Share

Chapter 02

"It would be a shame not tasting him."

Parang biglang gustong masuka ni Gian ng maalalang pinagnasaan n'ya si Maverick sa mismong seremonya ng kanilang kasal. Kung alam nya lang sana ay hindi n'ya man lang siya tumingin dito.

Ang walang hiya! Hindi naman niya alam na napakahambog naman pala ng mapapangasawa niya! Hanggang ngayon ay nasa isip pa rin niya ang mga sinabi nito sa kanya ng inanunsyo na ng pari na maaari na siyang halikan nito.

"This will only be on papers," sabi nito saka siya hinalikan sa gilit ng kanyang labi.

Ang kapal ng mukha! Para namang gusto niyang makasal siya rito. Huh! Pasalamat ito at kaharap nila pari at kanilang mga bisita ng mga oras na iyon dahil kung hindi ay susupalpalin n'ya ito iyong oras din na iyon.

"Oh, bakit nakasimangot?" Sandro asked, nasa upuan siya na nakalaan sa kanilang dalawa ni Maverick habang ang magaling niyang asawa ay naroon sa lamesa ng mga kaibigan nito, naglalasing.

"Nagsisisi na ako, Sands," ani n'ya.

"At bakit na naman. Kakatapos lang ng seremonya ng kasal mo at ganyan ka kaagad?"

"Girl, ang hambog n'ya! Nanggigigil ako sa kanya ngayon pa lang," sagot n'ya.

"Paanong gigil, girl?" asar naman ng kaibigan sa kanya.

"Sands, I'm dead serious. Oo, nung una ay natutuwa ako dahil kahit hindi ko gusto ang makasal sa taong hindi ko naman mahal, at least, ganyan siya, yummy. Pero hindi ko naman inakala na ganyan siya. Gwapo nga, nakapa-hambog at suplado naman," sabi n'ya naman at ikinuwento ang sinabi nito sa kanya sa simbahan at ang kagaspangan ng ugali nito habang nasa byahe sila papunta sa reception.

He didn't even help her with her gown when she's getting in the bridal car. Nakatayo lamang ito sa likod nya, inaantay na makapasok na siya.

"Para namang hindi ka m*****a rin, ano?" sagot naman nito sa kanya. "Alam mo girl, huwag mo nang pansinin ang ugali niyang asawa mo tutal ay for convenience lang naman ang kasal n'yo. Enjoy mo na lang ang ka-yummy-han niyang hunk mong asawa," sagot naman nito.

Umiling-iling naman agad siya. "No, thanks na lang, Alessandro. Wala na akong gana sa kanya, baka isipin pa niyan ay pinagnanasaan ko siya," sabi naman n'ya.

"Ay, bakit hindi ba?" tanong ulit nito.

Inirapan n'ya naman ito. Malditang bakla! Ang sarap sabunin ng bibig.

"Bastos ng bunganga mo, alam mo ba 'yun?" ani n'ya.

Tinawanan naman siya nito tapos ay itinuro ang grupo nila Maverick sa 'di kalayuan.

"Tignan mo iyong grupo nila, mga pinagpala lahat. Kaibigan niya raw 'yang mga iyan?" tanong nito sa kanya.

Nagkibit-balikat naman siya. "Siguro. Wala naman akong alam sa buhay niyang Maverick na iyon," sagot n'ya.

"Hindi ka pinakilala?" gulat na tanong na naman ng kaibigan nya.

"Tingin mo?" she said, sipping from her wine glass. “Makakausap mo ba ako rito kung dinala ako niyan dun sa mga kaibigan niya?”

"Aww, ka-sad naman. Gusto mo ba tayo na lang ang lumapit doon?" mapang-asar na alok naman nito sa kanya.

Sinamaan niya naman agad ito ng tingin. "Tigilan mo nga ako, Alessandro. Gagamitin mo pa ako sa kalandian mo! Hayaan mo iyang Maverick na iyan, hindi ko ipagsiksikan ang sarili ko sa mundo niya," sagot n'ya.

"Wow! Fierce," komento ng kaibigan. "So, dito ka lang? Inom-inom lang habang nakatanaw sa mga bisita niyo ganun?" tanong pa ulit nito.

Hindi naman siya sumagot at umirap lang dito.

"Ay, girl. Hindi fun 'yan, halika. Doon naman tayo sa mga friends natin, mag saya rin tayo doon," aya ulit nito. Hindi naman na siya umalma at nag patangay na rito.

They went on their friends' table. Konti lang ang imbitado sa mga kaibigan n'ya dahil una, konti lang din naman talaga ang mga kaibigan n'ya at pangalawa, ang step-mother n'ya ang nag ayos ng tungkol sa mga bisita. Buti pa nga at pinayagan siyang mag imbita ng sarili n'ya kahit papaano.

"Congratulations to our bride!" Kara, one of her friends cheered, nag palakpakan naman ang iba pa nilang mga kaibigan at nakibati rin.

"Pakilala mo naman kami sa husband mo, Gi," Brent asked. Inirapan naman n'ya agad ito.

"Ay, tigilan mo ako bakla. Kilala kita, manang-mana ka sa malanding ito," sagot naman n'ya sabay turo sa bestfriend niyang si Sandro.

"Ang damot naman, girl. Papakilala lang naman, hindi naman naming lalasahan," sagot naman ni Kara.

"Tumigil kayo. Parang hindi nyo naman alam ang totoo," sabi naman n'ya.

Apparently, her friends knew about the deal. Tulad ni Alessandro ay gulat din ang mga ito sa una ngunit naunawaan din naman nila sa huli ang sitwasyon n'ya. Kaya imbis na ipilit pa ng mga ito na ipakilala n'ya ang asawa sa kanila ito ay hinayaan na lang ng ito iyon at inaya na lang siyang uminom.

So they drink until they were all drunk. Halos hindi na nga niya naalala ang mga nangyari sa reception. Basta nagising na lamang s'ya kinabukasan na nasa isang kwarto na siya na hindi naman pamilyar sa kanya.

Everything is unfamiliar around her: mula sa kama, kagamitan at mismong kwarto. Napabalikwas tuloy siya ng bangon at kasabay nito ay ang pagbubukas ng isang pinto mula sa kanang bahagi ng silid. And from there, Maverick went out. Nakatapis lamang ito ng tuwalya mula sa baywang nito habang nag pupunas ng buhok gamit ang mas maliit na tuwalya.

Her eyes widened with the realization of the view in front of her. Agad siyang nag iwas ng tingin ng lingunin siya ni Maverick.

Holy abs! Bakit naman ganito ang bubungad sa umaga! She mentally said.

Bigla tuloy siyang na-conscious sa itsura n'ya. Alam naman niyang hindi siya pangit kahit kagigising lang at wala pang hilamos, pero hindi pa rin niya maiwasang maasiwa. Mabilis tuloy siyang tumayo at dumiretso sa banyo. Sa loob ay doon pa lamang niya naramdaman ang sakit ng ulo n'ya.

"Fuck, hangover!" she muttered as she looked at her reflection from the mirror. She was expecting to see herself in a messy state, knowing how wasted she was last night that she was knocked out beyond remembering it, she was surprised to see herself clean.

Not even a single stain of make-up was seen on her face, tingin n'ya pa nga ay nakapag skin care pa siya based sa texture ng balat n'ya.

Shrugging off, she took a shower to ease her headache. Pagkatapos ay lumabas na rin sya, naka-bathrobe lamang siya ng banyo.

"Where are my clothes?" she asked Maverick. Nakabihis na ito at nag susuot na ng relos nang maabutan n'ya.

Itinuro naman nito ang pintong katabi ng banyo. "Walk-in closet," maikling sagot nito tapos ay tinalikuran na siya, it went out of the room.

Inirapan na lamang n'ya ang likod nito bago pumasok ng kanilang walk-in closet.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status