All Chapters of When Were 15: Chapter 31 - Chapter 40
48 Chapters
Chapter 31
Chapter 31Napapunas ng pawis sa noo si Marion matapos niyang lutuin ang kanin at ulam na adobo. Dali-dali siyang naglapag ng mga plato sa lamesa dahil oras na ng tanghalian.Wala si Shin dahil nasa ekswelahan ito at may inaasikasong project kahit weekend. Ang mag-ina lang ang kasama niya sa bahay.Kalalapag palang niya ng mga pinggan ay naupo na agad si Chelsea. Nakasimangot pa ito at nakahalukipkip."Ano'ng ulam?" tanong pa nito."Adobo," aniya at inilapag ang mangkok na may lamang adobo."Yan na naman? Parang nung isang araw lang yan ang niluto mo, wala ka bang ibang alam?" patutsada nito.Napairap siya sa hangin dahil nasa likuran naman siya nito. Parang may alam naman ito sa pagluluto kung makareklamo?"Chelsea, wala kasi tayong pangrekado. Mahal. Pinakamura na 'yang toyo at suka. Saka manok naman 'to ngayon. Baboy last time," aniya at nilagyan pa ito ng kanin sa plato dahil talagang primadonna ang asta nito."Pagkatapos niya ako naman ang ipaghayin mo," ani Shiela na naupo na ri
Read more
Chapter 32
Chapter 32Hindi niya alam kung ano'ng klaseng kalupitan pa ang aabutin niya sa mag-ina.Medyo napanatag lang siya nang umuwi na si Shin bandang alas siyete ng gabi. Nasa kusina siya at umiinom ng tubig para mapawi ang gutom. Isang nilagang itlog at isang tasang kanin lang kasi ang nakain niya kanina. Hindi kasi talaga siya binigyan ng mag-ina ng niluto niyang ulam kaya bumili na lang siya ng itlog sa tindahan."Hi," bati ni Shin at hinalikan siya sa pisngi saka nito hinimas ang tiyan niyang maumbok na.Ipinagsalin niya ito ng tubig dahil mukhang pagod ito. Hindi naman kasi ito sanay magcommute."Kamusta kayo ni baby?" tanong pa nito at naupo sa tabi niya saka nito tinungga ang isang basong tubog"Okay lang..." aniya at yumakap dito. "Mukhang namiss mo ko, ah?" sabi pa nito at niyakap din siya."Sana nag-aaral din ako, 'no?" nasabi niya."Namiss mo ng pumasok?""Hmmm..." tango niya."Hayaan mo kapag nakatapos ako, siyempre medyo malaki na nun si Baby at sigurado ding may work na ko n
Read more
Chapter 33
Chapter 33Napangiti si Marion nang makitang nagsibabaan ng kotse ang bandmates ni Shin kasama si Nancy. Kotse ni Grant ang ginamit ng mga ito."Bruha!" tili ni Nancy nang makita siya.Ibinaba niya ang tabong ipinandidilig niya sa halaman para salubungin ang kaibigang matagal-tagal na niyang hindi nakakasama magmula nang tumigil siya sa pag-aaral. "Nancy!" ngiting-ngiti siya nang magyakap sila. Mas lalo itong gumanda. Natutuwa siya dahil going strong pa rin ito at si Clark."Jusko, ah! Ang laki na ng tiyan mo, ilang months na nga 'yan?""Magsi-six na.""Alam mo na ba kung ano'ng gender?" usisa pa ni Alexis na may dalang tatlong box ng malalaking pizza."Oo nga, first time naming mag-ni-Ninong!" sabat ni Clark na may bitbit namang malaking supot na halatang pagkain din ang laman."Hindi pa, eh...""Ay may dala kaming mga foods, dala ko yung fave mong brownies! Asan na ba yun, ay ayun binitbit pala ni Grant," ani Nancy at itinuro si Grant na papalapit kasama si Shin."Hey...how have yo
Read more
Chapter 34
Chapter 34"Nag-apply ka ng trabaho?" tanong niya kay Shin nang makauwi ito.Gabing-gabi na kaya nagtaka siya at inusisa ito."Oo part time lang pinagsimula na nga agad ako kanina, kasi basta na lang daw nagresign yung isa nilang tao, diyan sa may grocery store diyan sa kanto tapos may kadikit na resto. Iisa ang may ari. Malapit ka na kasing manganak, eh. Ayaw ko namang iasa kay Mommy lahat," sabi nito at nagtanggal ng sapatos.Awtomatiko namang iniabot niya dito ang tsinelas saka niya iniligpit ang sapatos at mediyas nito."Pero nag-aaral ka, kakayanin mo ba?" nag-aalala siya kasi hindi naman ito sanay sa trabaho."Kakayanin. Magiging tatlo na tayo Marion, kaya kailangang kumilos na ko."Napaupo siya sa tabi nito."Eh, kung ako na lang kaya ang pumasok? Para sa school ka lang," suhestiyon niya."Hindi pwede kasi bagger yung inapplyan ko. Nagbubuhat yun. Yun lang kasi bakante saka isa pa underage ako, kaya limitado pwede ko pasukan.""Eh, pa'no ka nakalusot dun?""Half Chinese yung ma
Read more
Chapter 35
Chapter 35Napatda si Marion nang makita si Shin na may binubuhat na malalaking kahon mula sa container van at ipinapasok iyon sa grocery store na pinagtatrabahuhan nito. Mga frozen goods iyon kaya alam niyang mabibigat dahil kilo-kilo ang laman niyon.Naisipan niyang dalawin ang lalaki at dalhan ng niluto niyang pananghalian. Parang tinusok ang puso niya dahil alam niyang nahihirapan ito. Bakas sa pawisan nitong mukha iyon. Kumpara sa mga ibang katrabaho nito ay manipis ang katawan ni Shin dahil may edad na ang mga iyon at kinse lang naman ito.Araw ng Sabado at wala itong pasok kaya full time ito sa tindahang iyon. Nakailang buhat ito ng malalaking kahon kaya pawis na pawis ito, idagdag pa ang mainit na panahon.Nakita niyang tumigil ito sa isang sulok at napayuko habang nakahawak sa mga tuhod."Shin..." tawag niya dito kaya napatingala ito. Pinipigilan niyang mapaiyak."Marion, what are you doing here?" napangiti ito kahit kita ang pagod sa mukha."Uwi na tayo," hinatak niya ito
Read more
Chapter 36
Chapter 36Bahagyang nagulat si Shin sa sinabi niyang bumukod na lang sila."You want us to rent somewhere?"Bahagya siyang tumango."Parang di ko na kayang makisama sa nanay at kapatid mo. Unang-una hindi naman talaga nila ko gusto para sa'yo, kaya ayaw nila ko dito. Ginagawa ko naman lahat. Nagsisilbi ako. Wala akong hinihinging kapalit pero tama bang miske sa pagkain pagdamutan ako? May gana pa silang saktan ako. Gusto ko sana makasundo ko sila, pero ayaw naman nila."Napabuntong hininga ito."Marion, ako rin naman gusto kong magkasundo-sundo kayo. Mas masaya yun. Kahit gusto ko ring ilayo ka sa kanila para hindi ka mahirapan, tingin ko hindi natin kakayanin. Estudiyante palang ako. Walang permanenteng trabaho. Hindi nating kakayaning magdagdag pa ng ibang expenses bukod sa pagkain. Lalo na ngayon magkakaanak pa tayo."Napailing siya. Mukhang walang balak pakumbinsi sa kanya."Sinasabi mo bang tiisin ko na lang sila palagi? Hanggang kailan?" naistress na tanong niya.Gusto na talag
Read more
Chapter 37
Chapter 37 Parang nauupos na kandila ang pakiramdam niya nang makita si Shin na walang malay sa hospital bed. Puro galos ito sa katawan at mukha. Ang ulo ay may benda. "What happened?" nag-aalalang tanong ni Grant na kasama niyang nagpunta sa ospital. "Eh, umangkas kasi siya dun kay Brando, groupmate niya, tapos hindi pa sila nakakalayo sa school, may nakasalubong silang walang preno na truck. Umiwas si Brando, sumalpok sila sa pader, tapos si Shin nabagok at nagpagulong-gulong sa kalsada," kwento ni Clark na mamasa-masa ang mga mata dahil sa kaawa-awang lagay ni Shin. Hindi na siya nahiya at napahagulhol nasa harap ng mga ito. "Shin! Parang awa mo na, 'wag mo kong iwan!" palahaw niya dahil nagsisikip talaga ang dibdib niya. Agad naman siyang pinapayapa ni Grant. "Si Brando asan?" tanong pa ni Grant. "Dead on arrival pare. Basag ang bungo." ani Alex na halatang nanlumo rin sa nangyari. "Gosh. Sana maging okay si Shin," napahimas si Nancy sa braso saka siya inalalayang umupo sa
Read more
Chapter 38
Chapter 38Tinitingnan palang ni Marion ang mga gawaing bahay na nadatnan niya pag-uwi ay tila naubos na ang lakas niya.Tambak ang mga plato, kawali, kutsara at tinidor sa lababo. Naglalaro na ang ilang ipis at nagpipista na ang mga langgam doon dahil sa mga tira-tirang pagkain na nakalantad.Minura niya ang mag-ina sa isip. Ang tatanda na pero ni hindi marunong maghugas ng mga pinaglamunan?Sa lamesa naman ay may mga patak-patak din ng sarsa ng ulam at nandoon rin ang ilang plato at baso.Kahit nandidiri ay sinumulan na niyang hugasan ang mga iyon. Isang araw lang siyang hindi nakatigil sa bahay ay ganito na kadumi ang inabutan niya.Binugaw niya ang ipis at kumuha siya ng mask dahil mabaho ang amoy ng napanis na kanin at ulam sa kaldero at kawali.Itinapon niya muna ang mga pagkaing tira saka siya naghugas.Pinunasan niya rin ng malinis na basahan ang lamesang nangigigipalpal din sa dumi. Naglampaso din siya ng sahig na maalikabok na dahil magmula ng maging dishwasher siya ay nakak
Read more
Chapter 39
Chapter 39Pinilit ni Grant na hindi mataranta nang makita ang umagos na dugo sa mga binti ni Marion."Don’t move, Marion, stay still…" ani Grant at walang anumang pinangko siya.Hindi na nagreklamo pa si Marion dahil sa takot para sa anak niyang tila nalalagay sa alanganin.Dinala siya ng binatilyo sa kotse nito. Idiniretso siya sa ospital. Habang daan ay nanlabo na ang paningin niya.Nagkamalay na lang siya na ang bumungad sa kanya ay puting kisame.Nakahiga siya sa hospital bed. Napabangon tuloy siya."Hey, you’re awake…"Napatingin siya sa pintuan. Kapapasok lang ni Grant."A-Asan tayo?""Hospital. This room is just next to Shin, kaya pwede mo siyang silipin mamaya.""P-Pwede kayang ngayon na? Gusto ko siyang makita.""Wag ka munang magkikilos, take a rest," marahan siya nitong isinandal sa headboard."A-Ang baby ko?" unang tanong niya nang maalala ang sitwasiyon niya kanina."Don’t worry, the baby is fine, ito pala ibinili kita ng mga vitamins na kailangan para mas kumapit siya,"
Read more
Chapter 40
Chapter 40 Lalong nagngitngit si Chelsea dahil sa sinabi ni Grant. Malinaw na kay Marion ito kumakampi. At hindi man nito diretsong sabihin ay alam niyang pinagbabantaan siya nito na anumang gawin niya kay Marion ay ito mismo ang makakalaban niya. "Damn that b!tch!" nagtatagis ang mga ngiping maktol niya. Nagmamartsang tumungo siya sa silid nito. Nakapikit si Marion at anyong tulog. Nangangati ang palad niya at gusto niya talaga itong sampalin. Talagang mainit ang dugo niya dito sa babaeng ito. Ipinahamak nito si Shin dahil sa pagiging malandi nito, maaga itong magiging batang ama. Tapos ngayon ay nakuha nito pati ang loob ni Grant! She likes Grant, matagal na. Pero hindi naman siya nito pinag-uukulan ng pansin at mukhang mas lalo siyang walang magiging pag-asa dahil nasa side ito ni Marion. Muntik na siyang mapaatras nang makitang nagmulat ng mga mata
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status