All Chapters of Asawa Ako ng CEO: Chapter 41 - Chapter 50
103 Chapters
Chapter 40
Umagang kay ganda, narito si Maderick sa bahay ng mga Shein. “So sinabi ni Eli na buntis siya pero ang totoo ay hindi pala?” ani ni Moni sa tabi. Tumango ako. “Wow! Desperada,” hindi naman sa sinisiraan ko si Eli pero hindi ko ma-control ang mga sinasabi nila tungkol dito. “Maddy, why are you here?” tanong ni ma’am Lay nang makita si Maderick sa tabi namin. “Mama, kuya Maddy is here dahil kay ate Rachelle,” humagikgik si Moni. “What?” natatawa si ma’am Lay. “Isang Rachelle lang pala magpapalabas sa ‘yo, Maddy?” “Tita, I’m just curious about her. Why is she breathing?” Lumabi ako. Igigiit na naman niya na isa akong AI. “Kuya, anong klaseng tanong iyan?” natatawang tanong ni Moni. Nagkibit balikat si Maderick at humaIik siya sa pisngi ni ma’am Lay. “She doesn’t look like a human. Anyway, I’m here because of Dad’s order and not because of that AI.” “Anong pinapagawa ni Vicente sa ‘yo?” Nagkibit balikat siya. “Wala. Sabi niya pumunta lang ako dito,” aniya sabay tingin sa akin.
Read more
Chapter 41
Kinagabihan, puspusan ang pagpaparaos namin ni Rico matapos naming makauwi sa lakad namin.Nang tumabi siya sa akin, sumandal ako sa dibdib niya at napahawak sa necklace na sinuot niya sa akin kanina."Ang ganda," sabi ko habang emotional na nakatingin doon."Kasing ganda mo," bulong niya sa tenga ko.Napangiti ako at pumikit habang pinapatakan niya ng mabababaw na haIik ang balikat ko."I love you, sweetheart." Napamulat mata ako at lumapad ang ngiti sa pa I love you niya.Lumabi ako para pigilan na huwag maiyak. "I love you,” nakangiting sabi ko.Malapad siyang ngumiti at hinaIikan muli ako.Hindi pa niya alam na buntis ako. Gusto kong sabihin sa kaniya sa panahon na hindi niya inaasahan.Gusto ko siyang supresahin pero kakausapin ko muna ang mama niya.Natulog kami matapos no’n at kinabukasan, may damit na akong suot. Wala na si Rico sa tabi ko kaya sa tingin ko ay nasa baba na siya.Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko siyang kausap ang mga magulang niya at seryoso silang nag-u
Read more
Chapter 42
Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si ate Dehlia kung bakit at paano siya nakatakas. Kung paano siya nakapunta dito dahil nanginginig siya sa takot kada sinusubukan ko siyang kausapin tungkol sa bagay na iyon. Tumahimik nalang ako at hinayaan siya. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sinasabi tungkol doon. Ngayon, nasa sala siya at tumatawa habang nanonood ng TV. Pinagsisilbihan siya ngayon ng mga katulong. Hindi ko alam bakit ganito si ate. Nahihiya ako kina manang. “Ate, huwag mo ng e utos ang pagkuha sa juice mo,” sabi ko. “Bakit ba? E hindi naman ikaw ang inuutusan ko at isa pa, gusto mo bang mahirapan ako? Buntis ako Rachelle,” sabi niya. Napipi ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko iinaasaan na gaganituhin ako ni ate Dehlia. Pinabayaan ko nalang ng mahinang tapikin ni manang ang kamay ko. “Hayaan na, Ms. Rachelle,” sabi ni manang sa akin. Mahina akong tumango at sumunod sa kaniya papuntang kusina. “Baka na trauma pa iyan Ms. Rachelle kaya laging mainitin ang ulo,” sab
Read more
Chapter 43
Dehlia Remadavia “Are you excited?” tanong ni Lady Lay ka Rachelle habang inaabangan namin ang pagdating ni Rico. Nakatitig ako sa kanilang dalawa at nakita si Rachelle na excited na tumango. Nang tumingin ito sa akin, nginitian niya ako. Hindi ko magawang ngumiti sa kaniya pabalik. Pasimple akong tumabi kay Lady Lay. Masaang masaya ito. Inangat ko ang kamay ko para hawakan siya sa kamay niya ngunit nabigla yata siya dahil bigla niyang binawi sa akin ang kamay niya. Natigilan ako nang makita ang seryoso na tingin niya sa akin. Agad akong napahiya at sinabing, “pasensya na po.” Hindi siya nagsalita. Umalis nalang ako at pumunta sa likuran. Bumalik ulit ang sigla niya ng kausapin siya ni Rachelle. Nakakainis. Nang sinabi ng katulong na dumating na si Mr. Shein at mga anak nito, agad na naghanda si Rachelle. Kitang kita ang ngiti sa mukha niya. Unang tumambad sa amin ang kunot na noo ng mga lalaking Shein. Nakatingin ito kay Lady Lay na puno ng pagtataka. “SURPRISE!” Sabay na sa
Read more
Chapter 44
Dahil natuloy si Sico sa pag-alis kaya tuloy din kami ni Rico sa paglipat. Nakapag decide na ako na hindi na muna ako tutuloy sa pag-aaral at saka na matapos kong manganak. Natawa nga si ma’am Lay kasi kagaya niya noon ay ganoon rin ang ginawa ko. Handa na ang gamit namin, pababa na ako sa sala dala ang gamit ko nang magulat ako dahil nakita ko rin si ate Dehlia na nasa sala na dala ang gamit niya at para bang hinihintay kami. “Tara na Rachelle,” nakangiting sabi niya habang ako ay nagulantang at hindi alam ang sasabihin. Sasama siya sa amin ni Rico? “Sasama ka?” “Oo naman. Alangan namang iwan mo ‘ko dito e ikaw ang kapatid ko,” ang sabi niya. “Sweetheart,” rinig kong sabi ni Rico na pababa na sa hagdan. Gaya ko ay kumunot din ang noo niya kay ate Dehlia. “Bakit? May problema ba?” tanong ni ate. “A-Ano.. w-wala naman,” ang sabi ko nalang at hinarap si Rico. “Pwede namang sumama si ate hindi ba Rico? Para may makasama na rin ako kung nasa trabaho ka,” sabi ko. Napaisip naman s
Read more
Chapter 45
Pagdating namin sa bahay, agad kaming naglinis tatlo dahil may konting alikabok na at mga dahon na nahulog sa lupa mula sa kahoy doon sa harapan at sa bakuran. Nasurpresa pa nga ako na marunong pala si Rico sa mga gawaing bahay. Siya ang nagwawalis habang ako naman ang nagpupunas sa mga alikabok. “Hindi ba naglilinis si Zeym at Sico dito?” reklamo niya. “Huwag ka na mag reklamo diyan at bilisan nalang natin maglinis,” “Isusumbong ko siya kay mama,” ani pa niya. Napailing nalang ako at binalikan ang ginagawa. Nang matapos ay nagluto ako ng kakainin namin. Tatlo kami ni ate Dehlia sa lamesa at kasama namin siya na tahimik na kumakain. Pero dahil katabi ko si Rico, sobrang underrated ng salitang tahimik. “Sweetheart, kasing sarap mo ito,” aniya sabay kain sa adobo na nasa tinidor niya. Para kaming sira na nagbubulong-bulungan dito. “Kumain ka na at puro kahalayan ang sinasabi mo,” sabi ko. “Kahalayan? Hindi naman ah,” Tumingin ako kay ate Dehlia. Nasa pagkain ang tingin niya
Read more
Chapter 46
Hindi ako pinansin ni ate matapos kong sabihin iyon. Nakakakonsensya pero dapat malaman niya. Hindi pwedeng aagawan niya ako ng pwesto kay Rico. Hindi ko rin alam bakit pero pag dating kay Rico ay lumalabas talaga ang pagkamadamot ko. Ayaw kong ibahagi si Rico sa iba. Akin siya. Amin siya ng anak niya. Nagkulong lang si ate sa kwarto at ako naman ay naglinis sa pwedeng malinisan kahit ang totoo ay malinis na ang buong bahay. Nang makauwi si Rico, agad kong nakita na ubos na ang laman ng lunchbox niya. Nilagay niya iyon sa lamesa. Tahimik lang ako. Pero deep inside, lumalipad na ang utak ko bakit naubos niya ang pabaon ni ate. Nakita ko naman si ate na lihim na ngumiti habang nakatingin sa lunchbox. Kumuyom ang kamao ko. "Hey," malambing na sabi ni Rico. Yumakap siya sa akin at yumakap ako sa kaniya pabalik. Lahat nalang ng kakainin ni Rico ngayon araw ay galing kay ate dahil nakatulog ako bandang hapon at dumidilim na no'ng nagising. Hindi ako nakapagluto. Kaya ang mga nak
Read more
Chapter 47
“Oh, I’m sorry,” ang sabi ng kasama ni Rico. “Ayos lang,” sabi ko at tinignan si Rico. Nakatingin ito sa akin at kinuha ang kamay ko para ilapit sa kaniya. “She’s my girlfriend,” aniya. Kahit na walang ligawan na nangyari sa amin ay girlfriend pa rin ang pakilala niya. Napailing nalang ako at hinayaan siya. Mas mabuti iyon para malaman ng lahat na may ugnayan kaming dalawa. “Ang ganda naman pala ng girlfriend mo Rico. Kailan mo papakasalan?” natatawang sabi nang kaibigan niya. Ngumisi lang si Rico at ipinulupot ang kamay sa bewang ko. “Well… Engr. Gamolo, Rachelle Remadavia is already my wife..” Natatawang sabi ni Rico. Natawa rin ako at hinayaan siyang sabihin niyang ‘my wife’. “Akala ko ba girlfriend? Sabagay, sa ganiyan kaganda, dapat na talagang pinapakasalan,” natatawang sabi ni Engr. Gamolo. Tumingin ako kay ate Dehlia na nakatingin sa amin ng mariin. Kung hindi ba ako nagsalita kanina, hahayaan niyang mapagkamalan siyang asawa ni Rico? Hindi kami ganito ni ate pero hi
Read more
Chapter 48
“Mommy, talaga po bang lalaki ang anak ko?” tanong ko. Kasama ko ngayon si Doc Mia dahil kinidnap niya ako sa bahay.Hindi din naman uuwi si Rico dahil maraming ginagawa doon sa site. Isang linggo yata siyang out of town dahil sa mga meetings niya with the clients.“Oo naman. Look at the picture. May pochochoy..” Natawa ako sa turan ni Doc.Hindi alam ni Rico na inalam ko na ang gender ng bata. Sabi niya ay surprise daw pero hindi kami makapaghintay ng mama niya malaman ang gender kaya heto.Sorry Rico. Haha.“E sana po Mommy Mia, makuha ng anak namin ang mata ng papa at lolo niya,” nakangiting sabi ko. Gusto ko talaga ang asul nilang mata.“Possible din naman,” ang sagot niya.“Talaga?”Napahawak ako sa tiyan ko. Ay sana nga tapos gusto ko makuha niya ang mukha ko. Para naman sa akin magmana kasi ako nagpakahirap.“E kamusta na pala sa bahay niyo?” tanong ni Doc Mia.Naisip ko kaagad si ate at ang mga kilos at titig nito kay Rico. Ngumiti ako at umiling. Hindi ko sasabihin kita Doc a
Read more
Chapter 49
“Ma, si Rico po?” tanong ko. Nasa isang bahay ako ng mga Shein. Dito ako dinala ni ma’am Lorelay. Nadatnan niya kasi na magkadikit ang labi ni ate at Rico. Hindi ko pa nakakausap silang dalawa matapos no’n. Naniniwala naman ako kay Rico na hindi niya sadya ang haIikang iyon pero ang ikinakagalit ng mama niya ay ang hindi nito pagtawag sa akin sa tatlong magkakasunod na araw. Nakita niya siguro na labis akong nag-aalala para kay Rico. “Hayaan mo siya Rachelle. Hindi ko tinotolerate ang ugali nilang ganiyan. It won’t hurt their pride kung mag text sila na busy sila. But what Rico did? Hindi siya nag text.” Napabuntong hininga ako. Nag-alala nga ako ng husto kay Rico nang hindi man lang ito ang text sa akin kahit isang beses. Hindi ko alam anong nangyari at bakit hindi niya nagawa. Mas lalo lang nagalit ang mama niya nang maabutan na magkadikit ang labi ng dalawa. “Kawawa po si Rico ma. 2 days na po siya sa labas,” sabi ko habang sumisilip sa bintana at naabutan ang ulo ni Rico na
Read more
PREV
1
...
34567
...
11
DMCA.com Protection Status