Share

Chapter 19

I TOOK a sigh of relief. Tulog na raw si Jass at ngayon nga'y nakalagpas na ako ng kaniyang silid. Hindi ko na binuksan ang ilaw at dere-deretso lang akong naglakad patungong kuwarto. Tutal, saulado ko na naman ang mga pasikot-sikot doon.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ng aking silid ay agad ko iyong binuksan. Kinapa ko ang switch ng ilaw. Ngunit muntik na akong mapasigaw nang tumambad sa akin si Jass na prenteng nakahiga sa kama ko. Masama ang tinging ipinupukol niya sa akin.

"Buti naman naisipan mo pang umuwi," malamig ang tono niya na halos magpanginig sa buong kalamnan ko. Hindi pasigaw ang pagkakasabi niya ngunit ramdam ko ang galit niya. Hinihintay niya ba ako? Bakit?

"N-Nag-OT ako. K-Kita mo naman kanina, ako ang in-charge sa buong araw." Sinikap kong huwag kabahan pero hindi pa rin talaga nakaligtas ang panginginig ng boses ko.

"Siguraduhin mo lang na wala na akong mahuhuli sa akto."

Napakislot ako dahil sa sinabi niya. 'Wala na..' so ibig sabihin... nakita niya talaga kami
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status