Katlyn's POV"Katlyn gusto mo bang sumabay samin kumain?" tanong ni Vanessa, katrabaho ko.Kasalukuyang inaayos niya ang bag at ilang mga gamit niya, bumaling naman ako sa desk ko na maraming papel na nakatambak."Pass muna ako Vanessa, tatapusin ko lang ito, maya-maya ay kakain na rin ako," tugon ko sa kanya, tumango naman ito."Sige, mauna na kami nila Jerry at Harley, bye see you mamaya," aniya at kumaway sa 'kin, kinawayan ko rin siya.Napa buntung-hininga ako, this is my first day so hindi dapat ako maging tamad, kailangan ko agad matapos ang pinapagawa sa 'kin ni Mr. Alcantara.Naamoy ko ang pamilyar na pabango na alam ko, kong sino ang gumagamit. Ngunit hindi ko ito pinansin dahil busy ako. Imposibleng nandito siya 'di ba?"Hmm, My Queen Katlyn 'wag kang magpalipas oras pagdating sa pagkain," saad ng kilala kong boses, malalim ngunit masarap pakinggan palagi.Inangat ko ang tingin ko at nakadungaw siya sa office table ko.So tama ang naamoy ko, pabango niya... at kailan pa siya
Read more