Share

Kabanata 2: Beauty

"Hoy Ash, kanina ka pa tulala riyan. Kanina pa ako talak nang talak dito 'di ka naman nakikinig. Iniisip mo pa rin ba yung kahapon?" Napalingon ako kay Gizelle na malungkot na nakitingin sa akin.

"Of course not, I'm not just really in the mood to talk." I lied.

Napangiwi siya dahil sa naging sagot ko. Well, I'm not talking because I'm not in the mood to do so. Ewan ko ba. Simula nang nangyari kahapon nawalan na ako ng gana.

"Buti pa bumalik na tayo patapos na rin ang break natin." aya ni Gizelle.

Tinapon lang namin ang plastics ng mga pagkain namin at saka kami dumeretso sa organisasyon. Bawat linggo may mga donations na dumarating sa organisasyon at bawat linggo rin namin itong hinahanda bago ipamigay.

"Gizelle, pabilang naman nitong mga canned foods para mahati na natin kung ilang canned foods ang ibibigay sa bawat isa." ani Joy, isa sa mga kasama naming volunteers.

Gizelle frowned because of Joy's order. Ewan ko ba rito kay Gizelle. Pagkapasok ko pa lang rito ay hindi na talaga maganda ang loob niya kay Joy. I didn't ask her about it because I don't want to gossip. Pero tama nga talaga ang sabi nila, time is the best truth teller.

"Kung makapag-utos akala mo naman siya ang bumuo nitong organisasyon eh parehas lang naman kaming volunteers dito." I heard Gizelle's whispers.

Napailing na lamang ako sa sinabi ng kaibigan. Sa tinagal-tagal ko rito, alam ko na ang mga bagay na kadalasang ginagawa at sinasabi niya kapag hindi niya gusto ang isang tao. Well, specifically it's Joy.

Hindi ko na lamang ito binigyan pa nang pansin at inumpisahan ko na lamang bilangin ang mga delata. Nasilayan ko sa gilid ng aking mga mata ang aking kaibigan na nagbilang na lamang din. Alam niya rin namang hindi siya makaka-palag kay Joy eh.

Pagkatapos naming mabilang ang mga delatang ipamimigay ay sinimulan na rin namang lagyan nito ang bawat bag. Ito na lamang ang kulang sapagkat na lagyan na namin ng iba pang mga pagkain at iba pang mga necessity things ang kanilang mga bags.

After distributing the canned foods in each bag, we put them in a safe and secluded area and we made sure that it is safe.

Bukas ng hapon namin balak ipamahagi ang mga ito. Atlas ordered us this so that we will have time tomorrow to go to Church.

"Hay, sa wakas natapos din." Malakas na bumuntong hininga si Gizelle at palihim na inismiran si Joy.

Inaya ko na siyang umalis pagkatapos magpaalam bago pa may masabi na naman itong babaeng 'to.

"Naiinis na talaga ako sa Joy na 'yon, huh. Ano'ng akala niya sa'kin utusan? Kung makapag-utos akala mo kung sino eh parehas lang naman kaming..." Natigil siya sa litanya niya nang tumigil ako sa paglalakad at umupo sa bench ng waiting shed.

"Bakit ka ba talaga naiinis kay Joy? Dahil ba talaga sa inuutusan ka niya o may iba pang dahilan?" Inirapan niya ako nang mahuli ko ang totoong rason kung bakit siya naiinis kay Joy.

"Ah basta naiinis ako sa kanya. Magsama silang dalawa ni Atlas." She then sat after me.

I looked at her then wondered why she's acting this way? Kanina kay Joy lang siya naiinis ah? Ba't ngayon pati kay Atlas na?

Nang nakita niya ang malapusa kong tingin ay nag-iwas siya ng tingin na parang guilty. Well I have a feeling that she really is.

I watched Gizelle as she rides the tricycle. Iisa lang kasi ang natitirang pwedeng upuan kaya nagpa-ubaya na lamang ako na siya na lamang ang sumakay. Tutal mas malayo naman ang sa kanila at mas delikado pa kapag gabi.

"Sigurado ka ba talaga?" tanong niya na agad ko namang sinuklian ng tango at ngiti. "Oh sige basta tawagan mo ako 'pag naka-uwi ka na ah?"

I said yes to her para makauwi na siya. Now, I'm all alone in this waiting shed. Tiningnan ko ang madilim na kalangitan.

It seems like the sky won't be in my side right now, huh? At hindi nga ako nagkamali dahil hindi pa man nagtagal ay bumuhos na ang malakas na ulan. Buti na lamang at medyo malaki ang waiting shed rito kaya naman hindi ako nababasa.

Patuloy ang pagtingin ko sa daan upang pumara ng tricycle na sasakyan ko ngunit tila mahirap ata'ng makahanap ngayon. Gumagabi na rin. I opened my phone and checked the time. It's already 5:57.

Dumarami na rin ang mga lamok ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang maari kong sakyan. Kung may dumaan mang tricycle ay puno na ang laman ng mga ito.

Bumalik na lamang ako sa upuan ko habang naghihintay na may dumaang tricycle nang biglang may isang kotseng huminto sa gilid ng waiting shed.

Hindi ko ito pinansin at baka may hihintayin lang. Lumipas ang sampong minuto pero wala pa ring tricycle akong napapara. Huminto na rin ang ulan pero andito pa rin ako ngayon sa waiting shed at naghihintay.

Napalingon ako sa kotseng nakaparada ng bigla itong bumukas. Shocked filled my system when I saw who it was. Kinurap ko ang mga mata ko at tumikhim para maibalik ang dati kong postura.

Tumayo ako nang makalapit siya. He raised a brow at me then smirked.

"Do you need a ride?" hindi pa rin niya inaalis ang pilyong ngisi sa mukha niya. I know this very well.

Tiningnan ko ulit ang paligid na padilim na. Wala na akong choice kaya naman pumayag na ako. Kaysa naman maghintay ako rito nang matagal eh parang wala naman nang available tricycle ang dadaan dito.

"Pwede po ba, Sir? Wala na po kasi akong mahanap na tricycle kaya kung hindi makaka-abala ay tatanggapin ko na po ang alok niyo."

Nawala bigla ang ngisi sa mukha niya na kanina lamang ay suot suot niya pa. Inaasahan ko nang tatanggi siya at sasabihing nagbibiro lamang siya dahil agad siyang tumalikod ngunit upang buksan lang naman pala ang pintuan sa kabila.

Kanina pa kami walang imik dito habang tinatahak namin ang daan patungo sa bahay na tinitirahan ko.

"Ganito ka ba laging ka-late umuwi? Today is Saturday and you don't have class. Where have you been?" napalingon ako sa gulat nang bigla siyang magtanong.

Tumingin siya sa akin nang siguro ay maramdaman ang gulat ko. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili bago sumagot.

"Uhm, hindi naman po araw-araw. Ngayon lang po at walang masiyadong masakyan. May organisasyon po kasi akong pinapasukan kung saan isa ako sa mga volunteers." Tipid akong ngumiti sa kanya.

Nakita kong humigpit ang hawak niya sa manibela at umigting ang kanyang panga na parang pinipigilan ang sariling magtanong pa. Lumipas ang ilang minuto at hindi na ulit siya nagsalita kaya ako na ang nagtanong.

"Kayo po, Sir? Ano po palang ginagawa niyo roon? Ang akala ko po may hihintayin kayo kaya kayo tumigil doon."

"Stop calling me Sir. I am not your Professor anymore. I was just a substitute. And to answer your question, meron nga...but it's not your fault, huh. She texted me that she doesn't need a ride anymore." Nahalata niya sa mukha ko na na-guilty ako. Pakiramdam ko kasi ako ang dahian kung bakit hindi niya nahintay ang dapat niyang hihintayin. "I said stop thinking about it because it's not you fault." nahimigan ko ang kaunting iritasyon sa boses niya.

Ang sungit naman. Bawal bang ma-guilty? Hindi na lamang ako nagsalita para iwas problema. After minutes of driving, we've finally arrived to my home.

Tiningnan ko si Sir Jake at nginitian. " Thank you for the ride, Sir."

"I said stop calling me Sir. Call me Jake." Ngayon ay madilim na siyang nakatingin sa akin.

Yumuko ako. "I'm sorry, J-Jake." I hesitated at first because I used calling him 'Sir'."

Tinanguan niya lamang ako at akmang bubuksan ko na ang pintuan nang bigla siya magsalita. Napalingon ako sa kanya nang may i-abot siya sa aking isang invitation.

"On Friday night 8:00 pm. It'll start your job on me. Susunduin kita." ani Sir Jake sabay iwas ng tingin sa akin.

I accepted the invitation letter then went out from his car. Pumasok na ako sa loob ng bahay ko ng biglang may pumasok sa isip ko. Paano niya nalamang dito ako nakatira?

Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay nandito kami sa mall para maghanap ng damit at maskara na gagamitin ko. It's a masquerade party so I need a mask to cover up my face.

Kanina pa kami hanap nang hanap ni Gizelle sa iba't-ibang lugar pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming mapili. Noong una ay ayaw pa ngang sumama nitong babaeng 'to.

Kung hindi ko pa sinabing libre ko ang pamasahe at pagkain ay baka hanggang ngayon ay pinipilit ko pa siyang samahan ako.

"Ash, mauuna pa atang bumagsak ang buwan kaysa makahanap tayo nang susuotin mo." Ani Gizelle habang kinakamot-kamot ang kanyang ulo.

An hour has already passed and still...there's no dress that fits at me and our tastes. Nang mapansin kong oras na para mag-lunch, inaya ko na si Gizelle na kumain sa malapit na karenderya.

I ordered four cups of rice and three different dishes. I also ordered drinks for us because I know how tiring the things we did.

"Uunahin na kita, Ash ah. Kanina pa kasi talaga ako gutom na gutom eh." Saad ni Gizelle pagkatapos maihain ang pagkaing inorder ko.

Ngumisi lamang ako sa kanya pagkatapos ay kumain na rin.

We were in the middle of finishing our foods when my phone rang. I looked at whoever's calling me and it is Jake.

Mabilis kong kinuha ang phone ko at nagpaalam kay Gizelle na sasagutin muna ang tawag dahil importante ito. Jake initiated to put his number on my contact list. Hindi ko alam kung para saan pa ngunit ngayon...I think his idea was great.

"Hello Ash." sagot nang nasa kabilang linya."My bodyguard called me and says you're not in your house?" napakunot ang ulo ko sa tanong niya. Ba't niya ako pinapasundan sa bodyguard niya?

"A-Ah andito kami ngayon naghahanap ng damit na susuotin ko sa party niyo. Pero wala pa po kasi kaming nahahanap kaya hanggang ngayon andito pa rin-" I was cut off by him.

"No. Hindi mo na kailangang maghanap. I already sent your dress for friday. Don't worry because it suits you too well." He then put down the phone.

Ayon naman pala. Kaya naman pala nalaman na wala ako sa bahay.

"Huh? Uuwi na? Wala pa tayong nahahanap ah?" Takang tanong sa akin ni Gizelle nang ayain ko siyang uuwi na.

I told her that I already got my dress delivered on my house. May lito at pagtataka pa rin sa paningin niya ngunit kalaunan ay pumayag na lang din siya.

At kagaya nga ng sinabi ni Jake. Mayroon na nga rito ang susuotin ko. Different accessories were also included. Makikita mong mamahalain talaga ang mga materyales na ginamit sa dress na ito.

The dress looked like a gown. It's simple but elegant. Its beauty can be seen by just looking at it once. I never imagined myself wearing this kind of clothes. Dahil ang para lang sa akin ay ang mga damit na nabibili sa ukay. Because those clothes were just the clothes I can afford to buy.

Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay nag-aayos na ako para sa mukha ko. Light make-up lang ang nilagay ko dahil hindi ako masiyadong mahilig sa makapal. Pagkatapos kong malagyan ng make-up ang mukha ko ay sinunod ko nang ayusin ang aking buhok.

Tumayo na ako paalis sa harap ng salamin upang isuot ang damit na nakahanda para sa akin. The dress just fit perfectly at me. The color red dress with shining golds in it. The dress just perfectly fit on my fair skin.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nang makatanggap ng mensahe galing kay Jake ay bumaba na ako.

I saw him on his car. Nakasandal siya rito habang nakangangang nakatitig sa akin. Kung hindi ko lang alam ang dahilan kung bakit siya nandito ay maaari kong isiping umaakyat siya nang ligaw.

"Damn you're so beautiful," he said with full of adoration, desire, and hunger in his eyes.

Uminit nang kaunti ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. This is not the first time I got complemented for my beauty but this is the first time I feel pretty because of the compliment that I have received.

"Miss, will you let me guide you in my car?" tanong niya sa akin habang naka-aktong humihingi ng permission sa akin.

Napangisi ako nang kaunti at napa-iling na lamang bago ko tinanggap ang kayang kamay.

"Yes, Jake " I said with a smile on my face.

Inalalayan niya ako papasok sa kanyang sasakyan at nang makapasok ay hinalikan niya ang aking kamay. Nagtagal nang kaunti ang kanyang labi doon bago niya ito tinanggal.

Hindi na siya nagsayang pa ng oras at sumakay na sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan papunta sa venue.

"The dress just fit perfectly at your body and beauty." Puri sa akin ni Jake.

Hindi na ata niya nakayanan ang katahimikan na bumabalot sa loob ng sasakyan niya kaya siya na ang nagsimula nang mapag-uusapan.

I gave him a small smile. "T-Thank you," then my eyes snapped down his suit. "Your suit just perfectly fit on your body and muscles, Jake."

Tinaasan niya ako ng kilay. "I love that dress. But...too bad baka masira lang mamaya." he said meaningfully and I know what he means by that.

Hindi na ako nagulat sa ganito dahil alam ko naman ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito.

He paid me. And I must abide and oblige to every thing he asks me to do. Nasilayan ko ang maraming mga magagarang sasakyan na nakaparada sa harap ng isang malaking bahay. Hula ko ay ito na ang bahay niya.

Pero bago pa kami makarating doon ay hininto niya ang kanyang sasakyan sa isang madilim na parte. He removed his seatbelt then went near me.

"Fuck I can't stop thinking what must it be like to kiss your lips and body." He touched my face then guided me to his lips.

He kissed me with so much pleasure and hungriness. I felt my body being surrounded by heat and I know what it was.

Itinulak ko siya sandali at tinanggal ang aking seatbelt. I then kissed him back with the same intensity he is giving me. We kissed and savored each other's lips like it is our first time to drink water.

Parehas kaming hinihingal nang itigil namin ang paghahalikan. Tumikhim siya at inayos ang sarili bago siya tumingin sa akin na tulala pa rin sa pinagsaluan naming halik kanina.

"Ayusin mo na ang sarili mo. I'll wait for you outside." He then walked out from the car.

Naiwan akong nakatulala doon. Tiningnan ko kung saan siya nagpunta ngunit hindi naman pala siya lumayo. Nilunok ko lahat ng kahihiyan at sakit na nararamdaman ko at inayos ang sarili.

I called him up when I am already done fixing myself. Hindi na ulit ako tumingin sa kanya hanggang makarating sa kanyang bahay. Sinabihan niya akong isuot na ang maskara ko bago ako pagbuksan ng pinto.

Hinawakan niya ako sa kamay bago igiya papasok sa loob ng kanyang bahay.

People treat you better when you are beautiful...because that's what only matters to some of them. Only the beautiful things. And when your beauty starts to fade...those who confessed that they love you...starts to fade too...as the time passes by.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status