All Chapters of For The Love Of Fiona: Chapter 31 - Chapter 40
53 Chapters
CHAPTER 31
Nang sumunod na araw ay tinanghali na ng gising si Fiona. Pasado alas-dies na ang binabadya ng oras sa cell phone niya nang silipin niya ang screen niyon. Pabalikwas pa siyang napabangon nang mapagtantong anong oras na siya nagising. Hindi niya pa maiwasang makadama ng hiya, lalong-lalo na kay Nanay Luz dahil sa bagay na iyon.She roamed her eyes around the room. Katulad ng unang gabing may nangyari sa kanila ni Randall ay nakatulog siyang yakap ng binata matapos ng mainit na tagpong pinagsaluhan nilang dalawa. Hindi na niya namalayan kung anong oras na ito lumabas mula sa silid na iyon. She swallowed hard. Hindi pa maiwasan ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi nang maalala niya ang ginawa nilang dalawa ni Randall kagabi. Hindi lang basta natapos doon ang pagtatalik nila.Randall has taught her last night the different art in lovemaking. Ang iba, ni sa hinagap ay hindi niya naisip na mararanasan niya. And it was all because of Randall. Dito niya lang naranasan ang lahat ng iyo
Read more
CHAPTER 32
Agad na napatayo nang tuwid si Randall nang maramdaman niya ang paghawak ni Alice sa isa niyang braso. Naroon sa kanyang dibdib ang kagustuhan na alisin ang kamay nitong nakakapit sa kanya. Hindi niya lang nais na magmukhang walang modo lalo pa't kaharap din nila ang kanyang abuelo.Sumama nga siya sa kanyang Tatay Lando na dalawin ang lupang-sakahan na pag-aari ng pamilya nila. Matatagpuan din iyon sa Ihatub, lamang ay malayo na iyon sa kanilang bahay.Kung ang ikinabubuhay ng asawa ng kanyang Nanay Luz at ng kanyang ama noon ay ang pangingisda, si Tatay Lando naman ay mas abala sa pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop.Ang lupaing iyon ay pag-aari pa ng mga magulang nito. Mas si Tatay Lando na ang namahala roon. Iyon ay dahil sa magkakapatid na lalaki, ito ang napirmi sa Marinduque.Malayo-layo rin ang lupang iyon mula sa kanilang bahay. Halos dulo na ng Ihatub.He decided to come with his grandfather to visit the place. Matagal-tagal na rin mula nang makarating siya roon. Kahit nang
Read more
CHAPTER 33
Isang malakas na paghatak ang ginawa ni Randall sa lambat na pag-aari ni Jack. Inipon at sinalansan niya iyon sa loob ng bangka saka kinuha naman at itinabi dito ang timbang paglalagyan nila ng mga mahuhuling isda.Pasado alas-siyete ng gabi at hinihintay na lamang niya ang pagdating ng kanyang pinsan. Napagpasyahan niyang samahan ulit ito sa pagpalaot.Huminga siya nang malalim saka sumandal mula sa bangkang nasa harapan niya. Ang usapan nila ni Jack ay doon na lang magkita sa pinaghihintuan nito ng bangka. Marahil ay papunta na rin doon ang pinsan niya.He stared at the sky. Maaliwalas ang langit at nagliliwanag ang mga bituin. Hindi pa maiwasang sumagi sa isipan niya si Fiona habang naroon siya at nag-iisa.Dama niya ang pagbabago sa pakikisama nito sa kanya, kung bakit ay hindi niya alam. Nagsimula lamang iyon nang sundan siya nito sa lupang-sakahan na pagmamay-ari nila. Pagkagaling nila roon ay halos iba na ito kung makipag-usap sa kanya.Gusto niyang isipin na dahil iyon sa naab
Read more
CHAPTER 34
"Sigurado ka ho bang okay lang na sumama ka sa amin, Ate Fiona?" magalang na tanong ni Lilia sa kanya nang umagang iyon. "Mainit na ho at baka abala lang sa inyo."Maluwag siyang ngumiti dito at sinabayan na ang dalaga sa paglalakad. Kapanabay niyang maglakad si Lilia habang hawak naman nito sa isang kamay si Marga.Marga was now wearing her day care uniform. Nakatali ang buhok nito at may cute na ribbon na nakakabit. Sukbit na rin ng bata sa leeg nito ang school ID habang si Lilia naman ang may dala ng maliit nitong bag.Naglalakad-lakad siya kanina sa may baybayin para pampalipas lang ng oras. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay puno pa rin ng alalahanin ang kanyang isipan. Naguguluhan siya, sa totoo lang.Hindi niya magawang komprontahin si Randall tungkol sa pagsisinungaling nito sa kanya. As much as she wanted to do that, she just can't find the courage to face him. O siguro, kaya ganoon na lang ay dahil natatakot siyang marinig kung ano ang isasagot nito. Ano nga ba ang pwede
Read more
CHAPTER 35
Abala si Fiona sa pagtingin sa kanyang cell phone, hapon ng sumunod na araw. Nanatili siya sa bahay sa araw na iyon at halos wala sa mood para gumawa ng ano mang bagay.Matapos ng naging pag-uusap nila ni Alice kahapon ay nabalot ng maraming katanungan ang isipan niya. Ang dami na nga niyang isipin--- ang tungkol sa pamilya niya at ang banta sa buhay niya. Tapos heto ngayon ang tungkol sa kanilang dalawa ni Randall na naging mas komplikado pa dahil sa pagpagitna ni Alice.Kahapon pa siya gulong-gulo kung paniniwalaan niya ba ang mga sinabi ng doktora. Halos hindi niya pa kibuin si Randall dahil sa sakit na nadarama dulot ng mga natuklasan niya.She can't believe na magkasama ang mga ito nang isang gabi sa may baybayin. Gusto niya pa magtampo dahil sa kaalaman na nagkikita ang mga ito nang hindi niya alam.Pero ano nga ba ang karapatan niya para makadama ng ganoon? Kung aanalisahin ay mas malaking parte sa buhay ni Randall ang inokupa ni Alice. Ang tagal ng relasyon ng mga ito. Samanta
Read more
CHAPTER 36
Hindi alam ni Fiona kung paano siya nakauwi sa bahay nina Randall mula sa klinikang pinagtatrabahuan ni Alice. Pagkaalis ng sasakyan ni Randall ay wari pa siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan at hindi agad nakagalaw. Namalayan na lamang niyang basang-basa na ang kanyang mukha dahil sa pag-iyak.Mistulang wala sa sariling nilakad na lamang niya ang pauwi sa bahay nina Randall. Pagkauwi niya pa ay naroon na si Nanay Luz at abala na sa paghahanda ng kanilang hapunan. Labis pa itong nagtaka nang makita siya. Alam niya na hindi maitago ang lungkot sa kanyang mukha dahil sa nangyari.Nanay Luz asked worriedly. Hindi niya man gustong magsinungaling sa matandang babae ngunit idinahilan niya na lang na tungkol sa kanyang pamilya ang sanhi ng pagkakaganoon niya. Magalang din siyang nagpaalam dito na aakyat muna sa silid na ginagamit niya at nagdahilan pa na hindi maganda ang kanyang pakiramdam.Hindi man kumbinsido ngunit hindi na nang-usisa pa si Nanay Luz.Ngayon nga ay nasa loob lamang si
Read more
CHAPTER 37
"H-Hello..." mahinang saad ni Fiona matapos sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag niya."Fiona? Oh God! At last, I was able to talk to you. How are you? I've been waiting for your replies," mahabang bungad sa kanya ni Julia nang marinig nito ang kanyang tinig.It was already past midnight. Ni hindi niya pa sigurado kung sasagutin ng kanyang kaibigan ang tawag niya. Nagbakasakali lang siyang gising pa ito at makausap sa ganoong oras ng gabi kaya niya ito tinawagan.Hindi siya makatulog matapos ng naging takbo ng usapan nilang dalawa ni Randall. Nang makaalis ito kanina at iwan siya sa silid na iyon ay may ilang saglit pa siyang umiyak nang mag-isa. Pakiramdam niya pa ay mugto na ang kanyang mga mata dahil sa pagluhang ginawa.And she needed someone to talk to. Gusto niyang may labasan ng sama ng loob. At sa lahat ng kaibigan niya ay si Julia ang pinakamalapit sa kanya. Trisha has been her true friend as well, pero kumpara sa dalawa ay mas panatag siya na magbukas ng problema kay Jul
Read more
CHAPTER 38
Halos ilang minutong nakausap ni Fiona ang kanyang kapatid, maging ang kanilang inang si Francheska. Sa kabila ng kayrami niyang isipin ngayon sa nangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Randall ay hindi niya maiwasang magalak nang marinig niya ang mga ibinalita sa kanya ng Kuya Lucas niya.Their father, Jake, was finally okay now. Sumailalim pa muna ito ng ilang therapy dahil na rin sa matagal itong naratay dahil sa pagkaka-coma. Ganoon pa man, siniguro ng mga doktor na maayos ang lahat sa kanilang papa at walang kailangan ipag-alala. Wala daw 'di umanong pinsala sa utak ni Jake dahil sa aksidenteng nangyari dito.Ikinatuwa niya ang mga nalaman, iyon ay sa kabila ng katotohanan na nakadarama siya ng lungkot dahil sa nangyayari sa sarili niyang buhay.Paglipas ng ilang saglit ay nagpaalam na rin ang kanyang ina at kapatid. Gustuhin niya mang makausap ang kanyang ama ay kasalukuyan daw itong natutulog kaya hindi na siya nagpumilit pa.Naputol na ang tawag at hawak na lamang ni Fiona sa
Read more
CHAPTER 39
Pagkarating nila sa ospital ay agad na dinala sa may emergency room si Tatay Lando. Dahil sa isa ding doktor at kakilala ni Alice ang ilang naka-duty roon ay sumama ang dalaga hanggang sa loob ng ER.Si Fiona ay naiwan lamang sa labas kasama sina Randall at Jack. Bakas sa mukha ng dalawang lalaki ang labis na pag-aalala para sa abuelo ng mga ito. Nakasandal si Randall sa sementadong dingding ng ospital habang si Jack naman ay nakaupo sa mahabang bangko na nasa may waiting area. Ilang hakbang ang layo niyon mula sa lugar na piniling paghintayan ng kanyang kasintahan.Fiona walked towards him. Tumayo siya sa mismong tabi ni Randall kasabay ng pag-abot niya sa isang kamay nito. She made their fingers intertwined. Ang ginawa niya ay nagpangyari para lumingon sa kanya ang binata. Nasa mukha pa rin ni Randall ang pag-aalala para kay Tatay Lando ngunit nang maramdaman nito ang paghawak niya ay waring umaliwalas ang ekspresyon ng mukha nito.She smiled softly at him. "H-He will be fine," saad
Read more
CHAPTER 40
Sunod-sunod na pagmumura ang namutawi mula kay Randall nang ilang ulit pang nagpaputok ng baril sa kanila ang kung sino mang nasa loob ng sasakyang nasa kanilang likuran. Alam niyang nagsanhi na ng pinsala sa kanyang kotse ang mga patama ng mga ito.But the hell if he cares! Mas nakadarama siya ng pangamba para kay Fiona kumpara sa ano pa mang bagay.Mas binilisan niya pa ang kanyang pagmamaneho. Gusto niya pang makadama ng galit para sa kanyang sarili sapagkat nang mga oras na iyon ay hindi niya bitbit ang kanyang baril. Dahil sa labis na pag-aalala para kay Tatay Lando ay hindi na niya naisip pang kunin ang naturang bagay sa loob ng kanyang silid."Oh my God, Randall! What is happening?!" gimbal na saad ni Alice na ngayon ay nakayuko sa may backseat.Ni hindi niya pinansin ang paghihisterya nito. He got his phone from his pocket and immediately dialed a number. Numero iyon ng police station na hindi nalalayo sa kanilang barangay. Alam niya na agad silang marerespondehan ng mga nakat
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status