Share

CHAPTER 9: GLIMPSE OF THE PAST

Walang tigil ang walong taong gulang na batang babae sa pag-iyak habang tinatawag ang ina nito. Nakaupo ito sa isang sulok at may hawak itong madungis na pusa at maging ang batang babae ay ganoon din ngunit hindi natatakpan ang magandang mukha nito sa madungis na damit nito. Nasa loob sila ng isang abandonadong warehouse.

"Ssshhh! Huwag kang maingay mahuhuli nila tayo!" sabi ng batang lalaki habang pilit nitong tinatakpan ang bunganga ng batang babae at para matigil ito sa pag-iyak.

Kumalma naman ang batang babae bagama't may luha sa mga mata nito, "Uuwi na tayo?" inosenteng tanong nito.

"I don't know, just calm down will you?" inis na tugon ng batang lalaki na nasa edad trese. Malaking bulas na ito sa edad nito at mukhang papasibol na binata at nakikita ang angking gandang lalaki nito.

"Sabi mo sakin uuwi na tayo," muling umiyak ang batang babae.

"Damn it! Tigilan mo nga ang pag-iyak, It woudn't help you! Gusto mo bang mahuli nila tayo?
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status