Oras na ang nakalipas simula ng ipasok si lola sa loob ng or para operahan. Nananalangin, ayan ang tangi kong nagagawa habang nag aagaw buhay si lola sa loob ng or. Sana okay lang si lola, hindi ko kakayanin pag nawala si lola. Hindi ko muna iniisip kung magkano ang babayaran namin sa pag opera kay lola, ngunit alam kong malaki-laki ang kakailanganin kong pera para sa magiging bill ni lola dito sa Hospital.“Okay na ba ang lola mo?” tanong ni ate janet ng makarating ito sa kinauupuan ko. Sumunod din pala ito sa akin. Tumingin ako kay ate janet at unti-unti nanamang tumulo ang mga luha ko.“Hindi ko pa po alam, hindi pa tapos ang operasyon. Pero sana'y maging okay si lola.” sambit ko at ipinikit ang mga mata habang pinupunasan ang mga luha. Naramdaman ko ang kamay ni Ate Janet na tinatapik ang likuran ko.“Huwag kang mag alala, magiging okay din ang lola mo.” pagpapagaan sa loob ko ni Ate Janet. “Nag i-imbestiga na ang mga police sa bahay niyo at mukang nanakawan kayo. Marahil nais pig
Read more