Share

Day 3

Pasado alastres na ng alaskwatro ng umaga at tahimik ang buong haligi ng gymnasium. Kanya-kanyang naglatag ang lahat ng mahihigaan at ngayon ay mahihimbing ang kanilang tulog.

Mula sa kanilang malalim na tulog ay nagising si Dave dahil sa sobrang sakit ng ulo at ng kanyang katawan. Hinihingal ito at pakiramdam niya'y tumakbo siya ng napakalayo. Dahan-dahan siyang bumangon at tumayo saka tutumba-tumbang nagpumilit maglakad papunta sa banyo. Alam niya kung ano ang nangyayari sa kanya kaya naman nais niya sanang ikulong ang sarili sa banyo para hindi makasakit ng iba.

Nang makarating sa banyo ay agad siyang pumasok sa isang cubicle at isinarado ang pintuan. Lalong tumindi ang sakit na nararamdaman niya. Ang mga buto niya ay tumutunog at grabe ang sakit na dumadaloy sa bawat parte ng kanyang katawan.

"Mama, naiihi ako." Kinalabit nang kinalabit ng bata ang kanyang ina dahil sa pagsakit ng kanyang pantog.

Bumangon naman ang ina niya saka inalok ang kamay sa anak. Tahimik at maingat nilang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status