Share

Kabanata 5: Girlfriend

Masama ang pakiramdam ko nang lumabas ako sa office ni Mama. Lagi na lang ganito. I promise to myself that when my contract ends, I'm not going to sign for another contract anymore. I'm tired of this shit.

Pumunta ako sa bar table para humingi ng isang shot ng whiskey. "Oh, Ash ngayon na lang kita ulit nakita rito ah?" tanong ni Bryan.

"I'm busy, alam mo namang nag-aaral ako hindi ba?"

Isa siya sa mga naging ka-close ko rito sa bar na'to. He's 23 years old at mas matanda siya sa akin ng dalawang taon.

He smirked at me while getting my order. "Bakit pa ba kailangang mag-aral? Nagsasayang ka lang ng oras mo riyan, Ash." Sabay bigay sa akin ng isang basong whiskey.

"Hindi ito aksaya ng oras dahil para naman 'to sa pangarap ko at para na rin sa pamilya ko." Simple kong sagot sa kanya sabay tungga sa basong hawak ko. Napapikit ako nang yumakap ang mainit na pakiramdam sa aking lalamunan.

Tiningnan ko si Bryan na ipinagpapatuloy ang pagse-serve. I get his point...for him, studying is just a waste of time because he has his own responsibility and priority. For him, he needs to work immediately to provide for his family and to help his parents who are also working non stop.

Naputol ang aking pagtingin kay Bryan nang may umupo sa katabing upuan ko. Ang mabangong amoy ay bumalot sa aking ilong. God it's addicting. Sinulyapan ko kung sino ang umupo and damn...it's Jake!

He's wearing a white longsleeve polo that's tucked inside his black pants. Ang kanyang buhok ay magulo pero parang walang pinagbago sa kanyang itsura. Mas bumagay pa nga ang magulong buhok sa kanyang itsura. Kahit ano naman ata ang ayos niya gwapo pa rin siya.

"Do you enjoy watching me?" nagulat ako nang biglang itanong niya sa akin iyon. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa akin.

Iniwas ko ang aking mukha dahil sa pag-iinit nito. Fuck! I'm sure I'm blushing right now. He saw me...damn.

"N-Napalingon lang..." I answered to hide my embarassment.

He chuckled then he turned his attention all to me. Hindi ako komportable na may nakatingin sa akin fuck! "Oh okay...if that's what you said." Kagat labi niyang saad.

Tumingin ako sa kanya at handa na sana siyang sagutin nang pumunta sa harap niya sa Bryan upang kunin ang order nito. He ordered tequila then his attention is back to me again.

"I am not aware that you go to Bar like this, huh?" taas kilay niyang tanong sa akin.

Dapat ba lahat ng bagay na tungkol sa akin ay alam niya?

"Hindi niyo naman po kasi dapat malaman. At saka minsan lang naman ako magpunta hindi naman araw-araw." Sa maliit na boses ay saad ko.

"Oh, that's sad and cruel..." Sabay lagok sa kanyang baso habang hindi pinuputol ang pagtitig sa akin.

Nanlalamig na ang mga kamay ko dahil sa kaba. Kinuha ko ang basong may laman ng alak at nilagok nang isahan.

Fuck, the feeling is so good.

I called Bryan to give me another glass of whiskey which he obliged. Nang maibigay sa akin ay nilagok ko ulit ito nang isahan.

I raised my hand at Bryan and ask him to give me another glass again. Bryan handed it to me. I was about to drink it when Jake held my arms.

"Tss, what are you doing? You've had enough..." Sabay agaw sa akin ng baso na kanina lang ay hawak ko pa.

"Akin na nga 'yan..." At pilit inagaw ang baso sa kanya ngunit hindi niya ito ibinigay at mas inilayo pa sa akin. Nang mapansin niyang hindi ako titigil sa pag-abot at pag-agaw ng baso ay siya na mismo ang lumagok nito.

Fuck! That's my drink and glass!

Napatulala ako sa kanya sa gulat habang siya ay ayon, nakangisi at parang natutuwa pa sa nangyayari ngayon.

"Hmm...ngayon wala na." He mockingly said to me. Lumapit siya sa akin na naging dahilan ng pag-atras ko.

Huminto siya nang mapansin ang pag-atras na ginawa ko.

"Iuuwi na kita." He then tried to hold me but I refused. "Come on, you're already drunk. I promise ihahatid lang kita. I'm not going to enter your house."

Umiling ako sa kanya. "Hindi na po. Kaya ko na naman nang umuwi mag-is-" napahinto ako nang bigla akong nakaramdam nang pagsusuka. Dali-dali kong tinungo ang restroom dito para sumuka.

Narinig ko pa ang pag-sunod at pag-tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.

Nasusuka na talaga ako!

Kinatok ko ang mga pintuang nakasara para malaman kung may tao pero ng wala namang sumagot ay pumasok na ako upang sumuka.

Hawak-hawak ko ang aking tiyan habang sumusuka nang biglang may humawak sa buhok ko at inayos iyon palayo sa mukha ko.

"Fuck, I already told you that you're already drunk and I offer you a drive but you refused...dam girl."

Nang matapos akong sumuka ay ni-flash ko ito at nilinis ang aking mukha.

Hinihingal pa ako habang nakatitig sa mukha kong medyo namumula. Pinalabas ko muna si Jake at naintindihan naman niya agad ang sinabi ko.

Nahihilo pa ako pero pinilit kong magmukhang maayos nang lumabas ako. Napakunot ang aking noo nang wala akong Jake na nadatnan sa labas. He said he'll wait for me?

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid kahit na nahihilo pa ako pero wala talaga akong Jake na makita. Nang hindi ko talaga siya makita ay tinahak ko na ang daan palabas.

"Are you dumb? Hindi mo ba nakikitang sumasayaw ako rito 'tapos bubungguin mo kami? Bobo ka ba?", Sigaw sa akin ng isang babae matapos ko siyang mabunggo. I already apologize to her but still, she's not listening.

"Miss, I'm sorry. I j-just didn't see you..."

"Eh pake ko kung hindi mo ako nakita! Tatanga tanga ka kasi!" Inaawat na siya ng mga kasama niya pero ayaw pa ring tumigil ng babae.

Hindi ko naman alam kung ano ba dapat ang gawin ko. I already apologized to her. I already said sorry to her. Pero hindi niya naman ako pinakikinggan.

Nang magsawa ay tumalikod na ako sa kanya pero hindi pa ako nakalalayo ay hinatak na niya ang aking braso at pinaharap sa kanya.

Aba! Nakakainis na 'to ah? Sinabi ko na nga na sorry eh pero ba't ayaw pa ring makinig? Hindi ba 'to marunong tumanggap ng pagpapatawad?

"Huwag mo akong tinatalikuran! Kinakausap pa kita hindi 'ba?!" patuloy ang pagsigaw niya sa akin. Nagsisimula na rin naming makuha ang atensiyon ng ibang tao.

Eskandalosang babae 'to ah?

"Miss, pwede ba? Sinabi ko na nga na "I'm sorry" hindi ba? Ba't ba ayaw mo pa ring tumigil? Ikaw 'ata ang bobo rito eh..." at nang hindi na ako nakapagtimpi ay ayan ang sa kanya.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at napasinghap naman ang mga kasama niyang pumipigil sa kanya kanina pa.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Hindi lang pala 'to bobo eh? Bingi rin?

Ngumiti ako sa kanya nang matamis at lumapit. "Ang sabi ko...napaka-ganda mo pero hindi ka marunong umintindi eh kaya...sayang--" natigil ako nang sampalin niya ako.

Fuck! Kahit kailan hindi ako pinagbuhatan ng kamay ng mga magulang ko! At siya? Na wala namang ambag sa buhay ko ang sasampal sa akin?

Tiningnan ko siya nang masama habang hawak-hawak ang pisnging sinampal niya. Ngumiti siya sa akin at bumulong. "Oh edi tumahimik ka." She smirked then turned her back at me.

Akala niya ba papatalo ako? Hindi naman pwedeng hindi ako lumaban pabalik. Hindi niya pa ako kilala. Hindi niya pa alam ang mga kaya kong gawin. Hinablot ko ang braso niya at sinampal siya nang magkabilaan.

Halata ang gulat sa mukha ng mga kasama niya. Ano ka ngayon? "H-how dare you slap me?!"

I mocked her and made a face. Natigil lamang ako nang may brasong bumalot sa bewang ko at inilayo ako nang kaunti.

"I'm sorry miss. My girlfriend is just drunk that's why." Malambing na saad ni Jake sa babae sabay ngiti nang matamis.

Girlfriend? Kailan pa? Hindi naman ako na-inform na girlfriend niya na pala ako? Sana manlang sinabi niya para naman nakapaghanda ako. At saan ba siya nagpunta?

Napa-ismid na lang ako nang makita ko kung paano namula ang babaeng iyon. "Ahh, no no. It's okay. I know naman and I understand," ani ng babae. "By the way, I am Kaye Tolentino." Pagpapakilala niya.

Aba ang kapal ng mukha! Kani-kanina lang kung sumigaw siya ay parang wala nang bukas 'tapos may humarap lang na gwapo sa kanya para na siyang isang maamong tigre? Napaka-plastic!

"Huh, plastic.." bulong bulong ko na mukhang narinig naman niya kaya tumalim ulit ang tingin niya sa akin.

See? That's her true color.

"Nice to meet you, Kaye. I wanted to stay longer but my girlfriend is already tired so...we are going now."

Hindi ko na hinintay pa ang mga sumunod na sinabi niya at nauna na akong lumabas. Gusto niya pa palang magtagal doon edi magtagal siya! Wala namang pumipigil sa kanya.

At kung ano-ano pa ang mga sinasabi! Girlfriend daw? Huh, bwisit siya. Bahala silang dalawa roon magsama sila.

Nakasimangot akong pumara ng tricycle at sasakay na sana nang may jacket na pumatong sa balikat ko at pinigil ang pagpasok ko.

"Manong wala po kayong pasahero rito. Paumanhin po." Wow. This is the first time he talks through straight filipino. But well...

Aalis na sana si manong driver nang tawagin ko ulit siya. " Manong sandali lang po! Ako po pasahero niyo. Sasakay po ako."

"I already said no. You're going to ride my car and that's final."

"Sino naman nagsabi sayong pumapayag ako? At saka ayaw kong sumakay sa sasakyan mo."

"Oh yeah? Why? Do you prefer to ride the rider than the car?" Nang-aasar niyang saad.

Dahil sa sinabi niya ay namula ang aking mukha. Ano bang pinagsasabi niya? Nababaliw na ba siya?

"Ah basta sasakay ako-"

"No, you're not."

"Of course, I am. Katawan ko 'to, sarili ko 'to kaya desisyon ko rin--"

"Sasakay ba kayo o hindi?! Kung may problema kayo 'wag kayong mandamay nang ibang tao! Nakaka-apekto kayo ng ibang tao eh!" At umalis na.

Dahil sa sinabi ni manong ay nahiya tuloy ako. He's right, this kind of attitude isn't good. At all.

"Let's go." At nauna nang pumunta sa sasakyan niya.

Huminga ako nang malalim at wala nang nagawa kundi sumunod. Nang makasakay kami ay walang umiimik hanggang sa hilain ako ng antok. Ngunit bago ako makatulog ay may naramdaman akong humalik sa ulo ko at may binulong na kung ano.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status