CHAPTER THREE
“Aurora?”
Pat is breathing heavily as she listened to that voice once again. Saan nga ba siya galing bakit ang pakiramdam niya ay pagod na pagod siya? Bakit parang kanina pa siya kinakapos ng hininga at hindi na niya alam saan siya pupunta. Nalilito na siya sa paligid niya. Naririnig niya ang pag-iyak ng Mommy niya. Naririnig niya ang paulit-ulit na pagtawag nito sa kanya.
“Mommy…” She wanted her to know na nandito siya. Gusto niyang marinig siya nito. But why they could not hear her? Nasaan ba siya? Is there someone who kidnapped her?
Ipinikit niya ang mga mata. And then a voice a man whispered onto her ears.
“Gising Aurora.”
Nanlaki ang mga mata niya sa tinig na iyon. She knew that voice. Pamilyar sa kanya iyon. Ipinikit niya ang mga mata at pilit na inaalala ang mga huling kaganapan sa kanya bago siya nakulong sa kadilimang iyon. Ilaw. Tama nakakita siya ng ilaw. Nakita niya ang isang tao doon.
“M-Max?” Halos bulong lamang niya iyon habang nakapikit.
“Gising na, Mahal ko.”
Hindi niya alam ano ang totoo. Hindi niya alam kung nananaginip siya. Hindi niya alam kung nasaan nga ba siya? Basta ang alam niya ay may kakaibang nangyayari sa paligid niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata hanggang sa tila eksena sa isang pelikula na lumabas sa isip niya ang lahat ng mga kaganapang tuluyang nagpagising sa kanya.
“What are you doing here?” Tanong ni Patricia sa lalaki nang matanawana niya itong nakatayo sa posteng nasa tapat ng gate nila. Nakapamulsa ito at nakasuot nang maong na pantalon at puting t- shirt na pang-ibabaw. Sa balikat nito ay itim na jacket habang nakalugay ang mahaba nitong buhok.
“Gusto kitang makausap, Pat.” Hinithit nito ang sigarilyo pagkatapos ay basta na lamang initsa sa lupa at inapakan hanggang sa mapulbos iyon.
Nakasunod lamang siya ng tingin sa bawat gawin nito. Max is always opposite of a guy na gusto niya para sa sarili. At alam niyang tama siya na wag itong piliin dahil alam niyang wala itong idudulot sa kanya kung hindi gulo. Tinanaw niya ang maingay at mailaw nilang bakuran. Today is her Grandmother’s centenarian birthday. At hindi niya gustong masira ang masayang okasyong iyon dahil lamang sa makikita siya ng pamilya niya na kausap si Max.
“Mabuti pa umalis ka na bago pa may makakita sa ‘yo.” Pagtataboy niya sa lalaki.
Ngunit matiim lang itong nakatitig sa kanya. “Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin na hindi mo nga ako gusto.” Doon namilog ang mga mata niya.
“A-Ano bang pinagsasabi mo?” Gusto na lamang niyang makalayo sa binata at iwan ito. Ngunit huli na dahil hawak na nito ang kamay niya.
“That kiss, Pat. Alam kong may ibig sabihin din sa ‘yo ‘yon.”
Binawi niya ang kamay niya na hawak nito. “That was nothing, Max. kung ano-ano lang ang ini-imagine mo.”
“Talaga ba? Nag-i-imagine nga lang ba ako? The way how you respond to my kisses. Ini-imagine ko nga lang ba iyon?” Alam niyang hindi panunukso iyon dahil nababasa niya ang kaseryosohan sa mga mata nito.
“Umuwi ka na. Hindi ko gustong makita ka ng parents ko dito,” aniya sa binata.
But Max grabbed her hand once again. Napatitig siya doon. Kabaliktaran ito ng lahat ng katangian ng lalaking gusto niya. Hindi niya alam kung bakit dumating ito sa buhay niya at isa-isa nitong sinisira ang mga bagay na mayroon siya.
Max is her schoolmate. Kaklase niya ito sa isang subject niya noong freshmen siya at magmula nang araw na iyon ay hindi na siya nito tinantanan. Napakalayo ng agriculture building sa college of nursing pero hindi naging hadlang iyon para araw-araw siyang sundan ng lalaki. He almost her stalker na nakasunod sa kanya saan man siya magpunta.
“Ano? Tama ako hindi ba? Na hindi lang iyon imahinasyon ko,” sabi nito.
That fated kiss. Hindi niya sinasadya iyon. Nadala lang siya. “You better go now, Max. Bago ka pa nila makita.”
Alam niya kung gaano kaayaw ng mga magulang niya sa lalaki particular na ang kanyang ama. Dahil hindi ito Chinese. Not a single drop of Chinese blood that runs in his veins.
“I love you, Pat. Ano ba ang kailangan kong gawin para maniwala ka sa ‘kin?” may pagsusumamo sa tinig nito. “I can change if you want. Bigyan mo lang ako ng chance.”
“Hindi ganoon kadali iyon, Max. We are two opposite people na hindi dapat nagkakasama.”
“Dahil ano? Chinese ka? Ano bang pakialam ko sa bagay na iyan? Lahi lang ‘yan!” ani nito na tila may inis na sa tinig.
Kumalas siya sa pagkakahawak nito sa kamay niya. “I’m sorry, Max but—.”
Naputol ang sinasabi niya nang marinig niya ang kanya-kanyang sigawan sa loob ng bakuran nila. Maya maya’y iyakan na.
“Mama!”
Narinig niya ang pagtawag na iyon ng ama niya. Tinambol ng kaba ang kanyang dibdib. Walang lingong tinawid niya ang kalsada.
“L-Lola…”
Pero huli na, bago pa man humakbang ang paa niya sa gitnang kalsada ay narinig niya ang pagsigaw ni Max sa pangalan niya at ang pagsalubong sa kanya ng nakakasilaw na liwanag na siyang kumain sa kanya sa kadiliman.
“Patricia!”
Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong kay Patricia. “Max!”
Pagkatapos ay ang tila pabilis nang pabilis na tibok ng puso niya.
“Check the heart rate.” Narinig niya iyon mula sa mga taong nakaligid sa kanya.
Nagkakagulo ang mga taong pare-pareho ng damit na suot at ang isa ay yumuko pa sa kanya at hinawakan ang palibot ng mga mata niya at tila may hinahanap doon dahil sa itinapat nitong ilaw sa kanya.
Hindi niya kilala ang mga tao. Hindi rin pamilyar sa kanya ang mga mukha ng mga ito. Nakasunod lang ang tingin niya sa mga taong nasa paligid niya hanggang sa muli niyang maalala si Max. bakit bigla-bigla ay tila hindi nawawala sa memorya niya ang hitsura nito? Bakit tila nang makita niya ang pag-guhit ng sakit sa mga mata nito nang sabihin niyang hindi sila bagay ay gusto niya itong yakapin. Bakit ganoon ang nararamdaman niya? Bakit niya ito iniisip?
Max would be her biggest failure kung pipiliin niyang gustuhin din niya ito. But Max is a different guy. Pursigido ito at may pangarap sa kabila ng mga pangit na nakikita ng maraming tao dito. He is too determined to succeed at nakikita niya iyon. So, why she now suddenly felt that she admire him?
She closes her eyes again and then she saw Max’s smiling face. Ang mahaba nitong buhok na nakalugay at hinihipan ng hangin habang tumatakbo ito at hawak ang bola ng basketball. Ang pag-flex ng mga muscles nito. Ang pawis na nagpapakinang sa mukha, leeg hanggang braso nito. At ang tingin nito sa kanya habang ibinabato ang bola sa ring. That was the first time he saw him and he watched his play. At hindi niya kayang itanggi sa sarili na tila may magnet na kumapit sa kanya para sundan niya ito ng tingin.
“M-Max…” Bulong niya.
Maghuhumerentado ang mga magulang niya kapag nalaman ng mga ito na may lalaking pilit na gustong umugnay sa buhay niya.
Pero bakit noon gustong gusto niyang itaboy ang lalaki pero ngayon laman ito ng isip niya? Nababaliw na marahil siya.
“That kiss, Pat!” He strongly said.
“There’s nothing with that kiss, Max. It was just an accident that I am stupidly walking in the hallway and I bumped at you,” aniya na may halong iritasyon.
Are Filipinos really like this? Big deal palagi ang isang mga simpleng bagay? That was an accident at hindi niya ginusto na matumba siya at masalo siya nito.
“One day you gonna crawl back on me at sasabihin mo sa akin na, that kiss was meant everything to you.” Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito.
Max is really full of his self. “Dream on!”
That kiss. Patricia remembered that kiss. Natatandaan niyang mabilis siyang naglakad papasok sa loob ng ladies room at tinitigan ang sarili pagkatapos ng pangyayaring iyon. Kitang kita niya ang pamumula niya at ang hindi maipaliwanag na pakiramdam. Hindi niya alam kung bakit may pakiramdam siya na nangyari na ang ganoon noon. Kung bakit pakiramdam niya ay naramdaman na niya noon ang ganoong klaseng pakiramdam para sa isang lalaki.
And why suddenly she has a memory of her—and Max in old era?
May tila hangin na humahaplos sa balat ni Patricia. Hangin na bumubulong na tatagan niya ang sarili at ‘wag magpapadala sa lungkot na nadarama. Hangin na nagsasabing kailangan niyang maging malakas para sa mga taong naniniwala at nagmamahal sa kanya. Pero paano? Seeing her Grandmother for the last time makes her feel so alone. Nakatayo ang bawat isang miyembro ng pamilya sa loob ng museleo habang tahimik na namamaalam sa yumaong abuela niya. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip na ang kamatayan nito ay siya namang pagdugtong ng buhay niya. Na habang nag-aagaw buhay siya ay binabawian naman ito ng buhay. Nang gabing iyon, ang natatandaan ni Patricia ay nakarinig
Matapos ang burol at libing ay magkakasunod na rin silang lahat na bumalik sa Maynila. Ang Dalawang Aunties ni Patricia na galing pang Sweden ay nagpasya na ring bumalik agad. Ganoon din ang ibang mga kapatid ng Daddy niya na may mga naiwang trabaho sa syudad. Gusto pa sana niyang mag-stay muna sa ancestral house nila kaya lang ay gusto din niyang makahabol sa mga na-missed niya sa klase. Alam niyang hindi gugustuhin ng Abuela niya na mapabayaan niya ang pag-aaral niya. At isa pa, mas lalo lang siyang malulungkot kung wala siyang gagawin at hihinto lang siya sa isang lugar.Pasado alas dos ng hapon nang dumating sila sa bahay nila sa Quezon City, kinabukasan mula sa Zambales. Agad na nagpaalam si Patricia sa mga magulang na aakyat na siya sa kwarto niya at magpapahinga.“Honey, do you like some mil
“Max!”Pilit na hinahabol ni Patricia si Max nang makalabas na ito ng classroom at binaybay na ang hallway palayo doon. Hindi niya naiintindihan ang inaasal nito and she wanna know what’s wrong? Hindi siya nilingon ng binata. Basta lamang tila wala itong pakialam na hinahabol niya ito. Alam na niyang pauwi na ito at hindi niya ito tatantanan hangga’t hindi ito nakikipag-usap sa kanya. Gusto niyang malaman kung anong laro itong ginagawa nito sa kanya?Nang madaanan niya ang parking space kung saan malapit sa school ground ay yumuko siya para walang makapuna sa kanya lalo na ang driver niya na natanaw niya agad sa tabi ng kanilang Chevrolet cruze. Personal car niya iyon na niregalo sa kanya ng daddy niya noong huling birthday niya at dahil hindi naman siya payagang magmaneho,
Dumating na ang tren na sasakyan niya. Sa mahigit limampung minuto niyang pagkakatayo doon sa wakas siya’y makakasakay na. Ngunit hindi niya mapigilang makaramdam ng pagod nang dumating ang tren at ang mga kapwa niya pasahero ay nagkanya kanya na ng landas papasok sa loob. Ang tila alon ng mga tao ay para siyang isang bagay na inanod lamang ng mga ito. Sa kanyang paningin ay hindi niya makita kung saan direksyon siya susunod. Lahat nagmamadali. Lahat ayaw maiwan. Bakit? Sino nga ba ang may nais maiwan? O sino nga ba ang gustong maranasang maiwan? Ang kanyang mga mata ay pilit hinahagilap sa paningin ang entrada ng tren. Ngunit mukhang aalis na iyon nang hindi siya nakakasakay. Lumuwag nang bahagya ang alon ng tao hanggang sa naramdaman niya ang kamay na humawak sa p
Naunang bumaba ng taxi si Max bago niya pinagbuksan si Pat. Pat smiled at him when he held her hand at alalayang makababa ng taxi. “Salamat,” ani ni Pat nang makababa siya. “Salamat din sa pagpayag na sumama ka sa akin.” Nakapasok sa bulsa ni Max ang isa nitong kamay habang nakahawak sa strap ng back pack nito ang isa naman. Pat didn’t noticed the time. Inaya siya ni Max sa isang kainan sa Marikina malapit lamang sa katipunan. Crave park, that resto have so much variety of foods na unang beses lamang natikman ni Pat. From street foods to local dishes. At saka niya naisip na iyon pala ang mga na-missed niya sa buhay. Na mga hindi niya nasubukan.
Patricia look around the Sunken Garden. One of the famous landmark inside their university. Nakausap niya kaninang umaga si Max at sinabi niya na kung maaari ay magkita sila. She choose that place dahil alam niyang walang gaanong makakapuna sa kanila sa lugar na iyon. It’s behind the university library at napapalibutan ang five hectares shady area na iyon ng mga acacia trees. Umupo siya sa isang bench na naroon sa tabi ng isang puno ng acacia. Pasado ala-una na ng hapon. Dalawang subject na lang at matatapos na ang klase niya. Wala siyang humanities sa araw na iyon kaya walang tsansa na magkita sila ng binata sa loob ng classroom. Pinagdikit niya ang mga hita at saka ipinatong doon ang parehong palad. Tinanaw-tanaw niya sa paligid si Max ngunit hindi pa niya makita ang binata. She also check her phone pero wala na itong message sa kanya.  
Matuling lumipas ang mga araw. But Patricia didn’t notice that. Nasa bahay siya buong araw kahapon at ngayon. Finals na nila kaya kailangan niya ng puspusang pagre-review. But it’s like everything made so simple and special for everyday. Araw-araw ay nagkikita sila ni Max sa private space nilang dalawa, they called the place—Aurora. Hindi dahil kapangalan iyon ng kanyang namayapang abuela but because the place is so special to them. Aurora is Spanish word means, dawn. And to that spot, you can see the first appearance of the light in the sky before the sunrise. Minsan nilang napansin ni Max iyon nang magkaroon ng overnight program sa university. They actually don’t n
Lumabas si Patricia sa loob ng sasakyan at sinabi sa driver na hintayin na lamang siya at ‘wag na siyang samahan sa loob. Ang paalam niya sa parents niya ay magkikita sila ni Siri para sabay na bumili ng libro na gagamitin nila para sa isang research project nila. “Naku Ma’am Patricia sigurado ho ako na ako naman ang papagalitan ng Daddy niyo kapag nalaman niya na hindi ko kayo sinamahan hanggang sa loob.” Kakamot kamot na sabi ni Manong Oscar.Nginitian niya ang matandang lalaki. Manong Oscar is their family driver since she was a kid. Malaki ang tiwala ng mga magulang niya dito kaya hinahayaan ng mga iyon an si Manong Oscar ang magmaneho para sa kanya. “Manong, dito ka na lang please. Mapapagod ka lang sa loob at saka sandali lang naman kami ni Siri. Hindi rin