All Chapters of Nathan (Only Love): Chapter 41 - Chapter 50
64 Chapters
CHAPTER 41
{DON MARCIAL POV} NAPANGITI sya ng maisaayos ang mga dokomento na ipinahanda nya sa kanyang abogado, pirmado na rin nya eto. “Dito man lang sana makabawi ako sa lahat ng mga pagkukulang ko sa inyo” malungkot na pahayag nito sa isip bago maingat na ibinalik ang papeles sa safe keeping. Naalala nya ang babaeng dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa sya. “Elizabeth!” bulong nya na tila ba nasa kalapit lang ang babae. FLASHBACK Galing sya ng probinsya upang makita ang kanyang mga anak, matagal na syang hindi kinakausap ng mga eto dahil sa ginawa kong pag-iwan upang piliin si Melisa- ang aking dating asawa. Malalim ang dahilan ko kaya ko binalikan si Melisa, sabihin nang makasarili ako- gusto ko pang mabuhay ng matagal dahil nalaman ko na may sakit ako sa puso at kailangan ng madaliang operasyon. Sapat lang ang sinasahod ko at hindi ko kaya ang ganun kamahal na operasyon kaya ng mag-offer si Melisa na ipapagamot ako kapalit ng pag-angkin ko sa anak nito sa iba upang pagtakp
Read more
CHAPTER 42
SAMANTALA “Mga tunto! Napakaparami nyo bakit natakasan kayo? Saan nyo ngayon hahanapin ang babaeng yun? Sana pala napasama na sya sa pagsabog!” galit na galit eto. Nakayuko ang dalawang lalaking kausap nito. “Boss hindi namin inalisan ng tingin, Sinundan namin hanggang sa makabalik sila ng bahay pagkagaling nila sa Mall” “Eh nasan sya ngayon?” Muling napayuko ang mga eto. “At ikaw Steve-” baling nito sa binata na nakahalukipkip lang sa isang tabi habang nakasandal, tila ba nasisiyahan sa nakikitang kapalpakan ng mga tauhan nito at pagkagalit ng babae. “Kelan mo ba makukuha ang loob ng babaeng yan, ang tagal-tagal mong kumilos” “Sinabi ko na sayo Trixie hindi ganun kadaling paibigin si Ellie, hindi sya katulad ng ibang babae na kaunting kindat lang pwede mo nang makuha!” “Ano ba ang merong sa babaeng yan at lahat kayo nababaliw sa kanya?” “Marami!! Mga bagay na wala ka, Mawala kang puso!!” mabilis na sagot nya sa babae. Umigkas ang kamay ni Trixie papunta sa pisngi ng binata
Read more
CHAPTER 43
NAAALIW syang pinapanood ang anak na naglalaro sa dalampasigan kasama ang kanyang asawa. Tawa ng tawa ang anak nya habang hinahabol ng ina nito. Musika sa kanyang tainga ang halakhak ng kanyang mag-ina. “Akala ko hindi ko na makikitang buo ang pamilya natin” bulong na sabi nya sa hangin. Kumaway sa kanya si Ellie, ngumiti lang siya dito. “May we always be like this, away from everything…. from danger” pipi nyang dasal habang nakatingin sa napakalawak na dagat. Pinili nyang dito magbakasyon sa Isla dahil hindi eto madaling puntahan, maliit lang eto kaya kita agad kung meron paparating. Hiniling nya kay Karlos na higpitan pa ang pagbabantay sa kanyang pamilya. Ellie is an easy target kaya mas makabubuti na ilayo muna sya sa lahat, nakabuti na nalaman ni Ellie na nasa panganib sila, naging maingat eto, pero hanggang dun lang ang nalalaman nya. Hanggat maari ayaw nyang bigyan pa ng ibang alalahanin ang asawa lalo na at gusto nyang masundan na si Marcus. Napangiti sya sa naisip. Nak
Read more
CHAPTER 44
“SINO KA? maawa kayo, please!” hysterical na sambit nito. “Hush it’s okay, you’re safe now.” wika dito ng nurse. “Wag kang matakot, ligtas ka na, kailangan mong magpahinga” sabi ni Nathan na nakatayo sa tabi ng kama na kinahihigaan ng babae. Nasa mga mata pa rin nito ang pagdududa na inilibot ang tingin sa paligid. “Nasan ako?!” tanong nito na tinangkang bumangon, ngunit dagli ring napangiwi sa sakit. “Careful, hindi ka pa pwedeng gumalaw baka dumugo ang mga sugat mo” pigil dito ng nurse. Napapikit ang babae at may namuong luha sa gilid ng mga mata nito. “Nandito ka sa isla namin, kasama ko ang asawa at anak ko, Ligtas ka dito” nakangiting sabi ni Nathan sa babae para kunin ang loob nito. Mabilis etong napabaling sa kanya. “Anak?” tanong nito bago kinapa ang sariling tiyan. “Ang baby ko?” muling tanong nito bago bumaling sa doctor. “Wala kang dapat ipag-alala, ligtas ang baby mo” kompirma ng doctor, parang nakahinga naman ng maluwag ang babae. “You need to get rest, makakasa
Read more
CHAPTER 45
NAPANGITI si Don Marcial, alam nya na hindi matatanggihan ni Steve ang laman ng bag, sa laki ng halagang nakalagay dun pwede na etong magsimula ng bagong buhay, isama pa ang mga dokumentong nagsasalin ng kanyang mga ari-arian sa pangalan ni Steve, pero hindi yun original na kopya, tanging ang kanyang abogado lang ang nakakaalam kung nasaan ang orihinal na kopya. “Sana gamitin mo ang utak mo hindi ang puso mo!” sambit ng isip nya. “Sa Hospital tayo” utos nya sa driver na agad namang sumunod. NAKAAWANG ang labi ni Steve habang sinisiyasat lahat ng laman ng bag, mula sa malaking halaga ng pera na kahit kelan hindi pa sya nakahawak, hanggang sa mga dukumento na nagsasalin ng lahat ng pag-aari ng kanyang ama, may nakalagay din na address ng abogado. “Ano ang kapalit na hihingin mo sa lahat ng eto Don Marcial?” sambit ng isip nya. Naglakad sya papunta sa pinto upang lumisan sa lugar na yun, isang abandonadong gusali eto na nasa labas ng Maynila. Nakita nya ang kanyang sasakyan sa di kal
Read more
CHAPTER 46
“ELLIE!” sambit ni Nathan sa pangalan ng asawa na nakatayo sa di kalayuan. Hindi maiwasang pagmasdan ni Nathan ang asawa habang lumalakad palapit sa kanila, punong-puno ng kumpyansa ang bawat galaw nito, hindi eto kakikitaan ng kahit anong takot sa mukha. Sa paglipas ng mga araw at sa mga kinakaharap nilang problema nakikita nya ang katatagan nito at lalo syang humahanga dito. Kumapit si Ellie sa bewang ni Nathan pagkalapit nya dito. “You must be the wife?” sambit ni Gerald na nakatingin din kay Ellie. “Gerald Salcedo.” sambit ni Ellie sa pangalan ng lalaki. “So, you know me, huh?” “Who wouldn't know a Gerald Salcedo? What brought you here in our humble home?” “I’m just visiting a friend.” sagot nito, sabay baling ng tingin kay Nathan. “Can we offer you a drink?” Napangiti si Gerald, hindi naitago sa mukha nito ang paghanga kay Ellie. “You lucky man, huh!” sambit nito na kay Nathan nakatingin. Napatango naman si Nathan. PINAUNLAKAN ng lalaki ang imbitasyon ni Ellie, Isang m
Read more
CHAPTER 47
“KANINO ako dapat magpasalamat sa pagbisita mo?” tanong ng babae sa bagong dating. “Hindi mo ba ako namissed?” sagot naman ng babaeng bisita habang lumalakad palapit sa babae. Mahinang napatawa ang babae, nagsindi ng sigarilyo bago muling tumingin sa kausap. “Alright, for old time sake, what do you need?” tanong nito sa bisita, umupo eto sa isang sofa at pinagrkrus ang dalawang hita, himithit ng sigarilyo bago muling ibinaba sa ashtray. “You are really my friend, Cristy. You really know me!” sabi nito, sabay upo sa katapat na upuan ng babae. “Tell me what you need, Trixie. I'm in the middle of something very important right now!” “Very important? I’ve heard your men did a sloppy job lately” nanunuyang sabi ni Trixie. Lihim na napakuyom ang kamao ni Cristy at matalim na tiningnan ang huli. “If you are here to criticize me, you can leave!” madiin nitong sambit. Malalim na bumuntunghininga si Trixie bago nagsalita. “No, I’m not criticizing you. What I mean is, we are in the s
Read more
CHAPTER 48
NAGSUKATAN ng tingin ang dalawang lalaki. Nagbubuga ng galit ang mga tingin ni Nathan kay Gerald, ngunit blanko lang ang expression ng mukha ng huli, nakatikom lang ang labi nito na tila ba hinihintay kung ano ang susunod na mangyayari. Naging alerto ang kanyang mga kasamang tauhan, sumenyas sya dito kaya walang gumalaw sa mga eto. “I didn't do anything to your wife, and you should thank me because I was there when she fainted.” sagot nya dito sa mahinahong boses. “I don’t believe you! It’s not you that would care for a woman, especially my wife!” mariing sigaw ni Nathan. “But you wouldn’t change the fact that I have saved your wife because you’re not there!” ganting sabi ni Gerald. Nag-igtingan ang bagang ni Nathan sa narinig, dahil may katotohanan ang sinabi nito. Ngunit bago pa muling makapagsalita si Nathan bumukas ang pintuan kung saan dinala si Ellie. “What happened to my wife, Lucas?” tanong nito sa Doctor. “You have nothing to worry about, what happened to her was norma
Read more
CHAPTER 49
“WHAT DOES HE WANT?” tanong ng isip nya, napaisip si Gerald ng sabihin ng secretary nya ang appointment nya kay Nathan Del Mundo. Hindi ang tipo nito ang maghihintay na kausapin sya kung hindi importante ang sadya nito. Sa isang mamahaling Hotel sa Metro Manila ang napiling lugar ni Nathan, hindi na sya nagdala ng mga tauhan nya dahil may tiwala sya kay Nathan na hindi eto gagawa ng masama, kahit hindi sila magkasundong dalawa. Maaga pa lang nasa meeting place na sya, may pakiramdam nyang napaka importante ng pag-uusapan nila. Naging matalas ang kanyang pakiramdam ng magsimulang dumating ang mga tao ni Nathan, nakadamit eto ng sibilyan para hindi halata, ngunit kilala nyang gumalaw ang mga eto. Hindi nagtagal may dumating na lalaking naka itim at lumapit sa kanya. “He’s waiting for you.” imporma nito. “Just follow me.” magalang na sabi pa nito sa kanya. Tumayo sya at sumunod sa lalaki, sumakay sila sa elevator at nakita nyang pinindot ang gold button. Ilang sandali pa naramdama
Read more
CHAPTER 50
NAPATAYO si Gerald habang lumalapit ang asawa, nasa likod nito si Ellie na nakaalalay sa kaibigan. Nakakunot ang noo ni Maya habang nakatingin sa kanyang kabiyak, marahil nagtataka kung anong ginagawa nito sa isla, kung ano man ang nasa isip nito, wala syang idea. “Hi!” narining nyang sambit ni Gerald na lalong nagpalalim sa kunot ng noo nito na tila ba hindi eto sanay makita ang lalaki na ganun. Napatingin sya kay Ellie na nakatingin din pala sa kanya, sinenyasan nya ang asawa, mabilis naman nitong naintindihan ang gusto nyang sabihin. Agad etong lumapit sa kanya. Tumikhim muna sya upang kunin ang atensyon ng dalawa na halos sabay na napatingin ang mga eto sa kanila. “Maiwan na muna namin kayo ng makapag-usap kayo ng maayos” paalam nya. Tumango si Gerald sa kanya habang si Maya ay tahimik pa rin, halos hindi kababakasan ng kahit anong emosyon. Inaaya nya ang asawang kumain ng agahan, noon lang sila nakaramdam ng gutom. Tumingin muna si Ellie kay Maya bago umalis. “Sana maayo
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status