Share

Day 2 (part 2)

"Umalis na tayo!" Sigaw ni Yuki dahil nag-umpisa na namang umiyak ang baby na hawak-hawak niya.

"Mauna ka Deiji, sa likod ako." Utos ni Glenn sa dalaga dahil alam niyang maliban sa kanya ay ito ang maasahan niyang pumrotekta sa kasamahan ayon sa nakita niya kagabi.

Wala namang alinlangang tumango si Deiji saka nag-umpisang mag lakad takbo habang nasa likod nito si Yuki habang bitbit pa din ang umiiyak na bata. Nakasunod sa likod ni Yuki ang kambal na magkahawak kamay pa rin.

Nang susunod na si Glenn ay bigla na lamang may zombie'ng tumalon sa kanya mula sa gilid. Mabuti na lamang ay nahawakan nito ang dibdib at panga upang labanan ang pwersa nito papunta sa kanya at maiwasang makagat.

Napahinto naman ang apat dahil dito. Nagbalak si Deiji na tumulong ngunit sinigawan lang siya ni Glenn.

"Takbo na! Susunod ako!" Tanging nasabi na lamang niya dahil ayaw niyang maabutan ang kasamahan ng dahil sa kanya.

Nagdadalawang isip man ang apat ay sinunod na lamang nila si Glenn dahil ayaw nilang maging pabigat dito.

Tumakbo sila ng tumakbo. Sari-saring iyakan at tilian na naman ang kanilang naririnig na inakalang tapos na ang mala impyerno nilang naranasan kagabi lang.

"Deiji!" Sigaw ni Yuki ng biglang may zombie silang makakasalubong.

Tila napansin sila nito dahil sa iyak ng batang kasama nila.

Sa pagiging desperado ni Deiji na makaalis kasama ang mga kaibigan ay malayo pa lamang ang zombie ay tumakbo na siya ng mas mabilis bilang bwelo upang salubungin ang papalapit na zombie.

Pinalagatok niya pa ang mga daliri sa kamao saka pinwesto ang kamay paharap. Nang magkasalubungan ang dalawa ay ipinang salo ni Deiji ang kanyang palad sa leeg nito at isang balikat. Sa lakas ng impact na ginawa ni Deiji ay natumba ang zombie na naging dahilan ng pag gulong nilang dalawa.

Deretsong tumayo naman si Deiji mula sa paggulong saka sinipa ng pagka lakas lakas ang ulo ng zombie habang nakatalikod pa at katatayo lamang. Dahil dito ay na out of balance ang zombie.

Sakto naman ang dating ni Glenn at siya na mismo ang tumapos dito. Paulit-ulit niyang tinapakan ang ulo nito hanggang sa madurog. Grabe naman ang pandidiri ng apat dahil sa ginawa niya.

"Let's go." Kinuha ni Glenn ang bata mula kay Yuki upang makatakbo silang lahat ng mabilis.

"Kailangan nating maghanap ng pagkain. Gutom na gutom na ang bata at iritang-irita na sa diaper niya." Suhestiyon ni Yuki dahil hanggang ngayon ay wala pa ding tigil ang iyak ng baby.

Naisip ni Glenn na kailangan nilang mapatahimik ang bata dahil mapapansin at mapapansin sila ng Zombie.

"Bumalik tayo sa Sitio." Suhestiyon naman ni Deiji.

"Pero diba punong-puno ng zombie do'n?" Angal naman ni Michelle.

"Kahit saan tayo pumunta ay puno ng zombie. Kailangan din natin kumain para magka lakas." Sagot naman ni Deiji.

"Nandiyan na sila." Pahiwatig ni Michael na naging dahilan ng pagtakbo muli nila ng mas mabilis.

Pag-akyat muli nila sa pader ay nakita nilang kakaunti at hiwa-hiwalay na ang zombie. Ito ay maaaring dahil wala na silang makitang makakain sa itaas ng pader hindi katulad kanina. Paniguradong nagkalat na sila sa buong Sitio De Villasarza.

Pinadilaan muli nila ng chocolate ang bata bago bumaba upang tumahimik at hindi gumawa ng anumang ingay.

"Dahan-dahan." Paalala ni Glenn kay Michelle na takot na takot at nagmamadali.

"Tatakbo tayo. They can't run fast like us so we need to run faster as we usually do."

"What the fuck?" Biglang sambit ni Glenn sa suhestiyon ni Deiji.

"What? Why? Do you have any plans?" Tanong naman ng dalaga kay Glenn.

Mahina silang nag-uusap habang nasa ilalim ng plywood na naka slang sa tabi ng pader.

"We need someone to catch their attention." Suhestiyon naman ni Glenn.

"Anong akala mo nasa movie tayo? Paano mo naiisip na makakasurvive ang tatakbo?" Panlalaban naman ni Deiji kay Glenn.

"Kesa naman sa plano mo. Tatakbo tayong lahat sa gitna." Hindi naman nagpatalo si Glenn.

"So, okay lang na may isang isakripisyo. Ganon ba 'yon?" Biglang panggiguilty ni Deiji kay Glenn.

Hindi niya kasi gusto ang magkawatak-watak sila dahil mapoprotektahan nila ang isa't isa kung magkakasama.

"Hindi naman sa ganun." Tanging nasambit na lamang ni Glenn.

Tulala naman ang kasamahan at litong-lito din sa kung ano ang dapat nilang gawin.

"Ahm… Guys. There's a building over there. And It seems to have stairs from the upper floor to the top of the wall." Mahabang paliwanag ni Michael saka turo sa building hindi kalayuan sa pwesto nila.

"Ei bakit pa tayo bumaba?" Inis na tanong naman ni Deiji kay Michael.

"Akala ko kasi maayos kayo mag-isip na dalawa." Mahinang sambit ni Michael.

"Anong sabi mo?" Inambahan ni Deiji si Michael at napailag naman si Michael sa takot sa dalaga.

Inawat naman ni Yuki si Deiji dahil alam naman niya na pagod lamang si Deiji kaya mainit ang ulo nito.

"O baka naman Glenn si Ate Deiji na ang para sayo." Casual na sabi muli ni Michael saka nagtago sa likod ni Yuki.

Hindi naman umimik si Glenn at napatingin na lamang kay Deiji na siyang umirap sa kanya.

Umakyat na lamang ulit sila at nag-umpisang dahan-dahang maglakad sa taas ng pader. Malapad naman ang pader na may halos dalawang dangkal din kaya hindi mahirap ang ginagawa nila.

"Paano ka aakyat?" Tanong ni Yuki kay Glenn na may hawak muli sa bata.

Naisip naman ni Glenn iyon kaya hiningi niya ang jacket na suot-suot ni Michael. Itinali niya ang bata sa kanya gamit ang jacket. Iniikot niya ang jacket sa kanyang batok at iniupo ang bata sa loob ng jacket.

"Hindi mapagkakatiwalaan. Ngunit ang mahalaga may alalay. Umakyat na kayo." Pagpapaliwanag ni Glenn dahil lahat ng kasama ay nakatingin sa kanila ng bata nasa kanya na ngayon.

Pinauna na nila si Michael, kasunod si Michelle. Sumunod naman si Yuki at Glenn at nagpahuli si Deiji upang maalalayan si Glenn sa pag-akyat.

Nang makaakyat si Deiji ay gano'n na lamang ang gulat niya ng may mga kalalakihan ang may hawak ng mga iba't ibang klase ng armas. May kahoy, may patalim, at may bakal. Sa likod ng mga lalaki ay ang mga babae, matatanda, at mga bata na mukhang takot na takot sa kanila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status