All Chapters of My Naughty Young Wife (Filipino): Chapter 31 - Chapter 40
109 Chapters
Chapter 31
Amber PovNaka-leave pa rin ako sa aking trabaho kaya ako na muna ang nag-aalaga kay Lolo Fidel. Busy kasi si Phil sa company at ganoon din naman si Tita Aloha na sa kompanya ng kanyang ama nagtatrabaho. Si Karen naman ay abala rin sa kanyang pag-aaral dahil graduating na ito sa taong ito kaya wala siyang time na awayin ako. Mas napatututukan ko ang pag-aalalaga kay Lolo dahil madalas wala si Karen na palaging hinahanapan ako ng mali sa ginagawa kong pag-aalaga kay Lolo. Gaya ngayong araw, malibanns amga maid ay tanging kami lamang ni Lolo ang nandito sa bahay dahil wala rin si Pao, nasa bahay ng kanyang grandparents sa mother side. Tiningnan ko ang oras sa aking wristwatch dahil oras na para uminom ng kanyang maintenance na gamot si Lolo. Mahigpit na ipinagbilin sa akin ni Phil na huwag ko raw kalilimutan na painumin ng kanyang gamot sa tamang oras si Lolo. Lumabas ako sa silid namin at nagtungo sa kuwarto ni Lolo. Sa labas pa lamang ay dinig ko na ang galit na boses niya habang may
Read more
Chapter 32
Amber PovNanghihina na ang katawan ko at pinagpapawisan pa ako ng malapot habang nakasandal sa pintuan ng elevator at nakaharap kay Lolo Fidel. Hindi takot ang mababakas sa kanyang mulha kundi pag-aalala. Alam ko na iniisip pa rin niya ang maaaring naging result ng botohan lalo pa at siguradong hindi na siya makakaabot pa. Mas inaalala niya ang posisyon na maaaring mawala kay Phil kaysa sa kanyang sariling kaligtasan. "Tatagan mo ang loob mo, Amber. Natitiyak ko na may gumagawa na ng paraan para mabuksan ang pintuan ng elevator," pagbibigay ng lakas ng loob ni Lolo sa akin nang makita niya ang tila hopeless kong mukha."Lolo, nahihirapan akong makahinga," sabi ko sa kanya habang nakahawak ang isa kong kamay sa tapat ng aking dibdib. Unti-unti na ring nagdidilim ang aking paningin.Takot akong sumakay ng elevator kaya iniiwasan kong sumakay sa elevator at walang sino mang tao na nakakaalam nito kundi ako lang. Kahit si Mildy ay walang alam na may phobia ako sa elevator. Nagsimula ang
Read more
Chapter 33
Amber PovHindi lang naman ako nagtagal sa ospital dahil isang oras pagkatapos kong magising ay nagpa-discharge na ako. Maliban sa medyo nanghihina pa ako ay wala naman akong nararamdamang masama sa aking katawan kaya hinayaan ako ng doktor na makalabas na ng ospital. Katahimikan ang bumabalot sa loob ng kotse habang nagbibiyahe kami pauwi sa bahay ni Phil. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa resulta ng nangyaring botohan ngunit nag-aalalangan akong magtanong sa kanya. Natatakot akong malaman na nagtagumpay ang ibang shareholders na patalsikin siya sa kanyang puwesto. Kaya sa halip na magtanong ay nanahimik na lamang ako sa kinauupuan ko. Ngunit tila si Phil ang hindi nakatiis kaya siya ang bumasag sa katahimikan sa pagitan namin."Bakit hindi mo sinabi na may phobia ka pala sa pagsakay sa elevator, Amber?" tanong niya sa akin habang manaka-nakang sumusulyap sa akin sa salamin."I'm sorry. Wala naman kasi akong balak sumakay ng elevator kaya hindi na ako nag-abalang banggitin p
Read more
Chapter 34
Amber Pov"You should be careful kapag lumalabas ka ng bahay, Amber. Uncle Jigo is getting impatient," kausap sa akin ni Phil pagkapasok namin sa loob ng aming silid."Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Hindi aksidente ang biglaang paghinto ng sinasakyan ninyong elevator ni Lolo. Someone intentionally stop the elevator. Balak ng taong iyon na ibagsak ang elevator at palabasing accident ang nangyari," pagtatapat niya sa akin ng totoo tungkol sa nangyaring paghinto ng elevator."Ang ibig mong sabihin may taong sadyang nais kaming patayin ni Lolo? Or maybe si Lolo lamang ang pakay niya at nadamay lamang ako dahil kasama ko siya?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Sa nalaman ko ay mas lalong naragdagan ang takot ko sa pagsakay sa elevator."Yes," dagli niyang sagot sa akin. "At ang hula ko ay si Tito Jigo ang nasa likod ng aksidenteng iyon. Nalaman yata niya na papunta sa kompanya si Lolo para um-attend sa shareholder meeting kaya nag-alala siya na ba
Read more
Chapter 35
Amber PovHindi ko mapigilan ang mapangiti ng matamis habang pinupunasan ko ng basang bimpo ang mga braso ni Lolo Fidel. Magmula kasi kanina ay ilang beses na niya akong pinuri. Napakasuwerte raw ng kanyang apo dahil ako ang napangawa niya. Mabait daw ako, maganda, at higit sa lahat maalaga pa. "Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin na talagang napakasuwerte ng apo at ikaw ang napangasawa niya?" tanong ni Lolo Fidel nang makita niyang natawa at napailing ako nang muli niya akong pinuri."Lolo, ilang beses mo nang sinabi sa akin iyan kaya sa tingin mo ba ay hindi pa ako naniniwala sa sinasabi ninyo? Halos malunod na nga ako sa papuri ninyo kaya imposibleng hindi ako maniwala sa sinasabi mo," natatawang sagot ko sa kanya. Tumayo ako at binanlawan ang bimpo sa maliit na palanggana na may maligamgam na tubig. Sumakit kasi ang tuhod ni Lolo at hindi siya makatayo kaya pinunasan ko na lamang siya ng bimpo na may maligamgam na tubig para naman hindi siya lamigin."Kapag hiniwalayan ka niya a
Read more
Chapter 36
Amber PovHindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagmamalaki matapos kong makita ang aking hitsura habang suot ang gown na ibinigay sa akin ni Tita Aloha. Bumagay sa hugis ng katawan ko ang gown. Si Chel ang nag-makeup sa akin dahil hindi naman ako magaling sa paglalagay ng makeup sa aking sarili. And and in fairness, may itinatago palang galing sa pagmakeup si Chel. Sa tingin ko ay lumutang ang aking ganda dahil sa kanyang simpleng makeup. Nagulat nga ako nang makita ko ang mukha ko sa salamin matapos niya akong malagyan ng makeup. Hindi ko akalain na may igaganda pa pala ako. Simple lang naman ang makeup ko at ang ayos ng buhok ko. Nakapusod paitaas ang buhok ko at sa gilid ng aking mga pisngi ay hinayaan ni Chel na malaglag ang ilang hibla ng aking buhok. Parang mas tumangos ang aking ilong nang malagyan niya ng contour. Matingkad na pink lipstick naman ang ginamit niya sa aking mga labi at nagustuhan ko naman iyon. "Ang ganda-ganda mo naman, Amber. Hindi ko akalain na gaganda ka n
Read more
Chapter 37
Amber PovHindi ko mapigilan ang mapatitig sa mukha ng tiyuhin ni Phil. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit masama ang ugali niya samantalang mabait naman si Lolo Fidel na kanyang ama? Si Tita Aloha nga na masama rin ang ugaling ipinakita sa akin sa umpisa ay lumalabas na ang kabutihang loob samantalang ang lalaking ito sa harapan ko ay talagang hindi mapagkakatiwalaan ang mukha. At habang tumatagal na tinititigan ko siya ay parang wala akong nakikita na pagkakapareho nila ni Lolo Fidel. Si Tita Aloha ay kamukha ni Lolo ang mga mata at ilong at si Phil nga na apo lamang nito ay may mga features rin na nakuha mula sa kanya. Pero bakit ang panganay na anak ni Lolo ay tila wala man lang nakuhang features mula sa kanya?"Pasensiya na ngunit hinahanap ko si Tita Aloha kaya kailangan ko nang umalis, Mr. Salvatore," paumanhin sa kanya. At akmang iiwanan ko na siya nang bigla niyang hinawakam ng mahigpit ang aking kanang braso."Huwag kang bastos, Amber. Kinakausap pa kita kaya huwag mo ako
Read more
Chapter 38
Amber PovMagkahalong tuwa at pagkapahiya ang naramdaman ko nang makita kong si Phil ang may-ari ng brasong pumipigil sa dalawang guard para kaladkarin ako palabas ng party. Natuwa ako dahil para siyang hero na inililigtas ang isang damsel in distress na prinsesa. Ngunit nahihiya rin ako sa kanya dahil nakita niya ako sa ganitong nakakahiyang kalagayan."Sinira niya ang birthday party ni Mrs. Perez, Phil. Kaya natural lamang na ipakaladkad niya siya palabas ng party," kausap ni Bovic kay Phil. Gusto kong sabihin kay Phil na binangga ako ni Bovic kaya ako natumba at nahila ko ang mantel ng mesa ngunit tila may bikig sa aking lalamunan kaya hindi ako makapagsalita."Hindi siya ang sumira sa party at alam mo kung sino ang totoong may kasalanan kung bakit ito mangyari, Bovic. Baka gusto mong ipa-review natin ang kuha ng CCTV footage dito para malaman natin kung intensyunal ba o hindi ang ginawa ni Amber? O baka naman may babaeng nais lamang siyang ipahiya kaya siya gumawa ng dirty tricks
Read more
Chapter 39
Amber PovHindi ko mapigilan ang mangarap at umasa na baka may pagtingin na rin sa akin si Phil habang tinutuyo niya ng towel ang aking buhok. Kahit pigilan ko ay ayaw paawat ng kilig na nararamdaman ko. At kahit imposible ay lihim kong nahiling na sana ay totoong mag-asawa nga kami ni Phil.Pagkatapos niyang tuyuin ng towel ang buhok ko ay kinuha naman niya ang hair dryer na na nakapatong lamang sa ibabaw ng dressing table. Pinatuyo naman niya ang buhok gamit ang hair dryer. Halos isang oras din ang ginugol niya bago tuluyang natuyo ang aking buhok. Kinuha niya ang suklay ko at marahang sinuklay ang aking buhok."Do you want to drink with me?" tanong niya sa akin matapos niyang suklayin ang aking buhok."Mabilis akong malasing," nahihiyang sagot ko sa kanya."Nandito ka sa loob ng ating silid kaya okay lang na malasing ka. Kapag malasing ka ay mahihiga ka na lamang sa kama."Mabilis akong tumango sa kanya. Gusto kong maranasan ang uminom at malasing kasama siya. Umupo ako sa gilid n
Read more
Chapter 40
Amber PovMasakit ang ulo ko nang magising ako kinabukasan. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Iminulat ko ang aking mga mata at natuklasan kong wala na sa kama namin si Phil. Muli akong napapikit at ipiniling-piling ko ang aking ulo dahil medyo nahihilo ang pakiramdam ko.Tinatamad na bumangon ako at naupo na lamang sa ibabaw ng kama. Ngunit mayamaya lamang ay bigla akong napatakbo papasok sa banyo nang tila hinahalukay ang aking sikmura.Halos lahat ng laman ng aking tiyan ay nailabas ko sa inidoro. Tubig na maasim-asim lang naman ang isinuka ko dahil wala namang laman ang tiyan ko mula kagabi kundi alak. Hindi nga pala ako nakakain ng dinner kagabi dahil sa nangyaring eksena sa party. Buwisit talaga ang Bovic na iyan. Gagawa at gagawa siya ng paraan para mapahiya ako sa maraming tao. Mabuti na lamang dumating ang aking night in shining armor sa katauhan ni Phil.Bigla akong natigilan nang maalala ko si Phil. First time naming mag-inuman kagabi at gusto ko sanang i-treasu
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status