All Chapters of LOVING THE POOR BILLIONAIRE: VZ SERIES 1: Chapter 41 - Chapter 50
71 Chapters
CHAPTER 41
“UGH! I really hate you, Midas! Ang sabi mo isang linggo lang. But it’s already two weeks.” Umiiyak na saad ko habang nakapangalumbaba ako sa dining table. Marami ng nagkalat na tissue sa sahig dahil kanina pa ako umiiyak. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dahil kay Midas. It’s been two weeks, but he still hasn’t come back. I still haven’t received a call or even a text from him. Labis nang nalulungkot at nasasaktan ang puso ko dahil sa ginagawa niya. “Bes! Tumahan ka na riyan!” anang Lailani sa akin. “Hindi niya ako mahal, Lailani,” sabi ko. “Siguro ayaw niya na sa akin kasi nakuha niya na ang gusto niyang makuha sa akin kaya kunwari nagpaalam siyang mawawala siya ng isang linggo. But the truth is...” Huminto ako sa pagsasalita at muling pinunasan ang mga luha ko. “He doesn’t love me, Lailani.”Narinig ko ang pagpapakawala nito ng malalim na buntong hininga. At pagkuwa’y naramdaman ko ang paghawak nito sa likod ko. “Bes, huwag ka na muna mag-isip diyan ng kung an
Read more
CHAPTER 42
BIGLA na namang nag-init ang sulok ng mga mata ko habang titig na titig ako sa mukha ni Midas. Tumigil siya sa paghakbang nang nasa tapat na rin siya ng bar counter—sa mismong harapan ko. Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa mga labi niya. “I’m sorry!”When I heard what he said, I couldn’t stop my tears from falling. Ngayon ko lalo naramdaman ang pangungulila ko sa kaniya nang mahigit dalawang linggo. “Hey!”Hinawakan niya ako sa balikat ko, pero kaagad kong tinabig ang kamay niya. Tumayo ako sa puwesto ko at tumalikod sa kaniya. Dali-dali akong tumakbo palabas ng bar. “Jass Anne! Jass Anne!”Tawag sa akin ni Midas habang nagmamadali rin siyang sumunod sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. Pero mayamaya, napahinto ako nang mahawakan niya ang braso ko.“Jass Anne!”“Jass Anne mong mukha mo!” galit na saad ko sa kaniya at mabilis ding binawi sa kaniya ang braso ko. Pero humigpit lang lalo ang pagkakahawak niya sa akin. “Let me go!”“I’m sorry!”Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya
Read more
CHAPTER 43
“MIDAS!” Bigla akong napabangon at napatingin sa tabi ko. Nang hindi ko makita roon si Midas, muli akong nakadama nang lungkot. Where is he? Hindi ba’t nandito na siya? Bumalik na siya? Pero bakit wala siya sa tabi ko?Inilibot ko ang aking paningin. Nasa kuwarto na ako ngayon. Nagsalubong ang mga kilay ko at pagkuwa’y nagmamadaling bumaba ako sa kama at lumabas sa kuwarto. Sa pagkakaalala ko, nasa sofa ako kagabi katabi ko si Midas. Pero bakit napunta ako sa kuwarto ko.“Midas!” “Yes, Mahal?”Napatingin ako sa bumukas na pinto ng condo ko at pumasok doon ang lalaking hinahanap ko. Nang masilayan ko ang mukha niya, napangiti ako nang malapad at nagmamadaling lumapit sa kaniya. Walang sabi-sabi ay bigla ko siyang niyakap nang mahigpit.“You’re here!” saad ko.“Mahal, baka mahulog ’yong itlog na binili ko. Mababasag ito.” Dinig kong saad niya. But instead of listening to what he said, nang humiwalay ako sa mahigpit na pagkakayakap ko sa kaniya ay kaagad kong ikinulong sa mga palad
Read more
CHAPTER 44
“MUKHANG masaya ka yata ngayon, amiga?” tanong sa akin ni Lailani nang malapit ito sa table ko. “May something bang nangyari para maging maganda bigla ang awra mo ngayon? Kahit hindi ka pa nagso-sorry sa akin sa pang-iiwan mo sa akin sa bar nang isang gabi.”Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko nang maupo na ako sa swivel chair ko. Hindi ko pinansin ang huling sinabi nito. Yeah, right. May kasalanan pa nga ako kay Lailani dahil sa pang-iiwan ko rito sa bar nang isang gabi. I forgot to call her yesterday dahil buong araw na magkasama lamang kami ni Midas. Kagabi ko lang nakita ang cellphone ko na halos tadtarin na ni Lailani sa text messages at missed calls nang gabing mawala ako sa Hang Out.Inilapag ko sa table ko ang bag ko. “Well... I’m sorry for that, bes,” wika ko. “But I’m happy right now because he’s back, Lai,” sabi ko.Seryosong tumitig ito sa akin. “Si Midas?” tanong nito.Tumango ako habang hindi pa rin nawawala ang malapad na ngiti sa mga labi ko. “Yes, bes! The night na
Read more
CHAPTER 45
“NAG-AALALA na ako nang husto para sa ’yo, bes! Sana kung sino man ang taong ito na gusto kang patayin ay mahuli agad ng mga pulis,” wika Lailani sa akin habang bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala matapos kong ikuwento rito ang nangyari sa akin sa nagdaang gabi. Mapait akong ngumiti kasabay niyon ang pagpapakawala ko ng banayad na paghinga. “Sana nga, Lai. Even me... I was so scared last night. I thought I was going to die. Buti na lang umalis ang taong ’yon at dumating din agad si Midas.”Lumapit ito sa tabi ko at masuyong hinaplos ang braso ko. “Huwag kang mag-alala, nandito lang din ako para damayan ka.” “Thank you, Lai.” Ngumiti ito sa akin pagkatapos. “By the way... Magle-leave ka raw sa trabaho mo?” mayamaya ay tanong nito.Tumango naman ako. “Oo. Inaaya kasi ako ni Midas na magbakasyon.”“So babawi siya sa dalawang linggo na hindi siya nagpakita sa ’yo?”“Ganoon na nga, bes,” nakangiting sabi ko. “Ewan ko ba. Pero... Excited ako. I don’t want to assume, but I have a
Read more
CHAPTER 46
TAHIMIK lamang akong nakatitig sa kawalan habang hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga nalaman ko kanina—ang mga sinabi sa akin nang tumawag sa akin kanina. I still can’t fully comprehend that Midas is not being honest with me about who he truly is. That means, he is not really poor? He comes from a rich family based on the pictures I saw earlier. Unang beses ko pa lamang na nakita siya sa roon sa bar, maayos ang hitsura niya. Maganda ang pagkakadala niya sa simpleng suot lamang niya. Tapos ang pangalawang pagkikita namin, nang pupuntahan ko sana si Madam Nancy, pero binastos ako ng mga tambay roon sa eskwater, then he helped me again. Nang magkita kami that day, kahit nakasuot siya ng medyo maruming damit, pero ang hitsura niya, halatang hindi pang-eskwater lang. Pero hindi ko naman iyon binigyang pansin. At nang nagkakamabutihan na kami, ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa pamilya niya. Or maybe, mayaman ang mga taong umampon sa kaniya?Napabuntong hininga ako nang malalim
Read more
CHAPTER 47
LAGLAG ang mga balikat at sobrang bigat ng pakiramdam ko. Kahit wala man ako sa mood ngayon para kumilos, I still forced myself to get up and head to the bathroom to take a shower. It’s already seven in the morning and I still have work to do. Hindi na sana ako papasok ngayon dahil nagpaalam naman ako kay Sir Avram na magle-leave ako, pero hindi naman matutuloy ang bakasyon namin ni Midas dahil sa mga nangyari... Kaya wala akong ibang choice kun’di ang pumasok sa trabaho ko.It’s been two days since I learned the truth about Midas. And since the night he left my condo, he hasn’t come back to try to talk to me. Well, that’s fine. Ito naman ang gusto kong mangyari, e! Ang mapag-isa para makapag-isip ako dahil sa mga nalaman ko. Aaminin kong labis akong nasaktan dahil sa pagsisinungaling niya sa akin tungkol sa totoo niyang pagkatao. I mean, there is no reason for him to lie to me. Whether he’s rich or really poor and just lives in a squatter area, I don’t care. I still love him regardl
Read more
CHAPTER 48
SA LOOB ng isang linggo, wala akong ibang ginawa kun’di iburo ang sarili ko sa trabaho ko. Simula umaga, hanggang hapon, puro trabaho ang ginagawa ko. Somehow, I forget the pain and sadness in my heart. Pero kapag uuwi ako sa condo ko, inaatake ako ulit ng labis na kalungkutan. Nakakatulugan ko na lamang ang pag-iyak ko sa gabi. Sa loob ng isang linggo, paulit-ulit lang na ganoon ang set-up ko. Even though Sir Avram told me to take a leave from my work so I can refresh my mind, I didn’t listen to what he said. Si Lailani nga, hindi ko na rin kinakausap kapag nasa trabaho ako. Ang daming biglang nagbago sa akin simula nang gabing iyon.I lost interest in the things I used to do. I became quiet and always preferred to be alone. Even mom, has been visiting me twice here at my condo, pero hindi ko ito hinaharap para kausapin. Kasi I know, kung anu-ano na naman ang mga sasabihin nito sa akin. Mula sa pagkakaupo sa gilid ng veranda ng kuwarto ko habang nakatanaw sa payapang kalangitan, n
Read more
CHAPTER 49
HINDI ko magawang kumurap habang titig na titig ako kay Midas habang papalapit siya nang papalapit sa puwesto namin ni Lailani. Ang puso ko, ramdam kong unti-unti ring kumakabog. I admit I am angry with him because he lied to me, but I still love him. He is still the reason my heart beats so fast. Lalo na kapag naiisip ko siya.But I still can’t believe na isa siyang Villa Zapanta. Na anak siya ni Sir Leon at kapatid siya ni Sir Avram. Oh, damn. Ilang beses niya akong sinusundo rito sa trabaho ko kapag uwian na, pero ni hindi niya talaga nagawang ipagtapat sa akin na isa siyang Villa Zapanta at hindi Alleje. And I remember, the night we went on a date at the beach that I was sure he was the owner. He asked me kung bakit sa dinamirami daw ng kumpanyang puwede kong pasukan para magtrabaho, bakit dito pa sa VZCLC ako nag-apply? Iyon naman pala ay anak siya ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan ko.“My God! Bes! Si... Si Midas ang bago nating boss?” dinig kong nauutal na tanong ni La
Read more
CHAPTER 50
HALOS masira ko na ang keyboard ng desktop ko sa inis ko kay Midas. Ah! Akala niya siguro pagtitiisan ko siya bilang boss ko? No way! Ganito pala ang ugali niya? Akala ko pa naman mabait siya. Pero napakamasungit at strict naman pala! Magre-resign talaga ako! Ayokong makasama siya rito sa opisina lalo pa’t mukhang lagi kaming magbabangayan. Walang-hiya talaga ang Midas na ’yon! Siya na nga ang may kasalanan sa akin, tapos siya pa ang aasta ng ganoon?My eyes narrowed as I stared at the closed door of his office. Ugh! I still can’t believe it. I’ve been very lethargic for the past few days, maging kanina nang pumasok ako rito sa opisina. Pero ngayon naman ay biglang bumilis ang adrenaline ko nang dahil sa lalaking ’yon. Nang dahil sa inis ko sa kaniya.“Nakakaisi ka talaga, Midas!”Padabog na tumayo ako sa puwesto ko at naglakad palapit sa printer machine. I finished making my resignation letter and I will just print it to give it to him. “Ayos ka lang ba, amiga?” kunot ang noo na
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status