ay bababa na ang abuela mo dahil nariyan na ang mga bisita.” Agad na humalik si Patricia sa pisngi ng inang si Alicia. Ang ina niya ay nasa edad kwarenta’y dos na ngunit ang hitsura nito ay para pa din si Charlize Theron, isang American actress na kaedad na rin nito. &nb
CHAPTER THREE“Aurora?”Pat is breathing heavily as she listened to that voice once again. Saan nga ba siya galing bakit ang pakiramdam niya ay pagod na pagod siya? Bakit parang kanina pa siya kinakapos ng hininga at hindi na niya alam saan siya pupunta. Nalilito na siya sa paligid niya. Naririnig niya ang pag-iyak ng Mommy niya. Naririnig niya ang paulit-ulit na pagtawag nito sa kanya.“Mommy…” She wanted her to know na nandito siya. Gusto niyang marinig siya nito. But why they could not hear her? Nasaan ba siya? Is there someone who kidnapped her?Ipinikit niya ang mga mata. And then a voice a man whispered onto her ears.“Gising Aurora.”Nanlaki ang mga mata niya sa tinig na iyon. She knew that voice. Pamilyar sa kanya iyon. Ipinikit ni
May tila hangin na humahaplos sa balat ni Patricia. Hangin na bumubulong na tatagan niya ang sarili at ‘wag magpapadala sa lungkot na nadarama. Hangin na nagsasabing kailangan niyang maging malakas para sa mga taong naniniwala at nagmamahal sa kanya. Pero paano? Seeing her Grandmother for the last time makes her feel so alone. Nakatayo ang bawat isang miyembro ng pamilya sa loob ng museleo habang tahimik na namamaalam sa yumaong abuela niya. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip na ang kamatayan nito ay siya namang pagdugtong ng buhay niya. Na habang nag-aagaw buhay siya ay binabawian naman ito ng buhay. Nang gabing iyon, ang natatandaan ni Patricia ay nakarinig
Matapos ang burol at libing ay magkakasunod na rin silang lahat na bumalik sa Maynila. Ang Dalawang Aunties ni Patricia na galing pang Sweden ay nagpasya na ring bumalik agad. Ganoon din ang ibang mga kapatid ng Daddy niya na may mga naiwang trabaho sa syudad. Gusto pa sana niyang mag-stay muna sa ancestral house nila kaya lang ay gusto din niyang makahabol sa mga na-missed niya sa klase. Alam niyang hindi gugustuhin ng Abuela niya na mapabayaan niya ang pag-aaral niya. At isa pa, mas lalo lang siyang malulungkot kung wala siyang gagawin at hihinto lang siya sa isang lugar.Pasado alas dos ng hapon nang dumating sila sa bahay nila sa Quezon City, kinabukasan mula sa Zambales. Agad na nagpaalam si Patricia sa mga magulang na aakyat na siya sa kwarto niya at magpapahinga.“Honey, do you like some mil
“Max!”Pilit na hinahabol ni Patricia si Max nang makalabas na ito ng classroom at binaybay na ang hallway palayo doon. Hindi niya naiintindihan ang inaasal nito and she wanna know what’s wrong? Hindi siya nilingon ng binata. Basta lamang tila wala itong pakialam na hinahabol niya ito. Alam na niyang pauwi na ito at hindi niya ito tatantanan hangga’t hindi ito nakikipag-usap sa kanya. Gusto niyang malaman kung anong laro itong ginagawa nito sa kanya?Nang madaanan niya ang parking space kung saan malapit sa school ground ay yumuko siya para walang makapuna sa kanya lalo na ang driver niya na natanaw niya agad sa tabi ng kanilang Chevrolet cruze. Personal car niya iyon na niregalo sa kanya ng daddy niya noong huling birthday niya at dahil hindi naman siya payagang magmaneho,
Dumating na ang tren na sasakyan niya. Sa mahigit limampung minuto niyang pagkakatayo doon sa wakas siya’y makakasakay na. Ngunit hindi niya mapigilang makaramdam ng pagod nang dumating ang tren at ang mga kapwa niya pasahero ay nagkanya kanya na ng landas papasok sa loob. Ang tila alon ng mga tao ay para siyang isang bagay na inanod lamang ng mga ito. Sa kanyang paningin ay hindi niya makita kung saan direksyon siya susunod. Lahat nagmamadali. Lahat ayaw maiwan. Bakit? Sino nga ba ang may nais maiwan? O sino nga ba ang gustong maranasang maiwan? Ang kanyang mga mata ay pilit hinahagilap sa paningin ang entrada ng tren. Ngunit mukhang aalis na iyon nang hindi siya nakakasakay. Lumuwag nang bahagya ang alon ng tao hanggang sa naramdaman niya ang kamay na humawak sa p
Naunang bumaba ng taxi si Max bago niya pinagbuksan si Pat. Pat smiled at him when he held her hand at alalayang makababa ng taxi. “Salamat,” ani ni Pat nang makababa siya. “Salamat din sa pagpayag na sumama ka sa akin.” Nakapasok sa bulsa ni Max ang isa nitong kamay habang nakahawak sa strap ng back pack nito ang isa naman. Pat didn’t noticed the time. Inaya siya ni Max sa isang kainan sa Marikina malapit lamang sa katipunan. Crave park, that resto have so much variety of foods na unang beses lamang natikman ni Pat. From street foods to local dishes. At saka niya naisip na iyon pala ang mga na-missed niya sa buhay. Na mga hindi niya nasubukan.