Semua Bab Savage Billionaire Series 3: Romano Silerio: Bab 21 - Bab 30
55 Bab
CHAPTER 21
Agad na niyuko ni Josh ang kaliwang kamay ni Analyn. Nakahawak iyon sa strap ng kanyang shoulder bag dahilan para malantad sa paningin nito ang kanyang mga daliri. Partikular na natuon ang mga mata ng dati niyang kasintahan sa kanyang palasingsingan kung saan suot niya ang patunay na may asawa na siya, na kasal na sila ni Romano.Nagdikit nga ang mga kilay ni Josh at mas tumiim pa ang mukha. Nagagalit na ito kanina bago pa man sila lapitan ni Romano, ngunit ngayon ay mas dumoble pa iyon. Kung wala lang sigurong ingay sa paligid nila ay baka narinig na niya ang pagtatagis ng mga ngipin nito dahil sa galit na nadarama.Naramdaman pa ni Analyn ang tuluyang paglapit ni Romano sa kanyang tabi. Agad siya nitong hinapit sa kanyang baywang saka marahang hinila palapit dito na wari ba ay sadyang inilalayo siya kay Josh."I saw what you were planning to do, Mr. Medina. Ano ang karapatan mong gawin iyon sa asawa ko?" seryosong sabi ni Romano. Hindi nito hinihiwalayan ng tingin ang dati niyang ka
Baca selengkapnya
CHAPTER 22
Marahang iginala ni Analyn ang kanyang paningin sa malawak na dagat na nasa kanyang harapan. Kasabay ng pagkabusog ng kanyang mga mata sa magandang tanawing napagmamasdan ay pinuno niya rin ng sariwang hangin ang kanyang dibdib.Sa mga dumaang problema sa buhay niya nitong nakalipas na mga araw ay ngayon niya lang napagtantong ganoong uri ng pahinga ang kailangan niya. Iyong malayo sa lahat ng bagay na sadyang bumabagabag sa kanyang isipan.Sinubukan niya namang magbakasyon noon upang makalimutan kahit saglit ang mga pinagdadaanan niya. Ngunit sa halip nga na makalimot ay mas lalong nagulo ang dati nang magulo niyang buhay.She met Romano. At sa loob ng maikling panahon ay agad niyang naging asawa ang lalaking nakilala niya sa resort na iyon sa Davao. Sino nga bang mag-aakala na ganoon ang kahihinatnan ng buhay niya?"I'm glad hindi ka mahiluhin sa biyahe, Analyn," narinig niyang sabi ni Romano na agad niyang ikinalingon dito.Mula sa pagmasid sa tubig ng dagat ay agad na napapihit si
Baca selengkapnya
CHAPTER 23
Halos mabalot ng labis na pagkailang ang buong sistema ni Analyn nang bigla ay dumating si Romano sa cabin na kinaroroonan niya. Kasalukuyan nga siyang nagbibihis matapos niyang maglinis ng kanyang katawan.Dahil sa biglaan nitong pagbukas ng pinto ay marahas niyang hinablot ang oversized t-shirt na siyang balak niya sanang isuot pantulog para sa gabing iyon. Ang pajama bottom naman ay kasalukuyan pang nakapatong sa ibabaw ng kama.Pagkatapos nga ng pinagsaluhan nilang hapunan ng kanyang asawa ay agad na siya nitong pinayuhan na pumasok sa cabin. Ito na rin ang nagturo kung aling pinto ang papasukan niya.She headed towards it and decided to clean herself and changed her clothes. Si Romano naman ay nagpaalam pa sa kanya na may kailangan munang tawagan, kung sino ay hindi na niya pinangahasan pang itanong. Baka konektado lang kasi sa trabaho nito.Dalawang araw din kasi itong mawawala sa trabaho dahil nga sa iginiit nitong magbakasyon muna sila. Sa ngayon ay kasalukuyan nang nakalayag
Baca selengkapnya
CHAPTER 24
Inisang lagok ni Josh ang lamang alak ng kopitang hawak niya. Nang masaid ang inumin ay pabagsak niyang inilapag ang kopita sa ibabaw ng mesa upang sana ay salinan pa. Ngunit bago pa man niya maabot ang bote ng alak ay marahas nang kinuha ni Cristina ang kopitang kanyang pinag-inuman."What the hell, Tin?!" paasik niyang sabi dito.Hawak ang kopita ay naglakad si Cristina patungo sa kabilang panig ng silid. Inilapag nito ang kopita sa bedside table na naroon saka siya hinarap."What do you think you are doing, Josh? I've been calling you several times. Ni isa ay wala kang sinagot. And now, dito lang pala kita matatagpuan, umiinom na para bang wala nang bukas."Josh harshly kicked the chair near him. Napapitlag pa si Cristina dahil sa ginawa niya. Ni hindi niya ito sinagot at naglakad na lamang palapit sa salaming bintana ng silid na kinaroroonan nila.Kasalukuyan ngang nasa unit niya silang dalawa ng dalaga. Hindi niya pa pag-aari ang unit na iyon, actually. He was planning to fully p
Baca selengkapnya
CHAPTER 25
Isang malakas na pagtikhim ang ginawa ni Romano upang hamigin ang kanyang sarili. Naibaba niya rin muli sa ibabaw ng mesa ang basong kanyang pinag-inuman saka pinagmasdan sa mukha ang asawa niya."A-Are you okay?" magkadikit ang mga kilay na tanong ni Analyn sa kanya. Nahinto ito sa pagkain at mataman na lamang na nakatitig sa kanya."Yeah. Nasamid lang," aniya kasabay ng disimuladong pagkilos. Kinuha niya pa ang kutsarang nasa kanyang pinggan at nagkunwaring abala sa pagkain. "D-Do you really need to go there?""Yes," mabilis na sagot ni Analyn. Katulad niya ay inabala na nito ang sarili sa pagkaing nasa pinggan nito."What for, Analyn? Ang sabi mo ay ongoing ang imbestigasyon sa nangyari? Bilang ang iyong ama ang suspek... I mean, pinaghihinalaan sa nangyari, I am sure he has a contact with the authorities. At siyempre sa abogado niyo.""Isang public attorney lang ang tumutulong sa ama ko, Romano. At sa yaman ng pamilyang nagmamay-ari ng kompanyang dati niyang pinapasukan, sa tingin
Baca selengkapnya
CHAPTER 26
"What did you say?! Are you joking me, Analyn?" eksaheradang bulalas ni Karen sa kanya. Halos mapataas pa ang tinig nito dahilan para mapalingon sa kanila ang ilang taong nasa loob din ng coffee shop na kinaroroonan nilang dalawa."Hey! Hinaan mo nga ang boses mo," pananaway niya dito. "Napapalingon ang mga tao sa atin, Karen. Kumalma ka nga.""Kumalma? Analyn, paano ako kakalma matapos ng ibinalita mo sa akin? Para ka namang may bombang pinasabog sa aking harapan, 'day."Sa kabila ng tensiyong nadarama ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa naging reaksiyon ng kaibigan niya matapos niyang sabihin dito ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakalipas na araw. Karen was always like that. Sadyang madaldal talaga ito.Hindi niya nga mapigilang makadama ng tensiyon kanina sapagkat hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Karen oras na sabihin niya dito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Romano.Tinawagan niya nga ito at nakipagkita. Aaminin niyang nababagot siya sa bahay ni Rom
Baca selengkapnya
CHAPTER 27
"JG Canning Company," mahinang basa ni Analyn sa nakasulat sa likod ng brown envelope.Wari bang may mga naghahabulang daga sa dibdib niya dahil sa biglaang pagbilis ng tibok niyon. Hindi niya magawang ipaliwanag kung saan nagmula ang kakaibang kabang kanyang naramdaman. Bigla na lang iyon umusbong mula sa kanyang dibdib kasabay ng wari ay panlalamig ng kanyang katawan.Bakit may envelope sa loob ng closet ni Romano na may nakalagay na pangalan ng JGCC? Iyon ang kompanyang dating pinapasukan ng kanyang ama. Iyon ang kompanyang bigla na lang nang-akusa sa kanyang Papa Wilfredo.Ano ang ginagawa niyon sa closet ng kanyang asawa?Puno ng pagtataka na lumabas ng walk-in closet si Analyn. Humakbang siya patungo sa kinaroroonan ng kama at inilapag muna roon ang mga damit na kinuha niya. Naupo rin siya sa bandang paanan ng higaan saka nag-isip kung bubuksan niya ang naturang envelope.Asawa na niya si Romano ngunit hindi niya pa rin magawang pakialamanan ang mga personal nitong gamit. Maliba
Baca selengkapnya
CHAPTER 28
Puno ng pinaghalo-halong emosiyon ang dibdib ni Analyn habang naglalakad siya sa isang mahabang pasilyo. Abot-abot ang kaba at tensiyon na umusbong sa kanya. Kung kanina ay buo ang loob niyang makaharap at makausap si Romano, ngayon naman ay wari siyang nagdadalawang-isip na makita ito.Matapos niya ngang tawagan ang kanyang asawa at sabihin na naroon siya ngayon sa JGCC ay damang-dama niya ang pagkagimbal nito. Waring hindi nito inasahan na talaganga naroon siya ngayon sa kompanyang pag-aari ng mga Gracia.For a moment, he was not able to speak, especially when she said his full name. Kung kaharap niya lamang ito, siguro ay nahuli niya ang pagkagulat sa mukha ng kanyang asawa.Mabilis na nawala sa linya si Romano kanina. Kahit pa damang-dama niya ang paninitig ng dalawang receptionist ay hindi pa rin siya nagpatinag roon. Naghintay siya ng ilang saglit sapagkat inakala niya na baba roon si Romano at haharapin siya.But that thing didn't happen at all. Gusto niya na nga sanang isipin
Baca selengkapnya
CHAPTER 29
Tiim pa rin ang kanyang mukha nang naglakad si Analyn palabas ng opisina ni Romano. Humahakbang siya habang tinutuyo ang magkabila niyang pisngi na basang-basa na dahil sa kanyang pag-iyak.Mixed emotions filled her heart. She felt betrayed, used and hurt. Hindi niya maitatangging maliban sa galit dahil sa pakiramdam na ginamit lamang siya ni Romano upang makalapit sa kanyang ama ay may sakit ding umahon mula sa kanyang dibdib.And it was something that she can't explain even to herself. Dapat ay galit lang ang nadarama niya para kay Romano dahil sa panggagamit nito sa kanya. Pero hindi niya maunawaan kung bakit kaakibat ng galit na iyon ay ramdam niya rin ang sakit sa dibdib niya... at panghihinayang?Was it because she was hoping that maybe, just maybe, they can make it work? Subconsciously, umaasa ba siyang magkakaroon siya ng normal na relasyon dito?Bakit nga ba hindi? Magkakaanak na silang dalawa. Legal na kasal din ang namagitan sa kanila ni Romano at maliban pa roon ay makaila
Baca selengkapnya
CHAPTER 30
Kanina pa pinagmamasdan ni Romano si Analyn. Nasa may verandah ito ng kanilang silid, nakatayo roon at nakatanaw sa bakuran ng kanyang bahay. Alas-siyete na ng gabi at mula pa kanina pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay hindi na siya nito muling kinibo.She was initiating for them to have an annulment. Umiiyak pa ito habang nakikipag-usap na makipaghiwalay sa kanya. And he can't blame her for asking for it. Aminado siyang malaki ang kasalanang nagawa niya dito.Siguro nga ay tama ito. Saang anggulo man tingnan ay sadyang ginamit niya ito para makalapit kay Wilfredo at makagawa ng sarili niyang imbestigasyon. Tama ito nang sabihin na kinuha niyang pagkakataon ang nangyari sa kanilang dalawa para tuluyan siyang makapasok sa pamilya Aguilar.At tama din ang kaibigan niyang si Hendrick--- kamumuhian siya ng kanyang asawa oras na malaman nito ang mga ginawa niya.Nangyari na nga. He was stupid to leave the financial report of JGCC in his closet. Ang totoo ay ibabalik niya rin naman dapat ta
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
DMCA.com Protection Status