The Obsessed Guy (Book 1-3)의 모든 챕터: 챕터 11 - 챕터 20
116 챕터
Chapter 11
ALANIS POVMabuti na lang at sabado ngayon kaya wala muna akong makikitang Julian o Russel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyari sa akin. Ang paglipat namin sa Maynila, ang pagpasok ko sa YGA, na nakilala ko ang bagong kaibigan ko na si Marinel, ang paghahalikan namin ni Russel, ang pagkagalit sa akin ni Uste at ang pangba-blackmail sa akin ni Julian para lang hindi niya ikalat ang video.Halos isang linggo pa lang ako dito sa Maynila pero ang dami nang nangyari. Namimiss ko na tuloy ang mga kaibigan ko sa probinsya hays."Mall tayo?" Pagyaya sa akin ni kuya Travis habang naglalaro kami ng chess sa sala.Kaming dalawa lang ang nandito sa bahay dahil nasa trabaho si papa habang si mama naman ay may pinuntahang kakilala niya dito sa Maynila."Eh? Bago lang tayo dito sa Maynila, kuya at hindi pa natin alam ang mga pasyalan at puntahan dito. Paano 'yon?" Tanong ko at pumahalumbaba."I read a book yesterday about Manila's destinations, ways and tours. I
더 보기
Chapter 12
RUSSEL'S POVPagkalabas ko nang mall ay padabog kong itinapon ang mga pinamili ko sa basurahan para sana sa experimental analysist ng Science Club namin sa YGA. Napakuyom ako ng kamao ko at sobrang nagdidilim ang paningin ko sa nakita ko kanina.Sino 'yung lalakeng kasama ni Alanis? Boyfriend niya ba iyon? Hindi ba't sila na ni Julian?Napasabunot ako sa buhok ko at napakuyom ng panga. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin, kinakain ako ng matinding pagseselos ko at alam ko na nakakasama na 'to.Simula nang dumating si Alanis sa buhay ko ay natuto na akong magselos at magalit sa isang tao. Unti-unti na niya akong binabago."Fucking shit!" Sigaw ko at napasabunot ulit sa buhok ko.Para naman akong baliw na tinitignan ng mga tao sa labas ng mall kaya sinamaan ko sila ng tingin."Anong tinitingin-tingin niyo diyan?!" Sigaw ko sa kanila.Natakot naman sila sa inasal ko at kaagad na nagsipag-alisan.Kaagad naman akong umuwi sa apartment ko at umupo sa sofa sabay tanggal ng suot kong t-sh
더 보기
Chapter 13
MARINEL'S POVMaaga akong pumasok para masilayan si Honeypie Neil ko. Alam ko kasi na maagang na-ischedule ang basketball practice nila ni Julian. Matagal ko na kasi siyang gusto, halos tatlong taon na nga e. Parati ko siyang nagiging kaklase pero sa loob ng ilang taon ay kahapon lang kami nagkalapit at nagkausap ng ganon kaya todo ang hiya at kilig na naramdaman ko that time.Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko kahit may pagkakengkoy nga daw siya. Siguro ganon talaga kapag gusto mo ang isang tao, wala ka nang pakialam sa mga flaws niya.Nagpunta ako sa basketball gym at nakita ko nga na nagpapractice sila ng basketball. Hindi naman nila ako napapansin dahil busy sila sa paglalaro.Napagpasyahan kong umupo sa isang bleachers malapit sa kanila saka kinuha ang cellphone ko para picturan si Neil na lumelay-up ng bola.Ang galing talaga ng honeypie ko!Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang nakatingin sa akin si Denver kaya kaagad kong itinago ang cellphone sa bag ko.Baka makit
더 보기
Chapter 14
JULIAN'S POVHindi ko alam na madali palang mauto si Alanis at napapasunod ko siya sa mga gusto ko. Napakainosente niyang babae at pabor na pabor iyon sa akin. Ayaw niya talagang ipakalat ko ang video nila ni Russel. Talagang pinoprotektahan niya ang ampon ni lolo.Si Russel na lang ang palaging nakikita nila na nakakairita na!Kakatapos lang ng practice namin nila Neil nang dumiretso na ako sa locker ko at hindi ko inaasahan na nandoon si Russel na nakasandal sa pader malapit sa locker ko.Lumapit siya sa akin na may seryosong ekspresyon ng mukha."Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.Ngumiti siya at may ipinakitang video sa akin mula sa cellphone niya.Video iyon ng halikan nila ni Alanis pero hindi iyon video na nagmula sa akin. Bago lang 'yon. Parang kahapon lang nangyari at rinig na rinig ko pa na sinabi ni Alanis sa video na gusto niya si Russel.Napakuyom ako ng kamao na mas lalong nagpangisi kay Russel."Masakit ba, Julian? Ang tindi mo rin naman, i-bab
더 보기
Chapter 15
THIRD PERSON'S POVTila may parang hinihintay na dumating si Russel kaya siya nasa likod ng eskuwelahan nila. Nakasandal ito sa pader habang naninigarilyo. Sinigurado niyang walang ibang makakakita sa kanya dahil kapag nakita ng iba ang paninigarilyo niya ay baka magbago ang tingin sa kanya ng mga estudyante ng YG Academy.Kilala siya bilang magandang ehemplo ng paaralan kaya dapat lang na malinis at disente ang tingin sa kanya.Nang makita niyang papalapit na sa kanya ang taong hinihintay niya ay itinapon nito ang hawak niyang stick ng sigarilyo at tinapakan ito."Good job. Ito na ang bayad. Ang linaw ng pagkakakuha mo." Sabi nito sa taong hinihintay niya saka iniabot ang pera ng palihim."Salamat President, kung may kailangan ka ulit ay tawagan mo lang ako." sabi ng kausap niya."Sige, umalis ka na baka may iba pang makakita sa atin." Sabi naman ni Russel habang lumilinga-linga ito sa paligid.Tumango naman ang kausap niya saka na ito umalis.Ang video na tinutukoy ni Russel na kinu
더 보기
Chapter 16
ALANIS POVSabado na at naghahanda kami ng mga pagkain ni mama para kina Lara at Gio. Si Uste na lang ang sumundo sa kanila sa airport at hindi na ako sumama para matulungan ko si mama sa paghahanda.Ito na rin ang time na ipapakilala ko si Russel sa pamilya at mga kaibigan ko. Sobra talaga akong kinakabahan sa mangyayari mamaya.Paano kung ayaw nila kay Russel? Pero dapat ay maging positive lang ako.Nang makarinig ako ng doorbell ay patakbo akong lumabas ng bahay at nagpunta sa may gate. Binuksan ko ang gate namin at bumungad sa akin sila Uste, Lara at Gio. Kaagad ko namang niyakap si Lara."Nakakamiss ka, Lara!" Sabi ko na parang maiiyak na."Dalawang linggo palang ang nakakalipas pero namimiss ko na rin ang pagmumukha mo!" Matawa-tawa namang sabi nito.Kumalas ako sa yakapan namin and I pouted."Hindi mo ba ako namiss?"Napatingin naman ako sa nagsalita at si Gio iyon. Niyakap ko rin siya and he hugged me back."Mas lalo ka yatang gumagwapo, Gio? May pinopormahan ka na siguro, no?
더 보기
Chapter 17
LARA'S POVHinila ko si Alanis paakyat sa kwarto niya kahit hindi ko naman alam kung nasaan iyon."Nasaan ang kwarto mo?" Tanong ko habang hila-hila ko pa rin siya."Sa kabila lang sa left side." Sagot naman niya.Nang marating na namin ang kwarto niya ay kaagad ko siyang hinila papasok at isinara ang pintuan. Pinameywangan ko naman siya."Hoy babae! Ano 'tong sinurpresa mo sa amin? Dalawang linggo ka palang dito sa Maynila pero may boyfriend ka na?" Nakataas-kilay kong tanong.Nagtatampo ako kay Alanis. Hindi man lang kasi niya sinabi sa aming mga kaibigan niya ang tungkol dito. Lalo na kay Gio.Nakita ko sa mga mata niya kanina na nasaktan siya dahil may boyfriend na pala ang babaeng matagal na niyang gusto.Napayuko si Alanis. "Sorry, Lara.." Tanging nasabi na lang niya.Sa totoo lang ay nayayabangan ako sa Russel na iyon lalo na nang ipagyabang pa niya kay tita Alyssa na Student School President raw siya ng school nila at running for Valedictorian rin.Bestfriend pa pala niya si U
더 보기
Chapter 18
RUSSEL'S POVNandito pa rin ako sa bahay nila Alanis. Sinabi kasi ni tita Alyssa na hintayin ko muna ang kuya ni Alanis na si Travis para makilala na ako bilang boyfriend ng bunsong kapatid niya.Nalaman ko na siya iyong lalakeng kasama ni Alanis that time sa mall na nagpagalit at nagpatindi ng selos ko. Tsk! Hindi ko naman alam na kapatid niya iyon.Kanina ay parang gusto ko nang burahin sa mundo ang Gio na 'yon. Hindi ibig sabihin na kababata niya si Alanis ay magpapadehado na ako sa kanya. Ako ang boyfriend at gusto ni Alanis kaya wala na siyang karapatan na tumitig, humawak o makipag-usap sa pag-aari ako.Napangisi naman ako nang maalala ko ang usapan namin ng half brother kong si Ruan. Sigurado akong masusurpresa si Julian sa mangyayari sa kanya.Mali na ako ang kinalaban niya dahil mas masahol pa ako sa demonyo kaysa sa inaakala niya.Flashback 5 hours ago >Alas sais ng umaga na ako nakauwi galing sa shift ko sa restaurant na pinagtatrabauhan ko. Bubuksan ko na sana ang gate ng
더 보기
Chapter 19
ALANIS POVPara akong lantang gulay nang papasok na ako sa YGA. Ayaw akong kausapin ni kuya Travis simula pa kagabi. Tinatanong ko kung bakit ayaw niya kay Russel pero hindi siya sumasagot. Nagalit nga siguro siya dahil nagboyfriend kaagad ako na dapat ay hindi pa.My Dad, he already knew na may boyfriend na ako pero just like Mom ay okay lang daw iyon sa kanya basta pag-aaral muna ang aatupagin ko. Mabuti pa sila at tanggap si Russel pero si Kuya Travis ay hindi. Sana ay makilala niya munang maigi si Russel na mabuting tao ito. Hays!Pagkarating namin ni Uste sa YGA ay parang nagkakagulo ang lahat ng mga estudyante. May mga tumatakbo, nagbubulong-bulungan at ang iba rin ay nakatingin sa akin na parang naaawa. What was that?Ilang sandali pa ay nakita ko na tumatakbo papalapit sa amin si Denver. Himala at hindi niya kasama sina Neil at Julian.Speaking of Julian! Kailangan ko siyang makausap tungkol sa aming dalawa. Ayoko nang mas lalo pang lalala ang sitwasyon namin lalo pa't boyfrie
더 보기
Chapter 20
ALANIS POV(Nasaan ka? Tell me.)Sabi nito sa seryosong tono. Kaagad akong kinabahan sa tono ng pananalita niya."N-nandito ako ngayon sa ospital. Pinuntahan ko si Julian. Kinausap ko lang siya." Kinakabahan kong sabi.I heard him chuckle on the other line.(Woah! I didn't know that my girlfriend went to her blackmailer just to talk some monkey business?) he said sarcastically.Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Ano bang sinasabi mo, Russel? Nagpunta lang ako dito dahil hinahanap ako ni Julian dahil binugbog siya ng isang gang at para linawin na rin sa kanya ang tungkol sa ating dalawa!" Sabi ko.Hindi ko alam pero ilang araw pa lang ang relasyon namin ni Russel, pakiramdam ko ay sinasakal na niya ako sa mga ginagawa niya.(Ano namang sinabi niya sa'yo? Na ako ang may pakana kung bakit nabugbog siya? Malamang ay nabugbog siya dahil sa may nakaalitan siyang isang miyembro ng gang at pinagtulungan siyang saktan. You know how war freak he is! Bakit Alanis, naniniwala ka ba sa kany
더 보기
이전
123456
...
12
DMCA.com Protection Status