All Chapters of His Innocent Secretary: Chapter 41 - Chapter 50
58 Chapters
Chapter 41
Hinayaan kong pumatak ang mga luhang gustong kumawala sa akin. Wala na ako ibang magawa kung ‘di ang lumuha nang lumuha, sa ngayon ay ito na lang ang kaya kung gawin. Sobra akong nasasaktan, sobra-sobra na ang sakit na pinaparanas sa akin. Gusto ko ng matapos ito, gusto ko ng maging okay ang lahat. Gusto ko nang bumalik sa akin si Zayne.“A-Ate, oh?” napatingin ako sa harap ko ng may magsalita ro’n, bumaba ang tingin ko sa kamay n’yang may inaabot sa aking panyo, tinignan ko muna siya pabalik sa mukha niya. Bahagyang nakangiti ito sa akin at mahahamigan sa itsura niya na nahihiya siya. Dahan-dahan ko namang inabot ang panyong hawak-hawak niya. ”Thank you, uhm . . .” ‘di ko alam kung ano ang itatawag sa kaniya.“S-Sab na lang po,” sagot nito, mala-anghel ang boses niya sa tuwing magsasalita siya ay magandang pakinggan lalo pa’t parang anghel ang ayos niya. Simula sa pananamit niya, simpleng datingan niya, sa paraan ng pagsasalita niya, sa tipid n’yang pagkilos at may pagkamahinhin
Read more
Chapter 42
“Ano ba ‘tong nangyayari ba’t bigla-bigla na lang ako nagsusuka? Ang unti lang naman ang nainom ko kagabi,” katwiran ko sa sarili ko habang naghihilamos ako.“What are you doing?! Leave now!” asik sa akin ni Zayne pagkalabas ko pa lang ng banyo, nakaabang na pala siya sa akin na lumabas.“Zayne. Please, h’wag mo na akong itaboy. Mahal na mahal kita. Please? Balik na tayo sa dati,” ayokong umalis ng hindi kami nagiging okay. Ayokong umalis ng wala akong kasiguraduhan.“Bakit ba ang kulit mo, ha?! Bakit ba pinagpipilitan mo ang sarili mo, hindi nga kita gusto! Hindi kita nagustuhan! wala akong nagustuhan sa ’yo!” sagot niya na pinagdidiinan ang bawat salita.“Hindi kasi ako naniniwala na hindi mo ‘ko gusto, Zayne! Alam kong gusto mo ‘ko. Dini-deny mo lang kasi nasaktan kita!” dahilan ko sa kaniya, gano’n kasi ang nararamdaman ko, alam kong minahal niya talaga ako.“Ang kampante mo ‘no?! Tiwalang-tiwala ka sa sarili mong nagkagusto talaga ko sa ’yo. Hindi kita gusto! You should not here,
Read more
Chapter 43
Kumuyom ang kamao ko pagkatapos kong marinig ‘yon mula kay Zayne. Gusto ko s’yang saktan, gusto kong iparamdam sa kaniya ‘yong sakit na ginawa niya sa akin kaso hindi ko magawa, hindi ko magawang saktan siya. Gano’n ko siya kagusto para magpigil ako ng galit sa kaniya. Ang gusto ko lang naman ay magkaayos kami, gusto ko lang na bumalik kami sa dati. Gano’n ba ‘yon kahirap ibigay para umabot kami sa ganito? Para pahirapan niya ako ng ganito.Umalis ako ng opisinang ‘yon na masama ang loob, masakit sa damdamin ang bawat bagay na pinaparamdam sa akin ni Zayne. Hindi ko na alam kung bakit kailangan ko pa itong tiisin, hindi ko alam kung bakit ang hirap-hirap balewalain, bakit kailangan umabot sa ganito ang kabayaran sa isang pagkakamali na hindi ko naman ginusto.Naisipan ko munang pumunta sa bahay namin, susubukan ko na rin makipag-ayos sa kanila. Magbabaka-sakali lang naman ako na baka puwede na kaming bumalik sa dati, ‘yong dating wala kaming galit sa isa-isa, walang tampuhan, puro ka
Read more
Chapter 44
Titig na titig lang siya sa akin habang nagtatanong ako. “B-Bakit po, Ate? Bakit ganiyan po ang reaksyon niyo? Kilala niyo po itong nasa picture?” turo niya sa taong nasa picture na hawak-hawak ko.Pabalik-balik ang tingin ko sa picture na hawak ko at sa mukha ni Sab, hindi ko napansin no’ng mga nakalipas na araw na mayroon silang hawig nito. Dahil do’n ay namuo ang kaba sa dibdib ko, hindi ko pa naman tiyak, wala pa mang kasiguradohan ngunit kabang-kaba na ako.“Kilala mo po ba Ate ang mama ko?” natulos ako sa kinatatayuan ko matapos kung marinig ‘yon mula sa kaniya, parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil do’n na nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam, nanginginig na rin ang kamay ko dahil na rin siguro sa pagkabigla.“Mama mo?” tanong ko sa kaniya, magbabaka-sakali lang naman akong mali ang pagkakarinig ko.“Opo, Ate. Mama ko po iyang nasa picture. Kilala mo po ba siya?” tanong nito pabalik sa akin na tulad ko ay nagtataka rin siya sa ikinikilos ko.“O-Oo. Kilalang-kilala ko
Read more
Chapter 45
Mapait akong ngumiti at sunod-sunod na tumango sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya para yakapin siya sa huling pagkakataon. Hindi naman siya umalma sa ginawa ko ngunit hindi niya ako niyakap pabalik.Kumawala na ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Siguro nga hanggang dito na lang ako. Sa kabila ng masasakit na nagawa mo sa akin, sa kabila ng pagtanggi mo sa nararamdaman mo para sa akin, sa kabila ng pangtataboy mo, naging totoo ang pagmamahal ko sa ’yo, Zayne. Sige, palagi kang mag-iingat, ah? S-Salamat sa ilang buwan na pinagsamahan natin. Salamat dahil tinanggap mo ako rito sa kompanya mo kahit saglit lang,” pagkatapos kung sabihin ito ay bumuntong-hininga muna ako bago tuluyang um-exit ng opisina niya.Pagkagaling ko sa kompanya ni Zayne tumungo ulit ako ro’n sa bar kung saan do’n ko nakita si Sab. Gusto ko s’yang makausap para na rin makipag-ayos sa kaniya. Naiintindihan ko na ngayon, siguro ay nadala lang din ako nang galit no’ng gabing ‘yon kaya gano’n na lang ang nasabi ko sa kaniya.
Read more
Chapter 46
“Hala!” bigla n’yang binitawan ang damit kong hinila niya nang siguro’y mamukhaan na niya ako. “Ikaw po pala ‘yan, Ate,” saad niya na bumalik sa pagiging mahiyain at mahinhin ang boses.“Kinabahan naman ako sa ’yo, Sab!” sagot ko rito na napahawak pa ako sa dibdib ko sabay huminga ng malamin dahil pakiramdam ko’y malalagutan ako ng hininga.“Bakit mo po ba kasi ako sinusundan? Ayan tuloy ibabalibag po sana kita. Saka maggagabi na rin po, ah?” muli niyang pagtatanong at pagsabi sa balak niya sanang gawin.“K-Kaya mo ‘yong gawin?” gulat kong usisa na nagtataka sa kaniya.Tumango naman siya at makahulugang ngumiti. “Nag-aral po ako ng taekwondo, Ate,” napalunok ako matapos n’yang sabihin ‘yon.“Edi kung ‘di mo ako namukhaan ay talagang gagawin mo ‘yon?” pangungulit ko pa.“Opo, Ate. Tulog ka po sana ngayon ng mahimbing,” pagmamalaki n’yang tugon na bahagya pang tumawa. Imbes matakot ako ay humanga pa ako sa kaniya. Hindi halata sa kan’yang marunong siya sa self-defense dahil sa pagiging
Read more
Chapter 47
“Okay ka lang po, Ate?” tanong nito sa akin ng mapansin niya akong tulala na nakatitig sa papel na ‘yon.“A-Ano ang buo mong pangalan?” tanong ko sa kaniya na kabang-kaba pa rin.“Sollaire Abrielle Javier po,” banggit naman niya sa buong pangalan niya. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko, sumabay pa ang pagbilis lalo ng pagtibok nang puso at paninikip ng dibdib ko. Paano ba naman ay nabanggit na ni Zayne no’n na tatlo silang magkakapatid. Silang tatlo rin ay iba-iba ang nanay at si Sab, si Sab ang tinutukoy ni Zayne na Sollaire kung ‘di ako nagkakamali.“Hindi mo ba talaga kilala kung sino ang tatay mo?” dagdag ko pa dito na binalik ko na sa kahon ang sticky note. Sinubukan ko rin halukayin ang laman no’n para maghanap kung sakaling may picture man lang o kaya pangalan ng tatay niya pero bigo ako dahil puro sulat lang ang mayroon do’n.“H-Hindi po, eh,” saktong pagkasagot ni Sab ay pumasok naman ang tita niya.“Tita! Hindi niyo rin po ba alam kung sino ang tatay ni Sab?” walan
Read more
Chapter 48
“No! I won’t. I want to talk with her,” saad niya pabalik kay Ele na nagmamakaawa ang dating, muli siyang lumingon sa akin na, “Please, Gian? We need to talk,” mahinahong hiling nito.“H’wag kang makulit, Zayne. Lumayo ka kay Gian, layuan mo siya!” singhal ni Cali sa akin.“The way you speak. It seems you have done nothing wrong to Gian,” buwelta ni Zayne.“Excuse me? Para malaman mo, ako lang ang nag-stay sa kaniya matapos niyo siyang iwanan!”“Wala naman tayong dapat pag-usapan, Zayne,” ako na ang boryong sumagot kaniya na ‘di ko siya pinakitaan ng awa. “Please. Gian. I badly want to talk with you. Please?” lalong pamimilit nito na mas nagmakaawa ang itsura.“Hindi, Zayne! Umalis ka na. Ayusin mo muna ‘yang sarili mo!” pangtataboy pa sa kaniya ni Cali. “Gian, please? We need to talk,” hindi pa rin nagpatinag si Zayne na mas lalong nagpupumilit.“Ayoko, Zayne! Wala na tayong pag-uusapan, mas mabuti pang umalis ka na lang,” pangtataboy ko sa kaniya.“Gian, kausapin mo ‘ko para sa ana
Read more
Chapter 49
“Nandito ba sila para iligtas ako? Ba’t magkasama si Zayne at Cali?” tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan sila na naglalakad.“Fuck it! Sino naman ‘tong kasama ni Zayne?!” galit na sigaw ni Meanna na ang ipinupunto ay si Cali.“Don’t worry, kakampi natin siya!” bwelta sa kaniya ni Zayne ng tuluyan na itong makalapit. Dismaya akong lumingon kay Cali, nanunubig ang mata kong umiiling-iling sa kaniya.“H-Hindi ‘to totoo ‘di ba?” pilit kong tanong sa kaniya dahil umaasa akong hindi kayang gawin ‘to sa akin ni Cali. “Hindi ka nila kasabwat ‘di ba?” dagdag ko pang tanong.“I’n sorry, Gian . . .” tulala akong nakatitig kay Cali hanggang sa tuluyan akong nanlumo matapos ko ‘yong marinig mula sa kaniya “P-pati ikaw nagpanggap din? Niloko mo rin ako? Takte naman! Ikaw na lang ang kinakapitan ko, ikaw na lang ang pinagkakatiwalaan ko, ikaw na nga lang ang mayroon ako ngayon, Cali! Pati ikaw trinaydor mo rin ako? Sa simula pala ng laban kong ‘to ay wala talaga akong kakampi! Lahat kayo nags
Read more
Chapter 50
“No! I won’t. I want to talk with her,” saad niya pabalik kay Ele na nagmamakaawa ang dating, muli siyang lumingon sa akin na, “Please, Gian? We need to talk,” mahinahong hiling nito.“H’wag kang makulit, Zayne. Lumayo ka kay Gian, layuan mo siya!” singhal ni Cali sa akin.“The way you speak. It seems you have done nothing wrong to Gian,” buwelta ni Zayne.“Excuse me? Para malaman mo, ako lang ang nag-stay sa kaniya matapos niyo siyang iwanan!”“Wala naman tayong dapat pag-usapan, Zayne,” ako na ang boryong sumagot kaniya na ‘di ko siya pinakitaan ng awa. “Please. Gian. I badly want to talk with you. Please?” lalong pamimilit nito na mas nagmakaawa ang itsura.“Hindi, Zayne! Umalis ka na. Ayusin mo muna ‘yang sarili mo!” pangtataboy pa sa kaniya ni Cali. “Gian, please? We need to talk,” hindi pa rin nagpatinag si Zayne na mas lalong nagpupumilit.“Ayoko, Zayne! Wala na tayong pag-uusapan, mas mabuti pang umalis ka na lang,” pangtataboy ko sa kaniya.“Gian, kausapin mo ‘ko para sa ana
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status