All Chapters of A Wedding Agreement: Chapter 51 - Chapter 60
89 Chapters
Chapter 43 Part 2
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ingay galing sa labas. Mukhang nagsisimula nang magkasiyahan. Napasarap ang tulog ko. Ala-singko na ng hapon. Wala na akong katabi kaya bumangon na ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Sabi ni Tita, blooming daw ako. Dahil bagong dilig. I giggled. Pero parang wala namang nagbago sa aking hitsura. Simple pa rin.Pagkatapos kong magsuklay ay lumabas na ako ng kuwarto. Pagbukas ko pa lang ng pinto, amoy ko na ang aroma ng iba't ibang klase ng putaheng niluto nina Tita."Good afternoon. Buti naman gising ka na, Madam. Kain na!" si Tita na saktong paglabas ko ng kuwarto ay naabutan ko sa kusina. Nakaupo siya sa mesa at kumakain doon."Opo, wait lang, Tita," sagot ko dahil kailangan ko na talagang magbanyo. Doon na rin ako naghilamos at toothbrush. "Iyong asawa mo kanina pa pinagkakaguluhan doon sa labas," sabi pa ni Tita habang nagsasandok na ako ng kanin at ulam.Natigilan ako saglit. "Bahala siya.""Andaming nagtatanong na kapitbahay. Kung single pa ra
Read more
Chapter 44
MAY kumakatok sa pinto. Ngunit imbes na sagutin o pagbuksan ito, lalo lang akong humalukipkip sa higaan ko. Gabi na, sabi ko kay Jass huwag masyadong iinom pero anong oras na?"Hoy! Buksan mo 'to, Jennifer!" Ngunit boses ni Tita ang narinig ko. Kaya kahit mabigat ang mga paa ko ay pinilit kong tumayo at pagbuksan ito."Ano ba 'yon, Tita?" Kunwari ay bagong gising ako. Pero sa totoo lang, mulat na mulat ako mula pa kanina. "Ginagawa mo riyan? Tara, nag-aaya si Juriz, inom daw tayo." Si Juriz ang panganay niyang anak na babae. Nakauwi na pala ito galing trabaho."Tita, alam mo namang hindi ako umiinom," tanggi ko."Maki-join ka lang! Minsan lang naman 'to, makisama ka ro'n. Hiwalay naman tayo sa mga lalaki. Napaka-arte mo."Napakamot ako ng ulo. "Sige na nga po, wait lang!" Isinara ko ulit ang pinto at inayos ko ang sarili. Nagsuklay at nagpulbos. Hindi naman nagtagal at lumabas na ako. Nakaabang si Tita sa labas ng pinto. "Teka, Tita. Magsi-cr pa ako!" hirit ko pa sabay takbo pa paban
Read more
Chapter 45
JASS"JASS! Ang asawa mo..." Kagagaling ko lang noon sa loob para mag-banyo. Kalalabas ko lang ng bahay nang marinig ang lasing na boses ni Tita Luz."Si Jennifer, pakibuhat na't lasing na. Kanina pa bagsak dito."Nang marinig iyon ay dali-dali ang mga hakbang ko. Pinuntahan ko nga ang mesa na pinag-inuman nila kanina. Kasama ni Jennifer doon ang sa pagkakaalam ko'y pinsan nitong si Juriz. "Nako, pasensya na po, nalasing po namin si pinsan," kimi pang sabi nito nang makalapit na ako. Naka-ubob na noon sa mesa si Jennifer at halatang lasing na nga."Ayos lang. Minsan lang naman," nakangiting sabi ko para pagaanin ang loob nito. Kahit nahihilo na rin ako dahil sa espirito ng alak ay nagawa ko pang iangat ang katawan ni Jennifer para buhatin ito.Isinakay ko siya sa balikat ko. "Huwag ako. Ayoko nga, 'no? Ayoko nga!" Natigilan ako nang marinig iyon mula sa likuran ko. Wala naman akong kasunuran dahil abala sa pag-aayos ng mga pinag-inuman sa labas ang mga kapatid ni Jennifer. Nagpaala
Read more
Chapter 46
"OKAY ka na?" tanong ni Jass sa akin.Tumango-tango ako sabay sagot ng, "Oo."Ch-in-eck niya pa ang pagkakakabit ko ng seatbelt saka sinusian ang kaniyang sasakyan. We're going home.Tulad ng usapan namin na uuwi na kami sa totoo naming bahay pagkatapos ng birthday ni tatay. Maaga ang alis namin para hindi raw kami abutin ng traffic. Sa bahay na lang daw ako magbawi ng tulog.Sumandal ako sa headrest ng upuan saka pumikit. Masakit pa ang ulo ko dala ng hangover. Andami kong nainom kagabi. Pinagti-tripan kasi ako nina tita. Idinaan ko na lang sa pagsa-shot para maubos agad ang mga iniinom naming alak. Kaya tuloy ako ang unang bumagsak. Pagkatapos no'n, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Pero sabi ni Jass, kinuha niya raw ako sa mesa at dinala sa kuwarto. Pinalitan na rin daw niya ako ng damit.Nahihiya ako na sinabihan ko siyang huwag masyadong iinom, yet ako ang nagpakalasing. Pero paggising niya sa akin kanina, mukha namang good mood siya. Ngiting-ngiti pa siya sa akin pag
Read more
Chapter 47
LALONG nanlamig ang pakiramdam ko nang magsimula ang masuyong haplos ni Jass sa mga braso ko. Mainit ang mga kamay niya, yet parang nagyeyelo naman ang loob ko. Nalilito ako sa gagawin ko."H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, Jass..." Sinubukan kong umalis sa ibabaw niya, hinayaan niya naman ako at pinaunan ang kanang braso niya sa akin. Pilit niyang pinipilig ang ulo ko para manatili akong nakatingin sa kaniya. "Gusto mo ipaalala ko sa 'yo?" nakangisi pang tanong niya."N-Nagugutom na ako, bababa na ako, Jass!" Sinubukan ko ring ibahin ang usapan. Ngunit nang akmang babangon ako ay pinigilan niya ang tiyan ko."Not yet.""K-Kung ano mang ginawa ko no'ng nakaraan, w-wala ako no'n sa katinuan, Jass. N-Ni hindi ko nga matandaan. Kaya don't expect me to-"Bigla niyang kinuha ang kamay ko. Natigilan ako nang walang ano-ano ay isinubo niya ang hintuturo ko. He licked it as if it was an ice cream. And sipped it like a straw. Nakatingin siya sa akin nang parang nang-aakit ang mga mata habang g
Read more
Chapter 48
IPINASOK ako ni Jass sa loob. Sabay sara ng pinto."I-Inihatid ko lang ang mga gamit mo. Aakyat na ako!" sabi ko habang nagpupumiglas. Iniiwas ko talagang tumingin sa mga mata niya, hirap na, baka ma-hypnotize na naman ako."Wala naman akong sinabing gawin mo 'to. Nagpapansin ka siguro, ano?" Kinuha ni Jass ang dalawang kamay ko at inilagay sa ulo ko. Hindi ko rin maigalaw ang mga hita ko dahil naiipit ng mga hita niya."A-Ano'ng papansin? Ano ako? Bata? At bakit ko naman gagawin 'yon? Sino ka ba sa tingin mo?" litong balik tanong ko.Ngumisi siya. "So ba't nandirito ka?"Umikot ang mga mata ko. "Bingi ka ba? Sabing dinala ko nga lang ang mga gamit mo para hindi ka na paakyat-akyat sa kuwarto at naiistorbo ako-""Talaga ba?""Oo. Ayan nga, 'di ba? Dala ko-""Bakit triggered ka? Inaano ba kita?"Napapalatak ako. "A-Ano'ng triggered? Triggered saan? I-Ikaw yata ang nagpapapansin eh. K-Kung bitawan mo kaya ako nang makaalis na ako? At saka-" Ngunit hindi na ako nakapagpatuloy dahil bigl
Read more
Chapter 49
JASSFINALLY, after a four-hour straight kidney transplant operation, I was able to get some fresh air. Successful ang operasyon. Mino-monitor na lang ang pasyente at hinihintay magising.It's been seven years since I started participating in this kind of major surgery and until now, hindi ko pa rin maiwasang hindi ma-stress thinking if it was really successful or not. It had always been my priority to do the best that I could to save lives. Tumambay muna ako sa balcony na nasa ika-ninth floor ng building. Walang masyadong tao roon at medyo maganda ang tanawin. Napapangiti ko pang dinampot mula sa bulsa ang phone at nagmamadaling tinawagan ang number ni Mina. I badly wanted to know what the pregnancy test result was. Kahit positibo ang isip ko na may nabuo na nga kami ni Jen. "Sir, negative daw po eh.""What?" dismayado at hindi makapaniwala kong tanong. "Iyon po ang sabi ni Ma'am Jen, Sir Jass."Napabuntong-hininga ako. How come it would be negative? I always made sure na buong-bu
Read more
Chapter 50
NAPAHAPIT ang mga kamay ko sa batok ni Jass. His kiss was terribly torrid. Parang ayaw na niya akong pahingahin. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin na akala mo magpu-fuse na ang mga katawan namin."Oops! Sorry!" Sa sobrang diin ng pagkakatulak niya sa katawan ko padikit sa mesa ay biglang napunit sa bandang kili-kili ang suot kong dress. Natigilan kami parehas nang marinig ang ingay na likha niyon."Ano ba 'yan?" kunwari ay naiinis na sabi ko. Tiningnan ko ang napilas na tela. Hindi naman masyadong malaki. "Sorry na nga." Hinapit ni Jass ang beywang ko at muli akong ginawaran ng halik. "Galit ka pa rin ba? Sorry na ulit." Pagkuwa'y binuhat niya ako at pinaupo sa mesa. Ewan kung bakit automatic na bumuka ang mga hita ko at hinayaan ko siyang makasingit sa gitna niyon. We're now closer to each other. Nasa beywang ko pa rin ang mga kamay niya.Agad nagsalubong ang mga kilay ko. "Oo. Galit pa rin!" Pero kabaligtaran iyon ng totoong nararamdaman ko. I'm happy now. Pero aaminin ko na t
Read more
Chapter 51
KUMATOK ako sa pinto ng guessroom kung saan ilang araw tumuloy si Jass. Kararating lang namin ng bahay pero atat na siyang maibalik sa kuwarto namin sa taas ang mga gamit niya.Pinagbuksan niya naman ako agad. "Tapos na akong mag-ayos. Iaakyat ko na-" Ngunit kusa siyang natigilan nang makita ang hawak ng isang kamay ko. "O bakit...? A-Ano 'yan?" Ngunit hindi ako sumagot. Bagkus ay inabot ko lang sa kaniya ang bagay na 'yon."T-Two lines means..."Parang nag-pause ng mga dalawang segundo ang mundo naming dalawa. Walang namutawi ni isang salita mula sa bibig ni Jass. Hinapit niya lang bigla ang beywang ko at walang sabi-sabi akong niyakap. Mahigpit. Sa sobrang higpit pa nga niyon ay ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya."A-Akala ko ba negative? Sabi ni Mina negative daw?" hindi makapaniwalang wika niya. Hinawakan niya ang pisngi ko pagkuwan at tinitigan akong maigi.Napasinghap ako. "H-Hundi naman ako nag-PT no'n talaga. No'ng una ayaw ko. Pero naisip ko, siguro dapat
Read more
Chapter 52
WALA na yatang mas gaganda pa sa gising ko nang umagang iyon. I woke up in the arms of the man I loved. Naalimpungatan ako habang kinikintalan niya ng mga mumunting halik sa mukha. Sa pisngi, sa labi, in my shoulders, even in my neck. Kay sarap ng tulog ko kagabi. Paulit-ulit niya akong inangkin. Paulit-ulit niyang pinadama sa akin ang pagmamahal niya. At siguro, tulad ni Jass... baka nga natutunan ko na rin siyang mahalin.FLASHBACK:"B-Baka sinasabi mo lang 'yan dahil buntis ako," nagdududang sabi ko. Ayokong maniwala agad sa mga katagang nagmula sa kaniyang bibig. Baka naman nabibigla lang si Jass. At umasa naman ako. Ayokong masaktan bandang huli."Hindi ka mahirap mahalin, Jennifer. Don't you trust me? Patutunayan ko sa 'yo na bukal sa loob ang sinabi ko. Even if you're pregnant or not, I will love you. Always. Don't you feel it the way I make love to you?"Pinigilan ko ang labi niyang aangkin sanang muli sa mga labi ko. "Y-You're a man, Jass. N-Natural lang-""I'm jealous of your
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status