Semua Bab Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2): Bab 31 - Bab 40
69 Bab
Chapter 30
PAGKATAPOS ng almusal ay bumiyahe na sila patungong Pampanga. Nasorpresa si Monica dahil kasama rin nila si Duke at Craig. May sariling kotse rin ang mga ito. Mahaba-haba rin ang biyahe kaya nakatulog silang mag-ina sa kotse. Naunang nagising si Kenji at karga na ni Federico. May driver naman sila at bodyguard kaya nasa backseat silang tatlo. Nahihilo pa si Monica at halos hindi maimulat ang mga mata. Pero nang makita ang dagat ay wari nakainom siya ng energy drink. “Wow! May dagat din pala rito?” ignoranteng bulalas niya. “Yeah. And our location was on the beach side. We can swim with Kenji there,” ani Federico. Lalo siyang nasabik. Papasok na sila sa makitid na kalsada at palapit nang palapit sa beach. Katagalan ay wala na siyang nakikitang kabahayan. Sa dulo ng kalsada ay merong mga burol at pakitid pa ang daan. Pero nang makapasok na sila sa malaking gate ay malawak na ang lupain na tabing dagat. Nang makahinto ang kotse ay kaagad bumaba si Monica. Napatakbo na siya sa dagat
Baca selengkapnya
Chapter 31
ALAS-DOSE pasado na naluto lahat ng pagkain. Sa may mahabang lamesa sa terrace sila kumain lahat dahil presko ang hangin at overlooking ang dagat. Nakakagana nga namang kumain dito lalo’t masasarap ang ulam. Himalang nagkakamay na rin kumain si Federico. Puro dry nga naman ang ulam nila at konti lang ang sauce ng steak. Meron naman silang mango shakes at matubig na prutas katulad ng pakwan. Ganado ring kumain si Kenji dahil salitan sila ni Federico sa pagsubo rito ng pagkain. “Ngayon ko lang napansin, lalong gumanda si Monica,” basag ni Craig sa katahimikan. Nagkakamay rin itong kumain, hindi halatang bilyonaryo. “Pinasalon ni Federico si Monica para lalo tayong mainggit, Craig,” sabad naman ni Duke sabay tawa. “Kahit naman hindi magpasalon si Monica, maganda pa rin,” ani Federico. “Eh, bakit mo pinasalon?” si Duke. “I want to see her hidden beauty. Kulang lang sa ayos si Monica kaya minsan hindi napapansin.” “Kung sa bagay. Pinanindigan kasi niya ang pagiging maid. Pero sa lah
Baca selengkapnya
Chapter 32
MAAGANG nakatulog si Monica matapos ang hapunan. Ngunit nagising naman siya ng alas-kuwatro ng madaling araw. Hindi na siya makatulog ulit. Dahandahan siyang kumilos dahil mahimbing ang tulog nina Federico at Kenji sa kan’yang tabi. Dinampot niya ang cellphone sa mesita at napansin na pumasok na ang mga mensahe sa kan’ya ni Terra. Successful na nga ang pagrehestro niya sa numbero ng kaibigan. Gising na rin si Terra at gusto siyang tawagan. Lumabas na siya ng villa at umupo sa duyan. Doon niya sinagot ang tawag ni Terra. “Kumusta na, girl?” tanong niya. Buntonghininga ni Terra ang bumungad sa kan’ya. “Hay! Stress na ako, girl. Mabuti hindi na ulit tumawag sa akin ni Boggy,” ani Terra mula sa kabilang linya. “Ano, nakapagpaalam ka ba nang maayos kay Boggy?” “Noong huling punta ko sa headquarters, nakiusap ako na ipasa na sa ibang agent ang trabaho na ibibigay sana sa akin. Kinuha ko na ang huling sahod ko at nagpaalam na hindi na tatanggap ng misyon. Kaso binalaan ako ni Boggy.”
Baca selengkapnya
Chapter 33
KAHIT may konting nerbiyos, hindi ito alintana dahil nilamon ng walang kawangis na saya ang puso ni Monica. Hindi niya akalain na mararanasan niya ang ang ganoong saya. Sa tuwing hawak ni Federico ang kan’yang kamay, napapawi ang takot niya, nabu-boost ang kan’yang confidence. Ang husay rin nitong magturo ng surfing, walang pressure kaya mabilis siyang nakasunod.Halos isang oras din silang nagpakuyod sa speedboat lulan ng surfboard. Tila ayaw na niyang umahon mula sa dagat kung hindi lang nanuyo ang kan’yang lalamunan dahil sa matinding pagkauhaw. Tumataas na rin ang araw kaya nakapapaso na ang init nito sa balat.“Mamayang hapon ulit, Monica. Mas malalaki ang alon, mas masarap mag-surfing. Baka masunog na tayo sa sikat ng araw. Let’s take some rest, ” ani Federico.“Sige, mamaya ulit.” Inipit niya sa kilikili ang surfboard at sumabay kay Federico sa paglalakad.Kumislot siya nang hawakan nito ang kaniyang kamay. Hindi pa rin siya nasasanay sa mga kilos in Federico, lalo na ang pabig
Baca selengkapnya
Chapter 34
HINDI mapakali si Monica dahil sa presensiya ni Mattia. Inuusig pa rin siya ng tingin nito. Nawala ang focus niya sa pagkain dahil pilit niyang inaalala kung saan niya nakita si Mattia. Sa dami ng pinasukan niyang kumpanya sa pagsa-side-line ng trabaho ay marami na rin siyang nakasalamuhang tao, mga mayayaman pa at kilalang personalidad. “Did you work in La Lucy Hotel and Casino, Monica?” mayamaya ay tanong ni Mattia. Napatda siya at diretso ang titig kay Matiia. Naalala niya bigla na minsan siyang nagtrabaho sa nabanggit nitong hotel. On-call waitress siya noon sa hotel. Maaring doon niya nakita si Matiia. “Ay. Yes, sir, pero on-call lang ako at tatlong beses lang ako nakapag-duty roon,” tugon niya. “I see. Kaya pala pamilyar ang mukha mo.” “Ano’ng special do’n?” sabad naman ni Duke, may sarkasmo sa tinig at pilyo ang ngiti. “Baka na-love at first sight si Mattia kay Monica,” gatong naman ni Craig. “Silly. I just felt something odd from Monica’s presence. But she’s beautiful,
Baca selengkapnya
Chapter 35
MAHIMBING na ang tulog ni Monica pero ginising siya ng mainit na labing humahalik sa kan’yang bibig. Nagmulat siya ng mga mata at nabungaran si Federico na nakadukwang sa kan’ya.“It’s four in the afternoon. Do you want surfing?” tanong nito.Napabalikwas naman siya ng upo. “Oo naman!” mabilis niyang tugon.“Then, prepare yourself.”“Teka, nasaan si Kenji?”“Nasa labas. Isasama natin siya sa dagat pero babantayan naman siya ni Craig.”“Sige.” bumaba na siya ng kama at naghubad ng damit.Nagulat siya nang balutin ni Federico ng tuwalya ang kaniyang katawan.“Mamaya ka na maghubad sa dagat,” anito.“Ano, nariyan pa ba si Mattia?”“Yes, and he will leave later after dinner.”Sumunod naman siya kay Federico. Sabay na sila nitong lumabas ng kuwarto at ito ang nagbitbit ng dalawang surfboard. Itim na boxer lang ang suot ng binata at may isa pang towel na dala.“Maliligo rin kami ni Kenji!” ani Craig. Hawak nito sa kanang kamay ang bata na may suot nang maliit na boxer at itim na long sleeve
Baca selengkapnya
Chapter 36
FEDERICO offered Chase Guilliani one million US dollars to accompany him in Hong Kong. This guy was a master in disguise and had an incredible spying skills. He uses personalized devices to detect his target and does the task alone. Katatapos lang nilang mag-snack at niyaya niya si Chase sa kaniyang mini office. He’s willing to increase the payment offer if Chase refuses. “I will accept your offer, but it will be the last side-line I will do from you or your organization,” sabi in Chase. Nakaupo lang sila sa couch na magkatapat. Naghinayang siya dahil malaking pakinabang ang skills ni Chase sa organisasyon nila. Kaso mukhang hindi na niya nito mapipilit. “Mukhang may ibang pinagkakaabalahan ka na o may balak kang mag-quit sa mafia society,” aniya. Chase chuckled. “I didn’t mean to be a mafia for good. I have a family to prioritize. May problema rin ako sa angkan ko. Once I’ve done with my main goal, I will definitely quit my mafia job.” He took a deep breath. “I understand. But
Baca selengkapnya
Chapter 37
HINDI mapakaling palakad-lakad si Monica sa harap ng kama sa kan’yang kuwarto. Inuusig na siya ni Federico, maaring nagduda na ito sa kan’ya. Kailangan na niyang umamin dito bago siya nito maunahan. Pagkakataon na niya iyon. Balisang-balisa pa rin siya at hindi nakatiis, nag-chat siya kay Duke gamit ang dummy account. Nagpakilala naman siya rito. Humingi siya ng payo kung tama bang magtapat na siya kay Federico. Duke: “If you’re ready for the consequences, go ahead. I’ll back you up. But don’t expect a good result, Monica. Federico found it hard to predict when his emotions were triggered. He can decide without a plan if he’s out of control and sorry for the damage he could do. I know him already and witness how he gets mad when lost control.” Lalo lamang siyang ginupo ng takot nang mabasa ang reply ni Duke. Nanginginig ang mga kamay niya habang nagtitipa ng reply. Monica: “Mas malala kung patatagalin ko pa ‘to. Inuusig na ako ni Federico. Obvious na nagdududa siya sa akin.” Duke
Baca selengkapnya
Chapter 38
NAPAYAKAP nang mahigpit si Monica kay Federico nang muli siya nitong ihatid sa tugatog. Mabilis ang kanilang pagniniig ngunit sulit dahil sa suwabeng pag-angkin nito sa kan’ya. Hindi niya inaasahang magagawa nila ulit ang bagay na ‘yon sa kabila ng mga pagdududa. Sinilip lang niya sa kuwarto ni Federico si Kenji bago nagtungo sa kan’yang kuwarto. Nagbanlaw pa siya ulit sa banyo bago nagbihis. Kinabukasan ay may pinapuntang doktor si Federico at kumuha ng specimen na siyang gagamitin para sa isa pang DNA test at kung anong test na gagawin sa US. Iyon ay upang matiyak na anak nga talaga nito si Kenji at hindi sa kapatid nito. “Paano pala kung hindi nga ikaw ang tatay ni Kenji?” nababahalang tanong niya sa binata. Kumakain na sila ng tanghalian. “No problem. Aakuin ko pa rin ang responsibilidad. Kenji was my son,” giit ni Federico. “Wala rin namang problema ‘yon sa akin.” “And after the test, we will get married, Monica.” Natitigilang tumitig siya sa binata. “S-Sigurado ka na ba s
Baca selengkapnya
Chapter 39
HABANG lulan ng kotse ng target ay pinaplano na ni Federico kung paano naman nila maipuslit ang target mula sa kotse. May isa pang kotse ng kalaban kasi na nakabuntot sa kanila. And he was surprised when Chase showed him the remote control on his palm. May ikinabit pala itong devices sa gulong ng backup nilang kotse. Nang pindutin nito ang remote, tumirik sa kalsada ang kotse ng backup nila, umusok ang mga gulong. Maging ang kotseng sinasakyan nila ay nilagyan nito ng device na kayang ubusin ang hangin ng gulong o kaya’y pasabugin. “What happened?” tanong ng driver. Naihinto nito bigla ang kotse sa gilid ng kalsada. Nasa backseat sila ni Chase at napagitnaan ang target. May isa pang bodyguard katabi ng driver. “I think there is something on the wheel,” he said. Hawak na niya ang needle na ituturok sa leeg ng bodyguard na nasa harapan niya. Sabay pa sila ni Chase na tinurukan ng karayom sa leeg ang driver at bodyguard. Sabay ring nawalan ng malay ang mga ito. Natagpuan na sila ng
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234567
DMCA.com Protection Status