All Chapters of Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion: Chapter 31 - Chapter 40
43 Chapters
Chapter 30
NAKAYUKO si Maria, nakakuyom ang mga kamao na nakatago sa ilalim ng mesa. Walang ideyang pumapasok sa isip niya kung ano ang dapat sabihin kay Syete. Napagpasyahan niyang dalawin ito bago siya umuwi sa kanilang probinsya. Tutol ang isipan niya sa desisyong ito ngunit hindi niya matiis ang puso. Gulat na gulat ito ng makita siya. Mag-isa siyang dumalaw, ni hindi niya sinabihan ang kanyang abogado pati na si Tari kung saan ang punta niya. Hindi niya magawang matitigan sa mata ang binata, samantalang ramdam niya ang titig nito mula n'ong makita siya nito. "Ku-Kumusta si baby?" Tumikhim pa ito ng ilang ulit, binasag ang katahimikan. Nasa loob sila ng isang silid, nakaupo sa magkaharap na silya na pinapagitnaan ng lamesa. Huminga siya ng malalim bago tinatagan ang kalooban, tumingin sa mga mata nito. Hinaplos niya ang tiyan. "Ayos lang siya, malusog at walang problema.""Hindi ka ba niya pinapahirapan?" Nangangalumata ito, itim a
Read more
Chapter 31
KAHIT NA BUNTIS ay nagawa pa rin niyang tumakbo papasok sa morgue kung nasaan ang bangkay ni Doktora Elena. Pagkarating na pagkarating sa Baguio ay agad silang tumuloy doon. Naabutan niya ang mga papalabas na pulis. Hindi niya pinansin ang mga ito at tumuloy sa kung nasaan ang labi. "Calm down," bulong ni Tari sa tabi niya. Dahan dahan siyang lumapit, nanginginig na itinaas ang kamay upang alisin ang kumot sa mukha nito. Gusto niyang masiguro na si Doktora Elena nga iyon.Napatakip siya sa bibig nang bumungad sa kanya ang mukha nito, nakapikit ang mga mata. Dumako ang tingin niya sa leeg nito. Bakas doon kung saan nakatali ang lubid. Halos matumba siya sa sobrang emosyon. Napasandal siya kay Tari, habang ito ay hinahaplos ang likod niya. Umiyak siya ng umiyak. Kahit sandali lamang niya itong nakilala ay malaki ang utang na loob niya dito. "Maricris Bayubay?" Humiwalay siya kay Tari at lumingon sa lalaking tumawag sa pangalan niya. "I'm Esquivel
Read more
Chapter 32
HINDI SIYA kumukurap. Ano pa bang mas sasakit sa tanawing nasa harap niya ngayon? Ang CCTV footage na ito na siyang laman ng unang USB ang bumuhay sa mga larawang nakita niya. Nandoon siya nakaupo sa may counter habang nakatingin sa paligid, umiinom. Isinandal niya ang ulo sa upuan hanggang sa may lalaking humila sa kanya. Naikuyom niya ang kamao nang makilalang si De Salvo iyon. Nakita niya ang pagpupumiglas niya. Tandang tanda niya pa ang gabing 'yon. Ang kuha ng CCTV ay sa labas lamang ng VIP room. Ilang sandali ay lumabas ang apat na mga lalaki. Halos dumugo na ang kanyang labi sa mariing pagkagat doon. Una niyang nakita si Syete, halos hindi na tuwid ang paglakad nito. Gumegewang. Kasunod nito sina Lhexino, Estefan at Maquir. Nagtatawanan ang magkakaibigan, nag-usap usap sa labas ng silid. Kahit na parang pinupunit ang kanyang puso sa sakit ng pagtuklas sa katotohanan ay mas nananaig ang kagustuhan niyang malaman ang mga pangyayaring hind
Read more
Chapter 33
UMIIYAK itong nagsalita. Taimtim niyang pinakinggan ang bawat sinasabi nito."I was broken that time. Halos gumuho ang mundo ko dahil wala na sa'kin si Princess. Hindi ko kayang mag-isa 'nong gabi na 'yon. I need a companion who will ease the pain that I am feeling. We own a bar, a place we considered as second home in the times of sadness. De Salvo, Tiangco and Spañano are my only friends aside from my brothers." Umalis ito sa pagkakasandal sa kanyang hita at tulalang tumingin sa pader. Tila naglalakbay ang isip nito. Hindi siya kumibo. "I trusted them like brothers, but little did I know that De Salvo envious what I have. He sees me as his competition. 'Nong gabi na 'yon lasing na lasing ako, gusto ko nalang mamatay sa sakit," yumuko ito upang itago ang panginginig ng mga labi at pag-iyak. "Sa-Sabi nila kailangan ko ng babaeng magpapalimot sa'kin sa sakit. Sabi nila kukuha sila ng babaeng magpapasaya sa'kin. I agreed. Sino ba namang tatangging maging m
Read more
Chapter 34
NASA IISANG BUBONG sila kasama ang pamilya Castillion, kasama niya rin na lumipat ay si Attorney Allegron. Nasa theater room silang lahat, pinapanood ang latest balita. Nakangisi ang magkakapatid pati ang kanilang ina habang pinapanood ang pag-aresto sa ama ni Maquir Spañano. Halatang gustong gusto ng mga ito ang naging resulta. Siya ay tahimik sa huling parte ng mga upuan. Masama man pero nagbubunyi din ang kalooban niya dahil unti unting nababawasan ang alalahanin niya. "Former Vice President Marquez Spañano, arestado sa salang pagpatay sa dating Gobernador Renaldo Moya."Sa mga nakikita niya ngayon, napatunayan niyang tunay na makapangyarihan ang pamilya ni Syete. Ang sinumang babangga dito ay hinding hindi magtatagumpay. Hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya ng pamilya. Kahit na nagkalamat ang samahan dahil sa mga nangyayari sa kanila ng bunso ng pamilya ay hindi siya pinakitaan ng mga ito ng masama. Isa sa mga bagay na hina
Read more
Chapter 35
IPINAGAMOT nila ang tatlong magkakaibigan. At nang lumipas ang halos isang buwan ay hinabla nila sa korte ang mga ebidensyang hawak nila. Siniguro ng pamilya na mananalo sila sa kaso, alam nilang nasa katarungan sila ngunit nais nilang masiguro ang parusa sa tatlo. Wala silang narinig na paglaban sa kabilang panig dahil alam ng mga ito na mas lalong masisira ang pamilya ng mga ito kapag ipinagpatuloy ang paglaban sa kanila. Alam nilang kinikimkim ng mga ito ang galit ngunit hindi na iyon mahalaga, ang importante ay makulong ang mga ito at mapababa ang sentensya kay Syete. Hanggang sa sumapit ang huling hearing sa korte. Kahit na lumalaki na ang kanyang tiyan ay kailangan niya pa ring tunghayan ang kanilang laban. Tahimik silang nakaupo, katabi niya ang kanyang mga magulang, samantalang sa kaliwang bahagi nandoon ang pamilya Castillion at ang iba pang akusado. Kahit na alam na nila ang nangyari ay kasama pa rin sa mga akusado si Syete
Read more
Epilogue
AFTER THREE YEARS.SUMILAY ANG masayang ngiti ni Syete. Pumikit siya at idinipa ang mga kamay habang hinahayaang tumama sa kanya ang hangin sa labas ng bilangguan. "This is freedom," he shouted. Ngayon ang araw ng kanyang paglaya. Nakatayo siya sa harap ng Bilibid prison. May dumaang sasakyan sa kanyang harapan, hindi pa man 'yon tuluyang pumaparada ay agad na bumukas at nagsilabasan ang mga barako niyang mga kapatid. Tumakbo ang mga ito papalapit sa kanya, sabay sabay siyang dinamba ng yakap ng kanyang mga kuya. "Bunso," mangiyak ngiyak na sambit ng kanyang Kuya Singko. Suminghot singhot pa ito. Nagtawanan sila, hindi rin niya napigilan ang pangingilid ng luha dahil pula ang mga mata ng mga ito at naiiyak din. "The long wait is over. Malaya ka na." Tinapik ng kanyang Kuya First ang balikat niya. "Oo nga kuya." Niyakap niya ito ng mahigpit. Kinuha naman ni Kwatro ang bag na dala niya at papeles na nagpapatunay na laya n
Read more
Special Chapter
HINDI MAPIGILAN ni Mari ang kanyang mga luha habang naglalakad sa aisle. Gusto niyang matawa sa ayos ni Syete ngunit mas nangibabaw sa kanya ang samo't saring emosyon. Lahat ng kanilang pinagdaanan ay isa isa bumalik sa kanyang alaala. Sinong mag-aakala na ang labis na kaligayahan ay nasa dulo ng mga pagkasawi at paghihirap nila? Muntik na siyang sumuko, muntik na niyang bitawan ang kanyang pag-ibig para sa kanyang magiging asawa. Ngunit dahil sa gabay ng Panginoon mas pinili niyang lumaban, hindi niya pinagsisisihan ang pagpapatuloy sa laban. Dahil kung sumuko siya wala siya ngayon sa gitna ng swimming pool. Naglalakad sa aisle habang naghihintay sa dulo ang lalaking pinakamamahal niya. Nakangiti siya habang ang mga luha patuloy sa pag-agos. Wala nang puwang sa puso nila ang lungkot at sakit, tapos na sila sa pahinang iyon ng kanilang buhay. At sa pagsisimula nila bilang mag-asawa, alam niyang may panibagong pagsubok pero maipapangako niyang malalagpas
Read more
Special Chapter II
TWENTY YEARS na silang mag-asawa ngunit 'yong pakiramdam na maglakad sa aisle ay parang unang beses niyang ikakasal. She never imagined being married multiple times with the same man. Mas lalong yumabong ang kanilang pagmamahalan sa bawat paglipas ng panahon. Ito na ang ikatlong beses na ikakasal siya kay Syete. N'ong pangalawa ito naman ang nagsurprise wedding sa kanya at siya naman ang hindi handa. Ten years ago ay ikinasal sila sa hill top ng Baguio kung saan sila unang trekking at mountain climbing. Ngayong ikatlo ay pareho nilang pinaghandaan. Noong una nagdalawang isip siya dahil sa gastos, tutal ganap na naman silang mag-asawa. Ngunit nagpumilit si Syete. Gusto nito kung maaari bawat paglipas ng dekada magpakasal sila. Gusto nitong sa bawat wedding anniversary nila magkakaroon ng vow. Rason nito, isa 'yon sa paraan ng kanyang asawa na ipangalandakang ni minsan hindi nawala ang pagmamahal nito sa kanya. Marami silang natutunan sa maraming taong lu
Read more
Seve Mario Castillion
Patios' POV"ANONG akala niya siya ang pinakamagaling na basketball player sa buong school? Porket dala niya ang pangalan ng pamilya niya? The nerve of that Castillion guy," asik ko. Hindi ko mapigilan na mairita dahil sa klase ng pagtanggi niya sa alok ko na maging player ng basketball team ng school. Padabog kung idinit ang flyer sa bulletin board kung saan nakalagay na may basketball try out na gaganapin para sa bagong mga member ng basketball team ng UED. UED stands for University of Elite and Dreamers, 'yon ang pangalan ng university namin. Habang naman ang assistant coach na naka-assign para sa recruitment. I'm Patrizia Tiona De Alcaraza, known as Patios in this university. I'm first year college taking Bachelor of Fine Arts but I planned to shift course to Bachelor of Fine Arts in Ceramics next semester."Balita ko magaling naman talaga siya," sabi ni Eli.Elinia Peachy Samaniego is my best friend. Kasama ko siya ngayon sa pagdid
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status