Share

Chapter 03

"How are the two of you so far?" her father asked. They were in his office to talk about their company's merger with Maverick's mom's company.

"We're fine, Dad," she answered, shrugging. Gusto pa sana niyang idugtong na tulog lamang s'ya buong magdamag ng kanilang unang gabi, but of course, she won't tell that!

"I'm glad to hear that, hija. I was afraid that you'll change your mind once you live under one roof with my son," Maverick's mom said.

"Oh, no po, Ma'am. That is never going to happen," she answered. "We're doing just fine po. Medyo nag a-adjust palang po, but that will never be a problem, right, honey?" she answered, turning to Maverick who's sitting beside her.

Nagtaas naman ito ng kilay sa kanya na agad niyang pinandilatan para makuha ang gusto niyang sabihin.

"Of course, Mom. You don't have to worry, okay? We're fine," he answered, smiling at his mother.

"That's good. And hija, please stop calling me ma'am, you should get used of calling me mommy or mom. Anak na rin kita simula nang ikasal kayo nitong anak ko," sabi naman ng biyenan n'ya.

And for a mommy, she felt warm in her heart. Finally, after twenty five years, she will have someone she can call her mom.

"Sige po, Mommy," she answered, alangan pa kung paano babanggitin ang huling salita.

"Sana ay mabigyan na agad tayo ng dalawang ito ng apo. Excited na akong magkaroon ng bata sa bahay.." her father said. Ngiting-ngiti pa ito. "Itong si Emilia pa kasi ang una at huling batang nahawakan ko."

Hindi naman n'ya alam kung matutuwa ba siya o ano pero mas pinili na lamang niyang ngumiti.

"We'll get there soon po," she answered, smiling awkwardly. At nang lingunin naman n'ya si Maverick ay nag taas lamang ito ng kilay sa kanya, hindi n'ya tuloy maiwasan ang irapan ito.

"I won't be around for five days," she told Sandro. Agad namang umarko ang kilay nito.

Pagkatapos ng meeting nila kasama ang mga magulang ni Maverick ay sa opisina nito agad siya dumiretso. Sandro is working as the planning manager in their company.

"At bakit na naman?" tanong nito.

"Honeymoon, Sands. Sa Palawan," she answered.

Nanlaki naman ang mga mata nito pagkatapos ay ngumiti na parang aso. Siguradong hihirit na naman ito nang pang-aasar.

Inirapan naman n'ya agad ito. "I know what you are thinking and I'm telling you already that we won't do it," sabi naman n'ya agad.

"Eh, paano kung mag hanap ng ganun ang husband mo? Hindi naman siya santo para magtiis nang wala ganun at sa itsura pa lang n'ya alam na agad na siya yung tipo ng lalaki na marami nang karanasan sa ganun," tanong pa ni Sandro.

Humalukipkip naman siya at tinaasan ito ng kilay. "Problema ko pa ba 'yun? He can fuck whoever he wants, basta siguraduhin n'ya lang na hindi ako mapapahiya sa mga gagawin n'ya," sagot naman n'ya.

"Sure ka ba dyan, girl? Hahayaan mo lang talagang kumeme ng iba ang asawa mo?" naninigurado na tanong naman ni Sandro.

"I'm so certain, Sands. And it also came to him that this marriage will only be on papers. So why would I react to his rendezvous?" she asked.

Sandro shrugged. "Ewan ko sa inyong dalawa. Nag sasayang kayo ng lahi, Diyos ko!" sabi nito.

Umirap naman siya. "Oh, Edi ikaw ang mag pa-buntis sa lalaking iyon," sagot niya naman dito.

"Gaga ka! Kung pwede lang, 'diba? Hindi mo na ako kailangan pilitin, mag v-volunteer pa ako," sagot din naman ito at mas lalo lamang siyang napairap.

Hindi kasama sa plano niya ang pagkakaroon ng anak kay Maverick. Dahilan niya, ayaw niyang maranasan ng anak niya ang lahat ng naranasan niya. Ayaw niyang pati ang anak niya, na manggagaling sa pagsasamang hindi naman ginusto, ay mamalimos lang din ng pagmamahal sa ama nito. Tama nang siya na lang, ayaw niya nang mang damay pa ng batang wala namang muang.

Hindi naman na siya umimik pa at hinayaan na lamang ang kaibigan sa kakasalita. She still has some other things to worry about and one of those was their honeymoon. They were set to leave to Palawan for their five days honeymoon. Ayaw n'ya sanang umalis at mas gustong magtrabaho na lamang sa limang araw na iyon ngunit syempre, wala siyang magagawa dahil kasama iyon sa plano ng kanilang mga magulang.

Gabi na nang makauwi siya, na mali pa siya dahil sa bahay ng tatay niya siya uuwi, buti na lamang at natauhan siya nang nasa gate na siya ng kanilang subdivision. Pagdating naman sa bahay ni Maverick ay nagulat siya nang maabutan ang ilang kaibigan nito roon, iyong mga kasama nito sa lamesa noong kasal nila.

"Uy, nandito na pala si Mrs. De Chavez!" someone announced. Ngumiti naman siya nang lingunin siya nang lahat at batiin.

"Hello, good evening," bati n'ya sa mga ito, walo silang lahat, limang lalaki at tatlong babae. Halos napatalon naman siya nang maramdaman na may humaplos sa kanyang baywang at nang lingunin n'ya ito ay nakasalubong niya agad ang malamig na tingin ni Maverick sa kanya.

"I didn't know they would be here. They suddenly showed up at our door," sabi nito sa kanya.

She sighed and shook her head, taking a step to her side causing Maverick's hold on her to lose. "It's fine, don't worry," she said with a small smile on her lips, making her eyes go slanted.

Ano ba naman kasi ang pake n'ya kung dalawin ito ng mga kaibigan n'ya? As if naman kokontra s'ya, 'di ba?

"Magbibihis lang ako," paalam n'ya pa kay Maverick bago siya lumingon sa mga kasama nito. "Enjoy the night, just ask us if you need anything," she told his friends.

"Ayun, buti pa si Mrs. generous, pero itong si Maverick, napaka-kuripot," someone said and she just laughed at that.

Pumasok naman na siya sa kanilang kwarto at nagdiretso sa kanilang walk-in closet. She was already stripping off when the door opened and from there entered Maverick.

"Oh, gosh! Don't you know how to knock?!" sigaw n'ya rito. Nahubad na n'ya ang suot na palda at isang butones na lang ang natitirang nakasara sa suot niyang long sleeves.

But Maverick just shrugged and watched her from her head to toe, arching his brow after and looking at her straight in her eyes. "Change fast. I will introduce you to them," he said and turned his back after leaving her alone there.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status