All Chapters of Their Obsession (Book 1 and 2): Chapter 51 - Chapter 60
84 Chapters
Chapter 18
Kevin's POV12:00am na nang makarating ako sa mansyon namin. Ayoko munang makita si Trinity dahil nakikita ko na ang saya-saya niya kasama ang mga kaibigan ko. Ang unfair nga e, kasi kami ang unang nagmeet, nag-usap at nagdinner pero kami pa palagi ang hindi madalas magkasama. Ngayon, mag-isa na naman ako sa mansyon na 'to. Malungkot na naman ako. Sa kabila ng mga ngiti ko ay may lungkot akong nadarama. Siguro nga ay creepy ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko dahil may kakaiba sa akin pero ang totoo, gusto ko lang naman maghanap ng kalinga at pagmamahal na hindi naibigay ng mga magulang ko dahil inabandona nila ako sa lola kong namayapa na at may mga sarili na din silang pamilya. Simula nung bata palang ako ay nasanay na akong mag-isa hanggang sa makilala ko si Arthur at ipinakilala niya ako sa TREASURE. Nang namatay ang lola ko ay sa akin niya ipinamana ang mga ari-arian niya at nakuha ko na iyon dahil 21 years old na ako. Katulong ko si kuya Francis na assistant ni lola
Read more
Chapter 19
Trinity's POVAng bilis ng panahon, weekend na naman at mabobored ako dito sa bahay. Tuloy pa rin ang panliligaw sa akin si Daniel, nakikita kong ginagawa niya ang lahat para sa akin at nakakakonsensya nga lang dahil kahit anong gawin niya ay hindi ko pa rin siya magustuhan. Sasabihin ko ba na huwag na niya kong ligawan? Ayoko naman kasi na paasahin ko siya sa wala. Sige, pag-iisipan ko.Kasama ko yung siyam na lalake dito sa may sala. Wala sila Kevin, Jun, Ben at Daniel dahil may kanya-kanya silang pinuntahan. Medyo naaawkwardan nga ako dahil katabi ko sa sofa sina Jaden at Travis. Napapagitnaan ako ng dalawang lalakeng nagagawang patibukin ang puso ko. Focus lang sila sa panonood habang ako naman ay ilang na ilang sa kanilang dalawa."Hayy.. ang boring." Sabi ni John at humiga sa sahig."Sinabi mo pa, nakakaboring sa bahay na 'to. Ano ba ang magandang pwedeng gawin?" Tanong ni Arthur."Pumunta na lang kaya tayo sa resthouse nila Kyle?"
Read more
Chapter 20
Jaden's POVNapanganga silang lahat, I mean kaming lahat nang makita namin sila Trinity wearing a bikini. Lumaki siyang napakagandang babae at may maganda ring pangangatawan kaya hindi ko masisisi ang mga kaibigan ko na titigan siya. Biglang binuhat ni Travis si Trinity at lumusong sila sa dagat. Nakaramdam ako ng pagseselos nang makita silang masaya."Sakit no?" Pang-aasar sa akin ni Sam.Hindi ko nalang siya pinansin."Ang bilis rin ni Travis makadamoves, kung sa bagay ay expert na siya sa ganyan." Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay."Sam, pwede bang manahimik kana lang?" Napatango naman ito pero alam ko na pinipigilan lang niya ang pagngisi niya.Tumayo na ako at iniwan siya, ayoko lang na mas lalo niya akong asarin dahil selos na selos na ako kila Trinity at Travis lalo na kanina sa van na magkatabi pa sila. Dapat ay tatabihan ko si Trinity pero naunahan lang ako ni Travis.Habang naglalakad ako sa tabing dagat ay
Read more
Chapter 21
Trinity's POVNakauwi na kami galing sa Tagaytay, masasabi kong nag-enjoy ako sa pag-iistay don dahil ang ganda-ganda ng lugar na iyon at doon rin kami nakapag-usap ni Jaden ng matagal. Dun ko na rin napag-isipan na kailangan kong makausap sina Daniel at Travis para maipaliwanag sa kanila na hindi na dapat nila ako pagtuonan ng pansin. Sana nga lang ay maintindihan nila ako. Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay nakita namin sina Daniel at Ben na nag-uusap. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ayaw sa akin ni Ben at hindi ko alam kung bakit.Nang mapansin na nila kami ay tumigil na sila sa pag-uusap at si Daniel ay nakatingin lang sa akin."Kumusta ang bakasyon niyo?" Tanong ni Ben kay John. Naupo naman si John sa isang couch at sumandal don.Ang iba naman ay pumasok na sa kanilang mga kwarto at ang iba naman ay pumunta sa kusina."Masaya naman, nag-enjoy kami." Sagot nito.Lumapit sa akin si Daniel at inayang maupo sa tabi n
Read more
Chapter 22
Jaden's POVNaisipan kong sunduin si Trinity sa school nila dahil natutuwa ako at mas lalo kaming naging close nang makapag-usap kami ng matagal sa beach resthouse nila Harris sa Tagaytay. Iyon ang unang beses na nagkalapit kami ng ganon katagal at nalaman ang mga hinanakit niya sa akin. Hindi ko na siya sasaktan pa.Gamit ang kotse ko ay nagdrive ako papuntang university nila Trinity. Nang makarating na ako ay pinark ko ang kotse ko at naglakad papasok sa loob ng YGA. Habang nilalakad ko ang building nila Trinity ay rinig na rinig ko ang dalawang estudyanteng babae na nag-uusap malapit sa kinaroroonan ko."Nakita ko kanina na magkasama sina Trinity at GD, pumasok pa nga sila sa kotse ni GD e,""Talaga? Sila na ba? Bakit sila magkasama? Sa pagkakaalam ko ay ayaw na ayaw ni Trinity kay GD.""Hmm.. ewan, baka bumigay na siya dahil gwapo at anak ng isang mayor ba naman ang humahabol-habol sa kanya."Bigla ay kinabahan ako para kay Trinit
Read more
Chapter 23
Trinity's POVNagising ako mula sa puting kisameng nakikita ko. Naalala ko na nasa ospital nga pala ako, dito ako dinala ni Jaden mula nang niligtas niya ako kay GD. Akala ko ay tuluyan na akong makukuha ni GD pero dumating si Jaden para iligtas ako. Papaano niya nalaman na nakila GD ako? Ayoko na munang mag-isip at gusto kong makapagpahinga. Iginala ko ang tingin ko mula sa kwarto, nakita ko si Jaden sa gilid na natutulog habang nakahawak sa kamay ko. Nakaswero na pala ako at naka hospital dress, ramdam ko ang kirot mula sa sikmura ko, marahil ay ito ang epekto ng pagkakasuntok sa akin ni GD. Naalala ko kung paano niya ako babuyin, nagmakaawa ako pero tila bingi siya at hindi ako pinakinggan hanggang sa mawalan na ako noon ng malay.Pinagmasdan ko si Jaden at hinaplos ang kanyang buhok. Nagpadye na pala siya ng buhok, itim na ito at hindi na kulay dilaw pero kahit na ganon ay mas lalo pa siyang gumwapo. Yung puso ko ay tumitibok na naman ng sobrang bilis kapag nak
Read more
Chapter 24
Troy's POV (Trinity's eldest brother)Tristan called me on what happened to our baby girl Trinity. I was in the middle of meeting with my client in Rizal when he called me and tell the news that Mayor Buenavista's one and only son was attempt to rape Trinity but the guy named Jaden Ayuna saved her from that incident, mabuti nalang at ligtas na ang kapatid ko. Tinawagan ko si mommy na nasa U.K dahil sa business trip nito at binalita sa kanya ang nangyari. Baka bukas pa siya makakauwi ng pilipinas dahil sa biyahe.Our mom cried over the phone nang sabihin ko sa kanya iyon. Trinity is so precious to us. My daughter Valerie cried too nang malaman niya ang nangyari sa tita Trinity niya, she really loves her so much. We're heading now to the hospital with Valerie and my wife, Vanessa. Pagkatapos ko kasing makauwi ng Rizal ay dumiretso na ako sa bahay kanina."Gavin Daryl? Is that the name of the guy? Mayor George's son?" Vanessa asked while I was driving heading
Read more
Chapter 25
Jun's POVLumabas ako ng ospital at binalita kaagad kay Travis ang 'Good News' na nalaman ko pero alam ko naman na bad news 'yon para sa kanya. I know that he likes Trinity at magngingitngit yun sa galit dahil napunta na naman kay Jaden ang mga taong minamahal niya. Noong high school palang kasi kami ay kay Jaden lahat nagkakagusto ang mga babaeng nagugustuhan niya. Siguro dahil karamihan sa mga babae ay ideal type ang mga lalakeng tahimik at misteryoso na katulad ni Jaden. Hanggang sa nagkagusto si Travis kay Roxanne na pinsan ni Ben pero nung time na liligawan na niya ito ay nalaman niyang may gusto si Roxanne kay Jaden, nagalit siya nun pero humupa rin dahil inintindi pa rin niya ang pagkakaibigan nila ni Jaden. Nagparaya si Travis dahil akala niya ay mamahalin nito si Roxanne pero 'yon pala ay wala siyang pagtingin dito. Doon nag-umpisa ang hindi nila pagkakaintindihan dahil buong akala ni Travis na sa pagpaparaya niya ay sumaya si Roxanne kay Jaden. Parang nagparaya la
Read more
Chapter 26
Trinity's POVNakalabas na rin ako ng ospital after what happened to me. Umuwi pa si mommy galing Europe para tignan ang kalagayan ko. Nagkasundo nalang sila kuya, mommy at Mayor Buenavista na dalhin sa amerika si GD para hindi na maulit pa ang nangyari sa akin. Pumayag nalang ako dahil kahit papaano ay naaawa pa rin ako sa kanya. Hindi ko naman kasi kayang magtanim ng sama ng loob sa isang tao. Si kuya Tristan daw ay malalayo muna sa amin dahil sa pribadong problema niya. Nagulat ako don dahil baka hindi na kami magkita pa. Mamimiss ko si kuya at pilit nalang siyang inintindi. At ngayon, sinabi ko na sa mga kaibigan ko na kami na ni Jaden. Nagulat din sila don dahil akala nila ay magiging kami ni Daniel. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat at naiintindihan nila ako. Si Daniel ay alam kong galit sa amin ni Jaden, hindi niya kami pinapansin at palagi rin siyang wala sa bahay. Nasaktan ko ang nararamdaman niya para sa akin at sana lang ay mapatawad pa niya ako. Hindi na
Read more
Chapter 27
Sam's POVNandito kami ni Kyle sa Timezone and we're playing Shoot That Ball. Kahit hindi naman kami katangkaran which our height is 5'8 ay mahilig kami sa basketball. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga babae dito, hindi naman sa pagmamayabang pero gwapo talaga kaming dalawa ni Kyle. Anyways, naisipan lang namin maglaro sa mall dahil naiirita na kami sa pagiging bitter ng ibang 13 guys. Hindi kasi nila matanggap na magsyota na sina Jaden at Trinity.Hindi ba sila pwedeng maging masaya nalang para dun sa dalawa?"Ang galing mo talagang magshoot ng bola, Sam," Hinihingal na sabi ni Kyle habang patuloy pa rin sa pagshoshoot ng bola. 89-125 na ang score at ako ang nangunguna."Galingan mo naman sa pagshoshoot, Kyle." Nakangising sabi ko."Psh. Ayoko na, pagod na ako." Napahinto na siya sa pagshoshoot ng bola. May nagsilapitan naman sa aming mga babae at inabutan kami ng tubig. Kinikilig pa sila habang nagpasalamat kami at bumalik na rin sa
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status