All Chapters of Reviving Our Scars: Chapter 11 - Chapter 20
58 Chapters
CHAPTER 11
DEAN GAVIN'S POV"Trying to escape, huh?" nakangising tanong ko. Naglakas-loob na akong magsalita dahil nabibingi na ako sa katahimikan ng paligid.Andito pa rin kami sa isang sulok."A-Ano ang ginagawa mo rito?" balik na tanong niya."I just saved you. Mind thanking me for what I did for you?" I told her."Hindi naman ako humingi ng tulong sa 'yo," tugon niya. Napangisi ulit ako."'Yan lang ang sasabihin mo matapos kitang iligtas sa asong iyon?" tanong ko ulit. "Ano na lang kung hindi aso ang na-encounter mo kanina?""Hindi naman kasi ako humingi ng tulong sa 'yo. Sinabi ko bang magtago ka sa isang madilim na sulok at hilain ako para makawala sa aso na 'yon? Hindi, 'di ba?" pagtataray nito."Ikaw na nga itong tinulungan eh ikaw pa itong mataray. Just two words, Liya. Mahirap bang sabihin?" diing turan ko."Ayoko nga," aniya sabay iwas ng tingin."Really?" hindi makapaniwalang tanong ko."Talaga," direktang sagot niya."Okay! If that's what you want. Aalis na ako. Bahala ka na diyan,
Read more
CHAPTER 12
ALIYA'S POVPaggising ko kinabukasan ay ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Medyo nilalamig din ako kaya hininaan ko ang aircon. Kinapa ko ang aking noo at nalamang nilalagnat ako. Tinatamad din akong bumangon dahil masakit ang katawan ko.Biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag dito. Kinapa ko ito sa may bed side table at tiningnan kung sino ang tumatawag.JACOB with an EAgad na sinagot ko ang tawag nang makita kung sino ang tumatawag."Hello. Good morning," bati ko sa kaniya."Good morning, Liya. Naistorbo ko ba ang tulog mo?" tanong niya sa akin."Hindi naman," sagot ko."Mabuti naman. Hindi ka pa ba bababa rito para mag-almusal?" tanong niya ulit. "Hihintayin kita rito para sabay na tayo," dagdag pa niya."Wala akong gana, Jacobe. Medyo masama ang pakiramdam ko kaya tinatamad akong bumangon," mahinahong wika ko."May sakit ka ba?" may pag-aalala sa boses niya."Mukhang meron nga," sagot ko."Okay. Pagkatapos kong kumain ay pupuntahan kita diyan at dadalhan ng pagkain.
Read more
CHAPTER 13
ALIYA'S POVDalawang buwan na akong naninirahan sa bahay ni Gavin. Sa dalawang buwan na 'yon ay mas lumalim pa ang pagsasama namin. Mas naging malapit kami sa isa't-isa. Mas nagkaroon ako ng pagkakataon na mas makilala siya."Hi," nakangiting bati ni Jacobe sa akin."Hi," balik na bati ko rito."Going somewhere?" tanong niya sa akin."Diyan lang sa bahay nina Nanay Elsie. Balita kong may sakit ito kaya balak kong bisitahin sana. Kaso lang ay wala akong dalang prutas man lang sa kaniya," nalulungkot na wika ko."Gusto mong sumama sa akin?" tanong ni Jacobe sa akin. Bigla akong sumigla dahil sa sinabi niya. Sa dalawang buwan na pananatili ko rito ay hindi ko naranasang muli ang pamamasiyal sa labas. Ngayon na tinanong ako ni Jacobe ay hindi ko mapigilang mapangiti."Puwede ba?" bulong ko sa kaniya."Of course. Huwag mo lang sasabihin kay Sir Dean," sagot niya. Mas lumawak ang ngiti ko."Talaga ba? Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Mamaya, binibiro mo lang pala ako." Bigla akong napan
Read more
CHAPTER 14
DEAN GAVIN'S POV"Let's talk," huling wika ko bago sila tinalikurang dalawa.Nagpunta ako sa aking opisina at doon naghintay sa kanilang dalawa. Tanging roba lang ang suot ko dahil hindi ko na inabala ang sarili na maghibis na muna. Ilang saglit lang nang sabay silang dumating at pumasok. Tahimik na naupo sila sa harapan ko at ako naman ay seryosong nakatingin sa kanila."Sir," mahinahong sambit ni Jacobe. Walang bahid ng takot sa boses nito.Ngumisi ako."Alam mo naman ang ayaw ko, 'di ba?" seryosong tanong ko kay Jacobe."Alam ko po, sir," diretsahang sagot niya."Alam mo naman pala pero ginawa mo pa rin," sambit ko."Wala siyang kasalanan, Gavin. Nagawa niya lang naman 'yon dahil sa akin. Huwag mong sisihin si Jacobe," paliwanag ni Aliya.Nagtagis ang aking bagang at kumuyom ang aking kamao dahil sa sinabi niya. I admit it, I am jealous right now. Nagsimula ito kanina nang sabihin ni Erol ang tungkol sa pag-alis nilang dalawa. I can't help it. Selos na selos ako ngayon."I am not
Read more
CHAPTER 15
ALIYA'S POV"Iniiwasan? Hindi kaya," tanggi ko."Yes, you are. Huwag mo akong gawing tanga, Liya," seryosong wika niya."Excuse me. Dadaan ako," sambit ko at nang makaiwas na naman sa kaniya. Dahil nakaharang siya sa dadaanan ko ay sa gilid niya na lang ako dumaan pero bigla na namang itong humarang."Come with me," sabi niya sabay hila sa akin. Hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin pero nang makita ang daan ay ngayon alam ko na."Ano ang gagawin natin dito?" tanong ko sa kaniya.Bigla siyang naghubad ng kaniyang t-shirt at sumuong sa tubig. Ni hindi niya hinubad ang kaniyang jogging pants. Ano naman pakialam ko kung hindi niya hinubad? Napakagat-labi ako sa naisip."Ano ba sa tingin mo ang gagawin dito? Syempre maliligo, unless may iba ka pang naiisip diyan na puwede nating gawin. Sabihin mo lang sa akin para naman mapaghandaan ko," wika niya habang nakangising nakatingin sa akin."Sabi ko nga maliligo," sambit ko para hindi na mapunta pa sa iba ang usapan."Then maghubad ka
Read more
CHAPTER 16
DEAN GAVIN'S POVBumalik ako sa aking silid para panoorin ang video. Malawak ang ngiti ko sa simula pa lang ng video hanggang sa matapos ito. Ngayon alam ko na kung bakit nakabusangot siya kanina. Ilang beses ko ring inulit-ulit ang video dahil sa natutuwa ako. I just find her cute kaya tuwang-tuwa ako.I turned off my cellphone at lumabas ng aking silid. Pinuntahan ko ang kuwarto niya at kumatok."Liya," tawag ko sa kaniya pero wala akong nakuhang sagot. "Liya," I called her again."Busy ako," rinig kong wika niya sa loob."I want to show you something," I told her.Wala akong nakuhang sagot pero ilang sandali lang nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya."Ano 'yon?" tanong niya sa akin."Come," sabi ko at hinawakan ang kaniyang pulsuhan.Pumunta kami sa isa sa mga silid ng bahay. Isa ito sa mga silid na hindi ko na masyadong pinupuntahan dahil hindi ko naman kailangan. Pero ngayon ay papasok akong muli para kay Aliya. Gusto kong alisin ang lungkot niya."Nasaan tayo?" tanong niya sa
Read more
CHAPTER 17
ALIYA'S POVIlang minuto rin nang dumating na sina Gavin kaya inayos na namin ang hapag-kainan. Akala ko nga ay hindi pa kakain si Gavin dahil hindi nga ito sumasabay sa kahit na sino pero nabigla ako nang mauna na itong maupo sa hapag-kainan. Baka gutom na, naisip ko na lang.Lumapit na nga ako sa kanila at inilapag na ang mga kubyertos. Nabigla pa ito nang makita ako pero hindi ko na lang ito pinansin. Kahit si Jacobe ay nabigla rin.Nang matapos na ang lahat ay nagsiupo na kami, pati na rin sina Nanay Elsie, si Ate Trina at Ate Irma. Sabi ko kasi na sumabay na sila sa amin. Ayaw pa nga sana nila pero mapilit ako. Syempre, pinaalam ko naman muna kay Gavin ang lahat at pumayag naman ito.Nagsimula na kaming kumain. Si Gavin ang nasa pinakadulong bahagi ng mahabang mesa. Si Jacobe ang nasa kaliwa niya habang ako ay nasa kanan niya. Kaya ayan, hindi na kami magkatabi ni Jacobe dahil magkaharap na kami. Katabi ko si Nanay Elsie at katabi ni Jacobe si Kuya Elmer. Ang ibang tauhan ay nasa
Read more
CHAPTER 18
ALIYA'S POVGaya nga ng sinabi ni Gavin, maaga silang umalis ni Jacobe para tapusin ang mga gawain nito sa trabaho. Gaya lang din ng araw-araw na ginagawa ko sa bahay na ito, ako ay maglilibot sa malawak na hardin, pupunta sa bahay nina Nanay Elsie, manonood ng palabas sa telebisyon, at kakain kapag gugustuhin ko.Nang matapos sa palabas na pinapanood ko, pumunta ako sa aking silid para tapusin ang librong binabasa. Medyo may kakapalan kasi ang libro kaya hindi matapos-tapos sa isang upuan lang. Pumwesto na ako sa may balkonahe at dinamdam ang preskong hangin habang nagbabasa.HAPON na rin nang tumigil ako sa pagbabasa. Nag-inat pa ako dahil kanina pa ako nakaupo. Bumalik na ako sa loob at ibinalik na ang libro sa lagayan nito. Naglagay ako ng palatandaan sa huling pahina na binasa ko.Lumabas na muna ako ng aking silid at pumunta sa kusina, nagbabakasakaling may makakain dahil nakaramdam din ako ng gutom. Mabuti na lang may nabiling grocery nitong nakaraan sina Ate Trina kaya may nak
Read more
CHAPTER 19
DEAN GAVIN'S POVNang makaramdam ng gutom ay pinahinto ko na muna sila sa pagmamaneho dahil kakain na muna kami. Bumaba na ako, si Aliya at ang mga tauhan ko. Pumasok na kami sa kainan at nagsipuwesto na. Talagang nagpa-reserve na ako kahapon pa lang dahil alam kong mahaba-haba talaga ang biyahe namin. Kailangang may mga laman ang sikmura ng mga kasama ko, lalo na si Aliya. Hindi pa naman ito namamansin kapag gutom.Nagbigay na kami ng aming mga order at ilang minuto lang nang dumating na ang mga ito. Nasa mahabang mesa kami at sabay-sabay na kumain. Kita ko pa ang matamis at malawak na ngiti ni Aliya habang nakatingin sa aming lahat."You look so happy, love," bulong ko sa kaniya. Inilapit ko pa ang sarili ko sa kaniya. Tapos na kaming kumain pareho."Syempre naman. Ilang buwan din akong hindi nakapasiyal kaya tuwang-tuwa talaga ako," malawak ang ngiting saad niya."I love it when you're smiling," bulong ko ulit sabay haplos ng kamay niya.Kita ko ang pagpula ng kaniyang mukha kaya
Read more
CHAPTER 20
THIRD PERSON'S POVMasayang-masaya ang isang batang lalaki habang nasa loob ito ng sasakyan kasama ng kaniyang mga magulang at pinsan. Sa sobrang malapit sa isa't-isa ay halos doon na nakatira sa bahay nila ang pinsan niya. Ngayon ay ang kaniyang kaarawan kaya bibisita sila sa bahay ng kanilang lolo at lola. Doon kasi ipagdiriwang ang kaniyang ika-labing tatlong kaarawan."Masaya ka ba, ginoo?" magiliw na tanong ng kaniyang ina rito."Of course, mom. Sobrang saya ko po dahil makikita kong muli sina lolo at lola. At the same time, ang mga pinsan ko rin," nakangiting sagot ng batang lalaki sa ina nito."Makikita ko na naman si Jasmine. Ang malditang Jasmine," saad ng pinsan nito. Nagtawanan ang mga ito dahil sa sinabi ng pinsan ng batang lalaki. Alam kasi nilang magkaaway talaga ang magkapatid."Hayaan mo, pinsan, sa oras na makita natin siya ay tatakutin natin siya ng palaka." May pilyong ngiti ang magpinsan dahil sa naisip. Itinaas pa ng batang lalaki ang laruang palaka kaya mas lalo
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status