Share

CHAPTER 2: MEETING THE CRUEL MAN

Tanaw na tanaw ni Haven ang magandang dalampasigan sa Batangas, bagama't madilim, pero hindi naging hadlang iyon para hindi niya makita ang mga nag-kislapang mga ilaw ng poste sa pampang na tumatama sa dagat. Maganda ang hotel and resort na pinuntahan nila, malinis at halatang na-maintain ng may-ari ang kalinisan niyon. Tinignan niya ang  ibaba nito at may swimming pool na ten-feet ang taas ayon sa nakasulat sa gilid. Kanina pa siya nagtataka, kung bakit walang masyadong tao sa paligid. Maya't maya narinig niya ang pagbubukas at pagsara ng pinto. Bumalik na marahil ang kanyang ina. 

    "Ma, ang ganda naman dito nakaka-relax,"  aniya habang sinasamyo-samyo pa niya ang hangin mula sa kanyang kinaroroonan. Pero hindi ito nagsalita, kaya minabuti niyang pumasok nalang  sa loob mula sa terasa na kinaroroonan niya. 

    But to her surprise, she saw a man who was only wearing a bathrobe!

    "E-excuse me, I think this is not your room." she said. Although she felt a little nervous in those moments. Unti-unting lumalapit ito sa kanya, and this time she knew there was something wrong!

    "W-Who are you!?" natatakot na tanong niya. Nasaan na ang kanyang ina? Bakot wala ito?

"I'm, Marco Madrigal,” nakangiting tugon nito.

Magandang lalaki ito at matikas ang pangangatawan na bumagay ang tan na kutis nito. Pero hindi iyon ang pinag-uukulan niya ng pansin. 

    "W-what is this all about?" tanong niya Hindi ito sumagot instead he looked at her with his malicious eyes. Unti-unting nagsi-sink in sa utak niya ang mga pangyayari na malaki ang kasiguraduhan na may kinalaman ang kanyang ina dito. 

    No!  She couldn't do this to me! 

    Sinimsim nito ang alak sa kopitang hawak nito at muling ibinaba iyon sa kalapit na mesa.

    "I-I think kailangan ko munang puntahan ang mama ko sa ibaba, so that we can start the meeting right away." sabi niya upang maiwasan ang tensyon na nararamdaman niya at naglakad patungong pintuan, pero bago pa siya makalapit sa pinto hinarangan kaagad siya nito! 

    "Where do you think you are going, huh?" sabi nito at hinawakan siya nang mahigpit sa braso!

    "M-Mr. Madrigal, get off me!" nagpupumiglas na sigaw niya. Pero hindi man lang siya nakawala dito. 

    "Your loving mother exchange you for money, and you're mine now!" sabi nito na nagpatayo ng mga balahibo niya sa katawan. Napatulala siya saglit sa sinabi nito, 

    "No! Hindi 'yan totoo! Mama...Help me!" hingi niya ng saklolo, pero 'nunca kung maririnig pa siya ng ina. 

    He laughed like a devil. "Even if you scream, nobody will going to help you, binili ko ang buong gabi ng hotel na ito at tayong dalawa lang ang nag check-in!" bulyaw nito kasabay niyon ay itinulak siya nito pahiga sa kama! Kinalas nito ang roba nito na nagpapakita sa kanyang mga mata. Kahit kailan hindi pa siya nakakita ng n*******d na lalaki maliban lang sa sanggol at ang mga palabas sa TV. Doon na siya napalahaw ng iyak!

    "Your mother is right, and you're a virgin! You can't even look at my naked body," sabi nito na tumawa pa. Hinawakan nito ang mga kamay niya.

    "Please, maawa ka sakin!" pagmamakaawa niya. She was scared at that moment and she could be rape anytime.

    "Open your eyes darling, and see my nakedness,"

    "Ayoko! Please, Mr. Madrigal! Huwag mong gawin ito!"

    "I said open your eyes!" galit na wika nito.

    "Ayoko!" muling sigaw niya.

    "You don't, huh?" halos pinunit na nito ang suot niyang bestida, her formal dress. Doon na niya minulat ang mga mata!

    "Please, stop!" sigaw niya sa kabila ng iyak, hindi niya halos maisip na magagawa ng kanyang ina ang bagay na 'yon!

    "Susunod ka din naman pala," sabi nitong akma siyang hahalikan, on instinct sinipa niya ang kandungan nito dahilan para mabitawan nito ang mga braso niya at napahiga ito sa kama ng namimilipit sa sakit! Pagkakataon na niya para tumakas, patakbo niyang tinungo ang pintuan, nadismaya siya dahil hindi niya iyon mabuksan!

    "You bitch! Hindi ka makakalabas dito!" sigaw nito sa kabila ng namimilipit ng sakit sa kandungan nito at hindi parin makatayo.

Aligaga siyang makahanap ng butas para makatakas siya sa impyerno na kinaroroonan niya! Nahagip ng mga mata niya ang terrace at tinungo iyon. Takot na takot siya nang makita ang swimming pool sa ibaba, na kung tatalon siya dun na hindi siya masasaktan ay swerte niya!

Sa isip-isip niya mas nakakatakot pa rin ang isang Marco Madrigal, na babuyin ang katawan niya at mas gusto na lamang niyang mamatay na hindi maramdaman ang panglalapastangan nito sa katawan niya!

    "Where are you going! You can't run away from me!" sigaw nito na mukhang naka-recover na sa sakit.

Hindi na siya nagdalawang isip pa tinanggal niya ang suot na sandalyas atsaka tumalon sa swimming pool! Pumailalim ang katawan niya sa ilalim ng tubig na halos ika-upo niya sa tiles, na ikinabuka ng bibig niya dahil sa sakit na wala namang lumabas na salita at bumula lamang iyon ng tubig.

Dali-dali siyang umahon.

    Nagsisigaw si Marco sa itaas at hindi na lamang niya iyon pinansin at nagpatuloy siya sa paglalakad. Tinungo niya ang exit gate, na kung saan sa baybaying dagat ng Batangas ang tatahakin niya!

Lakad-takbo ang ginawa niya kahit masakit pa ang katawan dulot sa nangyari kanina ay hindi niya inintindi 'yon. Mas inintindi niya ang kanyang pagtakas! Ilang kilometro din ang nilakad at tinakbo niya at hindi na niya gaanong tanaw ang resort. 

    Nakakita siya ng ilaw ng sasakyan at alam niya sa bahaging iyon na daanan ng mga sasakyan. Kahit nagkasugat-sugat na ang mga binti niya at paa sa mga halamang nadaraanan niya ay wala na siyang pakialam. Nagbabakasakali siyang maabutan niya ang sasakyang iyon, na maaaring makatulong sa kanya.

Mukhang galing ang sasakyan sa elevated na kalsada sa itaas habang pababa iyon malapit sa kanya. Hilong-hilo na siya nang marating niya ang bandang daraanan ng sasakyan. Anumang oras parang hihimatayin na siya sa sobrang pagod!

    Haharangan niya iyon dahil hindi siya makikita sa dilim na kinaroroonan niya kung hindi siya papagitna. Dahil ang mga nagtataasang puno ang tumatakip sa liwanag ng buwan sa kanyang kinaroroonan. Paparating na ang sasakyan at mabilis siyang pumagitna!

Ngunit tila 'yong driver niyon parang hindi siya nakikita!

    Nag Tuloy-tuloy lang ito kahit pa na iwinagayway na niya ang kanyang mga kamay na magtigil ito.

No! Mamamatay na siya! Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. At isang malakas na pag-preno ng sasakyan ang narinig niya bago siya tuluyang nawalan ng malay!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status